Paano ba ang Magmahal (Chapter 6)

NAIBUGA ni Beatriz ang coke na iniinom. Ano nga uli ang sinabi ni Ashton? Did he just say that he like her?

“Kadiri ˋto!” Pinagpag pa nito ang damit dahil dito sumapul ang pagkakabuga niya ng inumin. “Gustung-gusto mo talagang dumihan ang sleeve ko, ˋno?”

Hindi niya pinansin ang sinabi nito, mas gusto niyang pansinin ang nauna nitong nasabi kanina. Umabot muna siya ng tissue at saka pinahid iyon sa bibig. Kapagkuwan ay nagsalita siya, “Pakiulit nga uli ang sinabi mo kanina?”

Pumalatak ito. “I think you have to improve your listening skills.”

She rolled her eyes at him. “Ikaw naman, kailangan mong i-improve ˋyang pagsasalita mo. Para maging kapani-paniwala naman. Hindi ko akalaing nadadala mo ang ibang babae sa mga ganoong klase lang ng salita.”

“Alam mo…” sambit nito. “Hindi ko alam kung bakit nagustuhan kita sa ugali mong ˋyan. Pero iyon na nga siguro ang nagustuhan ko sa ˋyo. ˋCoz you are totally different among all the women that I have dated. No, you are incomparable. Hindi mo deserve na ikompara sa kanila.”

“At talagang hindi nila ako katulad!” she snapped. “Dahil hindi mo ako mauuto katulad nila Ashton.”

Pagkasabi niyon ay tumayo siya. At hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Sumunod pala ito. Hinaklit nito ang kamay niya at saka siya kinabig paharap dito. She was startled. Kumibot ang labi niya pero hindi naman niya nagawang makapag-react. Ang kamay nitong nakasapo sa kanyang baywang ay mas lalo pang itinulak ang katawan niya palapit dito. Nagsimulang magdambahan ang mga kabayo sa kanyang dibdib.

“Ngayon mo sabihin sa aking hindi mo pa rin natatandaan ang nangyari ng gabing ˋyon,” usal nito.

Napakunot ang noo niya. Iyon ba ang dahilan? Noon niya nagawang itulak ang lalaki na sumalya sa couch doon. “Fine! Naaalala ko na! So, iyon ba ang dahilan kung bakit naging ganyan ang akto mo sa akin?” Pagak siyang tumawa. “Iniisip mo bang may namamagitan na sa atin just because I kissed you that night?”

Tumayo ito mula sa pagkakasalya. “I don’t get it, Beatriz. What’s wrong if I like you? Uhm, ni hindi ka man lang ba talaga nadadala sa kaguwapuhan ko?” anito, na nag-beautiful eyes pa.

Nang tinaasan niya ito ng kilay ay tinaas naman nito ang braso. “Eh, sa ka-macho-han ko? Hindi pa rin?”

Napailing-iling siya. Bumalik na lang siya sa kanyang trono at tinuloy na ang ginagawa. Sumunod naman ito papunta sa kanyang desk. Para matinag na ang lalaki ay hinarap niya ito. “I will never like you, Ashton. Whatever you will do, I will never fall for it.”

Sumeryoso ang anyo nito. “I wanna know why. You’re not only pertaining to me, right? I mean, sa lahat ng lalaki ganito ka, ˋdi ba? Beatriz, why are you so aloof? Tell me, did someone break your heart before?”

She eluded her eyes. Kapagkuwan ay natawa siya. “Never did I let any man break my heart. It will never happen, Ashton.”

“Kunsabagay…” Napatango-tango ito. “Baka ikaw pa nga ang nakapagpaluha sa mga lalaki, eh. Saka paano nga naman mangangahas ang lalaki sa ˋyo kung lalapit pa lang sila ay sisikmatin mo na agad ng kamao mo?” Napapailing ito pagkatapos ay muling sumeryoso. “Pero ibahin mo ako, Beatriz. I will make you fall for me.”

She sneered. “Na-challenge ka bang i-break ang record? You would like to be the first ever man to break my heart, huh?”

“Yeah, I would like to be the first ever man…” He paused briefly before continuing. “…you will love.”

 

NAPATALON yata si Ashton mula sa kinatatayuan nang marinig ang nagngangalit na boses ni Beatriz. Kasalukuyan siyang nasa hallway at pabalik na sa opisina nang marinig niya ang pagsigaw nito.

Nakita niyang lumabas ng opisina ang dalaga at saka marahas na nagtanong. “Who put this on my table? Gusto n’yo ba talaga akong patayin?” Nakatakip ang ilong nito habang hawak-hawak ang pumpon ng rosas.

Napangiwi siya. Kumubli siya sa isang tabi at pinanood ang eksena. Akmang isisilid na ng babae ang bouquet nang agawin iyon ni Hazel, isa sa mga graphic artist.

“Sayang, Miss VP. Akin na lang,” sabi pa nito.

Umirap pa si Beatriz bago ito muling pumasok sa opisina nito. Noon naman siya dali-daling lumapit sa kumuha ng bulaklak. “Hey, bakit galit na galit ˋyon?”

“May allergy ˋyon sa bulaklak. She’s not the typical woman na magkakandatalon kapag naka-receive ng ganito.”

“What?” Damn, what a wrong move!

“Ikaw ang naglagay nito, ˋno?” It was not actually a question but more of a statement. Sino ba naman ang may access at malayang nakakapasok sa office ni Beatriz, ˋdi ba?

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. “Tell me, ano pa ang hindi puwede sa kanya?”

“Naku, marami! Huwag na huwag mo rin paplanuhing bigyan ng chocolate si Ma’am. Hindi siya mahilig sa sweets. Kung gusto mo, ako na lang ang bigyan mo.”

Napapailing siya. “Eh, ano na lang ang ibibigay ko?”

“Alam mo, mas okay pa ang ipagtimpla mo siya ng paborito niyang dark coffee.”

What the hell! Napapaisip siyang bumalik ng office. Nang makapasok ay dumere-deretso siya sa desk ni Beatriz.

“Iyon na ba ang sinasabi mong makakapagpahulog ng loob ko sa ˋyo?” taas-kilay nitong sabi. “It would really break my heart kasi papatayin mo pala ko, Ashton!”

Nagyuko siya ng ulo. “I’m sorry, hindi ko naman alam na may allergy ka sa bulaklak.”

“Yeah, because you’re used to giving flowers to your women, right? Sinabi ko naman sa ˋyo, hindi nila ako katulad. You know what, hindi magtatagal susuko ka rin sa mga pinaggagawa mo. Huwag mo nang sayangin ang effort mo, okay?”

Nag-angat siya ng tingin. “Why would I give up? No. I’ll do everything to make you fall for me.”

Nagkibit-balikat ito. “By the way, may nakuha ka na bang report sa recent project natin for Mr. Chua?”

Nagsimula na kasi silang mag-post sa page ng Logan para sa bagong pakulo nito. Noong nakaraan din ay nalaman na nila kung sino ang may gawa ng pagkakakopya ng ideya dapat nilang mobile app para rito. Ang dati palang sekretarya ni Beatriz ang may gawa niyon. Hindi nito natanggap ang pag-fire ng VP dito.

Bumaling siya kay Beatriz. “Katitingin ko lang ng page. So far, it went well. Marami ang naiintriga sa post. Nag-boost din ang likes hindi lang ng ad pati na rin ng mismong page.”

Napatango-tango ito. “At least, good news. But here comes another problem. I just received a call a minute ago. Umatras sa photoshoot ang model para sana sa bagong billboard ng Luxxe,” tukoy nito sa isang kilalang perfume brand.

“Should I call now the creative and prod team for a conference meeting?” he guessed.

Hindi niya alam kung napangiti ba ito o ano. “Alam mo na, huh? Tell the team that I need them in fifteen minutes.”

Sinunod agad niya ang sinabi ng dalaga. Ilang sandali pa nga ay pare-pareho na silang nasa court room —este—sa conference room. Para naman talagang hindi nalalayo sa korte ang silid na iyon dahil ilang issue na ang napag-uusapan doon. At heto na naman ang panibago.

“I already called Mr. Bermudez,” panimula ng VP. “If Caitlin couldn’t make it, he’d rather choose Megan Park to do the shoot.”

Mula sa sinusulat na notes ay natigilan si Ashton. Tama ba ang narinig niya?

“Oh! As in the Filipino-Korean model Megan Park?” ani Lara, isa sa mga production assistant.

“Yes,” sagot naman ni Beatriz. “But here is the problem, Mr. Bermudez is blaming us kung bakit umatras ang dapat na modelo for the new billboard issue ng Luxxe. Hindi raw naibigay ng production ang gusto ni Caitlin.”

Agad na sumabad ang production director na si Joyce. “Why are they blaming us? Caitlin came late on the supposed shooting time. Ang dami pa niyang demands.”

Bumungtong-hininga si Beatriz. “We’re done about that. Just let it go. But because of what happened, we have to make amends. Mr. Bermudez is leaving everything to our hands. Do every means to persuade Megan Park to shoot for Luxxe.” Tumingin ito sa production director. “And I’m leaving everything to you.”

Napasunod ang mga mata niya sa tiningnan nito. Napansin niyang napapikit si Joyce sa nakaatang na trabaho. Hindi kasi madaling kontakin ang nais na maging bagong modelo ni Mr. Bermudez. Bagong dating lamang muli sa bansa si Megan Park at hindi lingid sa lahat na kabi-kabila ang projects nito. Pinag-aagawan ito ng iba’t ibang network.

Doon na tinapos ni Beatriz ang pagpupulong. Nang makabalik sa opisina ay saka siya nagtanong dito. “What if Megan turned down the offer?”

Umupo ito sa trono nito. “Hindi puwedeng hindi tayo mag-succeed. Matagal na nating kliyente si Mr. Bermudez. Siya rin ang pinakamatagal na niligawan ng Max.”

Matiim siyang napatingin dito.

 

NAPAHAWAK si Beatriz sa kanyang sentido. Binalingan niya ng tingin ang yukong-yukong production director na si Joyce.

“I really am sorry, Miss VP. Lahat na ng pangungulit ginawa na namin.”

Nagsimulang mag-init ang ulo niya. “I don’t think that you already did everything. Kung ginawa n’yo na ang lahat, dapat nandito siya ngayon.” Tumayo siya. “Walang titigil hangga’t hindi ninyo napapa-oo si Megan. And please lang, huwag na huwag ninyo ako pupuntahan dito kung wala naman kayong good news.”

Lumong-lumong umalis ang production director. Inis naman siyang bumalik sa pagkakaupo. Iyon na ang pangalawang araw nilang nililigawan si Megan pero heto nga at bigo pa rin silang makuha ito bilang bagong modelo ng Luxxe.

“Coffee?” untag ni Ashton sa kanya.

Umiling siya at kapagdaka’y napapikit nang mariin. “Paano ba natin mape-persuade si Megan?” wala sa loob niyang sabi.

“I will talk to her,” biglang sabi nito.

Naimulat niya ang mga mata. “Huwag mong sabihing…”

“Yes,” mabilis nitong tugon. “I will use my charm,” kumindat pa nitong sabi. Umupo ito sa kaibayong upuan at sumeryoso. “I will make sure that she will say yes.”

“For all I know, balak mo lang pormahan si Megan.” Mataman niya itong tiningnan. Kunsabagay, baka nga magamit nila ang pagiging womanizer nito para mapapayag si Megan Park. “And what would I do with you kapag hindi mo rin siya napa-oo?”

Hinaplos nito ang baba. “Sure, let’s talk about it kung hindi ko nagawang mapapayag si Megan. But grant me a wish once I succeed, okay?”

Inilapat ni Beatriz ang likod sa kinauupuan. “Okay, let’s see what you can do.”

Ginawa nga nito ang sinabi. Bumalik ito sa desk nito at sinimulang kontakin si Megan. Mayamaya pa ay nagpaalam itong makikipagkita sa modelo. Pinayagan naman niya ito.

Sinubukang ituon ni Beatriz ang atensyon sa ibang proyekto nila pero hindi niya maintidihan kung bakit tila binabagabag ang loob niya. Tumindig siya at tumingin sa labas ng glass window. Madadala nga kaya ni Ashton ang modelo sa charm nito? At hindi niya eksakto alam ang plano nito para mapa-oo ang modelo. Doon siya mas lalong kinakabahan. Hindi kaya ilagay lang nito sa kahihiyan ang Max Impact?

May biglang pumasok sa isip niya. Paano kung dinala nito sa hotel ang babae katulad ng ginagawa nito sa iba? Sunud-sunod siyang napailing.

Bakit nag-aalala ka? Nagseselos ka ba? udyok ng isang bahagi ng kanyang isip.

Mas naging matindi ang kanyang pag-iling. The heck, ano namang dahilan para magselos siya? Ni hindi naman siya nagpapaniwala sa sinabi nitong pagkagusto sa kanya. Ganoon na lang siguro talaga ito kadesperado na makuha ang posisyon niya.

I will make you fall for me. I would like to be the first ever man you will love.

            Napahawak siya sa ulo. Wala talagang naidudulot na maganda sa kanya ang mga lalaki. Wala ring pinagkaiba sa mga ito si Ashton.

Pinilit niya ang sariling magpakaabala sa iba pang nakalinya nilang trabaho. Natapos na niya ang mga nakabinbin na gawain at lahat ay hindi pa rin nakakabalik si Ashton. Hindi nga kaya gumawa na ito ng kalokohan? Baka naman hindi nito pinuntahan si Megan at nambabae na naman ito?

Sinukbit na niya ang shoulder bag. Handa na sana siyang lumabas nang biglang bumukas ang pinto at iluwa niyon ang hinihintay niya.

Nang makita siya ay malapad itong ngumiti. “Paano ba ˋyan, mukhang kailangang i-grant ng isang fairy ang wish ng isang tao.”

Kung paano man nito napapayag si Megan Park ay hindi na niya gustong alamin pa. At least, may kinaparatingan ang pagiging womanizer ng lalaking ito. Nagsimula na siyang humakbang. “Pinapatanong ng fairy kung ano ang wish ng taong ˋyon?”

Pumunta ito sa harapan niya. “Have a dinner with me, Beatriz. Tomorrow is our rest day. So I’ll pick you up in your place at seven p.m.” tuluy-tuloy nitong pahayag.

Hindi na siya pinahintulutan pa nitong makapag-react.

 

NAPATITIG si Beatriz sa orasan. It was near six o’clock in the evening. Ang sabi ni Ashton ay susunduin siya nito ng alas-siete ng gabi pero heto siya at hindi pa naghahanda. Bakit hindi? Wala naman siyang balak na lumabas kasama ang lalaki.

Pumitik sa kanya ang ginawa nitong pagpapapayag kay Megan Park. Naipilig niya ang ulo. Suddenly, it felt like she was having a second thought already. Sa pag-iisip niya kung ano ang dapat na gawin ay humantong siya sa banyo hanggang nasa harap na siya ng kanyang hair dresser.

Alright. Kung pinaglalaruan siya ni Ashton ay makikipaglaro rin siya rito. Her lips twitched. Umupo siya sa harap ng salamin. Pinatuyo niya ang buhok at hinayaan iyong nakalugay. She then put a little amount of blush-on on her cheeks. Sinunod naman niyang lagyan ng lipstick ang mga labi.

Nang maiayos ang mukha ay pumili siya ng dress na susuotin. Iyon nga lang ang hindi niya kayang gawin. Nagsuot siya ng sleeveless na dress pero pinatungan pa rin niya iyon ng mahabang blazer. Binistahan niya ng tingin ang sarili sa full-length mirror na nasa dressing room niya. She was all set. Handa na siyang makipaglaro kay Ashton.

Ilang sandali pa nga ay nakarinig na siya nang sunud-sunod na tunog ng doorbell. Sandali pang naglaro ang isip niya kung magsusuot siya ng eyeglasses o hindi pero sa huli ay isinuot pa rin niya iyon.

Pinagbuksan na niya ng pinto ang panauhin. Nakita niyang napipilan ito sa nakita. “Shall we go?”

Napakurap-kurap ito. “You’re gorgeous…”

“Yeah, I can see it in your eyes,” sabi niya. Inilahad naman nito ang kamay sa kanya. Nilagpasan niya iyon. “No physical contact, Mr. Ashton. Hindi ˋyan kasama sa wish na nai-grant ko sa ˋyo. We better go now.”ˋ

He just shrugged his shoulders. Napamaang yata siya sa sumunod nitong ginawa. She didn’t expect him to open the car door for her.

Nang kapwa nasa loob na sila ng sasakyan ay nagtanong si Ashton sa kanya. “Ayaw na ayaw mong makipag-dinner date sa akin pero bakit parang pinaghandaan mo?”

She mockingly looked at him. “So sa tingin mo pinaghandaan ko ang dinner date na ˋto sa simpleng paglugay ko lang ng buhok?”

He just chuckled. Mayamaya pa’y nag-park na ito ng kotse. Sa isang eksklusibong restaurant siya nito dinala. Hindi niya mapigilang isipin kung ilang babae na ang nadala nito sa naturang lugar.

Pumuwesto sila sa isang gilid. May lumapit sa kanila para mag-abot ng menu. Pumipili na sila ng order nang may isang babaeng pumukaw sa atensyon nila.

“You *sshole!”

“Huh? Do I know you?” ani Ashton.

Ganoon na lang ang gulat ni Beatriz nang sugurin ng babae ng sampal si Ashton. Napailing-iling siya. Bahagya pa siyang natawa sa hitsura ni Ashton. Ang napapala ng babaero!

“Hindi mo ako nakikilala? Noong isang araw lang may pa-you-are-my-everything ka pang nalalaman sa akin!” Kapagkuwan ay mapanuri itong tumingin sa kanya. Hindi niya naiwasan ang pag-igkas ng kilay sa klase ng tingin nito sa kanya. “My God Ashton, paano mo naman nagustuhan ˋtong manang na ˋto?”

Napamaang siya sa sinabi nito. What did she call her? Kumibot ang kilay niya. “Ikaw yata ang dapat kong kuwestyunin kung paano nagkagusto si Ashton sa katulad mong dr-in-awing-an lang ang mukha para magkahitsura!”

Laking gulat niya nang mabilis nitong hablutin ang kopita sa isang tabi na may lamang tubig. Isinaboy nito iyon sa kanya. Napakurap-kurap siya sa ginawa nito. Samantalang ang mga kumakain naman doon ay napasinghap sa nangyari. Her mouth slightly opened. Hindi na niya napigilan pa ang sarili. Marahas siyang tumayo at kinuha ang isang kopitang nandoon saka ibinuhos sa pagmumukha nito.

“O eh di nabura ˋyang hitsura mo!” she exclaimed. Tinanggal niya ang suot na salamin. “Now, sino sa tingin mo ang pipiliin sa atin ni Ashton?”

Nang akmang sasampalin siya nito ay pumagitna si Ashton. “You know what, you should blame that kind of your personality kung bakit hindi ko itinuloy ang pakikipag-date sa ˋyo!” Iyon lang at hinila na siya nito palabas ng restaurant.

Nang makalabas ay marahas siyang pumiglas dito. Pagkaraan niyon ay inundayan niya ng sampal ang lalaki. “I should have never agreed to this date!”

Napahaplos ito sa pisnging nasampal. “Look, hindi ko alam kung saang lupalop ko nakilala ang babaeng ˋyon. But I’m so sure, matagal ko na siyang naka-date. I’m really sorry—”

“And why are you explaining?”

“Ha? Ah, because I like you. I wanna prove to you na nagbabago na ko.”

Umiling-iling siya. “You’re a hopeless case!” Naglakad na siya palayo dito.

“Where are you going? Hindi pa tayo kumakain.”

“Uuwi na ko!”

Si Ashton, magbabago? Imposible!

 

Next to: Paano ba ang Magmahal (Chapter 7)


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Paano ba ang Magmahal (Chapter 6)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.