“WHAT a good script in front of your father, huh…ano naman ang susunod na hakbang ngayong alam na ng tatay mo ang kasal- kasalan nating apat?”
Nagulat si Orange sa tinig na nagmula sa kaniyang likuran. Si Carlo, nakasandal sa hamba ng pinto, madilim ang mukha nito pero sa sahig nakatutok ang paningin at hindi sa kaniya. May bahagyang kirot siyang nadama sa isiping ni ayaw siyang makita nito.
“Bakit ka sa akin nagtatanong? You can ask your fiancèe.” Binigyan niya ng diin ang huling salita. “Saka bakit nga pala nandito ka?” Luminga siya sa likuran nito pero hindi naman niya nasilip si Marsha.
“Your sister is on the phone. How about your fiancé? Don’t tell me na nasa banyo, nasira ang tiyan pagharap sa tatay mo?”
“At bakit naman? Mabait at matinong tao si Clifford—”
“At ako’y hindi?”
“Bakit ka naman napasali?”
Umiling-iling si Carlo, saglit na natahimik. Nang muli itong magsalita ay tila pauyam ang tono nito. “You know what, you don’t look good together.”
“Ano’ng paki mo? Akala mo naman ay bagay kayo ng Marsha mong mukhang kalabasang naalimuom!”
“Stop saying things like that against her!”
“And stop protecting her like she’s the real girlfriend!” Natigilan si Carlo at ilang sandaling hindi nagsalita, tila dina-digest ang sinabi niya. Mayamaya ay umangat ang sulok ng mga labi nito.
“And who’s the real girlfriend here, Tasha? Sino ba?”
She was not sure if he was annoying or just teasing her so she didn’t know how to react. Ayaw niyang mag-expect. Baka bumigay siya pero sa huli ay baka ilaglag lang siya ni Carlo. Masakit ang umasa; mahirap ang masaktan.
“Wala!” sabi niya sabay dabog. Tinalikuran niya ito pero madali nitong hinaklit ang braso niya.
“Saglit nga muna! Bakit mo nga pala tinawag ng mahal ang lalaking iyon kanina ha! Hindi mo na talaga inirespeto ang naging ugnayan natin!”
“At bakit mo naman ginanon ang ilong ng Marshang iyon! Ang kapal mo para gawin iyon sa harap ko, impakto ka!” Nanakit ang mga mata niya at lalamunan sa matinding pagpipigil ng luha.
“Anong ginanon?”
“Nagmamaang-maangan ka pa diyan!”
“Ginanon mo rin naman ang ilong ng Aragones na iyon ah!”
“O, e ‘di quits na tayo ngayon!” Kumawala siya rito pero muli itong sumunod at lumagay sa harap niya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.
“Tell me, may nangyari ba talaga sa inyo? Natulog nga ba kayo sa iisang kuwarto!” pasigaw na tanong ni Carlo habang pulang-pula ang buong mukha.
“For the record, hindi nga kami natulog na magkasama dahil gising akong magdamag!”
“But you were together the whole night! Magdamag kayong magkasama sa iisang silid!”
“Ang kulit! Magkasama nga kami pero hindi nga ako natulog!”
“Sigurado ka?”
“Okay, fine! Naidlip yata ako bandang umaga na nang hindi ko na kinaya ang antok pero baka wala pang isang oras iyon and I swear, halos maliwanag na nang mapikit ako!”
“So you didn’t do it? I mean, you did not—sh*t!”
Natameme siya nang makita ang labis na galit ni Carlo. Humarap ito sa dingding at tila susuntok doon pero mabilis niya itong pinigilan. “Oy, oy, huwag ‘yan! Hindi namin bahay ito, malilintikan tayo, Carlo!”
Nagulat siya nang mahigpit siya nitong hawakan ulit sa magkabilang balikat. Tila may gusto itong sabihin. Nagdaan sa mukha nito ang iba’t-ibang klaseng emosyon habang titig na titig sa kaniya pero hanggang sa bitiwan siya ng lalaki ay wala itong sinabi. Mabibigat ang mga hakbang na iniwan siya ni Carlo.
KASALUKUYANG nag-aayos ng mga damit sa malaking bag si Anastacia. Babalik na siya ng Maynila mamayang hapon. Plano niyang mag-bed space malapit sa St. Columbans at sa pagbabalik ay sisikapin niyang mahabol ang ilang araw na hindi siya nakapasok dahil sa pag-uwi sa Mindoro.
Si Marsha naman, maaga pa kanina ay lumuwas na. Si Tiya Rosa naman ay nasa palengke habang ang kaniyang ama ay namamahinga sa silid nito. Natutuwa siyang unti-unti nang nagbabalik ang lakas nito. Palagi na rin itong nakangiti tulad noong bago ito magkasakit.
Inilalagay na niya sa bag ang mga tiniklop na medyas nang makarinig ng katok. Lumapit siya sa pinto at binuksan iyon.
“Hanna!” Akma niya itong yayakapin pero pinigilan niya ang sarili, kaya naman nagulat siya nang humakbang ito at kusang yumakap sa kaniya.
“Kumusta ka na?” tanong nito habang nakangiti. Tila nangingilid sa luha ang mga mata nito.
“A-ayos naman,” pautal niyang sabi, hindi halos makapaniwala sa reaksiyon nito. “Ikaw, kumusta ka na rin?” Inakay niya ito papasok ng bahay.
“Ayos lang din. Hindi ako magtatagal dahil luluwas na rin ako bukas.”
“Bakit hindi ka pa sumabay sa akin? Mamaya akong hapon babalik ng Maynila.”
“Salamat,” sabi nito saka pinisil ang palad niya, “pero may pupuntahan pa kami ng mga kaibigan ko rito mamayang gabi. Bukas na lang ako…”
Tumikhim siya nang ilang sandaling namagitan ang katahimikan sa kanila.
“Tungkol sa mga nangyari, Hanna—”
“Kalimutan na natin iyon—Ate…Hindi naman natin ginusto ang sanga-sanga nating buhay. Naiintindihan ko na ngayon si Mama.”
Napangiti siya nang malapad. Dama niya ang sincerity sa bawat salita nito. “Salamat. Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi mo.”
Kapwa sila natawa sa biro nitong iyon.
“Siya nga pala, may sadya ako sa’yo kaya pinilit kong umuwi kahit mamayang gabi pa ako dapat babalik rito. Baka kasi hindi kita abutan.”
“Ano iyon?”
Dumukot ito sa loob ng buddy bag na nasa kandungan nito. Iniabot nito sa kaniya ang isang sulat at calling card. Binasa niya iyon at nanlaki ang mata niya nang makita ng pangalang nakasulat.
‘Pierre Silvano? Hindi ba at iyon din ang pangalang nakalagay sa sulat na ibinigay sa kaniya ni Tiya Rosa noong isang gabi?’
“Saan mo ito nakuha?”
“Ako ang nag-receive niyan last week bago ka pa pumunta dito. Nakalimutan ko lang iwan kay Mama kaya iniuwi ko ngayon.”
“Kung last week pa ito at ilang araw ka na ring wala rito sa bahay, ibig sabihin ay iba pa ang sulat na ibinigay sa akin ni Tiya Rosa noong isang gabi.”
“Sumulat siya ulit?” tanong nito.
Tumango siya. “Ang kaso ay nawala ‘yung sulat na ibinigay sa akin ng mama mo eh. Dito ko lang naman iyon sa room inilagay.” Itinuro niya rito ang unan kung saan inilapag niya ang sulat na bigay ng madrasta.
“Ate, nandito na ba si Ate Marsha nang ibigay ni Mama sa’yo ang sulat?”
Napatango ulit siya.
“Tiyak na siya ang kumuha niyon! Imposible namang basta na lang iyon mawala nang walang kumukuha!”
“Iyon nga rin ang naisip ko pero hindi ko na ipinilit para makaiwas sa gulo. Pero teka, sino ba ang Pierre Silvano na ‘yan?”
“Mas mabuting kayo na ang mag-usap, Ate. Maselang bagay yata ang sadya niya sa’yo.”
Napayuko siya sa hawak na calling card bago muling napatingin sa nagniningning ang mga matang si Hanna.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






One Response
I see hope