My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 28 – Over Protective!]

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Alas tres ng madaling araw, niyaya na ni Clay si Yuna para umalis ng Baguio. Hindi pa nga sila nakakatulog nang maayos, babalik na sila sa kanilang tahanan. Halatang nagmamadali si Clay. “Hurry up! When we get back, I’ll take you home first because I’m going somewhere else,” sabi ni Clay. Uminom siya ng malamig na tubig. Nasa kusina sila ni Yuna.

“Ang sabihin mo, You and Sandra are just going to meet, aren’t you?” Halos mabulunan si Clay sa iniinom niyang tubig.

“Paano mo nalaman?” nagtatakang tanong ni Clay.

“Nakita ko yung text niya sa ‘yo kagabi habang nag-uusap tayo,” paliwanag ni Yuna. Nakatitig din ang mga mata niya kay Clay.

“Are you jealous?” pang-aasar ni Clay kay Yuna habang pinipisil ang bewang ni Yuna gamit ang hintuturo niya. Nakikiliti si Yuna. Tinapik ni Yuna ang kamay ni Clay.

“Jealous? Who? Me? No!” Nagsimula nang humakbang si Yuna, ngunit pinigilan siya ni Clay. Hinawakan ng binata ang kamay ni Yuna. Nagtama ang kanilang mga mata.

“Sandra and I will only meet because she just wants to clarify something with me and—”

“Good! Whatever she wants to clarify to you, just tell the truth. She’s the one you really want, right?” Nagsalita agad si Yuna base sa kanyang nararamdaman. Kahit parang nadudurog ang puso niya sa sinabi niya kay Clay alam niyang si Sandra ang gusto ng binata. Nagsalubong ang mga kilay ni Clay.

“Ano bang sinasabi mo? Nagseselos ka ba talaga?”

“Hindi ako nagseselos! I just want this lie to stop,” diretsong sabi ni Yuna. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis at nasasaktan. Natahimik si Clay. Pinag-aralan niya ang mga kilos at emosyon ni Yuna. Bigla niyang hinila ang katawan ni Yuna. Ikinulong niya si Yuna sa kanyang mga bisig.

“Ano ba, bitawan mo ako!” pakiusap ni Yuna. Kahit pilit siyang kumawala sa yakap ni Clay ay hindi niya magawa dahil sa sobrang higpit nito.

“Ang sabi ko, may lilinawin lang si Sandra sa akin. Hindi ko sinabing tatapusin na natin ang relasyon nating dalawa,” seryosong sabi ni Clay.

“S—Sa ating dalawa? Ang ating relasyon?” tanong agad ni Yuna. Naging masaya rin ang puso niya dahil sa mga sinabi ni Clay. Napansin naman agad ni Clay ang pagbabago ng reaksyon ng mukha ni Yuna.

“Oo, tayong dalawa. You’re my only pet,” biro muli ni Clay. Nainis na naman si Yuna. Nang sinubukan niyang itulak si Clay, humigpit ang yakap ni Clay sa kanya. Saka bahagyang kinagat ni Clay ang tenga ni Yuna. Naging istatwa ang katawan ni Yuna.

“Uulitin ko, may lilinawin lang sa akin si Sandra. After that, nothing else will happen,” bulong ni Clay. Tinanggal din niya ang pagkakayakap kay Yuna. Hindi sumagot si Yuna dahil naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Clay.

Samantala, may nakikinig na naman sa usapan nila. Pero, hindi sinasadya ni Charles na makita sila sa kusina. Nagmadali din siyang kumilos. Aalis na rin siya. Pakiramdam niya may gagawin na hindi maganda si Sandra. Kailangan niyang pigilan si Sandra. Kahit may gusto na si Charles kay Yuna, alam niya sa sarili niya, na nag-iibigan talaga sina Clay at Yuna. Si Yuna ang unang babaeng nagpatibok ng puso niya. Kaya gagawin ni Charles ang lahat basta masaya si Yuna, kahit si Clay ang mahal ni Yuna.

“Tay, ano sa tingin mo ang mangyayari sa kanila?”

“Hay! Pati ba naman sa babae, pareho sila ng gusto. Pero, kasal na si Clay kay Yuna kaya sa tingin ko irerespeto yun ni Charles.” Pinapanood sila ng mag-ama.

“Pero ‘tay! May kakaiba talaga kina Ate Yuna at Kuya Clay. Parang hindi sila totoong couple,” paliwanag ni Ces.

“Tigilan mo yang sinasabi mo. Napaka-chismosa mong bata ka!” Iniwan ni Mang Tonyo si Ces at bumalik sa kanyang silid para matulog muli.

“Ah, basta! Sinusubaybayan ko ang kwento nila. Sino kaya ang mananalo sa puso ni Ate Yuna?” sabi ni Ces sa sarili. At saka siya humagikgik pabalik sa kwarto niya.

MABILIS lumipas ang oras. Ang araw ay nakikita na sa langit. Alas diyes na ng umaga. Pitong oras din ang biyahe nila mula Baguio hanggang sa kanilang bahay. Pagkarating na pagkarating ng sasakyan ni Clay sa garahe ay agad na lumabas si Yuna at padabog na isinara ang pinto ng sasakyan.

“What’s wrong with her?” nakasimangot na tanong ni Clay sa sarili. Bumaba siya sa kotse niya at pumasok sa bahay. Hindi man lang niya nakita si Yuna maski ang anino nito sa sala dahil dumiretso ang dalaga sa kwarto nito.

“Nagpahinga ba siya?” tanong ni Clay sa sarili. Hindi niya masyadong pinansin ang ginawang kilos ni Yuna. Ang nasa isip niya ngayon ay si Sandra. Sa tagal na nilang magkakilala at magkasama, iyon ang unang beses na inaya siya ni Sandra. May mga iniisip na serye si Clay kung ano man ang pakay o balak ni Sandra sa kanya. Huminga siya nang malalim. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng malambot niyang jogger pants. Umakyat na rin siya sa kwarto niya at naligo.

Lumipas ang isang oras. Handa na si Clay na makipagkita kay Sandra. Lumabas din siya ng kwarto niya. Tumakbo siya pababa sa sala. Nakasuot ng slim fit na pants at black plain v-neck line t-shirt, kitang-kita ang kanyang kakisigan. Ipinatong ni Clay ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang. Tahimik sa loob ng bahay niya. Kahit saan dumapo ang mga mata niya, hindi niya makita si Yuna.

“Bibilang ako ng sampu kapag hindi ka nagpakita sa akin, susugod ako diyan sa kwarto mo!” sigaw ni Clay. Sinadya niyang taasan ang boses para marinig ni Yuna. Nagsimula na rin siyang magbilang. Ngunit, nang matapos siyang magbilang hanggang sampu, hindi pa rin sumipot si Yuna.

“Sinusubukan mo talaga ako,” bulong ni Clay. Sa paghakbang ng kanyang paa ay bumungad sa hagdan ang imahe ni Yuna.

Si Yuna ay nakasuot ng maikling itim na palda. Kitang-kita ang maputi at makinis niyang balat. At ang nakadagdag sa alindog niya ay ang pang-itaas na suot niya. Kitang-kita ang kanyang flat na tiyan. Nakatali pa ang mahaba niyang buhok kaya tumambad ang leeg at batok. Naglagay din ng light make-up si Yuna para hindi siya mukhang maputla.

“At saan ka pupunta?” agad na bulalas ni Clay.

“Agreement No. 3— No need to care about our private life, right? Okay bye!” At saka nilagpasan ni Yuna si Clay.

“Teka! Teka!” awat ni Clay.

“What is it again? Hindi ba makikipagkita ka kay Sandra? So, may lakad din ako. What am I going to do here in this big house if I’m alone, right? I also have to attend to my businessess. I don’t want to play, Clay. Nasasayang na ang oras ko,” masungit na paliwanag ni Yuna.

“Na ganyan ang itsura mo? Is that what you wear when going to your businesses?

“What’s wrong with my clothes?”

“Change your clothes!” matigas na utos ni Clay.

“What? Ayoko!” protesta ni Yuna. Pero, bigla siyang binuhat ni Clay. Umakyat sila sa kwarto ni Yuna. Nang maibaba ni Clay si Yuna sa kama, bigla niyang hinubad ang pang-itaas ni Yuna. Pilit din niya itong inihiga sa kama.

“W—What are you doing?”

“If you don’t want to change your clothes, I won’t see Sandra anymore either. Tutal, gusto ng mga magulang natin na magka-apo, why don’t we just do that?” seryosong sabi ni Clay. Nanlaki ang mata ni Yuna. Hindi siya makapagsalita. Hanggang sa dahan-dahang lumapit ang mga labi ni Clay sa kanyang leeg. Napapikit ang mga mata ni Yuna.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 28 – Over Protective!]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.