It’s been a long drive bago kami nakarating sa inupahan naming bahay pansamantala. Katabi lang ito ng dagat para kahit paano ay makalanghap din ng sariwang hangin at magkaroon ng time para mag-chill ang buong team.
Aliw na aliw ang buong team kabilang na si Coby sa napili kong lugar. Mas excited pa silang mag-chill kaysa sa magtrabaho. Kunsabagay, sino ba naman ang may gusto ng puro trabaho lang?
“Sir, pwede bang magtampisaw muna tayo bago ang trabaho?” Nahihiya pa si Coby habang nakikiusap ang kaniyang mga ngiti.
“Yeah! That’s my plan too. Mahaba din ang naging byahe kaya panigurado pagod ang lahat. Let’s enjoy this day first. Bukas na tayo mag-start ng work.”
“Yes!” Napasuntok pa si Coby sa langit kasabay ng sigawan ng buong team dahil sa labis na tuwa.
Kaagad silang nagkaniya-kaniya ng bitbit ng kanilang mga gamit papasok sa bahay na inookupahan namin. Mayroon itong tatlong silid na sakto lang sa aming siyam. Hiwalay ang lalake sa babae ng tutulugan. Samantalang nakabukod naman ako sa kanilang lahat.
Dumeretso na ako sa aking silid at kaagad na ichinat si Zoey. Ayoko namang mag-overthink siya dahil sap pag-aalala. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas at tumunog na kaagad ang cellphone ko.
“Kinain mo ba ang mga pinabaon ko sa ‘yo?” Doon ko lang naalala na hindi ko pa pala nagagalaw ang ipinabaon niya sa akin. Pero himbis na sabihin ang totoo ay minabuti ko na lang na magsinungaling para hindi na humaba pa ang conversation namin. Panigurado kasing aawayin na naman niya ako kapag nalaman niyang hindi ko pa nagagalaw ang niluto niya.
“Yup, tapos na. Kanina pa habang nasa byahe.”
“Nagustuhan mo ba?”
“Yeah. It’s good.”
“Hindi ba masyadong matamis?”
Bigla akong nataranta sa tanong niya. Matamis? Ang nakita ko kasing niluluto niya ay menudo kaya nagtataka ako kung bakit matamis?
“Evo?” Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko nang hindi kaagad ako nakapagsalita.
“Ha? Ah hindi naman. Hindi rin siya maalat.”
“Ha? Maalat? Anong maalat?” Dahil sa labis na pagkataranta ay kaagad kong pinindot ang end button upang putulin ang tawag na ‘yon. Mabilis kong kinalkal ang laman ng baunan na pinadala niya sa akin at tiningnan ang laman no’n. Strawberry cake iyon at ilang fruits. Kulang na lang lumubog ako sa pwesto ko dahil sa katangahan ko. So, ulam niya ‘yong menudo?
Bigla na namang nag-ring ang cellphone ko at dali-daling sinagot iyon.
“Zoey, hello. Na-drain ang battery ng phone ko kaya naputol. Sorry.” Pagdadahilan ko.
“Akala ko binabaan mo ko.” Napahilamos ako ng mukha dahil sa pagkahiya. Hindi talaga ako magaling magsinungaling.
“Bakit ko naman gagawin ‘yon?” Pangiti-ngiti pa ako pero deep inside hindi ko na alam kung ano pa ang ipapalusot ko.
“So, ano ‘yong maalat?” muli niyang tanong.
“Ah… ‘yong ano ‘yon… ‘yong bigay ni Coby na adobo. Tama. Nagdala rin kasi siya ng pagkain, pinatikim niya sa akin ‘yong adobo. Nalito lang ako.” Natawa pa ako para maging makatotohanan ang pagsisinungaling ko.
“Hindi mo pa ginagalaw ‘yong pinabaon ko ‘no?”
Napabuntong hininga na lang ako at inamin na ang totoo sa kaniya. At gaya nga ng hinala ko.
“I hate you, Evo!”
Iyon ang huling sinabi niya kasabay ng pagbaba niya ng tawag. Sinubukan kong tawagan siya ulit upang humingi ng paumanhin pero pinatayan niya na ako ng cellphone.
Napasalampak ako ng upo sa kama at napapikit. Hinimas ko ang aking noo dahil sa stress. Paano kung ganito kami lagi kung pumayag akong maging kami? Panay away? Panay tampuhan? Hindi kaya magkasawaan kami agad? Hindi ko dapat iniisip ang bagay na ito rito dahil bakasyon at trabaho ang ipinunta ko rito pero heto ako mukhang tanga na hindi mapakali kakaisip kung paano ako hihingi ng tawad sa kaniya. Hindi ko naman siya masisisi at naiintindihan ko kung bakit siya nagalit. Gumising siya ng maaga at hinandaan ako ng pagkain upang hindi ako gutumin sa byahe pero hindi ko rin ginalaw.
“Sir,” napalingon ako sa may pintuan nang tawagin ni Coby ang pangalan ko, “tawag ka nila Avery. Baka raw gusto mong sumali sa amin?”
Kahit wala akong idea kung ano ang tinutukoy niya ay tumayo pa rin ako para sumunod sa kaniya at sumali sa kanila.
Paglabas namin ay nakahanda na sila at nakaupo ng pabilog. Sa gitna ay isang boteng nakatumba. Doon ko lang nalaman ang gusto nilang laruin.
“Sir, dito ka na maupo sa tabi ni Avery.” Nagsimula naman ang tuksuhan ng buong team dahil doon. Alam kasi sa buong department namin na may gusto si Avery sa akin ngunit hindi ko na lang masyadong pinagtutuunan ng pansin iyon lalo pa at hindi naman direktang sa kaniya nanggaling. Paano kung tsismis lang?
Nang makaupo na ako ay nagsimula na si Coby na paikutin ang bote at kaagad namang natapat iyon sa akin.
“Truth or dare, Sir?”
“Sige. Truth na lang.”
Nagsigawan ang lahat dahil sa pinili ko. Kaagad namang sumilay ang nakakalokong ngiti ni Coby at nagtanong.
“May nagugustuhan na po ba kayong babae?”
Napatitig ako nang masama kay Coby dahil alam niya naman ang sagot tungkol doon pero iyon pa talaga ang naisip niyang itanong sa dami ng pwedeng tanungin sa mundo.
“Wala.” Mas mabuting isipin ng lahat na wala upang hindi na dumami pa ang tatanungin nila.
Muling nagsigawan ang lahat dahil sa naging sagot ko habang patuloy ang panunukso nila kay Avery. Napasulyap naman ako sa namumulang mukha ni Avery. Hindi maitatangging maganda si Avery. Sakto ang kapal ng kaniyang labi, gayon din ang kaniyang kilay. Katamtaman lang din ang tangos ng kaniyang ilong. Bilugan ang kaniyang mata na bumagay sa kaniyang tamang kapal ng pilikmata. Hindi siya mahilig mag-make up at masasabing natural ang ganda niya. Lipstick at pulbos lang ang tanging kolorete sa kaniyang mukha. Sumasabay naman ang alon-alon niyang buhok sa ihip ng hangin.
“Mukhang magkaka-lovelife ka na Avery,” panunukso sa kaniya ni Miriam.
Ngumiti lang siya nang mahinhin at inayos ang nalaglag na hibla ng kaniyang buhok na tumabing sa kaniyang mukha.
Bakit hindi siya kumokontra? Totoo nga kayang…
Muling pinaikot ni Coby ang bote at tumapat naman iyon kay Eugene. Sumagot ito ng dare at kaagad naman nitong ginawa ang utos sa kaniya na mag-duck walk. Nagtawanan kami dahil sa itsura niya habang ginagawa iyon at makalipas ng ilang sandali ay muling pinaikot ni Coby ang bote na siya namang tumapat kay Avery.
“Well, Avery, truth or dare?”
“Dare na lang din ako,” sagot niya.
“Kiss mo nga si Sir. Kahit sa pisngi lang.”
“Hoy! Coby, nakakahiya ano ka ba?” Napatayo ako upang kontrahin iyon.
“Hala si Sir, ang KJ,” sabi ni Miriam.
“Sa pisngi lang naman,” dagdag pa ni Trixie.
“Okay lang naman kay Avery. Hindi ba, Avery?” tanong ni Luigi.
Napatingin ako kay Avery habang hinihintay ang sagot niya at nanlaki ang mga mata ko nang dahan-dahan itong tumango habang pinamumulahan ng mukha.
Wala na akong nagawa kung hindi maupo na lang muli at sumunod sa mga kalokohan nila. Umayos ako ng pagkakaupo at dumikit ng bahagya kay Avery para hindi na siya ang kinakailangang dumikit sa akin. Kita ko mula sa aking peripheral vision ang dahan-dahang paglapit ng kaniyang mukha sa akin. Hindi ko maiwasang mailang at kabahan sa tagpong iyon. Nang tuluyang dumikit ang labi niya sa aking pisngi pakiramdam ko ay ilang milyong boltahe ang dumaloy sa aking katawan kasabay noon ay ang pagsagi ng mukha ni Zoey sa aking isipan.
“O tama na. Maghahapunan na. Mabuti pa at mag-prepare na kayo for our dinner.” Sinadya kong sabihin iyon para kahit paano ay mawala ang pagkailang ko kay Avery. Iniiwasan ko lang din ang dagdag pa na tsismis dahil paniguradong makakarating sa opisina ang nangyari ngayon.
“Ano ba ‘yan.”
“Nakakabitin naman.”
Naririnig ko pa ang pagtutol ng iba pero pinanindigan ko na kinakailangan na naming maghanda at mamili para sa hapunan.
Habang ang iba ay nagpaiwan upang magtampisaw sa dagat ay nagpasya naman kami ni Coby na kami na ang mamimili sa malapit na palengke para sa pagkain namin ngayong hapunan at sa mga susunod na araw.
“O Avery?”
Napalingon ako sa aking likuran at nakitang humahangos si Avery para maabutan kami.
“Gusto ko sanang sumama kung ayos lang,” sabi niya.
Nagkatinginan kami ni Coby at nagkusa na akong sumagot.
“Sure,” at muling sumilay ang nakakalokong ngiti ni Coby dahil sa sagot na iyon.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





