NAUNANG makabili ng damit na isusuot si Cherry. But that was her less problem. Ayon sa pinsan ay ito na ang bahala. May tiwala naman siya sa fashion taste nito.
May pinuntahan pa silang boutique. Magaganda ang mga gowns doon pero wala pa rin magustuhan ang kanyang pinsan. May itinuro siya pero pinandilatan lamang siya nito.
“Subukan po ninyo ito, Ma’am. New arrival po namin ito,” anang sales lady.
“Ay sus, meron pa pala naman e,” palatak ni Cherry.
“Huwag na lang kaya ako mag-attend, it seems na walang babagay na damit sa akin e,” aniya. Pero iniinis niya lamang ito.
“Huwag kang maarte. Isukat mo at bilisan mo. Pupunta pa tayo sa optical shop,” nakalabing sabi nito.
Inirapan niya na lamang ito. Pagkatapos ay pumasok na siya sa fitting room.
“Tapos ka na ba?” ilang sandali pa ay narinig niyang tanong ni Cherry sa kanya.
“Malapit na, wait lang,” sagot niya.
[mycred_sell_this]
“Subukan mo na rin itong high heels na ito. Kailangan suot na rin iyan kapag lumabas ka sa fitting room,” anito na inabot sa kanyang ang heels.
Hindi siya makapaniwala nang makita niya ang repleksiyon sa salamin. Parang ginawa talaga ang gown na suot niya. Sexy pala siya. She smiled on that thought. Pero hindi naman sa pagyayabang ay lumitaw ang magandang hubog ng kanyang katawan na hindi niya inakalang mayroon pala siya. She sighed. Sobrang baba pala talaga ng kanyang self-esteem.
Sunod niyang isinukat ang high-heeled shoes na pinili ni Cherry. Mas lalo siyang tumangkad na tingnan. Nagpaikot-ikot siya sa harapan ng salamin. Natutuwa siyang pagmasdan ang sarili niyang suot ang gown na iyon.
“Tagal mo naman,” si Cherry na kababakasan ng inip ang boses.
Isang sulyap pa ang ginawa niya sa salamin bago siya lumabas ng fitting room.
“Sabi ko sa’yo pinsan, maganda ka e,” malapad ang pagkakangiti nito habang sinisipat siya nito.
“Bagay po sa inyo ang gown na iyan, Ma’am,” anang sales lady.
“Okay, Miss, we will get that,” ani Cherry.
Muli siyang pumasok sa fitting room upang hubarin ang gown. Pagkatapos ay binayaran na nila. Next stop nila ay ang optical shop. Matagal nang inuungot nito sa kanya na palitan na niya ang frame ng kanyang salamin, ito na ang pagkakataong iyon. Hindi nga naman babagay ang Miss Tapia eye glasses niya sa kanyang gown.
“Magpapa-contact lens itong kasama ko,” nakangiting sabi ni Cherry.
“Contacts?”
“Look, gown ang isusuot mo. Kahit na siguro kahit pa gaano ka-moderno ang suot mong eye glasses ay hindi naman bagay iyon sa gown,” paliwanag nito.
“All right,” may puntos nga naman ito.
“That’s my girl. From now on, ako na ang fashion consultant mo,” anito.
Ngumiti na lamang siya.
Bukod sa contact lenses ay nagpagawa pa rin siya ng bagong eye glasses. Suot na niya ang bagong eye glasses niya paglabas nila ng optical shop.
“Our next stop, salon,” nakangising sabi ni Cherry.
Nagpatianod na lamang siya sa gusto nito. Hindi rin naman siya mananalo rito.
Pagdating sa salon ay agad siyang inasikaso. Pinag-isipan pa ng baklang stylist kung ano ang magandang hair style sa kulot-kulot niyang buhok.
Matapos ang halos tatlong oras ay natapos rin sa wakas ang pagkutingting na ginagawa sa kanya ng stylist. Ang dating mahaba at kulot niyang buhok ay layered-cut at hanggang balikat na lamang. May inilagay ang stylist sa kanyang buhok upang maging malambot iyon. Nilagyan rin ang kanyang buhok ng cellophane.
“Ganda mo, day,” wika ng baklang stylist. Nakatingin ito sa repleksiyon niya sa salamin.
“I agree!” pagse-second the motion ni Cherry. Pumalakpak pa ito.
She looked at the mirror. Tama ito. Halos hindi niya nakilala ang sarili. Wala na ang nerdy girl. Pumalit ay ang isang maganda at sopistikadang babae. She smiled. Kahit paano ay may excitement siyang naramdaman para sa party nila bukas.
ACQUAINTANCE PARTY. Hindi maiwasan ni Dianne ang kabahan. Kung hindi nga lamang nagsayang ng effort ang kanyang pinsan ay baka hindi na siya magpunta pa sa party.
“Hindi ka pa rin bihis?” kunot-noong tanong ni Cherry nang pumasok ito sa silid niya. Nakabihis na ito. Maganda rin ang gown na suot nito.
“Magbibihis na nga,” aniya.
“Sus, dinadasalan mo pa yata muna e, bago mo isuot,” pagbibiro nito.
“Bilisan mo at naririyan na si Troy.”
“Ano’ng ginagawa niya rito?”
“Siya ang date ko. And he’s here to fetch us.” Iyon lang at lumabas na ito.
She sighed. Kung hindi sana niya natuklasan ang ginawa nila Vince na pagpupustahan ay ito sana ang date niya ngayong gabi. She sighed again. Mas nanaisin niya pa bang hindi niya agad iyon nalaman? She shook her head. Of course not. Mas mabuti na iyong habang maaga ay nalaman niya ang pakay sa kanya ni Vince.
Isang lavender gown ang kanyang suot. Elegante at yari sa silk ang tela niyon. Sa bawat pagkilos niya ay sumusunod ang tela niyon sa kanyang katawan. Kaya naman kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Sa tulong ng curling iron ay kinulot ni Cherry ang dulo ng kanyang buhok at hinayaan niya na lamang na nakalugay. Lalong na-emphasize ang hugis-puso niyang mukha sa ayos ng kanyang buhok. Bago siya tuluyang lumabas ng silid ay isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan.
ALAS-SIYETE pa lamang ay marami ng estudyante sa covered-court gym kung saan gaganapin ang party. Alas-otso pa naman ang umpisa ng program proper.
“Hindi pa ba dumarating si Troy?” tanong ni Vince. Naroroon na lahat sila maliban lamang kay Troy sa puwestong nakalaan sa banda nila. Sila ang kauna-unahang magpe-perform kung kaya inayos na nila ang mga instrumenting gagamitin nila.
“Kanina pa raw umalis si Troy,” sagot ni Hanzel.
“Hayun, nagreply rin si Troy,” wika ni Lee na hawak ang cellphone nito. “Malapit na raw siya.”
“Paanong malapit na? Malapit na rin tayong mag-umpisa,” naiinis na siya. Usapan nila na thirty minutes bago mag-umpisa ang program dapat ay naroroon na sila.
“Oh, there he is,” nguso ni LA nang makita nito si Troy sa gate entrance ng gym.
“Thanks heaven —” Naputol ang kanyang sasabihin. Dalawang babaae ang kasama ni Troy. Parehong maganda at sexy ang mga ito. Subalit ang babaeng nakasuot ng lavender gown ang pumukas sa kanyang atensiyon. The woman was so pretty. He frowned. Inisip kung saan niya nakita ang babae at parang pamilyar ito sa kanya.
“Kaya naman pala nawawala si Troy e. May chicks na pinagkakaabalahan,” nakangising sabi ni Lee.
“Wow!” palatak ni Hanzel.
“The woman in lavender gown looks familiar to me. Do you recognized her, Vince?” tanong ni LA.
Parang slow motion siyang umiling. Habang palapit ang mga ito sa puwesto nila ay napansin niya na parang natetensiyon ang babaeng naka-lavander gown.
HINDI maiwasan ang pagkabog ng dibdin ni Dianne. Mula pagpasok pa lamang ng gate entrance ng gym ay agad niyang nakita si Vince. Matikas na matikas ito sa formal suit na suot nito.
“Who is she?” may narinig siyang nagtanong.
Nang lingunin niya ay alipores ni Belinda.
“Parang ngayon ko lang siya nakita.”
“Baka kaibigan ni Cherry, kasama niya e,” patuloy ang mga ito sa panghuhula. Ganoon ba talaga kalaki ang transpormasyon ng kanyang mukha at hindi siya makilala ng mga ito?
“Sino ang kasama mo, Cherry?” matangas na tanong ni Belinda. Marahil ay hindi na ito makatiis.
“My cousin. Now excuse us.” Mataray na sagot ni Cherry.
Nakita niya pa ang literal na pag-awang ng bibig ni Belinda. Nasa mukha nito na tila hindi ito makapaniwala. Hindi niya maiwasan ang mapangiti.
Nang makalapit sila sa mesang inuokupahan nila Vince ay sinikap niyang maging kalmado.
“Kanina pa kami naghihintay sa’yo,” ani Vince kay Troy pero ang mga mata nito ay sa kanya nakatingin. Nag-iwas siya ng tingin. Pero napansin niya pa ang pagkunot ng noo nito.
“Sorry. Sinundo ko pa kasi ang magpinsan,” sagot ni Troy na nakangiting nilingon silang dalawa ni Cherry.
Sukat sa sinabing iyon ni Troy ay nanlaki ang mga mata ni Vince.
“Dianne?” anito sa kanya.
“Yes, she is,” si Troy ang sumagot. Pinisil nito ang isang kamay niya. Isang kiming ngiti naman ang iginanti niya rito. Kanina habang patungo sila rito ay humingi na ito ng sorry sa kanya. Tinanggap naman niya ang sorry nito. Sa kabila ng lahat ay naging mabuti si Troy sa kanya.
“Why, you’re so different tonight. You’re…you’re…”
Tila hindi nito maapuhap ang tamang adjective para sa kanya. Maging ang mga kaibigan nito ay kanina pa nakatingin lamang sa kanya. Tila hindi makapaniwala ang mga ito.
“Iwan ko muna kayo sandali rito ha. Puntahan ko lamang ang mga classmates ko.” Paalam ni Cherry sa kanya. Bago niya pa mapigilan ito ay mabilis na itong nakatalikod.
“Don’t worry, nandito naman ako e. Just sit back, enjoy and relax,” nakangiting wika ni Troy na iginiya siya sa isang upuan. Pagkatapos ay nagpaalam ang mga ito sandali sa kanya dahil kailangan na ang mga ito sa stage.
Pagkaalis ng mga ito ay siyang lapit naman ni Belinda. Nag-iisa siya sa mesang iyon.
“What are you doing here?” mataray na tanong nito sa kanya.
“I am also a student here,” malamig na tugon niya.
“Huwag ka ngang pilosopo,” sikmat nito sa kanya. May ilang mga estudyante ay napapatingin sa kanilang dalawa ni Belinda. “Ang ibig kong sabihin ay ano ang ginagawa mo sa mesang ito. This table is intended for Mad Peace only.”
“They invited me,” she replied.
“Hindi ka na talaga nadala ano? Sa palagay mo dahil iba ang ayos mo ay totoong magugustuhan ka na ni Vince o ni Troy? Nagkakamali ka, dahil kahit ano’ng ayos mo ay ikaw pa rin si nerdy girl!”
Sa halip na pansinin niya pa ito ay itinuon niya na lamang ang kanyang mga mata sa entablado. Nakatingin si Vince sa kanya. Nababanaag niya ang pag-aalala sa mukha nito. Marahil ay dahil kausap niya si Belinda. Nag-thumbs up signed ito sa kanya. Naunawaan niya naman ang isinenyas nito. Tumango siya. Nakita ni Belinda ang pagsesenyasan nilang dalawa ni Vince, nagdadabog na nagmartsa ito palayo sa kanya.
NANG mag-umpisang tumugtog ang grupo nila Vince ay nagkaingay ang mga estudyante. Lalo na ng pumailanlang ang magandang tinig ni Vince. Isang love song ang kinakanta nito.
Titig na titig siya habang kumakanta si Vince. Pinilit niyang mag-iba ng tingin nang mapatingin ito sa kanya. Pero hindi niya magawa. Tila ba nahihipnotismo siya.
Nang matapos ang kanta ay umangal ang mga estudyante. Humihiling pa ng isang kanta. Ngumiti si Vince at ang grupo nito.
“Dapat po si ay isang awitin lamang talaga ang laan sa amin sa gabing ito. Pero pinayagan naman po kami ng mga organizer ng party na ito. So, okay, pagbibigyan namin kayo ng isa pang awitin,” sabi ni Vince. Pero habang nagsasalita ito ay sa kanya ito nakatingin.
Naghiyawan ang mga estudyante.
“But before I sing this song, I want to take this opportunity to one particular person,” pahayag ni Vince. Malamlam ang mga mata ni Vince na nakatingin sa kanya.
Umugong ang bulungan.
Si Dianne ay hindi malaman ang gagawin. Ano ba ang binabalak nito?
“There was this particular woman who captured my heart.”
Tilian ang mga estudyante.
Nagpatuloy si Vince. “Dianne,” nagtinginan ang mga estudyante sa kanya. “alam kong nasaktan kita. Pero gusto kong ipaabot sa’yo na walang ganoong nangyari sa pagitan namin na magkakaibigan. Please believe me,” nagsusumamo ang tinig nito. Pagkatapos ay tiningnan nito ang mga ka-banda nito.
Tiningnan niya siya Troy. Nag-thumbs up ito sa kanya. She smiled.
Pumailanlang ang kantang ‘If You Walked Away’ ni David Pomeranz. Habang kinakanta iyon ni Vince ay sa kanya lamang ito nakatingin. Kapag tinitingnan niya ang mga ka-grupo nito ay panay lamang ang kindat ng mga ito sa kanya.
“Suwerte mo Dianne,” sigaw ng ilang mga estudyante.
“Oo nga.”
“Tanggapin mo na ang sorry niya.”
“Oo nga. First time niyang mag-apologize sa harap ng maraming tao. Ikaw lamang ang nakapagpagawa niyon sa isang Vince dela Torre.”
Nilingon niya ang mga ito. Nakangiti ang mga ito sa kanya. She smiled back.
Ibinalik niya ang paningin kay Vince. He was smiling while singing. Hindi niya mapigilan ang mapangiti.
“I love you, Dianne Liwanag. I hope you could believe that,” madamdaming pahayag ni Vince nang matapos ang kanta.
Sabay-sabay na yumukod ang mga ito nang matapos ang number ng mga ito. Si Vince ang naunang bumaba ng stage. Akala niya ay lalapit ito sa kinaroroonan niya pero nag-iba ito ng direksiyon. Ikinapagtaka niya iyon.
“How was it?” nakangiting tanong ni Troy sa kanya. Kasunod nito ang ka-grupo nito.
“A-ang alin?” hinahabol ng mga mata niya ang papalayong bulto ni Vince.
“Alin nga naman doon Troy? Ang kanta natin o ang ginawa ni Vince?” biro ni Hanzel.
“E, di pareho na lang,” nakangiting sabi ni Lee.
Tiningnan niya ang mga ito. Waring hinihintay ang isasagot niya.
“That was great guys,” nakangiting sabi niya.
“Sana nagustuhan mo ang ginawa ni Vince,” si Troy sa kanya.
“Sana mapatawad mo na rin siya,” si LA.
She nodded. Gusto niya sanang itanong kung saan nagpunta si Vince pero nakahiyaan naman niya.
“I know Vince. Matapos niyang masabi ang nararamdaman niya in public, mahihiya iyong humarap sa iyo,” si Troy. “He’s in Music and Arts Building. Sa laging tambayan namin. Go! Get your man,” pagtataboy nito sa kanya.
Isang ngiti ang ibinigay niya sa mga ito bago siya tumayo upang sundan si Vince. Nasalubong niya si Cherry. Ngiting-ngiti ito sa kanya.
“I hope you like our surprise,” anito.
“Huh?” she frowned.
“Vince loves you. Si Troy ang nakaisip na gawin niya ito upang mapatunayan niya sa’yo na totoo siya sa paghingi ng tawad at totoo siya sa nararamdaman niya sa’yo,” saad nito.
“You knew this all along?”
“Last night. I received a call from Troy.”
She smiled.
“Go. Hinihintay ka na niya,” nakangiting pagtataboy nito sa kanya.
Next to: Nerdy Girl Meets the Campus Heartthrob (Chapter 10)
[/mycred_sell_this]
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




