Rita Gaviola was the so-called Siopao Girl in her town. Namulatan na kasi niya ang paggawa at paglalako ng siopao ng kaniyang pamilya sa kanilang lugar kaya naman kilala na rin siya ng lahat sa tawag na iyon.
Isang araw, habang abala sa kaniyang paglalako ng paninda sa daan ay may isang mestisong lalaking tumawag sa kaniya ng bella. Nagalit siya rito. Akala niya ay slang counterpart iyon ng salitang belyas. Idagdag pang nagtatawanan at nagkakantiyawan ang mga kaibigan na kasama nito. Dahil doon ay inihampas niya rito ang dalang basket at binuhusan ito ng sauce ng siopao sa damit. Namula sa galit ang foreign bangus na lalaki at at bahagya siyang nasindak nang humakbang ito palapit sa kaniya. Pero kailangan niyang panindigan ang pagsusungit kung iyon ay para sa magandang reputasyon ng kaniyang pamilya. Hindi siya isang belyas! Ano ang karapatan nitong laitin siya nang ganoon?
Matapos ang eksenang iyon, inakala ni Rita na hindi na niya kailanman makikita ang lalaki kaya naman laking gulat niya sa natuklasan.
“Mamay, don’t tell me na ang kinukuwento ninyong Pinoy Bello na anak ni Ma’am Carina ay ang foreign bangus na ‘yan? Don’t joke me, Mamay. Don’t me,” tangi na lang niyang nasabi kasabay ng mariing kagat-labi.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Ayun nakita q na ang book 1 ikaw mhna basahin q bago book 2 pero matutulog muna q hahaha
Foreign bangus HAHAHAHAHA