seduction

Seduction (Chapter 4)

It feels off.  Ngayon lang ako hindi uuwi sa bahay ng ilang araw. Kasalukuyan kaming gumagawa ng group project ngayon sa opisina pero hindi ako makapag-focus.

“Sir, is there something wrong?” tanong ni Juliana, ang isa sa sales team.

“Nah, forget it.”

Muli kong itinuon ang mga mata ko sa pagtipa sa aking keyboard hanggang sa hindi na ako nakatiis at tumayo na.

“Okay team, that’s all for today.”

Napalingon sila sa akin na tila ba gulat na gulat.

“S-sir, I thought we will be doing this overtime?” naguguluhang tanong naman ni Paul ang isa sa sales agent.

“Right, I said it. Pero ayaw n’yo bang umuwi?” Nagkatinginan sila na tila ba hindi alam kung ano ang isasagot. “Fine, there is something important came up that I need to do.”

“Mas importante pa ba ‘yan sa project na ginagawa natin?” pagbibiro naman ni Coby.

I just glared at him as if I was going to kill him if he asked nonsense again.

“Joke lang, Sir. Peace.” Tumayo ito at humarap sa buong team. “Okay team, pack up your things na. Dismiss.”

Isa-isa namang nagligpit ng kani-kanilang gamit ang mga naroon at lumabas ng silid. Lumapit naman si Coby sa akin at as usual nang-usisa na naman.

“Sir, ano bang nangyari? Baka naman o. Share share naman diyan.”

I just continue packing my things and putting it on my bag. Nang makatapos na ay humarap ako sa kaniya at isinandal ang puwitan sa kanto ng lamesa na naroon.

“I just can’t leave Zoey alone.”

“Oh… It’s about Zoey.” Hindi nakaligtas ang pangiti-ngiti nito na alam kong may kahulugan.

“Hey! Kung ano man ‘yang iniisip mo, it’s not like it. Of course, I’ll be concern. Babae si Zoey and she will be at home alone. Paano kung may manloob sa amin? Paano kung biglang maisipan niyang lumabas late at night? Paano kung makipagkita siya sa ibang lalake? Paano kung—”

Bigla itong humagalpak ng tawa kaya nakaramdam ako ng kaunting pagkairita.

“Boss, alam mo, hindi na bata si Zoey. Naiintindihan ko ang pagiging overprotective mo sa kaniya noon, pero my goodnesss she is already 22. Kaya na nga niyang gumawa ng sarili niyang pamilya and—ouch! Masakit ‘yon ha…”

“Stop that family thing about Zoey, okay? Gusto mo bang ilibing kita ngayon din sa kinatatayuan mo?”

“I am just stating the fact, Evo.” Sumeryoso ito ng tono. Alam kong sa ganitong mga usapin, siya lang ang pwede kong makausap. Bukod kasi na siya lang ang may lakas ng loob na supalpalin ako ng mga katotohanan, siya lang din ang masasabi kong kaibigan ko aside from Zoey. “Why is that?”

Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

“I mean, bakit ba sobrang overprotective mo kay Zoey? Dahil ba nag-aalala ka sa sasabihin ng mommy niya? Syempre, we both know that her mother trust you so much that she let her daughter stays on your care despite the fact of your opposite gender. Like for sure, hindi naman siguro kayo habang buhay magtititigan ni Zoey. Both of you, are not getting any younger.” I sigh. Kahit ako hindi ko rin maintindihan kung bakit ba ginagawa ko ang lahat ng ito. Is it for her own good? Or is it for my advantage? “Or…”

Bigla siyang tumigil sa pagsasalita kaya naman hindi na ako nakatiis at tinanung siya. “Or what?”

“You’re in love with Zoey and don’t want any other men to mess up your relationship with Zoey.”

I felt like I was struck with lightning. I shrugged and crossed my arm over my chest.

“What? Are you insane? Me? In love with her? Of course not!”

“Wow, daming sinabi ha… hindi halatang defensive.”

“Stop with those nonsense. Of course, my only reason is what Tita Isabella will think of me. Ikaw na nga nagsabi, she trusted me a lot. Ayokong sirain ang tiwalang ibinigay niya sa akin.” Buo ang loob ko sa sinabi kong iyon not until I heard Coby commented.

“Kahit pa ang ibig ssabihin no’n ay sasaktan mo ang feelings ni Zoey?”

Natahimik ako. Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Zoey sa akin this morning. Seryoso kaya siya? Or she was just playing tricks with me just like before?

 

“I like you, Evo.”

“Really?”

“Yes. When I grow up, I will marry you.”

I am so overwhelmed by what Zoey told me. I have a crush on her. Aminin ko man o hindi, she is gorgeous. Her smile makes my heart melt. Her hair shines like a bright sun. Her eyes tell a million stories. That’s how I describe her. Napakaswerte ko nang nagustuhan niya ako. Sa dami ng mga lalaking nagkakagusto sa kaniya, who would have thought that she will choose me?

 

But then all was a lie.

 

“Okay.” 

She leaned forward to that guy and kissed him. Pakiramdam ko niloko ko lang ang sarili ko. Nagtiwala ako sa kaniya but then I ended up heartbroken.

 

“Hey! Evo, you’re here. Uuwi na ba tayo?” Kung makangiti siya parang akala mo walang nangyari. Nagawa niya pang magtanong kung uuwi na ba kami. Tumalikod na lang ako at hindi siya pinansin. She rushed towards me at narinig ko pa siyang nagpaalam sa lalakeng ‘yon. Inangkla niya pa ang mga braso niya sa akin na akala mo may relasyon kami. She is really a heartbreaker. 

I stopped walking and she also stopped.

“May problema ba?” tanong niya. Nahihimigan ko sa boses niya ang pag-aalala but I acted cool as if nothing happened.

“About doon sa sinabi mo, about your feelings. I’m sorry Zoey. We can’t be together.”

Nagpatuloy ako sa paglalakad na parang wala lang. Hinayaan ko lang siya roon na nakatayo na walang sinasabi. Then everything changed for both of us.

 

Wala na akong tiwala sa mga sinasabi niya about her feelings. Isa pa, we were just high schoolers back then and my feelings for her at that time were just a simple crush. I already moved on but the reality that I cannot trust her words anymore regarding her feelings will not change.

“Boss… boss? Yoohoo!”

“Uuwi na ako. Bahala ka kung ayaw mo pang umuwi.”

***

Napagdesisyunan kong magpunta sa grocery para bumili ng cooked dinner for both of us pero hindi ko akalaing ibang eksena ang makikita ko roon.

“Zoey…” I whispered within my reach.

She is smiling so sweet talking with another guy. Pakiramdam ko bumalik ang nakaraan. Pakiramdam ko I was being betrayed and fooled once more. Muntik na akong maniwala sa sinabi niya kaninang umaga, mabuti na lang talaga hindi.

***

Umuwi na lang ako ng bahay. Wala na rin akong gana pang kumain. Dumeretso lang ako sa loob ng kwarto ko at pabagsak na humiga ng kama. Hindi pa nagtatagal ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto sa baba. Malamang ay dumating na siya. Nagbihis muna ako ng pambahay bago lumabas ng silid. Dumeretso ako sa kusina at nakita siyang seryosong nag-aayos ng kaniyang mga pinamili sa refrigerator.

“Namimiss ko na si Evo.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Is this some kind of her tricks? Alam niya kayang nakauwi na ako?

“Nakakainis! Ano ba kasing mali sa akin? Panget ba ‘ko? Am I not that sexy? May kulang pa ba sa akin?”

Dinig na dinig ko ang pagta-tantrums niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. But no. Tita Isabella trusted me a lot, and I will not fall for her words ever again. Until I hear her sobbing.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Seduction (Chapter 4)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.