A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Nerdy Girl Meets the Campus Heartthrob (Chapter 10 – Finale)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

 

HABANG palapit siya ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Nagkamali pala siya. Dapat pala ay pinakinggan niya muna ang paliwanag nito bago siya nagalit kay Vince.

Sumilip siya sa silid. Naroroon si Vince, nakatalikod ito sa kanya. Nanatili lamang siya sa labas malapit sa pinto. Nag-iisip siya ng tamang sasabihin.

“Tatayo ka na lamang ba diyan?” nagulat pa siya nang magsalita ito. Nakatalikod pa rin ito sa kanya.

“I-I…” hindi niya malaman ang sasabihin.

Lumingon ito sa kanya.

“Naniniwala ka na ba?” tanong nito. Nasa mata pa rin nito ang agam-agam.

She smiled and nodded.

Sukat doon ay mabilis itong lumapit sa kanya.

“Really?” tanong nito nang makalapit ito.

Nakangiti siyang tumango.

“I am sorry,” kagat-labing saad niya.

“I understand,” nakangiting saad nito. Hinaplos nito ang kanyang pisngi.

 

[mycred_sell_this]

“Kung hindi ka pa rin maniniwala at mananatili ka pa ring galit sa akin ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero iisip pa rin ako ng ibang paraan hangga’t hindi mo ako napapatawad.”

She smiled. Matapos niyang makita ang effort na ginawa nito kanina ay mahirap na ang hindi niya ito patawarin.

“Sorry kung hindi ko pinakinggan ang paliwanag mo…”

“Gusto kong magtampo sa’yo pero nauunawaan naman kita.”

Ngumiti siya.

“By the way, how about the ‘I love you’ thing?” he asked. His eyes were teasing.

“What about that?” taas-kilay na tanong niya pero nakangiti naman siya.

Pinisil nito ang tungki ng kanyang ilong.

“First time kong magsabi ng katagang iyon sa isang babae,” anito.

“Weh?”

Vince laughed then, “Yeah, really. Hindi ko ugaling magsabi niyon sa mga babaeng nakaugnayan ko kung hindi rin lamang ako seryoso,” anito.

“Sa dami nila…ni isa ba doon wala kang sineryoso?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Women just come and go pero ni isa doon wala akong sinabihan na ‘I love you’. Ikaw pa lamang…tanging ikaw lang,” madamdaming pahayag nito.

“Ibig bang sabihin niyan e, seryoso ka sa akin?”

“Hindi pa ba sapat ang ginawa ko kanina. It took me a will power para masabi ko iyon on stage, in front of many students and some of our professors.”

“Marami ang kinilig sa ginawa mo,” aniya.

“Hindi ko intensiyon na pakiligan sila,” sagot nito.

“K-kinilig din ako,” nahihiyang pag-amin niya.

“You do? Talaga?” natutuwang sambit nito.

Natatawang tumango siya.

“So? What now?”

“What do you mean?”

“I love you,” anito.

She smiled at him sweetly.

“Ang lagay ba ay ngingitian mo lamang ako?”

“W-what do you want me to say?” she asked but she was teasing him.

“All right, ganito na lang…” wika ni Vince. “Kapag ba niligawan kita, may pag-asa ako sa’yo?” tanong nito.

“Ligawan mo kaya muna ako,” aniya rito na nakangiti.

“Okay,” anito.

“All right, ganito na lang,” sabi naman niya. “Ano ang magiging reaksiyon mo kapag sinagot kita?” she smiled at him sweetly.

“What?” nanlalaki ang mga matang tanong nito.

“Bakit ayaw mo ba?”

“Siyempre, gustong-gusto. I will start courting you now. At kahit na sagutin mo na ako ay liligawan pa rin kita,” masayang wika nito.

“Sinabi mo iyan ha,” nakatawang sabi niya.

“Promise,” anito na itinaas pa ang kanang kamay na tila nanunumpa.

“I love you, too, Vince,” mahinang sambit niya at isinandig niya ang kanyang mukha sa dibdib nito.

“What did you say?” hindi makapaniwalang tanong ni Vince sa kanya. Inaangat nito ang kanyang mukha.

“I love you.”

“Really?”

“Uh-huh,” she answered.

“Oh,” niyakap siya nito. “I love you, Dianne. Thank you for giving me a chance at and thank you for loving me back.”

Gumanti siya ng yakap rito.

“Pero, teka,” aniya na muling humiwalay sa pagkakayakap kay Vince. “Hindi mo ba sinasabi iyan dahil maganda ang ayos ko ngayon?” nakalabing tanong niya.

“Hindi ah. At isa pa, maganda ka naman talaga ah. Hindi ko lamang agad iyon nakita,” sagot nito na muli siyang niyakap.

“Kahit na bumalik ako sa normal kong ayos? Iyong nerdy look?”

“I started loving you when you were still wearing your Miss Tapia-eye glasses. Is tarted loving you with your usual get-ups,” sagot nito na kinintalan siya ng halik sa kanyang noo.

“Talaga?”

“Yep.”

She smiled. Sa isip niya ay hindi na niya muli pang isusuot ang mahahabang palda at long sleeves niya. Gusto niya rin naman na magbagong imahe, hindi para kay Vince, kundi para sa kanyang sarili.

“Since when?”

“Huh?”

“Kailan mo nalaman na mahal mo ako/”

“I don’t know exactly when. Pero importante pa ba iyon?”

Umiling siya. Hindi na nga importante pa kung kailan nito nalaman na mahal siya nito. Ilang sandali silang nagyakap.

“Hindi pa ba kayo babalik sa party?”

Sabay silang lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Naroroon lahat ang mga kaibigan ni Vince. Pati na rin si Cherry. Nakangiti ang mga ito sa kanilang dalawa ni Vince.

“Shall we finish the party?” yaya ni Vince sa kanya.

“Mag-road trip na lamang tayo,” suhestiyon ni Hanzel.

“Ay, likey ko iyan,” pabaklang sagot ni Cherry.

“Majority wins,” nakangiting sabi niya.

Marami ang may gustong mag-road trip na lamang sila kesa ang bumalik sa party.

“Road trip ito is,” napasuntok sa hangin na sabi ni Hanzel.

Tawanan sila.

NAGLALAKAD sila patungong parking lot ay naroroon si Belinda. Sa tingin niya ay medyo nakainom ito. Nakangisi itong sumalubong sa kanila. Si Vince ay marahang pinisil ang isa niyang kamay. She smiled at him.

“So, is this for real, Vince?” anito.

“Nakita mo naman siguro ang ginawa kanina ni Vince, hindi ba?” mataray na sabat ni Cherry.

“I am not talking to you, bitch,” akmang susugurin sana nito si Cherry. Pero mabilis na umawat si Troy.

“Magaling kang mambilog ng ulo, Dianne, bilib ako sa’yo,” palatak na pang-iinsulto nito.

Hindi na lamang siya kumibo.

“If you will excuse us, may pupuntahan pa kami,” ani Vince na mahigpit siyang hinawakan sa kanang kamay bago nagpatiuna itong lumakad.

Iniwan nila si Belinda na panay ang pagmumura sa kanilang magpinsan.

“Paano nga pala nalaman ni Belinda ang tungkol sa ‘pustahan thing’? tanong ni Vince sa mga kaibigan.

Nagkatinginan ang mga ito. Bago sabay-sabay na umiling.

Sandaling natigilan si Dianne.

“Remember, Cherry noong nasa rest room tayo. Pinag-uusapan natin ang ginawa nila Vince sa akin? Hindi ba’t nasa isang cubicle din pala noon iyong isang alipores ni Belinda?”

“Yeah, that’s right,” pagsang-ayon ni Cherry.

“E, ikaw, Dianne? Paano mo nalaman?” tanong ni LA.

“Narinig ko sa inyo mismo,” sagot niya.

“Huh? When was that?” kunot-noong tanong ni Vince.

“Basta during your rehearsal. Pagdadala dapat kita ng merienda pero hindi ko akalain na masosopresa pala ako sa maririnig ko,” kahit na nalaman na niya ang totoo ay hindi pa rin niya maiwasan na sumama ang loob.

“At first, I really thought na may pustahan ang mga ito,” si Troy. “Nilayasan ko kasi ang mga ito noon e, dahil ayoko nga sa gusto nilang mangyari. Hindi ko naman alam na pati pala itong si Vince ay tumanggi rin. At siguro umalis ka agad kaya hindi mo narinig lahat.”

Tumango siya.

Kinurot siya ni Vince sa tagiliran.

“Kung nagtagal-tagal ka, baka nalaman mo ang damdamin nitong si Vince,” ani Lee.

Napangiti siya.

“Sa susunod na makikinig ka sa usapan ng may usapan, tapusin mo ha,” tukso ni Vince na pinisil ang kanyang ilong.

“Sorry,” paghingi niya ng paumanhin.

“O, siya, tama na ang usapan na iyan. Road trip na tayo,” si Hanzel na nagpatiuna na sa paglapit ng sasakyan.

Nagkangitian sila bago sumunod rito. Napagkasunduan nilang isang sasakyan na lamang ang kanilang gamitin. Ang sasakyan ni Lee ang ginamit dahil van ang sasakyan nito. Sa buong durasyon ng biyahe ay masaya silang nagbibiruan.

“I love you nerdy girl,” bulong ni Vince sa kanya.

“I love you, too, Mr. Campus Heartthrob,” ganting bulong niya.

ISANG buwan ang matuling lumipas. Walang katumbas na kasiyahan ang nararamdaman ni Dianne. Sa loob ng isang buwan na iyon ay nakita niya kung gaano ka-attentive si Vince sa kanya bilang nobyo.

Nang muli siyang pumasok sa kanilang campus matapos ang kanilang acquaintance party ay bago na ang kanyang imahe. Bagaman marami ang nagtaka ay positibo naman ang kanyang mga naririnig tulad ng: ‘Maganda naman pala siya.” At ng “Bagay na bagay sila ni Vince.” Hindi niya maiwasan na mapangiti kapag naririnig niya iyon.

“Ready?” nakangiting tanong sa kanya ni Vince. Nasa labas sila ng bahay ng mga ito. Ipapakilala raw siya nito sa mga magulang nito.

“Kinakabahan yata ako,” aniya.

“Don’t be. Okay naman ang parents ko e,” pagbibigay-assurance nito sa kanya. Minsan ay naikuwento nito sa kanya na hindi ito in good terms sa papa nito. Kontra daw kasi ang papa ni Vince sa pagbabanda nito.

“Ang papa mo nandiyan din ba siya?” tanong niya.

“Yep. Shall we?”

Magkahawak-kamay silang pumasok sa loob ng kabahayan. Pagpasok nila sa dining room ay naghihintay na sa kanila ang parents ni Vince. Both were smiling at her. Biglang nawala ang kanyang kabang nararamdaman.

“Oh, hi, Dianne. Bukam-bibig ka lagi ni Vince sa akin,” anang ginang na hinalikan siya sa pisngi.

“Magandang hapon po,” kiming-bati niya. “Magandang hapon po, sir,” bati niya sa papa ni Vince.

“Upo ka, hija,” anito.

Tumalima siya. Ipinaghila siya ni Vince ng silya.

“Ikaw ang kauna-unahang dinala at ipinakilala ni Vince sa amin,” ang ginang uli.

Tumingin siya sa nobyo. Nasa mga mata nito ang ‘I told you so’. Noong una kasi ay hindi siya naniniwala rito noong sinabi nito iyon sa kanya. Nakaramdam siya ng kasiyahan ng malaman niya iyon mula sa bibig mismo ng mama nito. Nangangahulugan lamang iyon na seryoso talaga sa kanya si Vince.

“Well, alam kong mahirap paniwalaan iyon dahil may reputasyon itong si Vince na playboy. Isa pa, alam mo naman kapag miyembro ka ng isang banda, maraming mga chikas na nakaantabay,” wika naman ng papa ni Vince.

Matipid siyang ngumiti sa tinuran ng papa ni Vince.

“Let’s eat,” anang ginang.

Asikasong-asikaso siya ng mama ni Vince. Tahimik sila habang kumakain sila ng hapunan. Gusto niyang mailang sapagkat hindi siya sanay sa ganoon. Sa bahay nila Cherry ay masaya silang nagkukuwentuhan habang nagsasalo-salo sila sa hapag-kainan.

“You got yourself a pretty girlfriend, Vince,” sabi ng papa ni Vince.

“Thanks, papa.”

“Thank you po,” nahihiyang sabi niya.

“And I hope, hija, na makumbinsi mo itong si Vince na iwanan ang pagbabanda niya…”

“Please, nakakahiya sa nobya ng anak mo,” sawata ng mama ni Vince.

“Well, iyon ay kung gusto ni Vince na magtagal ang relasyon nila.”

“Magtatagal ang relasyon namin,” metatag na saad ni Vince.

Nagkibit-balikat na lamang ang papa nito. Bago tahimik muli nilang pinagpatuloy ang pagkain.

“You’re really against with my band, do you?” tanong ni Vince sa ama.

“Vince…” mahinang sabi niya.

“Hijo…” ang mama ni Vince. Nasa tinig nito ang pakiusap.

“You know my answer to that, do you?”

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Vince bago, “I am not going to leave my band,” Vince said firmly. Pinisil niya ang isang kamay nito. Nginitian naman siya nito ng matipid.

“Pero willing akong makipag-compromise,” si Vince uli.

“What do you mean?” kunot-noong tanong ng ama ni Vince.

“Papasok ako ng kompanya but every Saturday only.”

Sandaling nag-isip ang papa nito. “Well then, that’s fair enough. Pero kapag bakasyon ay papasok ka at least thrice a day.”

Si Vince naman ang sandaling nag-isip bago,” Well then, that’s fair enough,” nakangiting sagot ni Vince.

Nagkangitian sila ng mama ni Vince. Sa kabuuan ng salo-salo ay naging maayos at masaya naman. Kahit paano ay masaya siya para sa nobyo dahil sinusubukan nitong tibagin ang pader na matagal ng nakapagitan sa mag-ama.

“Thank you,” ani Vince nang silang dalawa na lamang sa lanai. Ang mga magulang nito ay may kani-kanya ng kausap sa telepono.

“For what?” tanong niya. Humilig siya sa balikat nito nang yakapin siya nito mula sa likod.

“For loving me…”

Ngumiti lamang siya habang ninanamnam niya ang mga yakap nito.

“You sure, papasok ka sa kompanya?” tanong niya.

Naramdaman niyang tumango ito.

“You hate four corners of the room,” aniya. Sinabi na rin nito iyon sa kanya. Ayon kasi rito ay tila ito nakakulong.

“Walang masama kung susubukan ko. Isa pa, family business namin iyon. Darating din naman ang panahon na ako rin ang mangangasiwa niyon, I might as well learn how to do it.”

“Bakit hindi mo agad naisip iyan noon? Di sana hindi kayo nagkaroon ng gap ng papa mo.”

Vince sighed then, “I hate his guts. Isa pa, rebelde mode pa ang utak ko noon dahil lagi silang wala ni mama sa tabi ko. Para silang walang anak. Imagine, magkakasama kami pero parang wala din naman sila dahil madalas may mga kausap sila sa telephone…like now.”

“I am glad nagbago ang isip mo at nakipag-compromise ka ngayon.”

“That’s because of you,” anito.

Pumihit siya paharap dito.

“Me?” kunot-noong tanong niya.

“Madalas mo kasing ikuwento sa akin kung gaano mo name-miss ang tatay mo…kung gaano mo siya kamahal. Napaisip tuloy ako, nasa tabi ko ang tatay ko pero hindi namin kami nag-uusap. At kung mag-usap man laging nauuwi sa pag-aaway. So, napag-isip-isip ko na gagawin ko ang gusto niya ng hindi ko napapabayaan ang hilig ko,” nakangiting sagot nito. “Isa pa, nakakapagod din naman iyong lagi kaming nagtatalo,” dugtong nito.

Tumango-tango siya.

“Our relationship is only one month. Maraming darating na pagsubok sa relasyon natin, sana manatili ka sa tabi ko kahit na unos pa ang dumating. Pinapangako ko sa’yo na ikaw lamang ang mamahalin ko. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano magmahal. Oh, I love you, my nerdy girl.”

“Pinapangako ko na mananatili ako sa iyong tabi. At kung sakali man na maulit ang pagiging matigas ko…sana huwag kang sumuko. I love you, my campus heartthrob.”

Hinalikan siya nito sa noo. Yumakap siya rito. Gumanti ito ng yakap sa kanya.

THE END

 

[/mycred_sell_this]


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Nerdy Girl Meets the Campus Heartthrob (Chapter 10 – Finale)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.