Day 188
“JAM, MAY GUSTONG kumausap sa ‘yo. Kanina pa ko kinukulit, eh,” pakli ni Audrey sa linya.
Tinawagan kasi ito ni Jam para hingan ng updates sa nangyayari sa coffee shop. Malayo man siya ay gusto niyang nasusubaybayan pa rin ang negosyo. Patuloy pa nga rin ang pag-promote niya ng shop.
“Sino? Customer ba?” tanong niya.
“Hindi,” agad naman nitong sagot. “Si Jules, gusto kang makausap.”
[mycred_sell_this]
Natigilan siya. Nawala na nga pala sa loob niya ang huling nangyari sa kanila ng lalaki. Kunsabagay, sinabi naman niyang kakalimutan niyang sinabi nito na mahal siya nito. It was ridiculous!
“Waala naman kaming dapat pag-usapan, Drey.” tugon niya kapagdaka.
“May problema ba kayo?”
Napabuntung-hininga siya. “Sige na nga, ibigay mo na ang phone sa kanya, Drey.”
Mayamaya pa nga ay si Jules na ang nasa kabilang linya. “I just wanna say sorry, Jam. We didn’t separate well the last time. But I meant what I said.”
“You can’t be in love with me, Jules. Alam mo naman kung bakit, ‘di ba? Wala kang aasahan sa akin. Kaya huwag mo nang pasakitan pa ang sarili mo. You are wonderful, Jules. I am sure, you’ll be able to find the right woman for you. Huwag na lang ako.”
Narinig ang pagbuga nito ng hangin. “Nagkita na ba kayo uli?”
“Uhm,” tanging naisagot niya. “I’m sorry, Jules.”
“It’s okay. Naiintindihan ko. You take care, okay?”
Malungkot siyang napangiti kahit pa hindi nito iyon nakikita. “Kayo rin diyan. Let me know if magkaproblema man that I hope na hindi.”
“Yes, we will. Ibabalik ko na kay Audrey ang phone.”
“Hoy! Anong meron?” bungad agad ni Audrey. “Parang seryoso ‘yong pinag-usapan niño, ah? O baka naman umamin na! Ano, tama ako, ‘no? May gusto sa ‘yo si Jules?!”
Natulilig siya sa lakas ng boses ni Audrey. Marahil wala na roon si Jules kaya hindi na ito nagpaawat. “Naririnig kita, Audrey! Hindi mo na kailangan itodo ang volume, goodness!”
“Eh, ano nga?”
“Oo na, nag-confess siya na mahal niya raw ako.”
“Oh-em-gee!”
“Wala rin paliguy-ligoy na sinabi ko na wala siyang maasahan na sukli mulas a akin dahil alam naman niyang committed ako, eh. Umasa kasi siya nab aka wala na kami dahil hindi nan ga napagkikita si Jesse diyan.”
“Nakakaloka pa rin, ah. S’abi na. eh. Iba ‘yong lagkit ng tingin niya sa ‘yo, eh.”
“Anyway…” Gusto niyang ibahin ang usapan. “Ang mabuti pa, pag-usapan na lang natin ‘yong nag-inquire about sa pagkakaroon ng booth sa event nila.”
At doon na nga natungo ang usapan nila.
Day 190
BAGAMA’T NANGAKO si Jesse na walang mangyayaring masama rito ay hindi pa rin mapakali si Jam. Kaaalis lamang nito kanina para tapusin ang unaccomplished mission nito. Ramdam din yata ng baby niya ang kabang nararamdaman niya kaya naglililikot ito sa tiyan niya.
Sinubukan niyang manood ng movie, magluto, magbasa ng libro, at ituloy ang nobelang tinatapos niya ngunit sa huli ay si Jesse pa rin ang naiisip niya. Wala pa rin siyang narereceive na message mula rito. Napa-antanda na siya at umusal ng dalangin sa taas. Nawa ay nasa maayos itong kalagayan.
Naisipan niyang bumaba. Lumabas siya at pumunta sa cabana. Doon na siya magpapalipas ng oras para kung sakaling dumating si Jesse ay masasalubong niya ito agad. Paupo na sana siya sa brown egg hammock chair na nandoon nang may biglang kamay na tumakip sa bibig niya. Nagpumiglas siya. Nang makapihit siya paharap ay ganoon na lang ang gulat niya nang mapagsino ang pangahas. Si Jules? Anong ginagawa ni Jules doon?
Dahil sa pagkahulog sa iniisip ay muling nagkaroon ng pagkakataon ang lalaki na takpan ang bibig niya. Mayroon itong panyong hawak at tila may kung ano iyon para hilahin siya sa antok.
Nang magising siya ay ganoon na lang ang panghihilakbot niya sa nakitang nakabalot sa katawan niya. May mga wire iyon. Bomba ba iyon? Isang oras, may isang oras pang nakarehistro doon.
Lumabas si Jules mula sa kusina. May tangan pa itong pagkain. “Kumain ka, baka huling hapunan mo na iyan. At masarap ka magluto, Jam. Puwedeng-puwede ka na talaga mag-asawa. Kung ako alng sana ang pinili mo, eh ‘di sana wala ka diyan ngayon!”
“Walanghiya ka, Jules!” Nakatali rin pala aang mga kamay at paa niya. Nagpupumiglas siya. “Paano mo nalamang nandito ako, ha?!”
“Simple lang, may in-encode ako sa cellphone ni Audrey nang tumawag ka sa kanya.”
“Encode?”
Lumapit ito sa kanya. Yumukod ito para mapantayan siya. “Iyong pag-a-apply ko bilang Head Barista was all part of a plan. Ang target namin is si Mikhailov na malaking hadlang sa mga plano namin! Nang malaman namin na kay Mikhailov ang The Cityscape, nag-isip kami ng paraan para makapasok doon. Iyon ay ang mag-apply ako na Head Barista sa Bean There, Love Latte.
“At jackpot! Akalain mo nga namang ikaw pa pala ang magiging daan para mas makalapit kami sa target namin. Dahil karelasyon mo ang hinayupak na Mikhailov na ‘yon!” Pinisil nito ang pisngi niya. “Bibigyan pa kita ng pagkakataon, marry me, Jam. Then lalayo tayo rito.”
Iniiwas niya nang pilit ang mukha rito. “In your nightmare, Jules! Hinding-hindi ako magpapakasal sa ‘yo!”
Napaigik siya nang sampalin siya nito. “Well, magsimula ka nang magdasal na dumating si Mikhailov dito sa loob ng isang oras? Pero kahit dumating siya, mahihirapan siyang tanggalin ang bomba na nakakabit sa ‘yo. At gusto kong abangan kung sasamahan ka niyang sumabog o hahayaan ka na lang niya?”
“Wala kang puso, Jules! Pinaikot mo kaming lahat! So, ano ‘yong locket? Hindi sa Stepmom mo ‘yon?”
Humalakhak ito. “I am wearing a smart contact lens then, Jam. Sa simpleng blink ko lang ng mata ay nakuhanan ko ang picture na nandoon. At naging madali na lang ang pag-edit sa amin n’on.”
Napailing-iling siya. Hindi niya mapaniwalaan ang naririnig. “Paano mo nalamang hindi sa akin ‘yong locket?”
“Hinuhuli lang kita. So kapag sinabi mo na sa iyo, sasabihin ko na kamukha nang sa Stepmom ko.”
Napapikit siya nang mariin. Jesse, nasaan ka na?
“Ganyan nga, magdasal ka, Jam!”
PINALIGIRAN nila Jesse ang nasabing hideout ng mga sindikato. Ang grupo ng mga ito ay isa sa mga malalaking sindikato ng droga sa bansa. Matagal na tinutugis ng mga pulis ang grupo kaya lamang ay sadyang may mga malalaking tao silang binabangga.
Mayamaya pa, on cue, ay pumasok na sila sa kuta at kitang-kita nila ang pagkagimbal ng mga taon roon. Sunud-sunod agad ang naging putukan. At dahil mas marami sila at handa, sa huli ay napasuko rin nila ang mga ito. Kalaboso rin ang kahahantungan nina multimillionaire construction magnate na si Franco Arcilla at ang Senador na si Gian Alfonso dahil huli ang mga ito sa aktong nandoon.
“Akala mo ba dito na matatapos ang lahat?” ani Franco. “Meron pa kaming mga galamay. Ang isa nga ay kasama na ng rumored girlfriend mo ngayon. Sino nga iyon? Ah, si Jamila Valle…”
Dinaklot niya ang collar ng suot nito. “Anong sabi mo? Oras na kantiin ninyo si Jam, maghahalo ang balat sa tinalupan!”
“Aba, bilisan mo na, Mikhailov! Baka hindi mo na abutang buhay ang nobya mo!” Pagkadaka ay humalakhak pa ito ng ubod lakas.
Nanginginig na agad niyang pinahanda sa mga tauhan ang chopper niya. Kung tama ang sinasabi ni Franco, kailangan niyang makarating nang mabilis sa isla. Sinubukan niyang tawagan si Jam. Naka-ilang dial na siya pero walang sumasagot.
“Please naman, Jam, answer the phone!”
Nakahanap nang mabilis na ruta ang pilot niya para makarating sila nang mas mabilis sa isla. Nagsama siya ng dalawang tauhan para kung sakali man ay may back-up siya. Pero nagpasunod pa siya ng ilan dahil hindi baka may mga kasama rin ang taong nandoon.
“Jam! Jam!” tawag niya sa kasintahan nang makapasok sila sa villa.
Naabutan niyang nakadagan ang kung sinong lalaki kay Jam. Ang lakas ng tangis nito. Halos liparin niya ang kinaroroonan ng mga ito. Nang makalapit ay agad niyang inundayan ng suntok ang lalaki. Pinagtatadyakan niya pa ito. Nnag bumalandra ito sa sahig ay niyukod niya ito. He was stunned for a moment. Si Jules? He gritted his teeth. Sinasabi na nga ba niya at may something talaga rito noon pa. Pero napakagaling nito ha. Pinaimbestigahan na niya ito dahil sa kutob niya noon pero walang anomalyang nakita rito. Isama pa na galing din ito sa prominenteng pamilya.
Tumawa ang lalaki. “Bilib na talaga ako sa ‘yo. Nagawa mo talagang makarating nang mabilis dito. Pero you only have ten minutes left.”
Napakunot ang noo niya. Nang tumingin ito kay Jam ay napabaling din ang tingin niya rito. Shit! May bombang nakakabit sa katawan nito. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Jules at pinagsususuntok pa ito.
“Ilabas n’yo na ‘to! Hindi siya puwedeng mamatay rito. Mas gusto kong unti-unti siyang patayin sa kulungan!” utos niya sa mga tauhan.
Kinuha niya ang cellphone at may d-in-ial. Nilapitan niya si Jam.
“Jesse…”
“You trust me, right?” tanong niya rito. Ikinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya.
“Mahal kita, Jesse… Kung pareho kayong nalulunod ni Zai, sabay ko kayong ililigtas. Pero hindi ibig sabihin n’on na meron pa kong nararamdaman kay Zai. Nararamdaman mo naman, ‘di ba, na mahal kita, Jesse?”
“Hush.. You’re not gonna die, okay?” Muli pa niyang d-in-ial ang tinatawagan. Nang sumagot ito ay napamura siya. “Damn, Honey! What took you so long to answer the call? No need to answer, I don’t have time to argue! I’ll open my camera and you have to carefully observe this bomb.”
“What bomb?”
Ini-open na niya ang camera at itinutok iyon sa bombang nasa katawan ni Jam. Narinig pa niya ang pagsinghap ni Honey. “We only have four minutes left, Honey! We have to stop this damn timer!”
“Heto na nga! Wait! Just shut your mouth, I cannot concentrate!”
Iniwan niya ang cellphone at saka kumuha ng plais. “Are you done?” tanong niya rito.
Nakita niyang pumikit ito nang mariin at nang tila nakapag-analisa ay binuksan nito ang mga mata. “There are four exposed wires there….”
Itinuro nito sa kanya kung ano ang dapat na gagawin hanggang sa huli ay pinutol na niya ang isang wire…
[/mycred_sell_this]
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





One Response
Wow di akalain infernes grabe Ang twist dun otor ha 👏👏👏