Si Orange Book 4 (Version 2.0) Chapter 9

PASADO alas-singko na nang hapon ang oras na nakarehistro sa relong pambisig ni Anastacia ngunit wala pa rin si Mrs. Bernal. Kasalukuyan siyang nasa Retro Bistro Cafè kung saan niya ito imi-meet para sa final details ng kanilang proyekto. Sa meeting rin na iyon at nakatakda nilang pag-usapan ang tungkol sa financial

“Sorry, I’m a bit late.”

Napaawang ang mga labi ni Anastacia nang bigla na lang sumulpot si Carlo mula sa kung saan. Naupo ito sa tapat ng kinauupuan niyang mesa. Nasa isang coffee shop siya nang mga sandaling iyon para sa finalization ng detalye ng mga volunteer projects na inaasikaso niya.

“I don’t want to be rude, but I was only expecting for Mrs.

Bernal. Hindi niya nabanggit na—”

“Didn’t she? Well, she just called me up and told me about this meeting. Hindi naman niya sinabing darating siya. Anyway, I don’t think it’s a big deal, right? Tayo naman ang mag-uusap tungkol sa details ng part ko sa project.”

“O-of course…”

Mayamaya ay lumapit ang barista at isinilbi ang kapeng inorder nila ni Carlo. Nagpasalamat siya rito bago binuksan ang dalang folder at nagsimulang mag-scan ng mga detalye. “Here we go, Mr. dela Peña,” panimula niya at iniharap sa lalaki ang itinuturo. “Uunahin natin itong tatlong ito. We will be having feeding programs and storytelling activities at first. May ilang games din kaming ipi-prepare. Dito sa Manila, one day activity lang tayo pero sa provincial visit, we have two to three days per project and the duration depends upon the accessibility of the location.”

“Two to three days? Hindi ba napakatagal naman? I have to manage my business here, hindi ako puwedeng umalis nang ganyang katagal, Miss Silvano.”

Tinimpi niya ang inis na gustong magbangon sa dibdib niya. Halatang nang-iinis si Carlo. May diin sa mga salitang binibitiwan nito lalo pa nang tawagin siya nitong Miss Silvano.

“Mr. dela Peña, the provincial projects are completely different compared here in Manila dahil accessible ang location natin dito. Nasa ampunan ang mga bata unlike in provinces na wala naman tayong tiyak na pupuntahan. Tatlo sa limang projects natin ay walang center pero may naka-assign na para sa pag- disseminate ng info at pag-aayos ng venue so walang problema. Our people there have actually started spreading the invitation three days ago.”

“Wow but I haven’t signed anything yet. Wala ba kahit para sa formality man lang?”

“And so? Pirma lang iyon and in three seconds, tapos na.” Pumitik siya sa hangin to emphasize her point.

“What if I don’t accept the project?”

“Sana ay umatras ka na noong una pa lang. Now, you couldn’t do that. Alam ko kung gaano kahalaga ang word of honor para sa’yo.”

“That won’t work on me, Tasha—”

“Stacey!”

“Orange!

“Call me Stacey dahil wala na ang Orange na kilala mo…’

“Anastacia, Tasha, Angge, Orange, ‘yan lang ang mga pangalang kilala ko, okay? Diyan lang kita kayang tawagin at hindi mo ako maaaring diktahan!”

“Excuse me?” Gigil siyang napatingin rito. Heto na naman siya, daig pa ang nalunok ang dila at nauubusan ng sasabihin kahit pa nga ang daming dayalogong naglalaro sa utak niya.

“Why not make it one day instead of two?” muling sabi ni Carlo na titig na titig sa kaniya.

“That’s impossible. Dalawang araw ang program dahil malayo nga sa center ang mga bata. Alam mo ba kung ano ang lalakbayin nila para lang makapunta sa location? They will literally cross a river to get there. Dalawang oras ang lalakarin nila so pagdating sa venue, lunchtime na. Pagkakain ng mga bata ang games, then ‘yung iba pang activities; finale ang painting session.”

“Then, you can schedule my part on the second day. Hindi

ko kailangang bumabad doon sa first day.”

“Na para bang gusto naman kitang pababarin doon? Hello, you don’t need to stay, okay. If you want, sa hapon ka na pumunta pero huwag na hindi dahil kailangan ng proper motivation ng mga bata sa first day. Bago matapos ang activity at bago umuwi ang mga bata ay ipapakita natin ang preview ng activities sa second day para maengganyo silang bumalik for the painting session.”

“Can’t we compress all the activities in one day para hindi na kailangang mag-overnight ng mga bata?”

“Tiyak na gagabihin sila kung ganoon. Paano silang tatawid ng ilog pabalik, sabihin mo nga! Nag-ra-rugby ka ba?”

Bahagyang nagulat si Carlo sa tanong niya pero kakatwang  tila saglit na napangiti ang mga mata nito bago seryosong nag-isip. “Meron ka ba ngayon, Tasha? Bakit ang sungit mo?”

Umakyat sa ulo ang inis niya at halos sumabog na siya kung hindi lang niya iniisip na maraming tao sa paligid. “Bastos!” she mouthed. May sasabihin pa sana siya nang may isang babaeng lumapit sa kinauupuan nila ni Carlo. Huminto ito sa tabi ng binata at ipinatong ang isang kamay sa balikat nito.

“Sorry, Hon, I’m late. Hi!” anitong nagpakunot sa noo ni Tasha. Tila nasagot naman ang pagtataka niya nang yumuko ito at humalik sa pisngi ni Carlo.

Well, cheek kissing or cheek brushing in Milan is a normal gesture to indicate friendship. Pero hindi ito Milan at dito sa Pilipinas, alam niyang mas madalas kaysa wala ay may ibang kahulugan ang ganoong klase ng halik sa pagitan ng isang lalaki at isang babae.

“H-hi!” she awkwardly greeted back.

“This is Stacey Silvano, the president of LSPuso Charity Organization or LSPCO. Miss Silvano, this is…ah, this is…Carmi Perez.”

C – a – r – m – i? !

“Siya? Siya si…siya si Carmi?”

Nagkatinginan ang dalawa dahil sa reaksiyon niya at palihim naman siyang napahiya sa sarili.

“Hi, do you know me?” nakangiting tanong ng babae.

Hindi naiwasan ni Tasha na pasadahan ng tingin ang kabuuan ng kaharap. She must be five seven or eight (masyadong matangkad, parang kawayan na). Balingkinitan at maputi (maputlamukhang taong an-an). Mahaba ang buhok nito na alon- alon, very black (tumanda tuloy ng two years).‘In short, hindi ito bagay kay Carlo

“Ah, no, honey. He was referring to other Carmi, a friend of mine,” anang nakangiting si Carlo sa bagong dating.

‘Ngiting-ngiti si mokongmukhang tuta

“Okay,” nakangiting sabi ng babae. “Mabuti at inabutan ko kayo dito. Sobrang traffic kasi, sorry talaga.”

“It’s all right. By the way, what would you like to have? Coffee, tea or me?” nakangiti at pa-OA na tanong ni Carlo sa babae habang ang tingin rito ay napakalagkit. Tinawag nito ang tagasilbi at humingi ng juice na ni-request ng bagong dating. Siya naman ay wala sa loob na napairap. ‘Ang baduy ha. gasgas.

bulong niya sa sarili.

“May sinasabi ka, Tasha?”

Mabilis siyang umiling nang matamang titigan ni Carlo. “I said gatas…you know, creamer. Pahingi ha.” Inabot niya ang creamer na nasa gitna ng mesa at saka ibinudbod sa kaniyang kape.

“Ahhh…” anito sabay baling kay Carmi. Iniatras nito ang isang upuan sa side nito at pinaupo ang dalaga, pagkuwa’y muling tumingin sa kaniya. “Sorry if I was not able to tell you earlier that she’s coming. She’s actually my personal assistant.”

“Don’t mention it. No worries. Let’s just continue discussing the details, okay…” And she started flipping the pages of the folder. She could see from her peripheral vision that Carlo was looking at her but she tried her best to ignore him and tried to be calm.

Sinikap niyang ngumiti kay Carmi habang inuulit rito ang ilang detalye ng projects. Pero hindi niya napigilan ang sarili. Palihim niyang nahiling na sana ay matapos na ang meeting na iyon.

 

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Si Orange Book 4 (Version 2.0) Chapter 9

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.