Paano ba ang Magmahal (Chapter 3)

“WAITING for a taxi? Tara na, libre lang sa akin.”

Beatriz rolled her eyes at him. Alam na ni Ashton ang ibig sabihin niyon. He got another rejection from her. “Kahit yata gawan pa kita ng mabuti, mali pa rin para sa ˋyo.”

“Kasi naman kung ano pa ˋyong hindi ko hinihinging gawin mo, iyon ang ginagawa mo. Pero ang pinapagawa kong simple lang, hindi mo magawa,” paliwanag nito. “Would you still like me to elaborate it?”

“No need. Sasabihin mo lang naman na ayaw mong sumakay, ang dami mo nang sinabi,” he burst out.

Pinaandar na niya ang sasakyan pero bumuwelta lang siya sa isang gilid. Pinanood niya mula sa malayo ang babae. Mayamaya ay napangiti siya nang may maalala. Laking gulat niya kasi kaninang umaga nang mabungaran niya ito. May suot-suot na naman kasi itong antipara.

“I have collection of eyeglasses,” naalala niyang sagot nito nang tanungin niya kung saan nito iyon nakuha. Ang buong akala niya ay nabisto na nitong siya ang kumuha ng salamin nito. Iniwan pa naman niya iyon sa drawer ng kanyang desk.

Muling ibinalik ni Ashton ang tingin kay Beatriz. Nabuglawan niyang may lalaking nanghaharas dito. Napatayo siya sa kinauupuan dahilan para maumpog ang ulo. Nawala sa isip niyang nasa kotse nga pala siya.

Ihaharurot na sana niya ang sasakyan palapit sa kinapupuwestuhan ng dalaga pero napatigil siya sa nakita. He literally gasped when suddenly Beatriz twisted the arm of that jerk man. Pagkatapos pa nitong pilipitin ang braso ng lalaki ay saka nito tinadyakan ang gitna ng hita nito.

“Ouch…” he murmured.

Mukhang sa lalaki na yata dapat siya maawa. Kaawang-awang lalaki. Pinaandar na niya ang kotse palapit dito.

“Hop in,” muli niyang alok dito. Tiningnan lang siya ni Beatriz. Pride pa rin talaga ang paiiralin nito kaya bumaba na siya ng sasakyan. Puwersahan na niya itong isasakay. Nang hindi niya ito mahila ay binuhat na niya ito papasok sa sasakyan.

“What the hell are you doing? Ibaba mo ko rito!” angil nito.

“No!” He pressed on the accelerator. “Hindi mo ba nakita kung ano ang nangyari sa ˋyo? Kaya puwede ba, manahimik ka na lang diyan?”

“At hindi mo rin ba nakita kung ano ang napala sa akin ng lalaking ˋyon? Baka gusto mo ring gawin ko ˋyon sa ˋyo?”

Inihimpil niya ang sasakyan sa isang gilid. Marahas niyang dinukwang ang babae na ikinatigil nito. His lips twitched. “Marunong ka naman palang tumigil. I thought I have to kiss you first before you stop.”

“What the—”

“You’d really like to taste my lips, ha?” Inuumang pa niya nang kaunti ang mukha rito. They were now few inches away from each other. Napangiti siya nang mapapikit ito nang mariin. Dumukwang na siya nang tuluyan rito. Isang lagitik ang narinig.

“There you go. You must wear your seatbelt,” aniya pagkuwan.

“You!” she hissed. “Hindi por que wala tayo sa opisina ay puwede mo nang labagin ang rules na sinabi ko sa ˋyo.”

Natawa na lang siya nang malakas sa reaksyon nito.

 

“BAGO ka lumapit, siguruhin mo lang na may kabuluhan ˋyang sasabihin mo, Mr. Lizeralde,” babala ni Beatriz sa binata.

“Ang harsh naman n’on. Kulang na lang sabihin mong wala akong kuwenta.”

Ano pa nga ba? piping sabi niya sa sarili.

“Ipapaalala ko lang naman na may luncheon meeting tayo with Mr. Chua later,” tukoy nito sa kilalang owner ng isa sa mga apparel industry sa Pilipinas. Nakapag-usap na sila nito nang nakaraan, magko-close na lamang sila ng deal mamaya.

Noon siya nag-angat ng tingin kay Ashton. Bahagyang umigkas ang kilay niya hindi dahil sa inis kundi sa “bahagyang” pagkabilib dito. Infairness, nakalimutan na nga rin niya ang naturang appointment.

“Kaya mo naman palang magpakatino kung minsan,” naisatinig niya. “Puwede bang dalas-dalasan mo ˋyan?”

“Sure. Iyon lang naman pala, eh. Basta ba mag-agree kang makipag-date sa akin.”

Tuluyan nang umarko ang kaliwang kilay ni Beatriz at kapagkuwa’y tumawa siya nang malakas. “You would like to date me?” sarkastikong saad niya. “Oh, it is a pleasure to date the son of the multi-millionaire Mr. Emilio Lizeralde.”

“Of course. You should really be honored.”

Napaingos siya sa kayabangan nito. Bahagya niyang itinaas ang suot na salamin. “Kung ikaw ang VP at hindi ako, somehow, I will feel honored. Kaya lang, hindi ˋdi ba?”

Napangiti siya nang makita ang pagkibot ng labi nito. Nagwagi na naman siyang saktan ang ego ng lalaki.

“Okay. I won’t react to that. Magiging gentleman ako,” kunwang pagpapakumbaba nito.

She just smirked. “Ang mabuti pa bumalik ka na sa desk mo at tapusin na ang dapat tapusin.”

Nakahinga siya nang maluwag nang magpatianod ito sa sinabi niya. Muli na niyang ibinalik ang tingin sa monitor. Naputol na lang ang konsentrasyon niya sa ginagawa nang tawagin ni Ashton ang atensyon niya.

“Secretary of Mr. Chua is on the line. He’s looking for you.” maagap nitong sabi.

Nakakaunawa namang tinanguan niya ito. Wala ng tanong-tanong na kinonekta nito ang tawag sa kanyang linya. She picked up the phone right away. “Hi, Ms. Censon. This is the Vice President of Max Impact. How may I direct your call?”

Nagsalubong agad ang kilay niya sa bungad ng sekretarya. “You’re cancelling the meeting, oh no, Mr. Chua is also cancelling the signing?” Napailing siya sa sumunod nitong sinabi. “What?! Wait…That’s impossible!”

Kasunod niyon ay agad niyang hinawakan ang mouse na nasa isang gilid at nagbukas ng internet browser. “What are you saying? You’re planning to sue us? Are you kidding? Ni hindi pa nga siya nakakapag-sign ng contract.” Bahagya nang napataas ang boses niya.

“Okay… I don’t intend to raise my voice. Don’t worry, we will check this out. Yes, yes… I’ll be calling you shortly.”

Pagkababa ng awditibo ay naikuyom ni Beatriz nang mariin ang kanyang palad. Nagngangalit na tinitigan niya ang nasa screen. Naihampas niya ang hawak na mouse sa kanyang desk.

“Hey, what’s happening?” usisa ni Ashton.

“Call the Creative Team. Tell them I need them in the conference room, now. And you also need to be there.”

Iyon lang at dali-dali siyang tumayo at dumeretso ng conference room.

 

“I NEED you all to explain this to me!”

Bumalahaw ang boses ni Beatriz sa loob ng pribadong silid na iyon. Yukung-yuko at tila napipi ang buong team sa galit niya.

“What now! Wala bang magpapaliwanag sa akin kung paano nakopya ang ideya natin? Huwag na tayong maglokohan. Tayu-tayo ang unang nakakaalam ng konsepto. Speak now o gusto ninyong ma-fire lahat.”

Noon nagsalita ang Creative Executive na si Lindsay. “Miss VP, wala talaga kaming alam kung paano nangyari ˋyon.”

She closed her eyes tightly to hold her temper. Napamulat siya nang marinig ang tinig ni Ashton.

“I know I don’t have a say on this matter. Pero paano kung wala naman talaga dito, sa mga taong nandito ang sumabotahe sa inyo?”

Isa-isa naman siyang napatingin sa mga naroon. Matagal-tagal na rin niyang katrabaho ang mga ito. Pero hindi pa rin niya mahagap sa isip kung paano naging pareho ang ideya nila kung wala sa kanila ang may gawa.

Pinyano niya ang mga daliri sa mesa. “Who advertised for Couture House?” tukoy niya sa kakompitensyang clothing apparel ni Mr. Chua.

“It’s the Transformations, Miss VP.”

Napataas ang kilay niya. “I see.” Noon pa man ay matindi na ang tunggalian sa pagitan ng dalawang advertising agency. Dati nga’y nagkasulutan pa sila ng kliyente. At heto naman ang isyu ngayon pero hindi naman niya akalaing aabot sa ganitong punto.

“Are we losing Mr. Chua?” ani Jerome, isa sa mga art director.

She blinked for a moment. “There might be a possibility.”

“Pero Miss VP, isa na rin siya sa investor natin. May possibility rin ba na matanggal talaga kami?”

“I already have reminded you from the very start that everything that we discuss in this room should be confidential. After all, parte ito ng responsibilidad ninyo as a creative team.”

Natahimik ang mga ito sa tinuran niya. Things hung for a moment. Siya na ang pumutol ng nakabibinging katahimikan. “For now, free yourself from anything. Go back to work now. Magpapatawag na lang ako uli ng meeting.”

Nang makalabas na ang mga ito ay tumindig na rin siya at mabilis na bumalik sa kanyang opisina, kasunod si Ashton. Dumeretso siya ng upo sa kanyang trono. Namantal ang kanyang noo nang makitang sumunod si Ashton hanggang doon sa desk niya. Nakaupo ito sa tapat niya.

“Kailangan ba talaga silang tanggalin?”

Her eyebrows knotted in confusion. “Huh?”

“Do they have to get fired? Hindi naman siguro natin sila iki-kickout na lang sa kompanya, ˋdi ba?”

Sumeryoso ang anyo niya. “Kung hindi natin malalaman kung sino ang nag-leak ng idea natin sa Transformations, hindi ko maa-assure na hindi sila matatanggal. We’re after the security of the company. Paano kung isa sa kanila ang nag-leak at wala tayong ginawang aksyon? Paano kung maulit ito uli?”

“Then what will happen to those innocents?” nag-aalala pa rin nitong tanong. “We can’t just fire them.”

“We will be doing a fair investigation, Ashton.”

“Kasama ka sa magdedesisyon, right? So, kung ikaw ang tatanungin, tatanggalin mo ba sila?”

“They have the responsibility about this issue,” tugon niya.

“Are you that heartless?”

She was tongue-tied for a second. Nang aktong magre-react na siya ay noon naman biglang niluwa ng pinto si Miss P. Bigla siyang napatayo. Bagaman inaasahan na niyang maaaring nakarating na ang balita rito ay hindi pa rin niya naiwasang masorpresa sa pagdating nito.

“Bea, how true is the issue?” untag ng ginang sa kanya.

Tumingin siya kay Ashton. “Can you please leave us for a moment?”

He looked unbelievably at her. Kapagkuwan ay tiningnan nito ang ina. “Gusto kong marinig ang pag-uusapan ninyo. You want to train me, right?”

Nakita niyang napabuga ng hangin si Miss P. “You can talk about it later, Ashton. I just need to talk privately with Beatriz. So please leave for a while, son.”

Wala nang nagawa ang lalaki. Napilitan itong lumabas ng silid. Nang makaalis ito ay iginiya niya si Miss P patungo sa receiving area.

 

TINITIGAN pa muna ni Ashton si Beatriz bago siya lumapit nang tuluyan dito. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Saglit lamang nag-angat ang tingin nito sa kanya at muli ay tinutok ang buong atensyon sa kaharap na screen.

“Ahm, gabi na. Hindi pa ba tayo uuwi?”

Tinugon nito ang sinabi niya nang hindi nagbabaling ng tingin sa kanya. “I have not asked you to wait for me. Akala ko nga nakauwi ka na.” Saglit pa itong pumatda bago nagpatuloy. “Huwag mo na akong hintayin. You may now go.”

Hindi na siya sumagot. Naglakad na siya palayo sa desk nito. Pero pumunta lang siya sa pantry para magtimpla ng kape. Akmang aabutin niya ang lalagyanan ng creamer at sugar nang mapatigil siya. Napailing-iling siya habang nangingiti. Hanggang ngayon mangha pa rin siya sa coffee preference ni Beatriz. Ito pa lang yata ang kilala niyang umiinom ng purong kape. Minsan naman din ay umiinom siya nang ganoon pero nilalagyan pa rin niya ng kaunting asukal.

Muli siyang napangiti. Oo nga pala. Minsan din ay sinubukan niyang gawin iyon pero nalasahan pa rin ni Beatriz ang kakarampot na asukal na nilagay niya. She was really unbelievable.

While he was stirring the coffee, something came rushing down his mind. Naalala niya ang naging usapan nina Beatriz at ng kanyang Mommy kanina. Yah, he did eavesdropping. Gusto talaga niyang malaman kung ano ang mangyayari sa Creative Department. At natigagal siya sa narinig kay Beatriz.

“We cannot afford to lose Mr. Chua, Beatriz. You know that. Do everything to resolve this. I think it’s about time to create a new creative team.”

            “Miss P, marami na rin napagdaanan ang creative team. I can’t also afford to fire them. They needed us Miss P but we need them even more now. Sila pa rin ang mas nakakaalam ng mga pasikut-pasikot ng industriyang ito.”

            “I consider that, Beatriz. Pero hindi natin puwedeng bitiwan si Mr. Chua. Hindi ba mas maigi kung mag-hire tayo ng bago, at least hindi pa corrupted ang utak. Millennials are much innovative and creative.”

            “I take full responsibility of this, Miss P. Huwag lang natin silang tanggalin. I will do everything to resolve this issue.”

“Ugh.” Naputol ang pag-alala ni Ashton nang mapansin niyang nagkandatapon na ang hinahalong kape.

Habang pinupunasan ang natapong kape, hindi niya malaman kung doon ba siya naiinis o sa sarili. Pero alam niyang mas lamang ang huli. Muli pang umalingawngaw sa kanya ang sinabi niya kay Beatriz. Are you that heartless?

            Binitbit na niya ang kape at tumulak pabalik sa desk ng dalaga. Dere-deretso siyang naglakad at inilapag ang puweslo sa gawing kaliwa nito.

Napalundag naman ito sa ginawi niya. “Oh hell, nandiyan ka pa pala?”

Napatitig siya rito. Nagsabugan na ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito. Darn him, bakit nasabi niya iyon dito kanina?

“Ashton!” hiyaw nito sa kanya.

Napahumindig siya at saka naikiling ang ulo. “Ha?”

“Ang sabi ko, ako ˋyong nagulat pero ikaw pa ang tulala diyan. Ang mabuti pa, umuwi ka na. I’ll see you tomorrow.”

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. “Hindi kita iiwan dito.” Nakita niya kung paano nagsalubong ang kilay nito. Sinawata na niya ang anumang sasabihin nito. “Ahm, about kanina… ˋyong mga nasabi ko… I’m sorry about that.”

Bahagya itong napatawa na inaasahan niya. “Are you sick, Ashton? Why are you feeling so guilty now?”

“Ah, basta!” ungot niya. “Sasamahan kita dito. I’ll help you. Pero kailangan ko munang malaman ang ideya na nakopya sa inyo.”

She looked at him in disbelief. “What are you up now?”

“I don’t have any dirty plans, okay? I just wanna help the company. I wanna help you.”

Nag-isip pa ito ng ilang sandali bago siya pinaupo sa upuang katapat nito. Kapagkuwan ay nagsimula na itong magpaliwanag. “We’re about to create a mobile app for Logan,” anito sa apparel brand na pagmamay-ari ni Mr. Chua. “An extraordinary app where customers may able to avail their selected items via online.

“It’s extraordinary dahil may points system. Just like sa mga mall, hindi ba may perks card silang tinatawag? Dito naman, once na bibili sila, they will also earn points na puwede nilang i-redeem once it reach a certain amount.”

Napatangu-tango siya. “Meaning to say, they will be logging in to their own account, right?”

“Yes,” Beatriz answered. “They may also pay directly online or they may choose to have it through cash-on-delivery.”

Kahit siya mapapabilib sa ideyang iyon. “Lahat ng ˋyan nakopya na ng Transformations.”

“Sa Fanpage ng Couture House nag-announce na sila na magkakaroon na sila ng mobile application. Sinabi din nila ang magiging feature ng app na kaparehong-kapareho ng idea namin for Logan.”

“Do you already have plans on how to resolve this?” tanong niya sa babae.

“I already have some options. Would you help me select the best among them?”

 

Next to: Paano ba ang Magmahal (Chapter 4)

https://bit.ly/saladmastersuggestedrecipes


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Paano ba ang Magmahal (Chapter 3)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.