My Bubbly Girl (Chapter 3B)

SINUNDAN ng tingin ni Migo ang nagmamadaling lumabas na sina Michelle at Elyza. Pinakiramdaman niya ang sarili. He thought he would be happy now that finally he was able to tell Michelle that he didn’t like her pushing herself to him. Hindi niya maintindihan kung bakit matapos niyang parusahan ito ng isang halik ay nagulo na ang kanyang isip.

Hindi naman niya plano na gawin iyon. He had been wanting to tell her to stop doing her blatant showing of affection to him dahil naaalibadbaran siya pero napasobra yata ang pamamahiya niya rito. Hindi rin niya sinadyang marinig at makita ng mga SPUDS members ang kanyang ginawa. He felt so stupid for doing so. And he felt more stupid for thinking of her for two nights already. Hindi mawala sa isip niya ang ginawa niyang paghalik dito. Napapayag niyang mag-dinner date si Sarah pero habang kasama ito kagabi ay binabagabag siya ng konsensiya dahil sa ginawa niya kay Michelle. And last night, sinagot siya nito.

Ipinilig niya ang ulo. Guilt. Tama. Iyon lamang ang dahilan kung bakit paulit-ulit iyong bumabalik sa kanyang alaala na nagpapabalisa sa kanya. He should have talked to her in a more subtle way. He should have not hurt her the way he did. And he should have not kissed her.

Damn him! Alam niyang subject ng usap-usapan ngayon sa campus si Michelle and he should be the one to blame.

Gusto niyang kausapin ito pero hindi niya alam kung paano. Kailangan pa niyang mag-ipon ng lakas ng loob para gawin iyon. Hihingi siya ng sorry.

 

“OKAY ka lang, Bhez?”

Nilingon niya si Elyza. Nakaupo na sila sa pansulok na upuan ng food chain kung saan sila madalas mag-lunch at magpalipas ng oras kapag vacant period. Tumango siya. “Oo naman.” Sunod-sunod ang ginawa niyang pagsubo ng fries.

“Ang diet,” paalaa nito. “Remember, pagpasok ng sunod na semester, Miss SPU na.”

“Matagal pa ‘yon. Basta kailangan kong kumain muna ngayon para ma-divert ang atensiyon ko. Nakaka-stress na makasama sa iisang room ang taong…ang taong mahal mo na…na nanakit sa iyo ng…sobra.” Kinailangan niyang lumunok upang mawala ang biglang pananakit ng kanyang lalamunan dahil sa nagbabadyang luha.

“O…di umamin ka rin na hindi ka okay.”

“Hayaan mo na lang ako, Bhez. Lilipas din ito. Bukas, makalawa, tatawanan ko na lang ang nangyari. Bago pa lang kasi kaya ganito ang pakiramdam pero eventually, it will pass like nothing happened.”

“Masyado kasing obvious na affected ka.”

“Who wouldn’t be? Tao lang ako. Hindi ko nga akalain na darating sa buhay ko na masasaktan ako nang ganito.”

“And you have to hold on right now kasi I’m sure maapektuhan ka na naman.”

Nangunot ang noo niya.

“Migo and Sarah just entered the food chain. Nasa counter sila,” ani Elyza. Wari’y tinatantiya ang mood niya.

Her heart skipped a beat. Naman!!! Nananadya ba si Migo talaga? It was good na nakatalikod siya sa entrance kaya hindi niya nakita ang mga ito. Pinigilan din niya ang sariling mapalingon sa counter. “B—bilisan na lang natin ang pagkain. Sa tambayan na lang tayo magpalipas ng oras. I’m sure naroon ang barkada.”

“I think that’s a better idea.”

Hindi na niya naubos ang in-order na pagkain. Niyaya na niya agad si Elyza. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa kaalamang nasa tabi-tabi lang sina Migo at Sarah. Pero hindi na niya naiwasang makita ang mga ito nang palabas na sila sa exit dahil malapit sa labasan ang mesang inokupa ng mga ito. Muli niyang naramdaman ang hapdi sa kanyang dibdib nang magtama ang mga mata nila ni Migo. Agad niyang binawi ang kanyang tingin.

Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang patutsada ni Sarah nang lagpasan nila ni Elyza ang mga ito.

“I wonder how it feels to be bluntly rejected. May mga babae kasi na masyadong makapal ang mukha at ipinagsisiksikan ang sarili sa lalaki kahit ayaw sa kanya,” anang babae.

Agad na kumulo ang kanyang dugo. Hinila ni Elyza ang kamay niya para warningan siya na huwag patulan si Sarah. Hindi naman talaga niya gagawin iyon. Consequence iyon ng kanyang mga ginawa kaya dapat lang na tanggapin niya. Nakarating din marahil kay Sarah ang nangyari o baka naman mismong si Migo ang nagsabi niyon dito.

Nang makalabas sila sa food chain ay saka siya nanggigil. “Kakainis ang butiking ‘yon! Kanya na nga si Migo, paringgan pa ba ako? Naku, kung hindi lang nakakahiyang mang-away at kung hindi lang pinipigilan ko ang topak ko, makakatikim sa akin ang babaeng ‘yon.”

“Chill, Bhez. Hayaan mo na siya.”

Nilingon niya si Elyza. “Bhez, hanggang kailan ko kaya matatagalan ang ganito?”

“Ikaw na rin ang nagsabi na lilipas din lahat ito.”

“Oo nga kaya lang parang naisip ko lang, parang mas maganda kung magta-transfer na lang ako next semester.”

“What? Dahil lang doon, lilipat ka ng school? No way! Isang taon na lang ga-graduate na tayo. Ano ka ba?”

“Wala lang. Baka iyon ang pinakamagandang solusyon.”

“I beg to disagree, bestfriend. Magpapatalo ka sa simpleng problema? Kung ako nga, nagawang makapag-move on kahit pa hanggang ngayon naiisip ko pa rin si Gil. Basta, hindi tayo puwedeng maghiwalay.”

“Kunsabagay.” Bumuga siya ng hangin. “Hah! Ang kagagahan ko kasi. Now I realized na hindi ako nirespeto ni Migo dahil sa pagiging outspoken ko. He had bad impression on me. He thought of me as playful…playgirl.”

“I’ll correct that impression if we will have the chance to talk personally.”

“Huwag na lang. Hayaan mo na. Wala na ring halaga kung malaman man niya na mali ang pagkakilala niya sa akin. Siyanga pala, magre-resign na rin ako sa SPUDS.”

“Ha? You don’t have to do that.”

“I have to do it. Kung gusto ko talagang maka-move on, I should prevent seeing him more often. Torture na nga na nagmumukha akong engot sa klase. That’s six hours everyday, five days a week. Mahirap kayang manahimik kaya para mabawasan ang agony ko,  mas mabuting mag-resign na lang ako sa SPUDS. I even unfriended him in my FB friends’ list. Para hindi na rin niya makikita ang mga posts ko.”

“Alright. Ganyan din ako. Mas pinili kong mag-lie low sa SPUDS para malimutan si Gil. At tinanggal ko rin si Gil sa listahan ng mga friends ko.”

Nginitian niya si Elyza. Ngiting walang sigla. Dapat ay inisip niyang ibang klase si Migo para ilusyunin niya at isiping mahuhulog sa kanyang mga kamay. At least, may natutunan siya sa kanyang pagkakamali.

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bubbly Girl (Chapter 3B)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

2 Responses

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.