Hi, I’m Alex, bente-otso at kasalukuyang nautso! Yeah, you heard it right. I was just freshly cheated by my boyfriend three hours ago. ‘Yung boyfriend na umahon sa’kin from being friendzone, ang pumutol sa katangahan ko sa ex kong adik. At ang taong pumulot sa basag kong pagkatao para buohin at muling durugin. Ang sakit-sakit. Akala ko ay iba siya sa karamihan, pero ang tanga ko na naman sa part na ‘yan. Hindi na ako nasanay-sanay. Pinanganak lang siguro ako sa mundo ito para maging buhay na santo ng mga sawi.Tanginis!
“T-tegey ne nge leng,” monologue ko sa pagitan ng pagdighay at buntong hininga. Lasing na ako nyemas!
Minsan masarap din yung ganito— maglasing ng mag-isa. Kasi solong-solo mo ang alak pati ang pulutan. Wala ring basag trip sa mga drama mong mala-MMK. Tahimik. Walang panay sermon sa mga kabiguan at katangahan mo. Walang nangangantyaw kapag kinakausap mo na ang baso at tinitiris mo na ‘yong pulutan dahil nakikita mo ang mukha ng lalaking nanggago sa ‘yo. Lalong-lalo na, sayong-sayo ang mikropono! Kahit magwalwal ka hanggang umaga, mag-isa ka lang mamamaos— iniiyakan ang songbook.
Pero nakakailang beer na ba ako? Lima, pito? Sampu na yata? I’m so wasted.
“K’ya na may bow tie, naka-ilang beer na ba ako?” tanong ko na halos pa singsong at bulol-bulol dala ng kalasingan dito sa waiter na kaharap ko.
“Trese na po, ma’am,” magalang na sagot nito sa ‘kin, habang nililigpit ang mga basyo ng bote sa ibabaw ng mesa.
Na-shock ako.
“Oh, r-really?” sabi kong hindi makapaniwala. Pito lang kasi ang limit ko. Kaya pala parang ang dami na ni kuya waiter. Hehehe!
Pero sige pa, self! Walang titigil hangga’t hindi mo naisusuka ang small intestine mo! Kampai!
“Gawin mo ng katorse, k’ya! Woooh!” Utos ko sa waiter pagkatapos ng isang marahas na pagbuga at paghinga. Biglang nadaanan ng mga mata ko ang lalaki sa kabilang table kanina pa nagpapa-cute sa akin, like duh? Oo, may gwapo siya at maskulado pero wala siyang top knot kaya hindi ko siya type!
Isa lang ang type ko. Pero ‘yon nga ginago lang ako, boses sa utak ko habang nilalaklak ang laman ng huling bote na hawak ko.
“Sige po, ma’am, another beer will be served shortly,” sagot nito na may malawak na ngiti. At naks! Inglesero! But honestly, nakakaduling ang ngiti niya. Nababanlag na ako. Hindi dahil sa gwapo siya ha? Dami ko na kasing lasing.
Umiling-iling ako dahil para na akong nauulol dito. Kulang na lang tumahol ako habang bumubulusok pababa mula rito sa kinauupuan ko. Jeske! Send help na ba? Nah! As if naman darating siya para sunduin ako rito.
Tangka na akong tatalikuran ni kuyang waiter nang may isang braso na pumigil sa kanya. Hinawakan siya sa balikat at nagsabi, “hindi na brad, ‘yong bill na lang niya.”
Tinignan ko ng masama ang lalaking bagong dating.
“Huwag kang epal! Order ko ‘yon, hindi iyo!” singhal ko sa rito at tinapunan muli ng tingin ‘yong waiter, “K’ya, huwag mo siyang pansinin. Manloloko ‘yan!” sabi ko rito. Nalilito ito kung sino ang susundin sa amin.
“That’s enough, Alex. Lasing ka na. Iuuwi na kita sa inyo,” utos sa ‘kin ng magaling kong boyfriend. He’s Ethan by the way. Ang lalaking may manlolokong top knot.
“Ayoko! Hindi na ako magpapauto sa ‘yo! Ever!” protesta ko rito sabay tulak. Napaatras siya palayo sa akin. Enough space for me to breathe. Bukod kasi sa hilong-hilo na ako at naduduwal, ang sikip-sikip pa ng dibdib ko. Gusto ko siyang saktan. Murahin, tadyakan, hampasin nitong takong ng sapatos ko; pero tanginang luha ‘to! Nangunguna eh!
“Brad, heto ang bayad for her drinks. Keep the change,” baling nito sa tulala na waiter sabay abot ng pera na hindi ko na mabilang kung ilan. Tss! Dagdag pa ‘yan sa magiging utang ko. Hinawi ko ang mga kamay nila.
“No! Ako ang magbabayad! Bigyan mo ‘ko ng isang beer pa, kuya,” giit ko sabay punas ng tubig sa pisngi ko at umayos ng upo sa silya. Subalit pinigilan na naman ako nitong si Ethan the cheater at may ganang pihitin ako sa braso. Putcha! Mahigpit ang hawak ng loko.
“Sabi ko, enough! Sasama ka sa akin, and you don’t have a choice!” Bulyaw niya sa akin with authority. Natigilan ako saglit. We have fights and arguments but he never raises his voice to me. Ngayon lang. Kinuha niya ang pagkakataon ng saglit kong pagkatulala at saka hinatak niya ako patayo sa kinauupuan ko. Ang hayop na ‘to! Kulang pa ba ang ginawa niyang pagdurog sa puso ko at may paghatak pa?! Argh!
“Ano ba?! Get off!” pagpalag ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng bar.
Hindi siya nagsalita pero mas hinigpitan pa niya ang hawak sa braso ko. Nagpupumiglas ako pero kulang ang lakas ko para makawala sa kanya. Sobrang hilo na rin ako. I can’t even walk straight. Kaya wala akong nagawa kundi magpatangay na lang. Damn it, self! ‘Asan ang will of change? Lagi ka na lang bang magpapatangay?
Alam kong nakalabas na kami ng bar dahil hindi na gaanong abot ng pandinig ko ang maingay na music kanina. Kung hindi ako nagkakamali, nasa parking lot na kami. Daming kotse eh.
“Get in,” utos niya pagkatapos bitawan ang braso kong namantal na yata sa higpit ng pagkakahawak. Gusto niya akong pumasok sa loob ng kotse niya.
He’s not the boss of me para utusan ako. Ano gano’n na lang ‘yon? Pagkatapos ko silang mahuli sa akto ng sekretarya niyang naghahalikan sa loob ng opisina niya, ngayon pa talagang monthsary namin sa dinami-rami ng araw, tapos siya pa itong may ganang sigaw-sigawan ako at hatak-hatakin?! Quota na siya, big time!
“I have my own car. Kaya kong umuwi,” buong tapang na pagtataray ko kahit taliwas ito sa kilos ko. I had enough with him today, at gusto ko na lang ay layuan siya. Mas lalo akong nanghihina kapag nasa malapit siya.
Balak ko na siyang talikuran pero hinatak na naman niya ako sa braso at ipinilig sa gilid ng kotse. Sinalubong ko ang mga titig niya kahit pa apat na Ethan ang nakikita ko. Sinalubong ko ang mga titig niya kahit palabo ng palabo na ang mga mata ko dahil itong punyetang mga luhang ‘to nagbabadya na naman.
“I’m sorry, ‘Lex, pero mali ang nakita mo,” he said, his tone is different this time. Cracky, so fragile. So soft, kabaligtaran kung paano siya ka-agresibo kanina.
Napangiti ako ng mapakla kasabay ng pagbagsak ng dalawang butil na luha. Pero padaskol ko itong pinunasan ng isang kamay kong malaya mula sa pagkakahawak niya. Parang biglang nawala ang tama ko dahil sa narinig ko. Ano ‘to, ako na naman ba ang mali? Bwisit lang!
“Ethan, apat ka man sa paningin ko ngayon pero hindi ako bulag. Lasing lang ako ngayon, pero kanina hindi! Alam ko ang nakita ko! Naghahalikan kayo habang nakapatong siya sa ‘yo! Tapos ako pa ang may maling nakita? Pakyu ka!” salaysay ko sa kung ano ang alam ko.
Binitawan niya ang braso ko at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Umiwas ako, umiling-iling. Pero natigilan ako dahil lalo lang akong nahilo. Naduduwal ako. Itinulak ko siya at saka tuluyan na akong sumuka sa harap niya. Hinahagod niya ako sa likod. Wala siyang pake kung natapunan na siya ng suka ko. Paulit-ulit siya sa ginagawa niya hanggang sa kumalma ang pagduduwal ko. Muli akong sumandal sa sasakyan at pumikit. Sa kabila ng pagkakapikit ko, pinunasan niya ang tirang suka sa bibig ko, pati na rin ang ang basa kong pisngi gawa ng pag-iyak ko habang sumusuka. Nakakaasar. Hindi dapat ganito eh! Kaya ako nabobola dahil ang dali-daling lumambot ng puso ko sa simpleng galawan niyang ganito. Galit dapat ako, hindi ba? Galit?
“Saka na natin pag-usapan kapag nasa tamang wisyo ka na. Sumakay ka na sa kotse. Hayaan mo muna ang sasakyan mo rito. Hanap tayo ng nearest coffee shop para makapagkape ka at mabawasan ng kahit konti ang amats mo,” may pag-aalala sa boses nito. Pero ayaw ko nang magpadala pa.
“Hindi ko kailangan ng kape mo. Kaya kong magkape mag-isa. Yayain mo na lang ‘yong higad mong sekretarya. Mag-sex pa kayo, wala na akong pake!” Pikit-mata pa ring sabi ko pabalik sa kung ano ang usapan namin kanina.
“Damn! Hindi kasi gano’n ‘yon!” mura niya, sabay sipa sa gulong ng kotse niya. Namanting naman ang tenga ko sa sinabi niya.
“Minumura mo ba ako, ah? Minumura mo ‘ko?!” himutok ko. Dala na yata ng alak at matinding emosyon na nararamdaman ko kaya mas lalong umiinit ang ulo ko. Wala akong hinto na itulak siya, sampal-sampalin, dinuduro-duro. Pero hindi siya pumapalag. Tinatanggap niya lahat nang ginagawa ko ng walang imik. Hanggang sa naburyo na yata. Hinawakan niya ako sa magkabilang kamay at isinalansa ulit sa kotse.
“Lasing ka man at hindi mo ako maintindihan, I don’t care anymore! Look, Alex, si Anna ang humalik sa ‘kin. Si Anna ang pumaibabaw sa ‘kin at hindi ako. I was shocked sa ginawa niya kaya hindi ako agad nakapalag. That was the time na dumating ka at bigla na lang umalis na hindi mo man lang ako hinayaang makapag-explain,” walang hingahan niyang sabi, explaining to me what happened.
“So, kasalanan ko pala kung bakit ako nasasaktan ngayon dahil mali ang nakita ko! Kasalan ko ulit dahil nag-walkout ako agad not clearing what I saw gano’n!? Itampal ko kaya ‘tong suka ko sa pagmumukha mo!”
He let out a deep frustrated sighed. Binitawan na niya ako at banas na ginulo ang sariling buhok– ang pinakamamahal niyang top knot.
“Hindi kasi gano’n. I’m not blaming you, pero intindihin mo naman ang paliwanag ko. Hinalikan niya ako at hindi ko ginusto ‘yon. Maniwala ka naman kasi,” punto nito, pero may mas punto ako.
“Yes of course, you can’t blame me. Dahil kung ikaw ang nasa posisyon ko mas malala pa ang gagawin mo. Pero come to think of it, ano kaya kung gantihan kita? Makipaghalikan rin kaya ako habang nasa ibabaw ng iba?” sabi ko, testing his patience.
“Don’t you dare, Alexandra Clarize, kung ayaw mo na makapatay ako. Ayaw kong makita ka sa piling ng iba, akin ka lang!” He said possessively. Hinatak niya ako palapit sa kanya at binigyan niya ako ng isang mainit at mahigpit na yakap. And from there, he broke down, “kaya please, ayusin natin ‘to. Ayokong marinig mismo sa mga labi mo na ayaw mo na. Dahil ikamamatay ko, Alex. Ikamamatay ko,” switching his emotions from being possessive to permissive.
There was a long pause after that. Hindi ako agad sumagot. Nakakainis dahil nakikiiyak na rin ako sa kanya. Nasasaktan ako dahil sa nangyari, pero parang nababagabag ako na hindi siya paniwalaan sa kabila ng nakikita kong sinseridad sa kanya. Jusko, ilang beses na akong nasaktan at naloko dahil nagpakatanga at naniwala. At this point, susugal pa ba?
Siyempre, oo!
Sa mga taong katulad kong nagmamahal, ano man ang anyo o hugis ng puso natin: square man, triangle o bilog, hindi na ‘yon mahalaga. Kasi sumaya tayo kahit nasaktan. Natuto. Mas lumakas at tumalino. At saka, kahit paulit-ulit man ‘tong mangyari, hindi tayo magsisisi.
Bakit? Dahil kahit masakit, hindi namin maitatangging masarap ang umibig.
“Last chance, Ethan. Alam mo na ang mangyayari sandaling maulit,” sabi ko habang itinataas ang bandila ng mga babaeng marupok.“I know, ‘Lex. Thank you. Alam kong hindi madali sa ‘yo but still you give it to me and I promise- I won’t waste it. Mahal kita and I will prove it to you in action, not in words. I’m not perfect but please bear with me. Sorry kung nasaktan kita,” mahabang salaysayin ni Ethan ng pag-ibig sa akin. Hindi na ako nasasaktan. Bagkus kinikilig na ang clit ko.
“Just kiss me and you’re forgiven,” I said and he immediately did.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





