8 years ago…
“Evo…”
“Hhmm…”
“Can we talk?”
“About what?”
“I have something to tell you.”
Ibinaba ni Evo ang hawak niyang libro at humarap sa akin.
“Hhmm… mukhang importante ‘yan ha?” He smiles at me like a beautiful sunrise in the morning. “What is it?”
Eto ang unang beses na magtatapat ako ng feelings ko para sa isang lalake at sa pinakamatalik na kaibigan ko pa. I am not afraid of what he will respond. Kahit naman kasi ano ang isagot niya, buo ang loob kong ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ipu-push ko talaga ‘to dahil siya lang ang one and only ko.
“I’m in love with you.”
I am confident at all. Maganda ako, matalino at kahit paano kilala na namin ni Evo ang isa’t isa at nagkakasundo kami sa maraming bagay. Kung baga, ano pa nga bang hahanapin niya sa akin? Knowing na tiwala rin naman ang mommy ko sa kaniya kaya nga kami nagsasama ngayon sa iisang bubong na parang mag-asawa.
Sandali niya akong tinitigan na tila ba binabasa ang ekspresyon sa mukha ko kung nagsasabi ba ako ng totoo o nagjo-joke lang. Ngumuso siya kapagkuwan at saka umiling.
“Well, thank you. But our feelings are not mutual.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig matapos marinig ang mga salitang ‘yon sa kaniya. Seryoso ba? Hindi niya ako gusto?
“W-what? Why? Do you have someone you like ba na hindi mo sinasabi sa akin?”
“Wala naman.”
“Then bakit? I am perfect. Look, I am sexy and have big boobs. So, ano pang hahanapin mo? Matalino rin naman ako, maganda and you know that.”
“Because we’re best friends.” He smiled at me at muling dinampot ang librong hawak niya at itinuon ang atensyon niya roon.
“Gosh! Evo. Pwede naman tayong maging mag-besties while in a relationship ‘di ba?”
“No! Ayoko. My answer is final.”
“Ugh! Evo naman. I love you.”
Humarap siyang muli sa akin at ginulo ang buhok ko.
“Get yourself a shower. Baka kulang ka lang sa ligo. Nang mahimasmasan ka naman.”
Mukha ba akong nakikipaglokohan sa kaniya? Damn it!
“Oh, by the way, ilang araw pala akong magiging busy. We have a group project. Kailangan na naming tapusin iyon para naman wala na kaming iniisip sa following days, baka hindi ako makauwi rito ng ilang araw. Understood?”
“What if ayoko?”
“I don’t ask for your permission, Zoey.” Tumalikod na ito ngunit muling humarap na animo’y may nakalimutan, “and oo nga pala, no boys allowed habang wala ako.” Kumindat pa ito nang nakakaloko bago ipinagpatuloy ang pag-akyat sa kaniyang silid.
Gigil na gigil ako. Pakiramdam ko tuloy ang panget panget ko dahil hindi ako pumasa sa panlasa niya. Parang gusto ko siyang sakalin dahil sa sobrang inis. Akala ko naman he will take it seriously pero mukhang tingin niya ata e nagjo-joke lang ako. Nakakabuset.
***
Pabalibag kong isinara ang pinto ng aking silid nang makapasok ako roon. Padabog akong nagmartsa papunta sa kama at doon pabagsak na nahiga. Maya-maya pa isang chat ang na-receive ko mula kay Evo.
I’m serious, Zoey. Don’t overthink.
No boys allowed!
And I came up with that idea, pagseselosin ko siya.
***
I have this idea in my mind pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Like, first time ko itong gagawin. Magiging effective kaya? Knowing Evo, para kasing wala naman sa vocabulary niya ang salitang selos. Napaka-understanding niya kasing tao at kulang na lang pati problema ng iba e maintindihan niya. Pero alam kong wala namang mawawala kung susubukan ko. Sabi nga sa kasabihan, if there’s a will there’s a way. Pero paano ko nga ba gagawin iyon? As if naman I have any other boyfriends aside from Evo.
Nagpasya akong lumabas na lang muna upang mamili ng groceries dahil the last time I checked the fridge halos paubos na rin ang laman nito. Sakto din na kapapadala lang nila mommy ng allowance naman, although may work din naman si Evo to sustain our daily needs, bonus na ring masasabi ang allowance namin from our dear mothers.
Habang naglalakad ay hindi sinasadyang mabangga ako sa isang batang lalake. Sa tantya ko ay mga nasa edad lima na siya or anim. Cute na cute ako sa kaniya dahil sa bilugan niyang mukha, mapupungay na mga mata, matangos na ilong at matabang pangangatawan.
“Naku, pasensya ka na. Ayos ka lang ba?” tanong ko rito. Lumuhod pa ako sa harap nito upang matitigan ng mabuti kung wala bai tong nakuhang galos mula sa pagkakabagsak niya.
Tumango ito at hinimas ang pisngi ko na labis kong ikinagulat.
“Miss may boyfriend ka na ba?” walang kaabog-abog na tanong nito. Ano ba ang nasa isip ng batang ito?
Ilang sandali pa ay may isang pigura akong nakitang lumapit dito. Naka-rubber shoes ito, at blue maong ragged pants. Dahan-dahan akong nag-angat ng paningin habang sinusuri ang suot nitong damit at tama nga ako isa itong lalake. Nakasuot ito ng white t-shirt, at gray denim jacket bilang pang-itaas nitong kasuotan. Halos makagat ko ang pang-ibabang labi ko nang masilayan ang taglay nitong kagwapuhan. Moreno ito, medyo singit ang mga mata nito na may mahahabang pilikmata, tamang kapal ng kilay, matangos na ilong at mapupulang labi, na bumagay sa amoy nitong masculine na masculine at buhok nitong faded cut. A perfect description for a tall, dark, and handsome man.
“Are you done checking on me?”
Halos mapunta lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa labis na kahihiyan ngunit pinilit ko ‘yong hindi ipahalata sa kaniya. Dahan-dahan akong tumayo ay lumunok upang ilabas ang boses kong nagtago na yata sa kaila-ilaliman ng esophagus ko.
“Excuse me, I’m not checking on you.”
“Well…”
“Kuya…”
Napalingon ako sa batang biglang nagsalita. Doon lang ako bumalik sa senses ko tungkol sa batang nakabanggaan ko.
“Yes, Levis”
So, magkapatid pala sila.
“I am asking that girl if she already has a boyfriend. I think she is pretty. You are handsome too. You will be a perfect couple.”
Naituro ko pa ang sarili ko upang kumpirmahin kung ako ba talaga ang tinutukoy ng batang ito.
“Me?” Muli lang itong tumango bilang pagsang-ayon. “T-teka anong couple couple? Hoy! Ikaw, kung anu-anong tinuturo mo sa bata ha?”
“In fact, tama naman siya. You’re pretty.”
Hindi ko na naitago ang pamumula ng mukha ko matapos marinig iyon sa kaniya. I was dreaming na marinig sana iyon kay Evo pero bakit naman sa ibang lalake pa? Pero kunsabagay hindi na rin naman ako lugi kasi gwapo naman ang nagsabi no’n.
Aaminin ko, kinilig ako. It was the first time na makarinig ako ng compliments from my opposite gender. Buong buhay ko kasi ay madalas si Evo lang ang kasama ko, and never niya akong sinabihan man lang na maganda ako kaya hindi ko itatangging nagkaroon ng impact sa akin ang mga salitang sinabi niya.
“By the way, sorry sa kalikutan ng kapatid ko. Kahit makulit ‘to mabait naman ‘to.”
“Hindi. Hindi. I should be the one apologizing. Hindi rin kasi ako natingin sa dinaraanan ko kaya hindi ko din siya napansin na tumatakbo,” sabi ko.
Ilang segundo din kaming nanahimik bago ko siya narinig na magsalitang muli.
“Oh, before I forgot, I’m Kit, and this is my younger brother, Levis. You are?” Kita sa itsura nito ang tanong na nangangailangan ng kasugutan. Ilang segundo ko ring pinroseso muna sa utak ko ang ibig nitong sabihin bago ako nakasagot sa kaniya.
“Ah, yes, I’m Zoey. Pasensya na talaga kayo. Anyway, mauna na ako. Medyo patanghali na rin kasi. Medyo mainit na.”
“Sure, sure. Ingat.”
“Same to both of you.”
Iyon ang huli kong sinabi bago ako umalis upang mamili ng mga groceries para sa buong isang linggo.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





