Sometimes Heart Goes Wrong (Chapter 12)

“SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle,” sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. “Okay na ako do’n.”

Tumayo ang binata at sinalubong siya. Kinuha ang mga dala niya na ngiting-ngiti.

“Ano bang sa terrace ka matutulog, Julan? Dito ka sa sala.”

“Pero…”

“Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa ‘yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!”

“Love mo ako?” tanong nito na mas lumuwang ang pagkakangiti.

Napatawa siya. “Sira!”

“So, you don’t love me?”

Hinampas niya ito sa braso. “Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog.”

Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya mula sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito.

“Ako na ang maglalatag sa sahig.”

“Kaya ko na ‘to, Jercelle. Don’t bother yourself. Okay?”

Hinawakan niya ang isang gilid ng mattress. “Let me do it for you, Julan. Nahihiya ako sa ‘yo dahil inaabala kita kaya hayaan mong ako ang gumawa ng simpleng bagay na ‘to.”

Binitiwan ni Julan ang mattress. Hinila na lang nito ang center table para mas lumuwang ang space na lalatagan niyon.

“Love mo talaga ako,” sabi nito. “Thanks.”

“Hay, naku! Bahala ka, Julan. Ayaw kong makipagtalo.” Inayos niya ang pagkakalatag ng mattress. Saka inilagay doon ang kumot at unan. “You better sleep now. Take a rest.”

“Thank you so much, Jercelle. Mahihimbing ako nito. Mapapasarap ang tulog ko.”

Natuwa siyang tingnan ito habang humihiga. Dahil nakasuot lang ito ng boxer short ay napansin niya ang malalaking balahibuhing hita.

He looked so sexy in his hairy legs. She got turn-on with him and she felt something malicious.

“Jercelle, behave!” Narinig niyang tila pananaway ng isang bahagi ng utak niya. Iniiwas niya ang tingin kay Julan at humalukipkip. “Maging malisyosa ba? Umayos ka!”

“Jercelle…”

Muli siyang napatingin dito. Yakap na nito ang isang throw pillow, na hindi niya nakitang kinuha mula sa ibabaw ng sofa.

Napakurap siya ng bigla ay nakita niyang siya ang yakap nito, na nakahiga din sa mattress. Bumilis ang pintig ng puso niya. Bigla ding nag-init ang kanyang pakiramdam.

“A-are you okay?”

Because of that Julan’s question, she turned back at the actual moment. She felt shy to herself.

“I-inaantok na ako,” sabi na niyang hindi nakatingin dito. Nagkaroon siya ng butil-butil na pawis sa mukha. “Papasok na ako sa room ko.”

“Sige, sige. Salamat ng marami sa pag-aasikaso mo, Jercelle. Ngayon palang ay nag-enjoy na ako staying here in your house. How can I wish na dito na talaga ako tumira?”

“Sira!” sabi niyang pinunasan ng mga palad ang pawis sa mukha. “D’yan ka na nga. Goodnight.”

“Goodnight, Jercelle. I love you.”

Tinalikuran niya ito at dali-dali na siyang pumunta sa kuwarto niya. Nang makapasok ay agad niyang isinara ang pintuan. Tinutop niya ng palad ang sariling dibdib at sumandig doon.

“My God!” bulong niya. “Ano ba itong nararamdaman ko? First night palang ni Julan ay nagkakaganito na ako. How much more if he will stay here permanently?”

Umiling siya. Lalong nag-init ang pakiramdam niya.

“Hindi puwedeng dito na siya tumira!”

Sinapo niya ng dalawang palad ang mukha. Pinagalitan niya ang sarili at sinermunan.

“Umayos ka, Jercelle Frias,” sabi niyang lumapit sa kanyang kama at pabagsak na humiga. “Huwag kang baliw!”

She sighed. She stared at the ceiling. She smiled when she saw the handsome face of Julan.

 

PAGKAGISING palang ni Salve ay masama na ang pakiramdam niya. Hindi niya matukoy kung alin ba talaga ang masakit sa kanya. Kaya matamlay niyang ipinaghanda ng pagkain ang sarili.

“Shit!” bulong niya ng humapdi ang sikmura pagkalagok sa ininom na kape. Sinapo niya iyon. “Ano ba ‘to? Nakakawalang ganang kumain.”

Tinitigan niya ang pritong itlog na nasa plato, na katabi ng naka-plastic na tasty bread. “Makakain ko pa ba ito?”

Dahil nanghihinayang sa niluto ay kinain niya ang itlog. Gamit ang tinidor ay kumuha siya ng maliit na bahagi at isinubo. Pero nginunguya palang niya iyon ay naramdaman niya na parang babaligtad ang sikmura niya.

Nasapo niya ang bibig. Pati ang kanyang sikmura. Napamura siya nang maramdamang naduduwal siya. Nagdumali siya sa pagpunta sa lababo at iniluwa doon ang kinain.

Hanggang sa tuluyan na siyang nagduduwal. Tumagaktak ang pawis sa mukha niya.

“Shit! Ano ‘to?”

Inayos niya ang sarili saka bumalik sa harap ng mesa. Umupo siya roon at nag-isip.

Nang bigla siyang napangiti. Nagningning ang kanyang mga mata dahil may naalala.

“Baka nga,” bulong niya. Nasapo ng kaliwa niyang kamay ang tiyan. “Magdadalawang buwan na nga pala akong delay…”

Tuwang-tuwa siya sa naisip na baka buntis siya. Baka iyon ang rason kaya masama ang pakiramdam niya.

“Kailangan kong bumili ng pregnancy test,” sabi niya na tumayo. “Kailangang makatiyak ako para maipaalam ko kay Bricko.”

Pumasok siya sa kuwarto at nagpalit ng damit. Bibili siya ng pregnancy test para makasiguro.

Nang nasa kamay na niya ang biniling bagay sa pharmacy, na makakapag-patunay kung buntis siya ay gusto na niyang tumakbo pauwi. Sabik na siyang malaman ang totoo.

Kaya naman nang makarating siya sa bahay ay agad na ginawa ang dapat gawin. Medyo nanginginig pa ang kamay niya nang patakan ng urine ang maliit na butas ng pregnancy test.

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa magiging resulta.

“Double red,” bulong niya. Saka nakagat ang pang-ibabang labi. Kinabahan na siya. “Sana positive!”

Muntik na siyang mapasigaw sa tuwa ng mag-double red line ang pregnancy test.

Positive.

Buntis siya.

“Yes!” sabi niyang tumayo. Muntik na siyang mapatalon. Saka napahalakhak. “Calm down, Salve. Baka malaglag pa. Kailangan kong mag-ingat.”

Sinapo niya ng dalawang palad ang sariling tiyan. Napabulong siya nang pasasalamat sa Diyos dahil sa biyayang ibinigay sa kanya.

 

NAGTIIM ang mga bagang ni Bricko nang makita niyang magkasamang lumabas sa lobby ng gusaling pinagtatrabahuhan sina Jercelle at Julan. Galit na naikuyom niya ang mga kamay habang nakatayo siya sa gilid ng kanyang taxi, na naka-park sa parking lot.

“Girlfriend ko si Jercelle,” bulong niya na nagtiim-bagang. “Hindi ako papayag sa ginagawa ng Julan na ito.”

Inihakbang niya ang mga paa para salubungin ang mga ito. Nang mapatingin sa kanya ang dalawa ay ipinakita niya ang galit sa mukha.

“Girlfriend ko ‘yang kasama mo, Julan,” sabi niyang dinuro ito. “Layuan mo si Jercelle!”

“Girlfriend?” sarkastikong sabi ni Julan saka pagak na tumawa. “Ang lakas ng loob mo na tawaging girlfriend si Jercelle pero niloko mo lang siya.”

“Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan, Julan. Wala kang alam.”

Nang muli niya itong dinuro ay hinampas ang kamay niya. Umakto siyang uupakan ito pero mabilis na pumagitna si Jercelle.

“Bricko, please. Umalis ka na. Huwag na huwag mong sasaktan si Julan at ako ang makakaaway mo!”

“Jercelle?”

“Maliwanag kong sinabi sa ‘yo ang gusto kong mangyari noong huli tayong nag-usap, Bricko. Tigilan mo na ako.”

“Jercelle, mahal kita.”

“Ang kapal talaga ng mukha mo, Mokong. Wala ka bang kunsensya at nagagawa mo pang magsalita ng ganyan?”

“Julan, please,” sabi ni Jercelle na humarap kay Julan. “Hayaan mo na muna akong kausapin si Bricko. Gusto kong magka-ayos na kami ngayon.”

Tumango si Julan. Saka tumingin sa kanya. “Iiwan ko muna kayo, Mokong. Umayos ka. Pakinggan mong mabuti ang sasabihin ni Jercelle at gawin mo ang dapat.”

Nang umalis na ito ay humingi na agad siya ng tawad kay Jercelle. Umiling-iling ito saka nagsalita na hindi nakatingin sa kanya.

“Pinutol ko na ang ugnayan natin, Bricko. Ayoko na. Masakit. Hindi ganoon kadali para sa akin dahil minahal kita pero kailangan kong kayanin.”

Naibulong niya ang pangalan nito nang makita niyang pumatak ang mga luha. Gusto sana niya itong yakapin at aluin pero hindi niya ginawa. Nauunawaan niya ito at iginagalang kaya minabuti niyang manahimik na lang.

“Bricko, ‘wag mo na akong pupuntahan pa. Please!”

Tumango siya. Ang sakit-sakit ng puso niya pero tinanggap niya ang desisyon nito. Malinaw naman ang isip niya at alam niyang may pagkakamali siya.

“Goodbye, Bricko,” sabi ni Jercelle na pinalis ang mga luha. “Take care.”

Hindi siya nakagalaw nang umalis ito sa harapan niya. Nanatili na lang siya sa kinatatayuan hanggang sa makaalis ito na sakay sa kotse ni Julan.

 

LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pakikipag-usap kay Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.

Nag-alala ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilang napagod lang sa dami ng paper works.

“Are you sure na kaya mo pa?”

“Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.”

“Sige. If it’s okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.”

“Naku, ‘wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally ang magluto.”

“Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa ‘yon.”

Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan.

“Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?”

“I know how to cook. Tingin ko naman ay hindi ako mapapahiya sa ‘yo sa bagay na ‘yan.”

“Talaga lang,” sabi niyang parang nawalang bigla ang sama ng kanyang pakiramdam. “Ano bang plano mong lutuin?”

“Ipatitikim ko sa ‘yo ang specialty ko. I’m sure, you will like it. Malilimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo ‘yon.”

“Puwede ba na ang lutuin mo ay ‘yong… i-iyong makakapagpalimot sa akin kay Bricko?”

Napatawa si Julan.

“Iyon ba talaga ang gusto mo, Jercelle? Ang malimutan na ang Mokong na ‘yon?”

“To tell you frankly, nasaktan ako sa break-up namin. Nasasaktan ako dahil minahal ko siya.”

“Hayaan mo, Jercelle. Malilimutan mo din ang Bricko na ‘yon. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. Para mawala na ang sakit na nararamdaman mo.”

Nakaramdam siya ng tuwa dahil sa sinabi nito. Ang totoo’y umasa siya na mangyari agad iyon para manahimik na siya.

 

SINIGURO ni Julan na mailuto ng maayos at masarap ang ulam na pagsasaluhan nila for dinner. Bihira siyang magluto sa bahay nila at iyon ay tuwing may okasyon lang o espesyal na araw. Kaya ngayong nag-abala siya para kay Jercelle ay tiniyak niya na masisiyahan ito.

Nag-umapaw naman ang kasiyahan sa dibdib niya nang makitang tuwang-tuwa ito dahil siya na rin ang naghanda ng mesa at tinawag na lang ito at sina yaya Sally para pagsaluhan nila ang nakahaing pagkain.

“It’s really a special dinner, Julan,” sabi pa ni Jercelle nang umupo sa harap ng dining table. “Bukod sa mukhang masarap ang niluto mo ay napaka-ganda pa ng preparation. I’m sure, mabubusog ako.”

“Thanks. Ako din, marami akong makakain ngayon dahil sa tuwa. Bukod kasi sa kasalo kita ay sure ako na nasiyahan ka sa effort ko.”

“Sobra. Ang totoo, Julan, wala sa isip ko na mangyayari ang ganito. Hindi lang pala ang pagtulog mo dito sa bahay ko ang mangyayari kundi may mas higit pa. Thank you so much for the food you cooked and also for the preparations.”

“It’s really my pleasure, Jercelle. I’m willing to do it… always!”

“Kinikilig po ako,” sabi ni yaya Sally.

Sabay sila ni Jercelle na napatingin kay yaya Sally nang sabihin iyon. Humagikhik ito at pumislig habang nakaupo sa tabi ni Rexcelle at kasalo nilang kumain.

“Marami din ho akong makakain dahil gaganahan ako. Ang sweet ni Kuya Julan.”

Sabay-sabay silang napatawa.

“Yaya, umayos ka nga,” sabi ni Jercelle. “Feeling ko binobola mo si Julan para ipagluto uli tayo bukas.”

Sabay-sabay uli silang tumawa.

“No problem. As what I have said, I’m willing to do it. Again and always. Basta narito pa ako at hindi pa ako pauuwiin ni Jercelle ay pagsisilbihan ko kayo.”

“Kuya Julan, huwag ka na po umuwi. Dito ka po na tumira.”

Magsasalita sana si Jercelle para sawayin si yaya Sally pero naunahan itong sumiyaw at pumalakpak ni Rexcelle.

“Yehey! Dito na titira si Tito Julan,” sabi ng bata na tuwang-tuwa. “Hindi na siya uuwi!”

 

Next to: Sometimes Heart Goes Wrong (Chapter 13)


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Sometimes Heart Goes Wrong (Chapter 12)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.