Sometimes Heart Goes Wrong (Finale)

DALI-DALING binuksan ni yaya Sally ang kuwarto ni Rexcelle. Mula sa biyahe pauwi ay nakatulog na ito kaya buhat-buhat si Julan. Maingat itong inihiga sa kama.

“Napagod ang baby,” sabi nito na nakangiting tumingin kay Jercelle habang nakatayo sa likuran nito. “Mabuti at hindi siya nagising. Deretso na ang tulog niya hanggang bukas.”

“Thanks, Julan,” sabi niyang lalong lumuwang ang pagkakangiti. “Naging masaya na naman ang anak ko habang nasa bahay n’yo.”

“Kita mo naman kung paanong naging masaya rin sina Daddy at Mommy. Even my sister. Libang na libang sila kay Rexcelle. Halos ayaw nga nila kayong pauwiing mag-ina.”

“Kaya hindi puwedeng hindi tayo pupunta sa inyo every weekends. Mangungulit siya.”

“Walang problema, Jercelle,” anito na muling tiningnan ang tulog niyang anak. “Sabi ko nga, nag-i-enjoy din sina Mommy kapag nasa bahay kayo si Rexcelle. For sure, ako ang malalagot kapag hindi ko kayo isinama doon.”

Sabay silang tumawa.

“So, walang rason para hindi kami pumasyal sa inyo every weekends. By the way, halika na sa labas.”

Tumango ito saka tumingin kay yaya Sally na tahimik lang na nakatayo sa likuran niya.

“Yaya Sally, ikaw na ang bahala kay Rexcelle,” bilin nito sa tagapag-alaga. “Magpahinga ka na rin.”

“Oo, Kuya Julan. Tatabihan ko na si Rexcelle. Mabuti at nakatulog siya sa biyahe pauwi dito. Tama po ang sinabi mo, bukas na siya magigising.”

“Sige, yaya” sabi niya sa mabait na tagapag-alaga ng anak niya. “Matulog ka na rin. Goodnight.”

“Goodnight din, Ate. Kuya Julan, ingat ka sa pagda-drive pauwi sa inyo. Paki-thank you mo ako sa parents mo sa masarap na hapunan.”

Humagikhik ito.

“Sa susunod na weekend uli,” ang sabi pa nito. “Para happy muli si Rexcelle.”

“No problem, yaya. You’re always welcome sa bahay.”

Parang batang nasiyahan si yaya Sally na mahina pang pumalakpak. Napatawa siya sa ikinilos nitong iyon.

“Si yaya talaga,” sabi niya. “Sige na. Matulog ka na. Goodnight.”

“Bye, yaya,” pamamaalam ni Julan dito. “Sweet dream.”

“Thanks, Kuya Julan. Goodnight, Ate.”

Nang hawakan ni Julan ang kanyang kamay ay hindi niya binawi. Lihim siyang kinilig lalo na ng masuyo siyang igiya palabas sa kuwarto. Obviously, atat na ito na magkasarilinan silang dalawa.

“My gosh, Julan,” sa isip-isip niya. “Pinai-in-love mo talaga akong lalo sa ‘yo.”

Maingat niyang hinila pasara ang dahon ng pinto ng kuwarto ni Rexcelle nang makalabas sila. Naramdaman niyang lalong humigpit ang pagkakahawak ni Julan sa kamay niya. Para siyang teenager na lihim na kinikilig.

“Taong ‘to,” hiyaw muli ng utak niya. “Para naman akong tatakas. Don’t worry, dahil hindi ko gagawin ‘yan. I’ll be yours forever. Promise.”

Hindi niya napigilang tumawa. Bagay na ipinagtaka ni Julan. Nilingon siya nitong nagtatanong ang mga mata.

“Maupo muna tayo, Julan,” anyaya niya rito saka ito hinila paupo sa sofa. “Maaga pa naman kaya puwede pa tayong mag-usap.”

“Yes!” sabi nitong tuwang-tuwa. Hindi pa rin binitiwan ang kamay niya hanggang sa magkatabi silang nakaupo sa three seater sofa. “Thanks, Jercelle. Ayoko pa talagang umuwi, e. Dito muna ako para masulit ang aking masayang gabi.”

Tumawa siyang muli.

“B-bakit tumawa ka na naman, Jercelle.”

“Because I’m happy. Ayaw mo ba no’n?”

“Gustung-gusto siyempre. Mas masaya ako kapag masaya ka.”

Binawi na niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. “Hindi naman ako tatakas…”

Nagduweto sila sa pagtawa.

“Sorry,” pagdaka’y sabi ni Julan. “Ang totoo’y ayokong mawala ka pa sa buhay ko, Jercelle. Kung puwede lang kitang hawakan ng mahigpit ay gagawin ko para manatili kang akin.”

Kinilig siya. Pero sinikap niyang itago ang emosyong iyon, just to be casual and staying calm. She don’t like to over-act since her heart beating so fast.

“Jercelle…”

Pagtingin niya rito ay nagtama ang kanilang mga mata. Napalunok siya dahil lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Pero hindi niya binawi ang paningin. At sinamantala nito iyon para sabihin ang mga salitang totoong tumagos sa puso niya.

“I love you so much.”

My God! Damang-dama niya ang kawagasan ng sinabi nito. Nangilid ang luha niya sa labis na kaligayahan. Ano pa’t hindi na niya napigilang ihayag ang totoong saloobin.

“I love you, too, Julan. I love you so much.”

“Thanks, Jercelle,” mahina pero mariing sabi ni Julan. Saka masuyo siyang niyakap. “Promise, hindi mo ito pagsisisihan. Gagawin ko ang lahat para lumigaya ka.”

“Thank you so much, Julan,” sabi niyang ginantihan ang yakap nito. “Gagawin ko rin ang best ko as your girlfriend. Lalo na ngayong tiyak kong hindi na mali ang aking puso sa pag-uukol ng pagmamahal sa ‘yo.”

“Wow!” sabi ni Julan na tumawa. “Yes! Yes!”

Napatawa rin siya dahil inuga pa nito ang katawan habang yakap siya.

“Jercelle, my love, thank you so much. We’re officially on now. Ako ang pinaka-masayang lalaki sa buong mundo ngayon. Yes!”

Natuwa siya sa narinig. Sobrang saya rin niya dahil damang-dama niya ang kawagasan sa sinabi nito. Kitang-kita niya sa kilos nito ang katotohanan.

“Umayos ka nga, Julan,” sabi niyang napahagikhik. “Parang mawawala ka na sa sarili.”

“Sorry,” ani Julan na isinenyas ang dalawang kamay. “Sobrang saya ko lang talaga, Jercelle. Hindi ko kasi inaasahang sasagutin mo na ako ngayon.”

“You have proven how much you love me. You have done more thing for me at sapat na ang magagandang bagay na ipinakita mo sa akin.”

“Promise, Jercelle, I will try even harder to be a good husband in the future. I will also be a good Father to our children.”

Payapa na ang kanyang kalooban. Ngayon ay nakatitiyak na siya ng ganap na kaligayahan sa piling ng bagong boyfriend. Napatunayan rin nito sa kanya na hindi lang siya ang ganap nitong tinanggap kundi maging ang batang mahal na mahal niya.

“Ngayon pa lang ay titiyakin ko na magiging maayos ang buhay ninyo ni Rexcelle sa piling ko. At nang magiging anak pa natin sa hinaharap.”

May masasabi pa ba siya? Sa mga ipinahayag nito ay maliwanag niyang narinig na siguradong magiging maayos na ang lahat. Kaya walang pag-aalinlangan na tatanggapin niya ang kasal na ihahain nito — sa panahong handa na itong maging ganap na kabiyak ng puso niya.

 

THE END


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Sometimes Heart Goes Wrong (Finale)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.