I couldn’t believe it. Paano nagagawa ni Evo na kumilos na parang wala lang sa kaniya ang pag-amin ko? Habang ako eto mabaliw-baliw na kakaisip kung paano ko siya pagseselosin. I don’t have any guy friends aside from him.
Hinagis ko ang unan ko sa sobrang inis.
“Ano pa bang kulang sa akin?” sigaw ko sa kabuuan ng kwarto. Mabuti na lang din talaga at wala siya ng ilang araw kaya magagawa kong i-curse siya nang hindi niya nalalaman.
“How dare you, Evo? Masyado kang feeling gwapo e mukha ka namang tao na pinaglihi sa anay!” I don’t know why I am saying this. Siguro out of frustrations na lang din sa pangte-turn down niya sa akin. “I hate you, Evo! I really hate you!”
Napasalampak ako ng dapa sa kama habang nakasubsob ang mukha ko sa isang unan. Tumingin ako sa bintana kung saan nakahawi ang kurtina at malaya kong natatanaw ang magandang kalangitan.
“You were just like the stars; you look so near yet so hard to reach.” Unti-unting namuo ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko na napigilang mapaiyak dahil sa sama ng loob. “Ano bang kulang sa akin?”
Niyakap ko nang mahigpit ang unan habang patuloy sap ag-iyak. God knows how much I love Evo. Noong umamin ako sa kaniya way back when we were high schools, akala ko he felt the same way. Seryoso ako noong sinabi ko sa kaniyang paglaki ko ay siya lang ang lalakeng gusto kong pakasalan. Tandang-tanda ko pa ang ekspresyon sa mukha niya noon. Shocked na shocked siya and at the same time, nandoon ‘yong spark sa mga mata niyang nagsasabing he felt the same way too. But the following days, para akong nag-ilusyon lang sa lahat ng naramdaman ko at nakita ko sa kaniya. He changed. Halos lahat ng sinasabi ko lagi niyang sinasalungat. Feeling pa ata niya nagsisinungaling lang ako sa kaniya all the time. I don’t know what to do kaya sinubukan kong kimkimin na lang ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sinubukan kong kalimutan siya at ituring na lang siyang normal na best friend ko lang pero totoo nga ata ang kasabihan na the more na iwasan mo, mas lalo ka lang mahuhulog. Basta something like that na kasabihan. My love for him grew deeper and deeper as the time flies so quickly. Nakakaiyak lang dahil parang ako lang ‘yong nagsa-suffer samantalang siya go on with his life normally.
“What am I supposed to do?” I question myself behind my sobbing.
Napalingon ako sa pintuan nang makarinig ako ng katok mula rito. Kaagad kong pinahid ang mga luha ko at inayos ang aking sarili. Dali-dali akong bumangon at umakting na wala lang bago ko pinihit ang seradura ng pinto.
Kasalukuyang nakatayo roon si Evo at direktang nakatingin sa akin.
“Are you okay?” tanong niya na lalong nagpakulo ng dugo ko.
My God, Evo! Matapos mo kong bastedin tatanungin mo talaga ‘ko kung okay lang ako?
I fake a smile and answer him.
“Yeah! Yeah! I’m good.”
“E ba’t mukha kang galing sa iyak?”
Aba loko ba siya? Nang-aasar ba talaga siya?
I remain calm and smile again.
“Huh? Kagigising ko lang kasi. Wala namang dahilan para umiyak ako.”
Ngumiti siya bago muling nagsalita.
“Ah… akala ko iniiyakan mo na ang pambabasted ko sa ‘yo e.”
At talagang…
Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kaniya na ubod nang tamis. Hindi ako patatalo sa mapang-asar na ‘to.
“As if namang iiyakan kita. Ano ka gold?”
Tumawa siya na lalong nagpakulo ng dugo ko.
“Hindi naman. Sadyang alam ko lang na patay na patay ka sa akin.” Sinabayan pa niya nang mga nakakalokong tingin habang patuloy sa pagtawa.
Dahil sa sobrang inis ko at ibinalibag ko na ang pinto dahil wala talaga ako sa mood na makipaglokohan sa kaniya. Lahat ba akala niya biro? Pero bago pa man lumapat ang pinto sa hamba nito ay napigilan niya na iyon.
“Let’s talk, Zoey.”
His tone changed in an instant. Naging seryoso ang dating ng boses niya habang seryoso ring nakatingin sa akin ng diretso. Hindi ko sana siya papansinin at tatalikuran na lang siya nang hawakan niya ang kamay ko.
“We should talk.”
And that makes me lose.
I just let him pull me. Dinala niya ako sa sala at doon naglapag ng beer.
“Here.” Handing me a can of beer.
Nagdadalawang isip pa ako kung aabutin ko ba iyon. Binuksan niya ito saglit at pilit na inabot sa kamay ko.
“Ano bang gagawin ko sa ‘yo, Zoey?” tanong niya kaya napatingin lang ako sa kaniya. “Stop those nonsense Zoey. I will not fall for it. Totoo man ‘yon o hindi, you better stop.”
Alam kong ang tinutukoy niya ay ang feelings ko para sa kaniya.
So, meaning to say, he is now acknowledging my feelings towards him?
Ibig sabihin kahit paano ay nagkakaroon na ng progress ang ginagawa kong pag-amin sa kaniya? Ibig sabihin may chance na magustuhan niya ako in the future.
“Ang daling sabihin, Evo. You are not on my shoes.”
“Look, Zoey, we are best friends. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin nang dahil lang sa kung ano mang feelings ang meron ka para sa akin. Isa pa, your mom trusts me so much. Ayokong sirain ‘yon?”
“Evo, hindi naman nila kailangang malaman.” Inangkla ko ang braso ko sa kaniya dahilan para madikit ang hinaharap ko sa braso niya. Pero hindi man lang iyon nagkaroon ng epekto sa kaniya dahil hindi niya man lang iyon napuna. Bagkus ay hinila niya lang ang braso niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
“And one more thing, I lied.”
Napakunot ang noo ko. He lied? About what? Bakla ba siya kaya he keeps on ignoring me? Ibig bang sabihin lalake rin ang gusto niya? Or baka naman magpapari ba siya? Pero Malabo namang magpari siya. Hindi siya tatanggapin ng simbahan, ang sama kaya ng ugali niya. Sinasaktan niya kaya ako palagi.
“I have a girlfriend.”
Natigilan ako. Pakiramdam ko biglang bumagal ang takbo ng oras sa sinabi niya. For real? Paanong hindi ko alam? Kunsabagay, ano nga bang alam ko aside from what he is in front of me. Naturingang mag-bestfriend kami pero he is so secretive. He never shares his feelings nor his problems towards me. Gawain niyang kimkimin ang lahat then magugulat na lang ako dahil surprise there is something na naman pala, kagaya na lang ngayon.
“So what? Kung asawa nga naaagaw, jowa pa kaya.” I blurted out. Anong akala niya? Basta basta ko na lang siya isusuko? Over my dead sexy body.
“Zoey, seriously? Paano mo nasasabi ‘yan?” he asked.
“Obviously, I am deeply in love with you. Sabihin mo nang patay na patay ako sa ‘yo. Magsawa ka hanggang gusto mo, but I will never ever change what I have said.”
Nakita ko kung paano siya nagulat sa sinabi ko ngunit kaagad naman din niyang nabawi ang pagkagulat na ‘yon. Inihilamos niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha dahil marahil sa pagkalito. Well, that’s the first step. Tama ‘yan. Malito ka Evo. I will not give you up no matter what.
“Zoey!”
I put the can of beer on the table, push him to the sofa, and go over him.
“Tell your girlfriend, whoever she is, you might be her present, but you will never be her future. Dahil kahit anong gawin niya o kahit ano pang gawin mo, you will end up with me, Evo.”
That’s the least I can say before I press my lips towards him.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





