Isa lang ang pinapangarap ni Gee at iyon ay ang makilala ang kanyang midnight prince. Itinuring kasi niyang totoo ang lalaki sa kanyang mga panaginip kaya hinahangad niyang makatagpo ng kamukha nito sa reyalidad.
Tuwing naglalaro sa isip niya ang hitsura ng kanyang prince charming ay punung-puno ng tuwa ang puso niya. Kaya kahit siya ay gising ay tila nangangarap pa rin siya.
Ano pa’t naitsapuwera sa kanya ang classmate na si Jerome, na sa simula palang ay naging mabait na sa kanya. Nang may makilala siyang kamukha ng lalaki sa mga panaginip niya ay nagtiwala siya agad. Pero isa pala iyong pagkakamali dahil nabingit siya sa kapahamakan. Pero napatunayan niya ang kahalagahan ng isang Jerome sa buhay niya.
Next to: My Midnight Prince (One Shot Story)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Oohhh dun dapat sa taong tunay na anjan para sayo kaysa sa taong nasa panaginip mo lang mabuti, kaya ang panaginip ay mga pahiwatig kung san dapat ka laging mag ingat. Mga pahiwatig na dapat mong pag isipang mabuti
Doon na lang kasi sa real man, wag sa ilusyon lang. ☺️☺️☺️