Si Orange Book 2 (The Baby Girl Turned Wife) Chapter 8

ALA-UNA na nang madaling araw pero hindi pa rin dalawin ng antok si Carlo. Ilang gabi na siyang ganoon. Actually, ikaapat na at iyon ay nagsimula nang araw na magkasama sila ni Anastacia sa iisang bubong. Hindi niya maintindihan kung bakit. There was this kind of emotion that he was trying not to welcome. He knew what it was all about but he didn’t like to recognize the truth.

He was attracted to Anastacia, eversince. Fine. Pero hindi niya gustong samantalahin ang situwasyon nila para magustuhan nito. Isa pa ay hindi pa siya ganap na nakakawala sa anino ni Portia. Nitong mga nakaraang araw ay panay ang pagbabanta at panggugulo nito. Halos ay hindi na siya nito hinihiwalayan sa school. He knew what Portia could do and he didn’t want to take risk. Kung hihiwalayan niya ito ay baka kung ano ang gawin nito sa sarili. Dalahin niya iyon kahit ano pa ang mangyari. Idagdag pang guguluhin daw nito si Anastacia oras na hiwalayan niya ito at iyon ang bagay na pinakakinatatakutan niya. Hindi niya ibig dagdagan ang mga dalahin nito.

Lingid dito ay nagtanung-tanong siya sa mga kakilala tungkol kay Anastacia. Maging ang professor nito na napansin niyang bukambibig ng dalaga ay nilapitan na rin niya. Alam niya kasing kung kay Chikki siya magtatanong ay hindi ito magsasabi ng kompletong detalye sa kaniya. Kay Mrs. Leoncio niya nalaman ang totoong situwasyon ni Anastacia at ito rin pala ang tumatayong adviser ng block section na kinabibilangan ng dalaga.

Nalaman niya ang hirap na dinanas ni Orange sa mismong bahay nito dahil sa pagmamalupit ng asawang kauli ng ama nito at ng mga step sisters na nakilala niyang sina Marsha at Hanna. Nalaman din niyang inatake pala sa puso ang ama nito at ang dalaga ang sinisisi sa pangyayaring iyon.

Nag-suggest daw si Mrs. Leoncio kay Chikki, ayon na rin dito, na sa bahay na lang nito patirahin si Orange pero ipinaliwanag nito ang totoong situwasyon nito sa bahay. Napaiyak pa raw ito habang inilalahad ang tungkol sa personal nitong buhay. She wanted to help her bestfriend but she couldn’t. Mabuti pa nga daw si Anastacia kung tutuusin dahil may sariling tahanan, ang mga ito ay nangungupahan lang pero tatlong pamilya ang naninirahan sa maliit na apartment na tinutuluyan ng mga ito. Sa puntong iyon ay naunawaan naman niya si Chikki.

Dahil doon, naisip niyang tama lang ang naging desisyon niyang kupkupin si Anastacia at umayon sa mga plano nito. Hindi totoo ang alibi niya tungkol sa sariling intensiyon na papaniwalain ang mga magulang niya tungkol sa kaniyang pag-aasawa. He could easily talk to them if he wanted to pero pinili niyang mag-stick sa plano nila ng dalaga. That way, mababantayan at matutulungan niya ito sa paraang hindi nito alam. She thought all along that he was the one needing her but the truth was that he wanted to take care of her. Ang kagustuhan niyang ilayo ito sa mga kamay ng bagong pamilya ng ama nito ay magagawa niya sa paraang iyon.

Hindi maipaliwanag ni Carlo ang klase ng emosyong nadama niya nang malaman ang lahat-lahat tungkol sa buhay ni Anastacia. Higit pa iyon sa naramdaman niya nang maglahad din ng problema si Portia sa kaniya noon. Hindi rin biro ang situwasyon nito at nagawa pa ngang tangkaing kitlin ang sariling buhay pero ang damdaming mayroon siya para kay Portia ay natutukoy niya. Batid niya kung ano ang tawag doon. Awa. Simpatya.

Ang damdamin niya kay Anastacia ay kabila pa niyon. It was more than any emotion he should have felt befriending with Anastacia—way more than that. And it must be love, he thought. But winning her at this point in time was far from his thoughts. He liked Anastacia, truly a lot but she still had the world in her hands. Marami pa itong dapat gawin at marating sa buhay. Kaya sa halip na ligawan si Anastacia ay kinuntento na lang niya ang sarili na makasama ito sa iisang bubong. Okay na sa kaniya ang mumunting bagay na nararanasan niya kasama si Anastacia. At least, paminsan-minsan ay nagagawa niyang iparamdam ang totoong saloobin sa dalaga. Umaasa siyang darating ang araw na mapapatunayan rin niya rito kung ano ang totoo niyang nadarama. He was also waiting for that day to come.

“KAILANGANG malaman ni Carlo ang situwasyon mo, Beshie. I’m afraid na kailangan mo nang umuwi sa inyo dahil sa situwasyon ng tatay mo.”

Umiling muna si Anastacia bago sinagot ang sinabing iyon ni Chikki. “Ang akala ko nga ay puwede na rin akong umuwi. Nang gabing magkausap kami ni Tiya Rosa ay pinilit niya akong doon na magpalipas ng gabi pero hindi iyon alam ng magkapatid. Doon ako pinatulog ni Tiya sa dating silid ni Nanay. Makikita raw kasi ako ng dalawa sa kuwarto ko at natatakot siyang mag-away lang kami ng mga anak niya.”

“Nakakatawang nakakainis, Beshie. Imagine, ikaw pa ang nagtatago sa sarili mong pamamahay? Ang kakapal ng facebook ha!”

“Pabayaan mo na. Naiintindihan ko naman si Tiya. Uuwi ako roon mamaya para makapag-usap kami nang maayos.”

Napansin niya ang inis sa mukha ng kaibigan pero saglit lang ay nagbago ang reaksiyon nito. Nang sundan niya ng tingin ang tinitingnan nito ay dinaig pa niya ang reaksiyon ni Chikki.

Nakaupo sa isang kubling bench si Carlo habang si Portia ay nakatayo sa harap nito at hawak ng magkabilang kamay ang mukha ng lalaki. Nakatingala si Carlo rito at ang kamay ay nakahawak sa mga kamay ng babae. The scene reminded her of a particular scene that she thought was special between her and Carlo. It seems not. Dahil mukhang karaniwan na lang yata sa lalaking ang ganoong klaseng tagpo.

Nang yumukod si Portia upang hagkan si Carlo ay hindi na iyon nagawang tagalan ni Anastacia. Tumayo siya at mabilis na hinila si Chikki. Malalaki ang hakbang na tumalilis sila palayo roon pero napahinto siya nang bumangga sa kung saan. Mahilo-hilong nasalo niya ang ulo. Ang nakabangga naman niya ay yumuko upang pulutin ang libro niyang nalaglag sa lupa.

“Clifford?” hindi makapaniwalang bulalas ni Anastacia nang isauli ng kaharap ang libro niya.

“Sorry, Orange. Hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako at—”

“Ayos lang!” mabilis niyang sabi sabay ngiti rito. “Sorry din kasi nagmamadali rin kami nitong si Chikki.”

“Nasaktan ka ba?” masuyo nitong tanong na nagpangiti sa kaniya.

Hindi ba at crush mo ‘yang si Clifford? Sa kaniya ka na lang ulit at kalimutan mo na ang taksil na si Carlo, Tasha!

“Ayos lang ako,” aniyang nakangiti. Nabigla siya nang ngumiti rin nang pagkatamis-tamis si Clifford at saka inipit ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang tainga.

“It’s my birthday today, Orange. May kaunting dinner sa bahay mamaya so I hope you could come.”

“Ah…talaga? H-happy birthday, Clifford!” nauutal niyang sabi.

“Thanks, Tasha. See you later,” anito sabay beso sa kaniya. Nanigas sa kinatatayuan si Anastacia dahil doon.

 

“ANONG oras na, Carlo? Hanggang ngayon ay wala pa rin ang matino mong asawa!”

Nagngalit ang mga ngipin ni Carlo sa magkakahalong emosyon. Pasado alas-diyes na pero wala pa rin ni anino ni Anastacia. Ang akala niya ay siya lang ang nag-aabang rito kaya nagulat pa siya nang kumatok ang ina at itanong ang kaniyang ‘asawa.’

“May importante lang siyang pinuntahan, ‘Ma. Pauwi na rin iyon.”

“Go get your cellphone and call her—ngayon din!” mariin nitong utos.

Hindi niya masabing kanina pa niya ito tinatawagan pero off ang cellphone ng dalaga. Gayon man ay sinunod pa rin niya ang ina.

“Unattended, tama?” iritadong wika ng ina makalipas ang ilang sandali. “Sinasabi ko na nga ba. Ganyan ang gawain ng mga taong ayaw magpa-contact eh.”

“Sirain na po talaga ang cellphone niya, ‘Ma. Medyo luma na kasi.”

“I’m not buying that, hijo. In the first place, dapat ay hindi siya nagpapagabi sa kung saan. May asawa na siyang tao! Pangalawa, dapat ay ikaw ang kasama niya saan man siya pupunta o kung hindi man, dapat ay nagpaalam siya sa’yo!”

Hindi siya umimik. Marami naman talagang dapat ang sinuway ni Anastacia pero mauunawaan niya ang lahat ng iyon liban sa isa.

Dahil malayo sa kinatatayuan ay nagawa niyang pagmasdan ang larawang iyon sa cellphone na hawak. Si Anastacia iyon habang nakangiti at hinahagkan sa pisngi ng lalaking nakilala niyang si Clifford Aragones.

He knew the man. Noon pa mang bago siya sa university ay ilang beses na niyang nakasalamuha ito. Madalas niya itong makasabay sa paglalaro ng basketball sa gym. He was from Engineering department and even Portia knew him.

Si Portia ang nagpadala sa kaniya ng larawang iyon kanina. Nagpapasama kasi ito sa kaniya na mag-mall at nang hindi niya ito pagbigyan ay nagalit na at sinabing alam nitong gusto lang niyang abangan sa pag-uwi si Anastacia. Inamin niya rito ang totoo pero tinawanan siya ng dalaga at sinabing hindi uuwi nang maaga si Orange dahil pupunta ito sa birthday party ng totoong boyfriend nito—si Clifford.

Nang siya naman ang magtawa ay inis nitong kinuha ang cellphone at ipinakita sa kaniya ang larawang iyon. Nagulat siya pero natural ay hindi niya ipapahalata iyon sa dalaga. Iniwan niya ito at kahit ano pa ang isigaw nito ay hindi na niya ito binalikan. Too much for her tantrums and caprices. Punding-pundi na siya. Mas mahalaga sa kaniya ngayon ang alamin ang katotohanan sa likod ng larawang iyon. Hindi pa nakuntento si Portia at ipinadala pa sa kaniya picture. Kung hindi siya nagpakatimpi-timpi ay malamang na naibalibag niya ang hawak na cellphone.

“Sinasabi ko na nga Carlo at ganito ang aabutin ng ginawa mong pakikisama sa batang iyan! Tingnan mo na at ni walang disiplina! Saan ka dadalin ng maling desisyong iyan?”

“Ma, please. Aayusin namin ito ni Anastacia pag-uwi niya. Magpahinga na po kayo,” aniya sabay hawak sa siko nito.

“Pinaaalis mo ba ‘ko, hijo?”

“Hindi sa ganoon, ‘Ma pero problema naming mag-asawa ito, please. Kami na po ang mag-aayos.” Pinihit niya ang seradura pero bigla iyong bumukas at bumuglaw si Anastacia.

“Tasha!” bulalas niya. Sa mukha nito ay ang hindi matatawarang emosyong hindi niya maunawaan. “Bakit ngayon ka lang?” tanong niya rito.

Tinangka nitong magmano sa kaniyang ina pero pinalis nito ang kamay at hindi pinagmano ang dalaga. Iniharang din nito ang sarili sa pinto.

“At saan ka nanggaling, aber? Uwi ba ito ng matinong babaeng may asawa?” galit nitong sabi.

Hinawakan niya sa likod ang ina at marahang itinabi upang makapasok ang dalaga. Ipininid niya ang pinto pagpasok nito at saka kinalma ang sarili.

“Where have you been, Tasha?” mababa ang tinig niyang tanong.

“May importante lang akong pinuntahan—”

“Gaano kaimportante at hindi ka man lamang nagpaalam sa asawa mo? Ni hindi ka niya ma-contact, ano ka ba namang bata ka?!”

“Ma, please…” muli niyang awat sa ina. “You may go home now, ‘Ma. I’ll just talk to you tomorrow.”

“Hindi, Carlo! Hindi ko hahayaang ganyanin ka nang harap-harapan ng asawa mo! Considering na nandito pa kaming mga magulang mo ha! How dare this woman! Bukas na bukas rin ay uuwi ka na sa atin!”

“Mama!”

“Bakit? Ganito ba ang buhay na gusto mo? Sinabi ko na sa iyo na bata pa itong kinuha mo at ang bata, madaling magbago ng isip! Malay mo ba kung saan nanggaling ‘yan?”

“Kami na po ang mag-aayos ng bagay na ‘yan, Mama, kaya nga mag-uusap kami!”

“At sinisigawan mo na ako talaga ngayon! All because of this woman, Carlo!”

“Please stop!”

Kapwa sila nagulat na mag-ina sa biglang pagsigaw nang kanina pa tahimik na si Anastacia. Nang iangat nito ang mukha ay lumuluha na ito.

“Huwag po kayong mag-alala at bukas na bukas rin ay maiuuwi n’yo na ang anak ninyo, Mrs. dela Peña. Buong-buo at walang kabawas-bawas.”

“Aba’t…wala kang galang na bata ka!” Akma nitong aabutin si Anastacia kaya niyakap niya ang ina.

“Tasha, what’s this?” lito niyang tanong.

“We need peace, Carlo. Pagod na rin ako. Ayoko na.” Iyon lang at walang lingon-likod nitong tinungo ang silid at saka iyon isinarado.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Si Orange Book 2 (The Baby Girl Turned Wife) Chapter 8

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.