Tulog si Yuna habang nasa byahe sila papuntang Baguio. Si Clay lang ang nagmamaneho. Wala itong kinuhang driver. Hinayaan lang ni Clay na matulog si Yuna. Alam niyang pagod ito dahil sa sunud-sunod na nangyari sa kanila. Dahil mahimbing ang tulog ni Yuna, hindi na nito namalayan kung gaano kabilis magpatakbo ng sasakyan si Clay. Ilang kilometro na lang ang layo nila sa Baguio. Pumarada si Clay panandalian at nilabas niya ang kanyang cellphone. Pangiti-ngiti niyang binuksan ang camera nito at kinuhanan niya ng larawan si Yuna habang tulog.
“My sleeping beauty while on our way to Baguio!” Sabay post ni Clay sa instagram account niya. Iniipit niya ang kanyang sariling tawa. Nang ibalik na niyang muli ang kanyang cellphone sa bulsa tumunog ito. Nakita niya kaagad ang pangalan ni Charles.
“Why is he calling me?” Gumalaw ang katawan ni Yuna dahil sa ingay. Sinagot na lang ni Clay ang tawag.
“Yes?” bungad niya kay Charles.
“I’m on my way there,” sagot naman agad ng kanyang kapatid.
“Seriously? But why? What do you want?” Ang saya na nararamdaman ni Clay ay napalitan ng galit. Maingat siyang bumaba sa kanyang kotse upang hindi niya maistorbo ang tulog ni Yuna.
“You need me, brother!” paliwanag ni Charles.
“I need you? No, I don’t need you!” prangkang sagot ni Clay.
“Hey, I know there’s a lot of misunderstanding between us. But right now, you need me. I saw the news. I can help you and Yuna, to prove your relationship is true.”
“What are you talking about?”
“Magazine,” matipid na sagot ni Charles kay Clay. At saka sumagi sa isipan ni Clay na si Charles ay may-ari nga pala ng isang Magazine Publicity at Publishing Company. Minsan na rin siyang naging modelo ng magazine ni Charles.
“Sounds interesting, right?” dugtong pa ni Charles. Huminga nang malalim si Clay.
“Okay, this time, I will listen and cooperate with you. What is your plan?” Tinanggap ni Clay ang alok ni Charles. Isa pa, napagtanto niyang walang kinalaman si Charles sa gustong sumira sa kanila ni Yuna sa social media. Isa na lang ang taong iniisip niya, si Sandra. Ngumiti naman si Charles habang nagmamaneho dahil ang totoong pakay niya rin ay ang manmanan din silang dalawa.
“Photoshoot. Then, let’s release it to the market so everyone can see that your relationship with Yuna is real.”
“Alright!” sagot lang ni Clay at sabay putol niya sa komunikasyon nilang dalawa ni Charles.
Hinayaan na lang ni Charles dahil mas binigyan niyang pansin ang kanyang pagmamaneho. Walang kaalam-alam si Yuna sa susunod na mangyayari sa kanila. Sa pagpasok muli ni Clay sa sasakyan sabay unat ng mga kamay ni Yuna. Nagmulat ang mga mata nito. Nang masilayan nito ang kapaligiran siya ay nagulat.
“Are you surprise?” tanong ni Clay. Isang sulyap lang ang ginawa ni Yuna, pagkatapos tumagilid na itong muli at pumikit.
“Aba!” dugtong ni Clay at hinila niya ang braso ni Yuna paharap sa kanya.
“Ano ba? Matutulog na lang ako ulit kaysa makipag-usap sa ‘yo.”
“Wala naman akong sinabing masama ‘di ba? Bakit ka nagkaganyan? Magiging mabait na sana ako sa ‘yo, kaso sinusungitan mo na naman ako. Baba!” utos ni Clay. Nagulat si Yuna nang utusan siya ng binata.
“Bababa talaga ako. Pwede naman akong mag-abang ng bus diyan para makabalik na sa amin,” galit na sagot ni Yuna at sabay bukas niya sa pintuan ng kotse ni Clay, pabagsak niyang sinara ang pinto. Sumunod si Clay at bigla na lang niyang hinagis ang susi ng kanyang kotse kay Yuna. Nasalo naman ng dalaga.
“Who said you’re going to take a bus? Ikaw naman ang mag-drive. Alam kong marunong kang magmaneho dahil iniwan ng Daddy mo ang kotse mo sa bakuran ng bahay.”
“Ayoko! Hindi ako sanay sa ganitong daan,” paliwanag ni Yuna.
“Whatever!” sagot kaagad ni Clay at umupo siya sa pwesto ni Yuna.
Padabog na naglakad si Yuna papasok sa ng sasakyan. Pinaandar niya ito.
“Mahal mo ba ang buhay mo?” Naisip ni Yuna na takutin si Clay para ang binata na lang ang magmaneho. Subalit walang naging epekto ito sa binata.
“I’m sure na mahal mo din ang buhay mo kaya hindi ka gagawa ng ikakapahamak natin, right?”
“Tsk!”
“You thought you could scare me. Magsimula ka nang magmaneho,” ani Clay. Sumandal ang ulo ni Clay sa upuan at pinikit niya ang kanyang mga mata. Pinipigilan naman ni Yuna ang kanyang sarili para hindi niya masapok ang binata. Ngunit, muli ay nakaisip ng paraan si Yuna. Pinatakbo niya nga ang sasakyan pero kasing bagal ng pagong.
“Parang dinuduyan ako. Lumilindol ba?” Sumagi sa isipan ni Clay at sabay mulat ng kanyang mga mata. Nakita niya kaagad kung gaano kabagal ang takbo ng kanyang sasakyan. Napaawang ang kanyang bibig. Dahan-dahan niyang nilingon si Yuna habang ang kanyang mga mata ay hindi kumukurap.
“Ibang klase ka talaga,” ani Clay habang mabagal din umiling-iling ang kanyang ulo.
“What’s wrong? Mahal ko ang buhay ko. Mahal mo din ang buhay mo, ‘di ba? Okay na ang ganito para safe,” hagikgik na sabi ni Yuna. Nagsimulang tumaas ang nguso ni Clay habang magkadikit na ang kanyang dalawang kilay.
“Oh, don’t tell me na aawayin mo ako. I’ve told you, hindi ako sanay sa ganitong daan, okay! Kung gusto mo ako ang magmaneho, magtiis ka!” At saka humahalakhak na parang demonyita si Yuna. Uminit ang katawan ni Clay sa sobrang pikon.
“Itabi mo na nga, ako na lang ang magda-drive.” Mas mabilis pa sa segundo ang ginawang pagtabi ni Yuna sa sasakyan. Mabilis din siyang nakaalis sa upuan at siya pa ang nagbukas ng pintuan kung saan banda nakaupo si Clay.
“Pwede ka nang bumaba at simulan mong muli ang iyong pagmamaneho,” patawa-tawa na sabi ni Yuna. Huminga nang malalim si Clay at siya ay bumaba. Tiningnan niya ng masama ang dalaga.
“Araw mo ngayon. Sige, hintay ka lang makakaganti ako sa ‘yo!” bulong na sabi ni Clay habang humahakbang ang kanyang mga paa pabalik muli sa kanyang pwesto sa loob ng sasakyan.
At saka niya pinaharurot kaagad ang kanyang sasakyan. Walang pakialam si Yuna, binuksan niya ang bintana at nilanghap ang simoy ng hangin habang paakyat na sila sa daan na patungo sa Baguio. Nag-iisip ng paraan si Clay para mainis si Yuna. Hindi siya papayag na matalo ng dalaga, hanggang sa sumagi na sa kanyang isipan ang larawan ni Yuna habang tulog ito. Tumawa nang malakas si Clay. Nagtaka si Yuna at nilingon niyo ito.
“Ha? Psycho talaga!” Sa sinabi ni Yuna ay mas lalong humalakhak si Clay.
“Ano’ng nangyayari sa ‘yo?” Maingat tinulak-tulak ni Yuna ang braso ni Clay dahil nagmamaneho ito.
“Why? I’m happy! Is there anything wrong with that?”
“Yes, I think you’re crazy!”
“What?” Nagbago muli ang ukit ng mukha ni Clay.
“See. You’re happy then suddenly you get mad,” paliwanag ni Yuna.
“Bahala ka na nga. Check mo na lang instagram mo, may bago akong post. Ikaw na ang bahala kung bibigyan mo pa ito ng comment.”
Kaagad kinuha ni Yuna ang kanyang cellphone na nasa loob ng handbag. Binuksan niya ang kanyang instagram account. Nakita niya kaagad ang kanyang larawan na natutulog dahil, naka-tag siya kay Clay. Pinigilan ni Yuna ang kanyang inis na nararamdaman.
“Sabi ko na nga ba e, may lihim na pagtingin ka sa akin,” bulalas bigla ni Yuna sa kanyang katabi na iniipit ang ngiti nito.
“What? Me? You’re considering me as your secret lover?”
“So, what’s the meaning of this? You’re watching me while I’m sleeping!” Nagsimula na naman magbangayan si Clay at Yuna. Walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa.
Samantala, kakatabi lang ni Sandra sa kanyang cellphone pagkatapos niyang makita ang mga picture na ibinahagi ni Clay sa instagram account nito. Dati-dati kasi, pagmulat pa lang ng mata ni Sandra, may sweet messages na siya natatanggap mula kay Clay. Subalit ngayon, iba na ang sitwasyon. May kasama ng ibang babae si Clay sa buhay nito.
“I need to get Clay’s attention again, and I have ways to keep him from noticing it. Ilalayo ko si Clay kay Yuna, hanggang sa bumalik ang dati niyang nararamdaman sa akin,” huling sabi ng isipan ni Sandra bago siya tuluyang bumangon sa kanyang higaan.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




