Someone Like You (Chapter 22)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Day 27

NAG-BROWSE si Jam sa social media. S-in-earch niya ang fan sign na ginawa ng mokong para kay Psyche, para sa kanya. Natutop niya ang bibig nang makitang sa mismong fanpage ni Psyche ito nag-post. Hindi iyon basta fansign. Video iyon! Hala si Vladimir Jesimiel, nakalimutan yatang multi-billionaire ito!

Nasa one million views na iyon, nakakaloka! Napahaplos siya sa leeg nang mabasa ang mga comments. Tutuyuan yata siya ng lalamunan sa mga komento roon. Inuna pa talaga niya basahin ang mga komento bago panoorin ang video.

Naniniwala na talaga akong Diyosa nga itong si Psyche! Haler, Mr. Vlad Mikhailov ‘yan, oh!

Miss Author, baka naman puwede ka nang lumitaw sa lungga mo?

Baka naman girlfriend nitong si Mr. Vlad si Miss Psyche? Puwede? Puwede!

Pinagsasabi ng mga ito? At ganoon ba talaga ka-popular itong si Jesse? Noon lang niya napagtanto na parang nabasa na nga niya ang pangalan nito sa mga headline news dati pero hindi niya pinagtutuunan iyon ng pansin. Wala rin naman kasing inilalabas na picture gaano rito noon dahil masyadong pa-private ang buhay ng lalaking ito. Pero heto at hinahantad ang sarili para sa fansign na ipinangako sa kanya!

Pinindot niya ang Play button at pinanood ang ginawang video ng lalaki.

“Hi, Psyche!” nag-wave pa ito ng kamay. “I am grateful to one person as I was able to read one of your masterpiece – My Heart Will Find You.

“I realized that there’s nothing wrong in reading romance books. I would actually want to encourage men to give such books a try. I swear, it is like a cheat code that we all want to have – a way to understand more our partner/girlfriend/wife or even our sister and mother.

“Reading romance novel is like getting inside a woman’s mind. The characters may be imaginary, but I’m telling you, these books dig deep about love and life.

“I am on to the next book of Psyche – A Love Since 1987. Hoping to meet you soon, Psyche.”

Bakit pakiramdam niya ay sa kanya iyon mismo sinasabi ni Jesse? Naipaypay niya ang kamay sa mukha dahil tila nag-iinit ang mga iyon!

Ang mabuti pa ay bumangon na siya. Pagkamulat na pagkamulat kasi ay cellphone ang inaatupag, eh. She rose from the bed and started her morning ritual. Nang makagyak ay lumabas siya ng silid, na siya ring labas ni Jesse mula sa kuwarto nito.

Aba siyempre, hindi sila sa iisang kuwarto natulog. Doon siya tutuloy sa kondisyong magkahiwalay pa rin sila ng silid. Parang noon lang, nang rumerent pa ito sa bahay ng Auntie niya.

“Paalis ka na niyan?” tanong niya.

“Yes. Sorry, hindi na ako nakapagluto. Biglang nagbago ng sched iyong client na imi-meet ko,” anito habang kinakabit ang kurbata nito.

Hindi ito magkandatuto sa pagkabit niyon kaya napalapit na siya rito. “Let me.”

Saglit pa yata itong natameme sa kanya. Kinuha naman na niya nag kurbata sa kamay nito at iniayos iyon ng buhol.

“There,” nakangiting sabi niya. Pinlantsa pa niya ng kamay ang suot nitong sleeve sa bandang dibdib.

Didistansiya na sana siya palayo nang kuhanin nito ang kamay niya at hilahin siya palapit dito. Naramdaman na lang niya ang pagdampi nang masuyong halik sa ulunan niya.

“Thank you for coming into my life, Jam.”

Napakurap siya at naramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi. “Ang cheesy masyado, Mr. Mikhailov.”

He chuckled lightly. Maingat din siya nitong inilayo sa pagkakadikit dito. “Magpapa-order ako ng breakfast. What do you want?”

Umiling siya. “Huwag na. Magluluto na lang ako. Anong oras ka babalik?”

Naikiling niya ang ulo. And now, she sounded like a wife waiting for her husband.

Ngumiti naman ito. “I’ll be back by lunch. May pupuntahan ka ba? Sabay tayo mag-lunch.”

“Nandiyan lang ako sa baba. Mag-start today ‘yong mag-aayos ng interior ng shop.”

“Great. Puntahan na lang kita ro’n mamaya.”

“Okay. See you,” nasabi na lang niya. Nahatid pa niya ng tanaw ang bulto nito hanggang sa makalabas ng unit.

Napailing-iling siya. Masyado na yata siyang nadadala sa set up nila ni Jesse.

NAPATUNGHAY si Jam sa gitna ng ginagawang coffee shop. Sinisimulan nang gawin ang bar counter at ang maliit na opisina para sa kanila ni Audrey, pati na rin ang kusina para sa pagbe-bake ng goodies.

Hindi na yata siya makapaghintay na mabuo iyon. Nailibot niya ang mga mata at huminto sa kung saan niya balak ilagay ang malalaking shelves para sa koleksyon ng mga libro.

Pumihit siya paharap sa pinto at sakto namang papasok doon ang lalaking tila bumaba sa Mt. Olympus.

Bahagyang gulo ang buhok ni Jesse. Nakarolyo na rin ang manggas ng suot hanggang sa siko nito. He plastered a sweet smile upon seeing her.

“Lunch?”

Noon niya lang napansin na may bitbit itong paperbag sa isang kamay nito. Itinaas pa nito iyon.

“Sa taas na siguro tayo mag-lunch, maalikabok dito.”

Sa ngayon, komportable siyang gumalaw. Wala pa naman kasing tao roon sa condo building. Mag-start i-occupy ng mga Owner ang unit nila in two months. May inaayos pa raw kasi na mga unit pa at mga papeles na inaasikaso.

Kaya pa rin nga ba niya maging ganitong kadikit kay Jesse kapag marami ng tao roon? Baka ma-issue pa itong si Jesse nang dahil sa kanya.

“What are you thinking?” tanong nito nang makalulan sila ng elevator.

“Para tayong naglalaro ng bahay-bahayan dito. Parang mga batang walang pakialam sa paligid. But can we actually be as comfy like this kapag nagsimula nang maokupa nag mga unit dito?”

Hinigit nang isang malayang kamay nito ang baywang niya. “I know that you’re not yet ready. If magsimula nang iokupa ng owners ang unit, we will not use this lift anymore. There’s a private elevator na ako lang ang may access at ikaw. We can use that.”

Tiningala niya ito. “You’re… wala na yata akong masasabi sa ‘yo. What is it that I’ve done so good to have someone like you?”

Sinalubong nito ang mga mata niya. “Can I be yours then?”

Their eyes locked and then they heard a click from the elevator. Nasa twenty-fifth floor na sila. Nagpatiuna na siya, tumatakas na sagutin ang huli nitong tanong.

Narinig niyang natawa na lang si Jesse. Siya na rin ang pumindot ng passcode dahil binigay nito iyon sa kanya kagabi.

Dumeretso siya ng kusina para kumuha ng plato at kubyertos. Sumunod naman sa kanya ang lalaki. Isinalin nito ang dalang pagkain sa mangkok. Kare-kare iyon. Natakam siya bigla.

Magana nilang pinagsaluhan ang pagkain. Halos katatapos lang nila nang may tumawag kay Jesse.

“Honey’s what?” Medyo napataas ang tinig nito. “Trapped where? Okay, okay, susunod ako. Connect my phone to the location.”

Napatingin ito sa kanya pagkaraan. “I’m sorry. I have to go. May sindikatong tinutugis sila Honey at mukhang na-trap sila sa patibong. I have to go there. Baka hindi ako makauwi mamaya. Will you be okay here alone?”

Tumango-tango siya. “Mag-iingat ka.”

Nagdudumali itong umalis pero muling bumalik na tila may nakalimutan. Bago pa soya makapagtanong ay inilang hakbang nito ang pagitan nila at siniil siya ng halik.

“Babawi ako. I’ll be back. I’ll update you.”

Iyon alang at tumalima na ito ng alis. Napagsalikop noya ng kamay. Ngayon niya lang unti-unting naa-absorb ang epekto ng pagiging agent/detective ni Jesse. Kung man, mukhang hindi biro ang mahalin ang isang Jesse Mikhailov…


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Someone Like You (Chapter 22)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

One Response

  1. Yung sa bawat pagbasa ko grabe Yung kilig na nadadama ko bwahahaha happy Ang haba Ng binasa ko salamat sa updates otor Ang Ganda grabe sobra thank you 😘 mapapasabi ka na hard copy please hahaha

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?