ISANG Linggo matapos ang graduation ni Isabel ay wala siyang ginawa kundi mag-job hunting on-line. Nag-submit na rin siya ng resume niya kay Lola Meling, dahil ayon rito ay may kakilala raw ito sa Manila na puwede niyang mapasukan.
“Hindi ba namili si Aling Meling kahapon ng mga gulay?” tanong ng tiyahinsa kanya. Linggo nang araw na iyon. Kahapon ay hindi dumaan si Lola Meling, nagpauna na rin itong hindi muna mag-o-order ng gatas.
“Hindi po,” sagot niya.
“Ano kaya ang nangyari kay Aling Meling?”
“Bukas po ay dadalawin ko siya,” paalam niya sa tiyahin.
Sandali itong nag-isip. Bago, “Mabuti pa kaya ay dalawin mo mamayang hapon. Magluluto rin kasi ako ng bagoong, noong nakaraan kasi ay nagpasabi siya na kung magluluto ako ng bagoong ay bigyan ko siya,” anang tiyahin.
“Okay po,” sagot niya.
[mycred_sell_this]
Alas-singko y media ng hapon ay sakay na si Isabel patungong villa. May bitbit siyang paper bag na may lamang isang garapong bagoong para kay Lola Meling. Nasa kalagitnaan na sila patungong villa nang masiraan ang tricyle.
“Kuya, ano pong nangyari?” tanong niya sa driver.
“Naku, ineng, pakiwari ko ay nasiraan pa yata tayo,” sagot ng driver.
“Paano kaya iyan, medyo malayo pa naman ang villa kung lalakarin ko mula rito?” Mula roon ay mga tatlong kilometro pa ang layo niya sa Villa Villaluz.
“Kung lalakarin mo rin naman ang terminal pabalik para makasakay ka ay ganoon din naman ang layo,” wika ng driver.
“Kunsabagay, wala po ba kayong cellphone para mag-text sa mga kasama niyong driver para magpunta rito?” tanong niya. Ang nabili naman niyang second hand na cellphone ay noong isang araw pa nagretiro.
Umiling ang driver.
Napabuntong-hininga siya.
“Magbabayad pa ho ba ako?” tanong niya. “Hindi niyo naman ako naihatid sa destinasyon ko e,” dagdag pa niya.
“Huwag ka ng magbayad ineng at pasensiya na,” kamot ang ulong sagot ng driver.
Bumaba siya ng tricyle tsaka inumpisahang maglakad. Dalangin niya ay may magdaang sasakyan. Pero mukhang imposible iyon. Bitbit ang paper bag ay lakad-takbo ang ginawa niya. Nang lingunin niya ang tricycle ay medyo malayo na ang agwat niya rito. Nakita niya pang tinutulak ng driver ang tricyle nito. May kalahating oras na siguro siyang naglalakad nang bumuhos ang ulan.
“Grabe naman,” sigaw niya. “Kung mamalasin ka nga naman, sabay-sabay pa,” palatak niya. Mas lalo niya pang binilisan ang pagtakbo. Halos mapunit na ang paper bag na dala niya dahil basang-basa na iyon.
Nang may matanaw siyang waiting shed ay tinakbo niya iyon. Basang-basa na ang damit niya. Bakit naman kasi hindi siya nakapagdala ng payong? Parang naringgan niya nga kanina sa radyo na may darating na bagyo. Ang tiyahin niya naman ay tila nawala rin sa loob ang pagdating ng bagyo. Mainit pa naman kasi kanina ang sikat ng araw. Kaya parehong nawala sa loob nila ng tiyahin ang bagyong parating.
“Gosh, ang lamig,” aniya na nangingikig na sa ginaw. Bukod sa buhos ng ulan ay malakas rin ang ihip ng hangin. Ala-sais kinse pa lamang ay madilim na ang kalangitan. Parang alas-siete na sa dilim. Biglang nakaramdam siya ng takot. Nag-iisa lamang siya sa liblib na lugar na iyon. Kahit ang waiting shed na sinisilungan niya ay wala man lamang poste. Napasigaw siya ng gumuhit ang kidlat sa kalangitan.
“Nanang ko po,” sigaw niya. “Bakit naman kasi nagmatapang akong lakarin ang villa? Dapat pala ay nilakad ko na lamang pabalik ng terminal,” kausap niya sa sarili.
“Lord, please wala naman po sanang masamang loob na nagkalat dito. Kaga-graduate ko lang po,” muling usal ni Isabel sa sarili. “Ay kalabaw!” muling sigaw niya nang muling gumuhit ang kidlat sa kalangitan.
Basang-basa na siya. Kahit nakasilong siya ay wala rin silbi sapagkat malakas rin ang bugso ng hangin. Ginaw na ginaw na siya. Medyo nag-iiba na rin ang pakiramdam niya.
Kalahating oras pa ang lumipas nang may matanawan siyang tila na headlight. Kahit masama na ang pakiramdam ay nakaramdam siya ng tuwa. Nang malapit na ito ay bigla siyang humarang sa gitna ng kalsada. Kung hindi niya haharangin ang sasakyang padating ay baka hindi siya makita ng kung sino man ang driver ng sasakyan dahil madilim ang waiting shed na kinaroroonan niya.
SAKALAGITNAAN ng pagpaplano ng kasal nila ng nobya ay nag-walk-out si Joem. May mga plano ang nobya na hindi niya gusto. Noong kapareha niya pa lamang ang nobya on screen at kahit na naging nobya niya si Lyrah ay hindi niya minsan nakitaan ng pagiging demanding ang babae. Kaya nga niya ito nagustuhan at niyayang pakasal ay dahil mabait at submissive ito. Pero hindi pa man sila naikakasal ay lumalabas na ang tunay na kulay ng nobya. He sighed.
Minabuti niyang umuwi na lamang muna ng villa. Wala naman siyang natanguang appointment sa susunod na araw kaya doon muna siya magpapalipas ng sama ng loob sa nobya. Baka kapag hindi niya susuyuin ito ay ang nobya rin ang makaisip na mali ito. May nasalubong pa siya sa kanto palabas ng highway na nagtutulak ng tricycle. Marahil ay nasiraan. Nahinuha niyang may inihatid sa villa ang tricyle na iyon. Ang resthouse nila ang dead end ng kalsadang iyon. At kung mayroon mang hindi gusto si Joem sa lugar na iyon ay ang kalsada papasok ng villa. Rough road at makitid ang kalsada papasok roon. Isa sa araw na darating ay aasikasuhin niya ang pagpapagawa ng kalsada roon.Mas pinahirap pa ang daan patungo sa villa dahil sa malakas na ulan at hangin. Ayon sa PAGASA ay may darating na bagyo.
Tinatapik-tapik niya pa ang manibela habang nagmamaneho at nakikinig ng music. He felt relax. Kahit papaano ay naiibsan ang inis na nararamdaman niya para sa nobya. Sa kagustuhang makarating agad sa villa ay binilisan niya ang pagmamaneho para lamang biglang huminto dahil sa biglang paglitaw ng isang babae. Humarang ang huli sa kalsada! Tila hindi nito inda ang lakas ng ulan at hangin.
“Hey,” sigaw niya nang dumungaw siya sa bintana. Nagagalit siya dahil muntik na niyang masagasaan ito. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes niya. Wala siyang nakitang reaksiyon mula sa babae. Sa halip ay napayakap na lamang ito sa sarili nito tanda na nilalamig na ito.
Napapailing si Joem. Ang inis na nararamdaman para rito ay nabantuan ng kakaibang sensasyon. Mula sa liwanag ng headlight ng kanyang sasakyan ay naaaninag niya ang magandang hubog ng katawan ng babae. Basang-basa na ang suot nitong bestida. Dahil manipis at basa ang nasabing damit nito ay humahakab sa katawan nito ang suot nito. Bakat din ang suot nitong panloob dahil puti ang bestida nito. Upang mapagtakpan ang kakaibang nararamdaman ay pagalit na nagsalita si Joem.
“Nagpapakamatay ka ba?” he asked clenching his jaw.
GUSTONG pagsisihan ni Isabel ang ginawang pagharang sa kotse. Paano kung masamang loob pala ang lalaking ito? Lalo siyang nangatog. Sa lamig at dahil sa kabang biglang lumukob sa kanya. Pilit niyang inaninag kung ano ang itsura ng lalaki sa kotse. Pero dahil madilim ay hindi niya makita ng malinaw ang mukha nito. Idagdag pa na unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagkahilo. Pero base sa timbre ng boses nito ay mukhang may itsura ito. Kungbagay, boses pa lamang ay ulam na. Stop it Isabel! Hindi ang oras para mag-swoon siya sa isang lalaking hindi niya gaanong maaninag ang mukha.
“Ah, eh, pasensiya na,” sagot niya na nayakap ang sarili dahil sa biglang umihip ang malakas na hangin. Patindi na ng patindi ang sama ng kanyang pakiramdam.
Narinig niyang pumalatak ito. Napangiwi pa siya nang marinig niyang nagmura ito.
“P’wede bang pasakayin mo muna ako sa sasakyan mo at basang-basa na ako. Mamatay yata ako sa sobrang ginaw,” lakas-loob na sabi niya.
“All right,” pagsang-ayon nito. He pressed the automatic lock then opened the door.
“Sasakay ka ba o hindi?” naiinip na tanong nito sa kanya. Marahil ay napansin nito na bantulot siyang lumakad palapit ng sasakyan nito.
“Ahm…nahihilo ako,” mahinang usal niya.
“Look, Miss, nagmamadali ako. Don’t worry, hindi ako masamang tao,” matabang na sabi nito.“I am waiting can you -” hindi na niya narinig pa ang sasabihin nito dahil unti-unti na siyang tila nauupos na kandila.
“SHIT!” ani Joem na mabilis na lumabas ng kotse at nilapitan ang babae. Hindi na niya ininda ang malakas na ulan.
“Miss, are you allright?” tanong niya subalit tuluyan na itong nawalan ng malay.
Maingat na binuhat ni Joem ang babaeng walang malay. Maingat niya itong iniupo sa sasakyan bago bahagyang ini-reclined ang upuan. Nang ikabit niya ang seatbealt nito ay bahagya niyang nasanggi ang dibdib nito. He muttered an oath. Hindi iyon ang tamang oras para sa ganoong bagay.
Habang nagmamaneho ay nililingon niya ang babaeng nasa passenger seat. Who is this woman? At saan ang tungo nito?
Sunod-sunod na pagbusina ang ginawa niya nang huminto siya sa harapan ng gate ng villa. Ilang sandali pa ay nakapayong na tumatakbong sinalubong siya ni Lola Meling.
“Ano ba’t napasugod ka e kaylakas ng bagyo,” anito. Kasunod nito si Tonyo. Paarangkada niyang ipinarada ang kotse.
“Bakit basa ka yata?” nagtatakang puna ni Lola Meling nang bumaba siya ng kotse.
“Pakihanda ho ng mainit tubig,” utos niya. “May babae ho akong naisakay dahil nahimatay,” dagdag niya.
“Dali ka Tonyo, ikaw na ang mag-init ng tubig,” utos ni Manang Meling. “Sino ba…Anong nangyari kay Isabel?” nag-aalalang tanong ni Lola Meling sa kanya nang mula sa sasakyan ay binuhat niya ang babae.
“Kilala ninyo siya?”
“Hala’t ipasok mo muna siya sa loob at mapalitan ang kanyang damit. Ano bang nangyari sa batang iyan?”
Sa isang guest room itinuloy ni Joem si Isabel. Si Manang Meling ay nagtungo sa kusina upang kumuha ng mainit na tubig.
Bahagyang umungol si Isabel matapos niya itong mailapag sa kama.
“Shit!” usal niya nang salatin niya ang noo nito. She had a fever! And she was chilling.
Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Basang-basa ang damit nito. Hindi niya madesisyunan kung siya na ang magbibihis rito o hintayin na lamang si Manang Meling. He took a deep sighed.
“I am sorry Miss, but I have to do this,” hinging-paumanhin niyasa dalaga na walang malay.
Akmang aalisin na niya ang bestida nito nang pumasok si Manang Meling.
“Ako na ang bahala sa kanya. Magbihis ka na rin at baka magkasakit ka,” wika ni Manang Meling.
“Nilalagnat ho siya,” pahayag niya.
“Ano naman kaya ang dahilan at sinugod ng batang ito ang bagyo,” palatak ni Mang Meling, habang pinupunasan nito ang dalaga. Bahagyang tumalikod si Joem ng hinubad na ni Manang Meling ang damit ng dalaga.
“Kilala niyo ho ba siya?” tanong niya. May binanggit itong pangalan kanina pero hindi niya masyadong narinig.
“Siya si Isabel. Siya ang sinasabi kong kaibigan ko na may puwesto sa palengke na lagi kong binibilhan,” pagbibigay-alam nito.
Napatango siya.
“Sandali lamang at ikukuha ko lamang siya ng damit ko na kakasya sa kanya.” paalam ni Manang Meling matapos nitong mapunasan si Isabel.
Nang makalabas ng silid si Manang Meling ay maingat siyang lumapit sa kama. Marahan niyang hinawakan ang noo ng dalaga. Mainit pa rin ito. She was sleeping like a baby. Noon niya napunang maganda ito. Her beauty was so simple. Hindi ito tulad ng mga babaeng nakikilala niya na puro mga sopistikada. Bahagya itong gumalaw sanhi upang malilis ang kumot na nakatakip sa katawan nito. He almost saw her mountain. Napalunok siya. He closed his eyes then opened it. Bago itinaas ang kumot patungo sa balikat nito.
Nang maramdaman ni Joem ang mga yabag ay akma siyang tumalikod. Sa pinto na niya nakasalubong ang matanda.
“Wala akong damit ko na maaring magkasya sa kanya kaya itong malaking t-shirt mo na kasama sa pa-plantsahin ang ipapasuot ko sa kanya,” wika nito.
Tumango na lamang siya. “Kayo na po ang bahala sa kanya,” aniya. Isang sulyap pa uli ang ibinigay niya sa natutulog na dalaga bago siya tuluyang lumabas ng silid.
SA LOOB ng sariling banyo, habang naliligo si Joem ay hindi kayang tupukin ng malamig na tubig ang init na kanyang nararamdaman. For Pete’s sake! Kailan pa siya naapektuhan ng ganoon sa isang babae? Isipin pang hindi naman niya kilala ang babae! Oh, wait. Totoong hindi niya kilala ang babaeng iyon pero her face looked so familiar to him. Kanina niya pa iniisip kung saan niya nakita ang babaeng iyon dahil parang pamilyar sa kanya ang mukha nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang alalahanin kung nagkatagpo na ba ang landas nila ng babaeng iyon pero wala talaga siyang maalala. Pinagpatuloy na lamang niya ang paliligo at pilit inalis sa kanyang isipan ang magandang tanawin na nakita niya kanina sa kabilang silid.
Hustong palabas na siya ng kanyang silid nang magbukas ang katapat na silid.
“Kumusta na ho siya?” tanong niya kay Manang Meling. Hawak nito ang palangganang may bimpo.
“May lagnat pa rin, pero hindi na siya tulad kanina na nangingikig sa ginaw,” sagot nito. “Gusto mo na bang kumain? Ipaghahain kita.”
Umiling siya. “Kape na lamang po.”
Agad itong tumalima. Si Joem sa halip na sumunod kay Manang Meling sa ibaba ay piniling silipin muna sa katapat na silid si Isabel.
Hindi niya napigilan ang pagsilay ng mga ngiti sa kanyang mga labi nang makitang payapang natutulog ang dalaga.Nanatili siyang nakatitig lamang rito. He felt contented just looking at her lying on bed. Ipinilig niya ang ulo. Kailan pa siya naging ganoon? Never in his life had it happened. He sighed. Hindi na niya tinuloy ang pagpasok sa silid at maingat na muling isinara ang pinto.
[/mycred_sell_this]
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




