My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 30 – Uncontrollable: Part 2]

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Hindi alam ni Clay kung ano ang unang gagawin, nang magkaharap sina Yuna at Sandra. Naging blangko ang isip niya sa hindi niya malamang dahilan. Hanggang sa tumalikod na si Yuna sa kanila ni Sandra. Bumalik lang sa normal ang isipan ni Clay nang marinig niyang tinawag ni Yuna ang pangalan ni Charles.

Nakatayo talaga si Charles sa harap ni Yuna. Nagkunwari din si Charles na hindi niya sinasadyang makita si Yuna. Naisip agad ni Yuna sina Clay at Sandra. Hinila ni Yuna ang magkabilang kamay ni Charles palayo sa kinaroroonan nina Clay at Sandra. Sumenyas ang kamay ni Yuna kay Clay. Pinapaalis niya si Clay kasama si Sandra. Nagdilim ang paningin ni Clay. Hindi niya talaga gusto ang mga kinikilos ni Yuna.

“What are you doing here?” tanong ni Yuna kay Charles.

“I was going to visit you and Clay when I found out from Mang Tonyo that you have returned to your house. Nagutom lang ako kaya huminto muna ako sa restaurant na ‘to. How about you? Anong ginagawa mo dito?” Magaling din magpanggap si Charles.

“Ah— I’m the owner of this restaurant,” nakangiting sagot ni Yuna habang patuloy siya sa pagsenyas kay Clay.

“I’m sure masarap ang pagkain dito kasi ikaw mismo ang nagluluto,” pagpuri ni Charles.

“Gusto mo bang matikman ang luto ko? Let’s go to the kitchen, I’ll also show you how to cook,” anyaya ni Yuna kay Charles na akala niya ay mailalayo niya ito kina Clay at Sandra. Ngumiti si Charles. Susunod lang siya sa gustong mangyari ni Yuna. Ito na rin ang pagkakataon niya para suriing mabuti ang tunay na nararamdaman ni Clay para kina Yuna at Sandra.

“Tingnan natin kung ano ang gagawin mo ngayon, Clay!” bulong ng isip ni Charles habang galit na galit si Clay sa nakikita. Hindi na rin niya pinapansin si Sandra kahit kinakausap pa siya nito.

Nang humakbang ang paa ni Yuna, hindi niya napansin ang paghakbang din ng paa ni Charles. Nagbanggaan ang mga paa nila at nawalan ng balanse ang katawan ni Yuna. Bago pa matumba si Yuna ay agad siyang sinalo ni Charles. Hinawakan niya nang mahigpit ang bewang ni Yuna at nagkalapit ang kanilang mga mukha.

Nanlaki ang mata ni Yuna. Kumabog ang dibdib ni Charles. Hindi nila parehong inaasahan ang nangyari. Mabilis tumayo si Clay at gumawa ng malalaking hakbang gamit ang kanyang mga paa. Sumunod naman si Sandra. Pinigilan niya si Clay. Pero, walang narinig si Clay. Hinila niya ang balikat ni Charles. Biglang nabitawan ni Charles si Yuna. Mabilis ding sinalo ni Clay si Yuna at niyakap ito nang mahigpit.

“Clay?” Nagkunwari na naman si Charles.

“Sandra?” Binanggit din niya ang pangalan ni Sandra nang makita niya ito.

“Narinig ko lahat ng usapan niyo ni Yuna. From now on, don’t visit our house. And for you, Sandra. We can’t go back to the way we used to be before. Both of you can go now!”

“But, Clay…”

“Get out! Leave us alone!” galit na sabi ni Clay. Ramdam ni Yuna ang galit sa puso ni Clay dahil sa tindi ng kabog nito. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang gagawin, pero niyakap niya si Clay para pakalmahin ang nararamdaman nito. Ngunit, sarado ang isip at puso ni Clay sa mga oras na iyon.

“What is your problem? Why are you so angry? Wala naman kaming ginagawang masama ni Yuna,” paliwanag ni Charles. Sinadya niya talagang kalabanin si Clay. May dahilan siya kung bakit niya gustong gawin iyon.

Nagulat si Yuna dahil hindi inaasahan na sasagot si Charles. Umiling si Yuna. Gusto niyang pigilan si Charles pero walang boses na lumalabas sa bibig niya. Alam ni Yuna na mabilis mawalan ng pasensya si Clay kahit ilang araw pa lang silang magkasama. Hinawakan naman ni Sandra ang braso ni Charles. Sinubukan ni Sandra na hilahin si Charles palabas ng restaurant ngunit, inalis lang ni Charles ang kamay ni Sandra sa kanyang braso.

“Sigurado ka ba sa tanong mo? What is my problem? You two are my problem! You keep appearing in front of me. Dapat ako ang nagtatanong sa inyo, ‘di ba? What do you two want? I have made it clear to you about our relationship. Are you still in doubt?” Dire-diretso sa pagsasalita si Clay.

“Please stop!” pakiusap ni Yuna kay Clay. Pero, galit na hinarap siya ni Clay. Mahigpit na hinawakan ni Clay ang kamay ni Yuna.

“Bakit mo ako pinipigilan? Are you on his side?” Kitang-kita sa mga mata ni Clay ang galit. Para silang nagniningas na apoy. Sinubukan ni Yuna na hilahin ang kamay niya pero mahigpit talaga ang hawak ni Clay.

“Let go of my hand, I’m hurting! It’s not that I’m on Charles’ side, we can all talk calmly,” paliwanag ni Yuna. Hindi pa rin binibitawan ni Clay ang kamay ni Yuna. Nakatitig lang siya kay Yuna. Hanggang sa lumapit si Charles sa kanila. Alam ni Charles ang tungkol sa kanilang kasunduan, kaya hindi siya papayag na maging makasarili si Clay. Hinila ni Charles si Yuna.

“What do you think you’re doing? Based on what I know, you have no right to do this to Yuna,” seryosong wika ni Charles.

“Based on what you know?” bulong ng isip ni Sandra. Naguluhan siya sa sinabi ni Charles. Nagkatitigan naman ang mga mata ng magkapatid habang hawak nila ang magkabilang kamay ni Yuna.

“Please, don’t fight!” utos ni Yuna. At saka siya umiyak. Inalis ni Clay ang kamay ni Charles na nakahawak sa kabilang kamay ni Yuna.

“You know nothing, Charles! So don’t interfere in our lives!” mariing sabi ni Clay kay Charles. At pagkatapos, hinila ni Clay si Yuna palabas ng restaurant papunta sa kanyang sasakyan. Galit niyang binuksan ang pinto at umupo kasama si Yuna. Naiwan sina Charles at Sandra.

Napatunayan ni Charles na may totoong nararamdaman si Clay para kay Yuna. Alam na niya sa sarili niya na hinding-hindi papakawalan ni Clay si Yuna. Ngunit, hindi inaalis ni Charles ang kaunting pag-asa sa kanyang puso na maghihiwalay sina Clay at Yuna. Hindi kasi alam ni Charles kung ano talaga ang nararamdaman ni Yuna para kay Clay. Samantala, clueless pa rin si Sandra sa mga nangyayari. Lalo na, kasali na rin si Charles sa gumugulo sa relasyon nina Clay at Yuna. Tahimik lang nanonood ang mga tauhan ni Yuna sa restaurant.

Sa gitna ng kaguluhan, hindi nila alam na may isang taong nagmamatyag sa kanila. Isang taong nagbabantay kay Yuna.

“The day will come when I will get my revenge on you, Clay Clifford. I should be the only one who owns Yuna!” sabi ni Lawrence. At pagkatapos, ngumiti siya na parang ngiti ng demonyo. Ngiti na may masamang balak.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 30 – Uncontrollable: Part 2]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.