“It’s good to be back.”
“Zoey, I really missed you. Ang tagal nating hindi nagkita.”
“I missed you too, Stacey.”
Niyakap ko si Stacey nang mahigpit at isinayaw-sayaw pa. Hindi tuloy naiwasang nakagawa kami ng kaunting eksena saairport.
“Si August? Hindi mo kasama?” tanong niya.
“Bukas pa siya susunod dito. Na-late kasi ang release ng papers niya. Sakto naman na bukas din ang uwi ni Kit kaya isasabayniya na lang.”
“Excited na kong ma-meet siya. Tiyak kong masu-surprise rin siEvo kapag nakita na siya.”
Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya at hindi nanagkumento pa. Sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari noon, hindi ko maiwasang masaktan ng paulit-ulit. Pero kahit ganoon natanggap ko na kung ano ang papel ko sa buhay niya. Masaya na rin ako sa kung anong mayroon ako ngayon.
Ayoko nangbalikan ang nakaraan kaya naman hanggang maaari ayoko nasanang magkakaroon pa ng kahit na anong dahilan para maalalako ang mga nangyari sa amin noon pero paano ko nga bakakalimutan ang nakaraan kung mayroong pilit na nag-uugnaysa aming dalawa at patuloy na nagpapaalala kung gaano akokatanga sa kaniya noon?
“O, nakasimangot ka na naman. Hindi bagay sa ‘yo na lagingnakasimangot.” Pinisil ni Stacey ang pisngi ko dahilan para mapangiti ako. “Alam ba ni Evo na ngayon ang uwi mo?”
Umiling lang ako bilang tugon sa kaniya.
“What? Tapos doon ka pa rin sa bahay nila tutuloy? Zoey naman. Maluwag naman ang bahay ko at parang anak na rinnaman ang turing sa ‘yo nila mommy alam mo ‘yan.”
“I know. Alam ko ring nag-aalala ka sa akin ngayon pero kasi siAugust. He’s insisting to meet Evo. Ayoko namang isipin niyana ayaw ko siyang ipakilala kay Evo ‘di ba?”
“Kunsabagay, pero kapag inaway ka ni Evo, alam mo na ha? You are always welcome to my house.”
“Oo naman. Ikaw lang naman din ang kaibigan ko rito.”
“Ayie… Tara na nga. Baka magkadramahan na tayo rito.” Sabay kaming natawa bago kami tuluyang umalis ng airport. Nagpasya kaming mag-drop by na muna sa isang restaurant para kahit paano ay makapagmeryenda kahit sandali.
Nakakaramdam na rin kasi ako ng gutom at alam kong ganoon din si Stacey kahitna hindi niya sabihin. I know her. Hindi siya ‘yong tipo ng taona magsasalita kahit na gutom na gutom na. Kahit na matagal nakaming magkaibigan ay hindi pa rin nawawala ang hiya niya sakatawan. Kahit na sinong kaharap niya at kausap niya ay likas sakaniya ang pagiging mahiyain, nataon lang na kahit paano ay nakapanatagan niya ako ng loob.
“Anong gusto mo?” tanong ko sa kaniya nang makahanap na ng mauupuan.
“Nako, nag-abala ka pa. Nakakahiya.”
“Ano ka ba? Alangan namang ako lang ang kakain.”
Ngumiti siya sa akin at napakamot na lang ng kaniyang noo. “Kung ano sa ‘yo, ‘yon na lang din sa akin.”
Nagpasya akong um-order ng carbonara, garlic bread, at orange juice. Alam ko kasing hindi naman ganoon kalakas kumain si Stacey kaya sa mga ito lang ay mabubusog na siya. Matapos naum-order ay bumalik na ako sa pwestong inokupahan namindahil kinakailangan pa raw na i-prepare ang order namin.
“Kumusta ka, Stacey?”
“Para namang bago ka ng bago sa akin, Zoey.”
“Bakit? Wala bang bago sa ‘yo?”
“Actually…” biglang lumungkot ang itsura niya. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganoon. Likas kasi kay Stacey ang pagiging masiyahin kaya naman hindi ko talaga alam ang dahilan ng lungkot niya ngayon.
“May problema ba?”
“Zoey, ang totoo kasi, hiwalay na kami ni Art.”
“What? Kailan pa? Ang akala ko okay kayo. Sabi mo pa nganoong nakaraang linggo lang going strong pa kayo.”
“I lied.” Natahimik ako nang makita kong unti-unting bumagsak ang luha mula sa mga mata niya. Inabutan ko na lang siya ng tissue upang kahit paano ay mapagaan ko ng kaunti ang loobniya. “He cheated on me. Akala ko talaga okay kami. Akala ko lang pala ‘yon.”
Napabuntong hininga na lang ako kasabay ng mga alaalang pilitna bumabalik.
“Sabihin mo sa akin, Evo. Ano bang mali sa akin? Pangit baako? Hindi ba ako sexy? Ano ba ang meron si Avery na walaako?”
Inihilamos niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha bagonagsalita. “Zoey, look. We are best friends at ayokong masiraang pagkakaibigan na meron tayo nang dahil sa feelings na‘yan na meron ka para sa akin.”
“Pero mahal nga kita! Ano ba’ng mahirap intindihin do’n?”
“Pero hindi kita mahal, Zoey. Mahal ko si Avery that’s why I’m sorry.” Seryoso siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano kabuo ang loob niyang aminin sa akin ang nararamdaman niya para sa iba.
And that hit me. It was the first time na sinabi niya sa akin ‘yon. Oo nga naman. Hindi ko mapipilit ang isang tao na maging akin kung wala naman siyang nararamdamang pagmamahal para saakin. The feeling isn’t mutual. Ako lang naman ‘tong umasa at ipinilit ang sarili ko sa lalakeng akala ko rin ay maaaringmahalin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya, but then, I was wrong.
“Hey! Zoey…”
Napatingin ako kay Stacey nang tawagin niya ang pangalan ko. Ang tagal na panahon na pero parang kailan lang nangyari ang lahat. Gustuhin ko mang kalimutan ang lahat ngunit hindi ko magawa kaya naman ang magagawa ko na lang ay itama ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa nakaraan. I should not force Evo to love me in the first place. Ako mismo ang siyang sumira ng pagkakaibigan naming pilit naming pinangangalagaan noon nang dahil lang sa pag-ibig na sa umpisa pa lang ay hindi ko na dapat naramdaman.
“May naalala lang ako.”
Hinawakan ni Stacey ang kamay ko at pinisil iyon.
“Moment ko ‘to ‘di ba?” Hindi ko naiwasang mahiya. Kasi naman tama ito. Siya itong may probnlema at ako ‘tong dapat nanakikinig lang sa saloobin niya pero out of the blue bigla na lang akong nag-sapce out. Daig ko pa may time machine sa utak satuwing makakarinig ako ng mga bagay-bagay na nagpapaalalasa akin mula sa nakaraan. Siguro nga hindi pa rin ako nakaka-move on. Pero kahit ganoon tanggap ko nang wala ng patutunguhan sa kasalukuyan ang ginawa kong katangahannoon. Ang main focus ko na lang sa ngayon ay si August. Ang maging maayos kaming dalawa at magkaroon ng magandangfuture.
“Siguro talagang malas lang tayo sa pag-ibig.”
Napangiti ako nang makitang ngumiti siya kahit na naluluha-luha pa siya. In fairness, nagagawa niya pa ring gawing calm ang lahat ng bagay kahit gaano pa kabigat ang problema sa paligid niya. Kaya rin siguro hindi ko namalayang may pinagdaraanan na pala siya.
“Lokaret ka talaga.” Hinawakan ko rin ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. “Malay mo naman magkaayos pa kayo. O hindi naman kaya, may lalakeng nakalaan talaga para sa‘yo kaya inilalayo ka sa mga bag guys ngayon.” Ilang sandali pa ay dumating na rin ang order namin kaya mabilis niyang pinahidang luha niya upang walang makapansin.
“Salamat,” sabi ko sa waiter at nginitian ito.
“Tawagin n’yo lang po ako kung may kailangan pa kayo.”
“Sure.” Tumango ako at saka ito umalis upang mag-assist ng ibapang customer.
“O siya, kumain na tayo. Nagutom ako sa drama natin.” Sabaykaming natawa bago sinimulang kainin ang pagkaing nakalapagsa aming harapan.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





