Si Orange Book 4 (Version 2.0) Chapter 11

“ALAM mo, may duda akong hindi ipis ang kumagat sa mga mata mo, girl, eh. Sa tingin ko, tao. Tao ang may gawa niyan!”

“Tumigil ka nga diyan!” sita ni Tasha sa kaibigang si Chikki. Kanina pa siya kinukulit nito. Bakit daw siya naka-eyeglasses gayong gabing-gabi. Sinabi niyang nakagat siya ng ipis kaya namamaga ang kaniyang mga mata.

“Grabeng ipis ‘yan ha. Masyadong fair. Kinagat ang kanan, pati naman kaliwa! At pantay, Bff ha, magaling sumukat!”

“Tse! Huwag kang magulo kung ayaw mong ikaw ang magbayad ng kakainin natin,” mariing bubod niya rito.

Tumahimik na si Chikki sa kabubuska sa kaniya pero ang ngiti nito ay hindi mapigilan. Asar na asar man ay wala naman siyang magawa kundi ang palihim na magngitngit.

“Bakit mo pala ‘ko niyayang lumabas? Puwede ka namang pumunta sa condo,” mayamaya ay tanong niya kay Chikki.

“Mas okay lumabas ‘no. Lagi mo na lang akong ikinukulong sa condo ng ate mo e ang tamad mo namang mag-groceries!”

Nagkatawanan sila nito.

“But seriously, may gusto ka bang sabihin?”

Tila biglang nabura ang ngiti sa mga labi ng Chikki. Seryoso itong tumingin sa kaniya. “May gusto sana akong itanong tungkol sa tatay mo. Totoo bang—”

“Chiks, please…ayoko na sanang pag-usapan si Tatay eh.”

“Pero kasi, hindi ako makapaniwala sa nangyari eh. Feeling ko, hindi totoong—”

“I know. Ako nga rin. Hindi ko mapaniwalaang wala na si Tatay pero alam mo, masaya ako kasi kahit paano, alam kong magkasama na sila ni Nanay ngayon.”

“Pero Bff, hindi ko naman kasi nakitang—”

“It’s all right, Chiks. Enough. Hindi pa ako talaga ready na pag-usapan ang tungkol kay Tatay. Let’s just change the topic, okay?”

Mukhang tutol si Chikki pero hindi na ito kumibo. Inokupa niya ang oras sa pagkukuwento rito ng tungkol sa naging buhay niya sa Milan. Kung paano siyang nag-aral ng lingua Italiana hanggang makapagtapos. Ito naman ay nakipagsabayan rin ng maraming kuwento sa kaniya.

 

DAY 1 ng volunteer project ng LSPCO in coordination with Hope Foundation. Maagang nagsimula ang program. Apatnapung bata ang naka-house sa orphanage at tinipon ang mga ito sa isang malaking session hall.

Matapos ang feeding program ay nagkaroon ng games, storytelling at gift-giving. Abala si Mrs. Bernal sa pag-aasikaso ng kabuuan ng programa. May dalawa itong assistant bukod pa limang taong kasama nito na naka-assign sa kaniya-kaniyang task.

Sa buong durasyon ng event ay hindi maalis-alis ang ngiti ni Tasha habang nakatuon ang pansin sa mga batang kapos-palad. She took as many pictures as she could. Habang inii-scan niya ang mga picture sa camera ay nakangiti pa rin siya. Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ng mga bata at hindi iyon kayang bayaran ng kahit gaano pa kalaking halaga ng materyal na bagay.

“Nasaan na kaya ang magulang ng mga batang ‘yan, ano?”

Dahil nagulat ay biglang napatayo nang diretso si Tasha kasabay ng pagbaba ng hawak na camera. It was Carlo.

Sinundan niya ng tingin ang tinutukoy ng lalaki. Titig na titig ito sa mga batang kasalukuyang binabasahan ng kuwento ng isa sa mga kasama ni Mrs. Bernal.

“Kawawa naman sila, ano. Magpa-Pasko pa naman, pero hindi nila makakapiling ang totoong pamilya nila.”

She cleared her throat before she began to speak. “Wala eh.

May mga magulang talagang pabaya…” wala sa loob naman niyang sabi.

“I agree. Marami talaga. Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay laging magulang ang mali. Kung minsan, anak naman ang nang-iiwan, hindi ba?”

Sinulyapan niya si Carlo nang mahimigan ang tila galit sa tinig nito. He was still looking at the children. “May…may gusto ka bang sabihin?”

Animo nagising ito sa isang malalim na pagtulog. “Wala naman. Why, Tasha? Do you intend to tell me something I did not suppose to know?”

Inilayo niya ang tingin rito kasabay ng pag-iling. “Wala rin naman. Bakit ka nga pala pumunta rito? Hapon na, obviously ay hindi ka na aabot.”

She was not actually expecting Carlo to come that day. Optional naman kasi ang painting session nito sa Manila area dahil na rin sa kakapusan ng oras para sa one day event.

“I don’t know. I just wanted to come. I wouldn’t miss it for the world.”

“So you love kids, huh?” wala sa loob niyang tanong nang makita ang kislap sa mga mata ng lalaki. Siguro’y unang personal na tanong rin niya kay Carlo buhat nang huli silang magkausap nito pitong taon na ang nakararaaan.

“I always do,” tila sinserong sagot ni Carlo habang ang mga kamay ay nakapalaoob sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon. “Nalulungkot akong makakita ng mga batang sa murang edad ay lumalaban sa buhay. It always breaks my heart everytime I see them.”

Hindi niya magawang kumibo nang makita ang kaseryosohan sa ekspresyon ni Carlo. It was as if he was talking to himself. She didn’t want to speak if it was only to save a good conversation between them.

“Actually, they remind me of someone special…just like these children, she was so fragile…so selfless and innocent…and it would always break my heart everytime I’d see her cried before…”

Ilalayo na sana ni Tasha ang paningin kay Carlo pero sumulyap ito sa kaniya. Their gazes met and locked and she was stunned as she felt a different kind of warmth slid through her.

“Where have you been all this time, Tasha?” Carlo asked with pain in his voice.

Hindi niya nagawang kumilos. It was so sudden. She just felt like drowning in emotion while Carlo was intently looking at her. “Carlo…” anas niya habang magkahinang pa rin ang mga mata nila.

“Ma’am Stacey, turn niyo na raw po para magbigay ng closing remarks sa mga bata,” anang isang taong kasama nila sa event. Tila pareho naman silang binuhusan ng malamig na tubig ni Carlo. Mabilis na inayos ni Tasha ang sarili at iniwan ang lalaki.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Si Orange Book 4 (Version 2.0) Chapter 11

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.