Gaano mo kakilala ang minamahal mo?
Sapat na ba ang ilang araw at taon ng inyong pagsasama upang masabi mong kilala muna ang iyong minamahal?
Dumating ka na ba sa puntong wala nang naniniwala sa iyo. Na kahit ang mga magulang mo ay may pagdududa na sa iyong kakayahan?
Dumating ka ba sa puntong tanging pagtakas sa mundo nalamang ang iyong mabisang paraan, upang takasan ang mga napagdadaanan.
Ang pamilya ang tunay nakakampi natin, pero paano kung ang pamilyang ating hinahangad ay ang siyang unang babalewala sa iyo. Mahalaga ba na maibibigaysa atin ang materyal na bagay, kaysa ang emosyonal na pangangailangan?
Alam mo ba talaga ang depresyon o alam mo lang dahil nakikiuso ka? Madalas hindi natin sila maiintindihan hangga’t mananatiling sarado ang isip natin sa salitang depresyon. Hindi natin sila maiintindihan hangga’t hindi natin sila iintindihin. Hindi natin sila maiintindihan hangga’t hindi mo pa nararanasan ang pinagdadaanan nila. Wala kang karapatang humusga, wala kang karapatang magbigay ng saloobin kung hindi naman hinihingi ang iyong sasabihin. Mahirap bang imulat ang mga mata sa reyalidad na hindi lahat ng tao pare-pareho, na hindi lahat gaya mo na kayang-kaya ang anumang problemang kinakaharap. Maraming tao ang kailangan ay kausaphindi ang panghuhusga, pero mahirap yata ibigay iyon kasi naman nanghuhusga agad tayo kahit ‘di pa alam ang buong kuwento.
Next to: Huling Liham (A Short Story)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






One Response
Kaya matutounang makinig sa taong gusto ilabas ang saloobin sige ngawa charizzz😝 pero tara usap tau