My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 37: The Bad News]

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

“Ma’am Yuna, kumakalat po sa social media na ang pagpapakasal niyo ni Sir Clay ay isang kasunduan lang. Marami ring negative feedbacks at comments. Nasisira ang image niyo ni Sir Clay,” paliwanag ng empleyado ni Yuna na nasa kabilang linya.

“W—What?”

“Check the pictures on social media po, Ma’am Yuna, marami po ang naniniwala na ang kasal niyo ay kasunduan lang dahil may mga pirma pa!” Hindi makapagsalita si Yuna. Nanginginig ang kanyang laman. Samantala, dahil hindi marinig ni Clay ang usapan, blangko ang mukha niya. Pero, iba ang kutob ng puso niya. Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Yuna. Hindi na siya makapag-isip ng maayos. Kung kailan maganda ang relasyon nila ni Clay, tapos nagkaroon ng malaking problema.

“Hello, Ma’am!” Patuloy na sabi ng empleyado ni Yuna sa kabilang linya. Inagaw ni Clay ang cellphone ni Yuna at kinausap ito. Habang nakikinig si Clay sa empleyado ni Yuna, nanliit ang kanyang mga mata sa kanyang natuklasan. Agad na pinutol ni Clay ang usapan nila. Tumingin si Yuna kay Clay na may luha sa mga mata.

“Ano ang gagawin natin ngayon?” Nataranta si Yuna.

“No worries! I’ll protect you! I’ll protect our marriage, magtiwala ka lang!” sabi at paiusap ni Clay. Ngumiti pa siya para gumaan ang pakiramdam ni Yuna. Walang makita si Yuna sa mukha ni Clay na kahit na anumang pag-aalala. Huminga nang malalim si Clay.

“What you do now, fix yourself. Take a shower, then put on your best clothes. Humanda ka. Magpapatawag ako ng press conference at gagawin ko ito nang live habang kasama ka,” paliwanag ni Clay.

“What are you planning?”

“Just trust me, okay? Tanggalin mo na kung ano man ang gumugulo sa isip at puso mo. Let me do everything in the press conference as long as you stay by my side. Stop crying! I don’t want you to cry because of me,” sabi ni Clay. Pinunasan niya ang luha sa mata ni Yuna. Tumango lang si Yuna. Mahal niya si Clay kaya ibinigay niya ang lahat ng tiwala niya sa binata. Kung ano ang sinabi ni Clay ay ang ginawa niya.

Samantala, nang makabalik si Clay sa kanyang silid. Agad siyang nag-check sa social media. Nakita niya agad ang nakatagpi-tagping papel na kasunduan nila ni Yuna. At saka naalala ni Clay na pinunit niya ito sa harap nina Charles at Sandra. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang cellphone.

“Isa lang ang alam kong gagawa nito at hindi si Charles. Even though my step-brother and I have many disagreements, he will not do this to me. Humanda ka sa akin, Sandra!” matigas na sabi ni Clay sa sarili. Lalo na, nakakabasa siya ng mga masasamang komento tungkol sa kanya at kanyang asawa.

“Ang tanga pala ni Ms. Yuna! Naturingan pa naman siyang isang sikat na Chef, pero nagpagamit lang siya sa isang sikat na modelo.”

“Ayoko na kay Clay! And sama pala ng ugali niya. Guwapo nga siya, pero maitim ang budhi niya.”

“Sayang si Yuna. Maganda at matalino siya. Kaso, hindi niya ginamit ang utak niya.”

“Dapat maghiwalay na lang sila. Wala namang patutunguhan ang pagsasama nila. May mahal pa lang iba si Clay.”

“Ms. Yuna, iwan mo ang lalaking iyan. Hindi siya karapatdapat sa ‘yo!”

Hindi na kinaya ni Clay na magbasa pa ng mga komento. Nadudurog ang kanyang puso. Tiningnan niya ang lahat ng missed calls sa cellphone niya. Agad niyang tinawagan ang manager niya. Nagpaliwanag siya at pinaniwalaan siya. Gumawa ng aksyon ang kumpanya nila tulad ng hiling niya. Mabilis na inihayag sa telebisyon ang nalalapit na press conference. Live na mapapanood.

Tinawagan na rin ni Clay ang kanyang mga magulang para pumunta sa kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan. Naglakas-loob din siyang tawagan ang ama ni Yuna at parang ang buong langit ay nasa panig ni Clay dahil, naniniwala sila sa kanya. Kumilos din si Clay. Inayos na rin niya ang sarili niya.

Lumipas ang isang oras, handa na sila ni Yuna. Pero bago niya puntahan si Yuna sa kwarto nito, binuksan niya ulit ang social media para tingnan kung nag-upload ng video ang manager niya. Meron na. Marami rin ang nagko-comment dahil maraming sumusubaybay sa balitang tungkol sa kanila ni Yuna.

“Aabangan ko ‘to! Gusto kong malaman ang katotohanan!”

“Sabi ko na nga ba, may taong naninira lang sa kanila. Hindi maglalabas ng video ang kumpanya ni Clay kung peke lang ang relasyon nila.”

“Hindi magagawa ni idol ‘yon sa isang babae, lalo na kay Ms. Yuna. Nang makita namin sila dito sa Baguio, hindi mo makikitang nagpapanggap lang sila.”

“Go, Clay! Go. Yuna!”

“Ano ‘to? Mukhang paninira nga lang ang ginawa ng anonymous uploader na ‘yun!”

Napangiti si Clay. Ibinulsa niya ang kanyang cellphone. Nagmamadali siyang pumunta sa kwarto ni Yuna. Ngunit wala na ang dalaga. Kinabahan si Clay. Naramdaman niyang tinakasan siya ni Yuna. Tumakbo si Clay pababa ng hagdan. Wala rin si Yuna sa sala. Napahawak si Clay sa kaliwang dibdib niya. Lumibot ang mga mata niya sa paligid hanggang sa makita niya ang imahe ni Yuna na nakatayo sa pintuan habang pinagmamasdan ng dalaga ang kalikasan sa labas. Huminga nang malalim si Clay. Tumakbo siya papunta kay Yuna at niyakap ito.

“I thought you ran away from me?”

“I won’t do that because I trust you.”

“Before we leave my house. I want to tell you something,” sabi ni Clay at niyakap pa niya si Yuna.

“What’s that?”

“I love you!”

“Huh?” sagot ni Yuna. Kumunot ang noo ni Clay. Agad niyang hinarap si Yuna.

“Yan lang ba ang isasagot mo sa akin? I said I love you! I love you! I love you! I love you—“ Nang bigla siyang hinalikan ni Yuna nang mabilis.

“I love you too, Clay!” nakangiting sagot ni Yuna. Ngumiti si Clay at binuhat ang katawan ni Yuna.

“Ano ang ginagawa mo?”

“Ayokong maglakad yung nahuli kong ibong baka mawala.”

“You really are a psycho!” At sabay silang nagtawanan. Pagsakay nila sa sasakyan, hinawakan ni Clay ang kamay ni Yuna.

“I will not let anyone destroy our relationship. Just believe and trust me.”

“I believe in you even though you’re a psycho!” Muli, nagtawanan na naman silang dalawa. Pinaandar ni Clay ang sasakyan niya papunta sa kumpanya nila.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 37: The Bad News]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.