seduction

Seduction (Chapter 6)

Pakiramdam ko tumigil ang oras nang maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa akin. Ilang segundo rin kami sa ganoong posisyon bago siya nagpasyang tapusin ang halik na ‘yon. Titig na titig siya sa akin habang tila nagsusumamo ang kaniyang mga mata.

 

Hinaplos niya ang aking pisngi bago muling sambitin ang mga katagang nagpapagulo sa isip ko.

 

“Mahal kita, Evo. Buo ang desisyon kong ipaglaban ang nararamdaman ko para sa ‘yo.”

 

Doon lang siya umayos ng pagkakaupo at ilang sandali pa ay tumayo na siya at nagpaalam na matutulog na.

 

“Good night, Evo.”

 

“G-good night.”

 

Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng kalabog nito. Para bang nahigit ko ang aking paghinga dahil sa bilis ng pangyayari. Hindi sumagi sa isip ko na gagawin niya ‘yon. I’m her first kiss at sure ako roon. But then, she didn’t hesitate to give it to me.

 

Kaagad kong dinampot ang can ng beer at nilaklak ang laman no’n. Pakiramdam ko uhaw na uhaw ako dahil sa labis na pagkabigla.

 

“Haayyss!”

 

Matapos kong maubos ang dalawang lata ng beer na sana tig-isa naming iinumin ay nagpasya akong dumeretso na sa aking silid. Nang makapasok ay para akong sirang nakasandal sa dingding at pilit pinakikinggan ang ano mang ingay na gagawin ni Zoey.

 

“Ugh! Ano ka ba naman Zoey? Kanina lang may pa-i hate you I hate you Evo ka pang nalalaman. Tapos isang hatak niya lang sa ‘yo bumigay ka naman agad.”

 

Napangiti ako habang pinakikinggan ang pagmamaktol niya. Para siyang baliw na kinakausap ang sarili niya.

 

“Ang rupok-rupok mo naman. Shunga shungahan ganern?”

 

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang paghagalpak ng tawa. She is amazing.

 

“Hayy… Evo…”

 

Iyon ang huli niyang sinabi bago siya tumahimik. Hindi na siya muling nagsalita pa kaya naisip kong marahil ay matutulog na siya. Nahiga na lang din ako para kahit paano ay makapagpahinga na dahil kinakailangan ko pang gumising ng maaga.

 

Lumipas ang dalawang oras ngunit nananatiling dilat ang mga mata ko. Hindi ako makatulog. Sa tuwing pipikit ako ay parang sirang plakang nagre-replay ng paulit-ulit ang mga nangyari kanina. Ang mapupula at manipis niyang labi, ang matangos niyang ilong at ang way kung paano niya ako tingnan kanina pakiramdam ko ay para akong ice cream na unti-unting natutunaw. Iba talaga ang impact niya sa akin pero kung gaano kabuo ang desisyon niyang ipaglaban ang nararamdaman niya sa akin, ganoon din kabuo ang desisyon kong panindigan ang pagiging magkaibigan namin at hanggang doon lang talaga. Pero ang tanong hanggang kailan? Hindi pa nga nagtatagal nang bente kwatro oras mula nang magdesisyon akong hindi na ako maniniwala pa sa sasabihin niya pero heto ako ngayon, naguguluhan na. Okay naman kami bilang magkaibigan. Alam kong doon kami mas tatagal. Paano kung pumayag ako sa gusto niya at tinutulan ng mga mommy namin? Baka magsimula pa ‘yon ng hidwaan sa magandang samahan nila. Paano kung pumayag ako at sa huli ma-fall out of love ang isa sa amin dahil nga may nakita kaming mas better? Kagaya na lang ng lalakeng kausap niya sa grocery. Sino ba ang tukmol na ‘yon?

 

“Ahhhhhh! Nakakagigil!”

 

Napasigaw ako nang maalala ko kung gaano katamis ang ngiti niya kani-kanina lang sa harap ng ibang lalake tapos ngayon eto ako at nagpapauto na naman sa salita niyang hindi ko alam kung bakit lagi ko na lang pinapaniwalaan. Siguro nga sadyang uto-uto ako pagdating sa kaniya.

 

“Ano bang gagawin ko sa ‘yo, Zoey?”

 

Bumuntong hininga ako at nagpasyang muling bumangon upang maligo. Nagbabakasakali akong makukuha ng lamig ng tubig alisin ang kung ano mang gumugulo sa utak ko pero mali ako dahil hanggang C.R. sinusundan niya ako. Para akong binabangungot ng gising. ‘Yong umaasa akong makakatulog ako ay mukhang malabong mangyari. Nakatapos na ako maligo at lahat ay siya pa rin ang nasa isip ko. Sa isip-isip ko tuloy parang mali ang desisyon kong umuwi. Mas kinakailangan ko yata talagang idistansya ang sarili ko sa kaniya. Tama. Iyon ang gagawin ko para ma-refresh naman ang utak ko at ma-divert sa ibang bagay.

 

Lumabas ako sa mini terrace sa loob lang ng aking silid upang lumanghap ng sariwang hangin. Ginawa ang tatlong silid sa bahay na may kaniya-kaniyang mini terrace upang makapag-relax ang mga hindi makatulog kagaya ko ngayon. I dialed Coby’s number para sana siya na ang magsabi sa buong team na tutuloy na namin ang planong out-of-town para sa aming big project na kasalukuyang kami ang may hawak nang bigla akong mapalingon sa kabilang terrace at doon nakatayo si Zoey habang pinagmamasdan ang malawak at maaliwalas na kalangitan. Sumasabay ang pag-alon ng mahaba niyang buhok sa lamig at katamtamang lakas ng simoy ng hangin.

 

Nang mga oras na iyon ay hindi ako makapagsalita. Titig na titig lang ako sa kaniya. Ang sarap-sarap niyang titigan kahit na wala siyang ginagawa. Sa sobrang tagal kong nakatitig lang sa kaniya ay tila nawala na ko sa ulirat. Bumalik lang ako sa senses ko nang marinig kong may tumatawag sa pangalan ko. Napalingon ako sa phone ko at doon ko lang naalala na tinawagan ko nga pala si Coby.

 

“Sir… Boss… Evo?”

 

“Ah yes, Coby.”

 

Napayuko ako at nahagip pa ng peripheral vision ko na napalingon si Zoey sa akin.

 

“Pakisabi sa team na tutuloy tayo tomorrow sa out-of-town para matapos na natin ang project nang mas maaga para in case magkaproblema hindi tayo magagahol.”

 

“Sure na ba ‘yan?” tanong niya.

 

Napabuntong hininga ako dahil kahit ako sa sarili ko hindi rin ako sigurado. But then, work is work. Hindi ko dapat dinadala ang problema ko sa trabaho. Isa pa, Coby was right. Malaki na si Zoey at kaya niya na ang sarili niya.

 

“Yeah. It’s final.”

 

“Sige boss. Tiyak matutuwa mga ‘yon. Alam mo na, out-of-town.” Bumungisngis pa ito bago nagpaalam.

 

“Sige na late na rin. Salamat, Coby. Maaasahan ka talaga.”

 

At ‘yon na nga mabilis pa sa kidlat nang tumunog ang phone ko at makatanggap ng chat from Coby reminding our team members to prepare for the out-of-town.

 

“Aalis ka?” Doon lang muling nabaling ang atensyon ko kay Zoey nang magsalita ito.

 

“Yes. I already told you about it right?”

 

“Akala ko hindi na kayo tuloy dahil umuwi ka kanina.”

 

“Nagbago isip ko.” I made the conversation short as much as possible. Ayokong isipin niyang may chance kami kung wala naman talaga.

 

“Can’t I come?”

 

“No. It’s work.”

 

Tumalikod na ako nang hindi siya nililingon at bumalik na sa pagkakahiga.

 

“I’m sorry, Zoey. Pero, I think this is for the best,” bulong ko bago pumikit at sa wakas nilamon na rin ng antok.

 

***

 

Kinabukasan, inagahan ko talaga ng gising para sana hindi na kami magkita ni Zoey bago ako umalis but I am surprised to find her at the kitchen wearing an apron with her hair tied and cooking. Napansin ko rin ang lunch boxes na nakalatag sa lamesa. Para saan naman kaya ‘yon?

 

“Good morning, Evo.” Nakangiti siya sa akin. Tumulo pa ang mumunting pawis mula sa kaniyang ulo.

 

“Good morning.”

 

“I prepared something for you to eat. Naisip ko ring pabaunan ka na para makatipid ka at may makain ka along the way. For sure malayo ang magiging byahe n’yo.”

 

“Zoey, you don’t have to do this. Hindi ka na sana nag-abala.” Napahawak ako sa batok ko sa hiya.

 

“I want to. Sa ganitong way man lang maparamdam ko sa ‘yo na—”

 

“Stop it!” I cut her words.

 

“Evo…”

 

“Aalis na ako. Baka ma-late ako sa meet up namin.”

 

“Stay safe, okay? Call me pag nakarating na kayo sa destination n’yo ha?”

 

“Okay. Thanks for this.” Iyon na lang ang nasabi ko upang tapusin na ang usapan na ‘yon. I don’t want to hurt Zoey. Pero ayoko ring paasahin pa siya sa bagay na napagdesisyunan ko na.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Seduction (Chapter 6)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.