Mabilis na lumabas si Yuna sa bakuran kung saan naroon ang kanyang sasakyan. Hindi alam ni Yuna kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanyang nararamdaman. Magagalit ba siya o matutuwa sa nangyari? Galit siguro ang nararamdaman niya dahil hindi siya makalayo kay Clay. Pero masaya din dahil kahit papaano ay hindi nakakalimutan ni Clay ang limitasyon ng kanilang relasyon. Nanatili pa rin ang respeto ni Clay sa kanya. Pagbukas ni Yuna ng pinto ng kotse niya ay agad siyang hinarangan ni Clay. Sumandal pa si Clay sa pinto ng sasakyan. Aasarin na naman siya ni Clay.
“What else do you want? Hindi mo ba talaga ako titigilan?” masungit na tanong ni Yuna. Ngumiti lang si Clay.
“Aren’t you going to kiss me before you leave? Isn’t that what a wife does, right?” pang-aasar ni Clay. Nabibingi ang tenga ni Yuna sa narinig. Naiinis na naman siya kay Clay. Nakasimangot lang ang mukha niya. At saka niya tinulak si Clay. Sumakay siya sa kanyang sasakyan nang walang sabi-sabi. Hinayaan lang siya ni Clay. Ibinaba ni Yuna ang bintana ng kanyang sasakyan.
“What? Have you thought about coming with me? You know I’m just worried about you. Baka may mangyari sa iyong masama sa daan ‘di ba? Kasalanan ko pa! And didn’t I promise you that even though we have an agreement, I will take care of you and not leave you,” nakangiting sabi ni Clay. Tumaas baba pa ang kilay niya.
“Kinikilabutan ako sa’yo! Gusto ko lang sabihin na tumabi ka. We can’t go together. We have our own way. We have to respect that, okay?”
“Kiss muna!” biro muli ni Clay habang nakaturo sa pisngi niya. Nairita si Yuna sa kinikilos ni Clay.
“Nasisiraan ka na ng bait! Bye!” At pinaandar na ni Yuna ang kanyang sasakyan. Pagkasara ng bintana ng sasakyan niya ay nakatingin pa rin siya kay Clay sa side mirror. Nanatili lang na nakatayo ang binata habang pinagmamasdan ang sasakyan niya na papaalis. Napailing si Yuna at napangiti dahil hinintay siya ni Clay na umalis. Nagustuhan iyon ni Yuna. Samantala, nang umalis si Clay. Tumunog ang kanyang cellphone.
“I will wait at Gregory’s Restaurant. Just near your house. Where are you now?” mensahe ni Nagreply na lang si Clay sa mensahe ni Sandra. Pinaandar na rin niya ang kotse niya. Sinagot ni Sandra ang message ni Clay, pero hindi ito binuksan ng binata dahil hinahanap ng kanyang mga mata ang sasakyan ni Yuna sa kalsada. Nabigo siyang makita ito.
Sandra. Ang kaninang masayang aura ni Clay ay napalitan ng pagiging suplado.
“Gregory’s restaurant?” bulong ng isip ni Clay.
“I’m on my way. See you there!” Binuksan na lang ni Clay ang waze ng kanyang cell phone para hanapin ang Gregory’s Restaurant. Sampung kilometro ang layo nito at matatagpuan sa highway. Naintindihan naman agad ni Clay kung bakit iyon ang lugar na pinili ni Sandra. Walang masyadong tao. Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Clay. Agad niyang nakita ang sasakyan ni Sandra. Huminga nang malalim si Clay. Agad siyang bumaba at pumunta sa kotse ni Sandra. Ibinaba ni Sandra ang bintana ng sasakyan at ngumiti kay Clay.
“Ano pa ang hinihintay mo? Why haven’t you come down yet?” tanong agad ni Clay kay Sandra.
“Huh? Hindi mo ba bubuksan ang pinto ng kotse ko tulad ng dati?” sagot ni Sandra. At saka naisip ni Clay, hindi lang pala niya mahal si Sandra noon, nagpa-alipin din siya.
“Now that I have a wife, I can no longer help you. Baka may makakita pa sa atin at gumawa ng isyu. You can do it all by yourself. Your car door is not heavy enough to make it difficult for you. I’ll go inside. Hintayin na lang kita doon!” Tumalikod na si Clay. Galit na hinila ni Sandra ang bag niya sa upuan.
“Hanggang ngayon ka lang ganyan sa akin, Clay. Darating ang araw na lalambot muli ang puso mo sa akin. Hindi kita titigilan. Babawiin kita kay Yuna!” sabi ni Sandra. Ang hindi nila alam, nakaparada na rin ang sasakyan ni Charles sa isang tabi. Malinaw niyang nakikita ang loob ng restaurant dahil ang dingding nito ay gawa sa salamin.
“What are you planning, Sandra? Mas masasaktan ka lang sa ginagawa mo!” Pinagmasdan lang ni Charles si Sandra habang papasok sa restaurant. Hanggang sa umupo si Sandra sa tapat ni Clay. Nanatili lang si Charles sa loob ng sasakyan para panoorin ang sitwasyon nila. Sakto naman na wala pang tao sa loob ng restaurant.
“Hindi ako magtatagal. Tell me what you want to clarify,” diretsong sabi ni Clay habang naka-krus ang kanyang kamay.
“C—Can we eat first, because I haven’t eaten yet,” pakiusap ni Sandra.
“It’s your choice!” Napatitig si Clay kay Sandra. Halata ni Clay na pinaghandaan ni Sandra ang kanilang pagkikita. Nakasuot si Sandra ng maikling damit. Kitang-kita rin ang buong likod nito. Biglang humagalpak ng tawa si Clay habang patuloy niyang pinagmamasdan si Sandra dahil, pumasok sa isip niya ang eksenang nangyari sa pagitan nila ni Yuna. Nang pilitin niya si Yuna na magpalit ng damit.
“W—what’s wrong?”
“Nothing! Go ahead, order your food. Don’t worry about me,” simpleng sagot ni Clay. Itinaas ni Clay ang kanyang kamay sa isang waiter. Umorder si Sandra ng pagkain. Si Clay naman ay hindi. Gusto lang niyang malaman kung ano ang gustong linawin ni Sandra sa kanya. Para kung hindi niya magustuhan ang sasabihin ni Sandra ay pwede na lang niyang iwan ito sa loob ng restaurant.
“Say what you have to say to me, while you wait for your food,” wika pa rin ni Clay.
“Hhmm.. Congratulations again on your marriage with Yuna.”
“Well, thank you! Is that all?”
“No, I’m sorry too! Kung sa tingin mo ay pasaway ako nitong mga nakaraang araw. I’m just really surprised and I’m not used to the way you’ve treated me.”
“Nagbabago ang lahat ng tao at sitwasyon, Sandra,” seryosong sagot ni Clay.
“I know! But…”
“But what?”
“Can I be with you even if you have a wife? I mean, even if you are married, can we still have our old relationship? Like, brother and sister?” Diretso ang pagsasalita ni Sandra. Sasagot na sana si Clay nang biglang may pabagsak na naglagay ng dalawang platong may pagkain sa mesa nila. Tumalsik ang sauce sa damit ni Sandra. Nainis si Sandra at tumayo siya para harapin ang waiter. Pero nagulat siya, lalo na si Clay.
“Y-Yu-Yuna?” nauutal na wika ni Clay.
“What are you doing here? I don’t remember na invited ka sa pagkikita namin ni Clay,” agad na sabi ni Sandra habang nadudurog ang kanyang puso. Hindi niya inaasahan ang presensya ni Yuna. Alam niyang hindi na naman siya papansinin ni Clay.
“Yes, you’re right! You didn’t invite me, but I’m the owner of this restaurant. One of my branches. Is there something wrong? No worries, I won’t disturb you and Clay. You can stay here as long as you want and don’t pay!” mataray na sagot ni Yuna. Isang mainit na tensyon ang nabuo sa pagitan nila.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




