man and woman wearing hood

Boundaries and Barriers (Teaser) – COMPLETED

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

MAY iba pang mundo, iba pang mga lugar, kung saan ang mga unang pag-iyak ng kapanganakan ay ipinagdririwang. Kabilang na rito ang isang lugar na may itinatagong lihim—ang mahika na patuloy na nabubuhay sa nakamamanghang tanawin.

SA isang underground, may isang headquarters ang itinayo para lamang sa mga extraordinary humans na ginagamit bilang mga secret weapon at spy ng kanilang gobyerno para sa nalalapit na digmaan. Sila’y nilikom at tinagurian silang mga ESPERS. Malaking bagay ang nagagawa nila sa kanilang bansa para protektahan ang isang espesyal na nilalang na katulad rin nila.

Nagsimula ang lahat ng kaguluhan nang pinatalsik ng Presidente nila ang isang siyentipiko na nakadiskubre sa lihim ng kanilang bansa. Nais kasi ng doktor na angkinin ang nilalang na ito upang manalaytay sa kanyang dugo ang likidong magbibigay ng buhay na walang hanggan.

Subalit, hindi ito nagtagumpay sa kanyang mga plano. Nang dahil sa galit at pagkabigo na sumira sa kanyang puso, isiniwalat niya sa buong mundo ang itinatago at iniingatan na sikreto ng kanilang bansa.

Dahil sa bilis ng balita, maraming naghangad na makuha ang nilalang upang eksperimetuhan ito. Para makalikha sila ng iba’t ibang mabisang gamot. Hindi na nag-isip pa ang mga ibang pinuno at kaagad silang nagdeklara ng pagsugod. Hindi nila iniisip kung ano ang pwedeng mangyari sa kani-kanilang bansa at pamayanan basta maisakatuparan nila ang kanilang mga sariling pagnanais.

Aagos kaya ang dugo sa lupa?

 

Next to: Boundaries and Barriers (Chapter 1)


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Boundaries and Barriers (Teaser) – COMPLETED

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

Leave a comment to earn D2

7 Responses

  1. I’M EXCITED TO READ MORE OF THIS! Grabe! Ang ganda! Ganito yung mga gustong-gusto kong basahin talaga. Ang ganda ng teaser, na-hook agad ako! ❤️

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Use the form below if there is a problem in accessing this chapter

Need Help?