“Hay, naku! Sinabi ko naman kasi sayong tigilan mo na ang pakikipag-communicate sa lalaking ‘yon pero ang kulit mo pa rin!” si Rachel; ang aking kaibigan na sinisermunan ang isa pa naming kaibigan na si Tina habang naglalakad kami patungo sa cafeteria.
“Eh, sabi niya naman kasi sakin na hihiwalayan niya na. Malay ko ba naming cool-off lang pala sila nung babaeng ‘yon,” sabi ni Tina na mugto na ang mata kaiiyak mula pa kanina sa office.
Lunch break namin ngayon at ito ang gusto nilang appetizer. Nagtatrabaho kaming tatlo sa isang foreign bank dito sa BGC at tatlong taon ko nang kasama ang dalawa kaya naging malapit din ang loob ko sa mga ito. Mas naunang maging magkaibigan si Rachel at Tina dahil mas matagal silang nagkasama sa bank bago pa man ako makilala ang mga ito. Nagkataon namang naghahanap ang dalawa ng makakahati sa rent ng condo na kanilang inuupahan kaya inoffer-an ako ng mga ito na doon na lang magrent sa condo nila. Hindi naman ako nahirapang makisama sa mga ito dahil hindi nalalayo ang mga ugali nila sa mga kaibigan kong naiwan sa Maria Aurora.
Saglit akong natigilan ng maalala ang lugar pati na rin ang aking mga kaibigan ngunit pinili kong iwaksi ang naiisip dahil baka may maalala na naman akong hindi maganda.
“Ayan! Naniwala ka naman? Akala ko ba matalino ka? Bakit tanga-tangahan ka diyan sa lalaking ‘yan at nagpapaniwala ka sa mga salita ‘nong gagong ‘yon?” saad ni Rachel na malapit nang lumuwa ang mga mata sa gigil kay Tina.
“Oh, tama na ‘yan at baka tumaas ang presyon mo. Ubos na ang sick leave mo pinapaalala ko lang,” sabi ko habang namimili ng table na pwede naming upuan.
“Ay, ewan! Sige na! Ako na ang uupo dito at kayo nang umorder ng pagkain natin,” ani Rachel habang umuupo sa napili nilang table.
Inilapag ko naman ang ibang gamit na dala at binitbit ang aking wallet para pumunta sa counter at makaorder na. Nakasunod naman sa akin si Tina na panay pa rin ang singhot at punas sa kanyang mata.
“Tara na. Kanina pa ko nagugutom eh,” aya ko kay Tina at nauna nang lumakad.
“Ang sakit lang talaga kasi alam kong magiging okay na sila kaya paano na ‘ko?” si Tina na nag-uumpisa na naming mamuo ang luha sa mata.
“Maybe you should let them fix their issues. Umiwas ka and give them time to fix their relationship,” sabi ko kay Tina habang tumitingin sa mga nakahaing pagkain.
Pinili ko yung menudo para kay Rachel at chicken curry naman ang para sa’kin. Sinamahan ko na rin ng orange juice at dalawang order ng jelly flan. Tumabi ako sa gilid habang naghihintay matapos pumili si Tina.
“Pero paano naman ako? Ano ‘yon? Ginawa niya lang akong past time habang hindi sila okay ng girlfriend niya tapos ngayon balak niya pa ata kaming pagsabayin kasi hindi siya makapag-decide kung sinong bibitawan niya?” si Tina na naiiyak na habang tumatabi sa’kin sa gilid.
“That’s why you should stay away. Save your heart, most importantly your pride. Are you willing to be his mistress? Second option lang? Na kapag free time niya doon sa girlfriend niya ikaw naman ang aatupagin niya? No. You know yourself more. Don’t settle for that. You can deal from a heart break than being a mistress,” diretsong sabi ko kay Tina habang nakatitig sa mga mata nito.
“Ouch. Should I take that as comforting words or are you insulting me?” halakha ni Tina.
I looked directly into Tina’s eyes and smiled. “You know I only want what’s best for you. I just want you to be genuinely happy with someone who’s only for you. Walang extra baggage”.
Ngumiti rin si Tina sa’kin. “I know. And I’m thankful for that. Tara na. Ikakain ko na lang ‘to,” Tina chuckled and walk with her food on the tray. Sumunod naman ako sa kanya at sabay kaming naglakad pabalik sa table namin.
“Ang tagal niyo naming makabalik! Akala ko meryenda ang kakainin natin,” reklamo ni Rachel habang tinutulungan akong iayos ang mga nakalapag sa aming lamesa.
“Pasensya na po mahal na prinsesa at mahaba ang pila,” si Tina na nakangiti at umuupo sa tabi niya.
“Oh, anong himala ang meron sa counter at bakit gumaan ang mood mo?” sabi ni Rachel habang nag-uumpisa nang kumain. Kahit kalian talaga basag trip ang babaeng ‘to.
Natawa naman ako sa reaksyon ni Rachel. “Tigilan mo na si Tina. Kumain na lang tayo.”
Natapos namin ang lunch break ng maayos na ang mood ni Tina. Nagtatawanan kami pabalik ng office dahil sa reklamo ni Rachel na ayaw niyang tumaba pero nag-order pa ng extra rice at inubos ang dalawang jelly flan na inorder ko para sa dessert.
Pagdating namin sa table ay may nakita akong papel sa ibabaw ng lamesa. Agad ko itong kinuha at nabasang galing ito sa aming higher boss. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nang mabasa ang sulat.
“Dahra nakita mo na ba yung pinasa—“ hindi natapos ni Tina ang sasabihin nang makita niya akong nakatulala sa hawak na papel. “Ano ‘yan?” agaw nito sa papel na hawak ko. “Approved na ang resignation mo? Effective until this coming Friday?” dagdag pa ni Tina. “Oh, eh bakit nakatulala ka diyan? Di’ba ito naman ang gusto mo? Para matutukan mo na ‘yung plano mong business sa probinsiya niyo?” sunod-sunod na tanong ni Tina sa’kin pagkatapos ay inabot niya sa’kin ang hawak na papel.
I sighed and put the paper on my drawer. “Yes, it was my choice. Pero mahirap din namang maging masaya lalo na alam kong maiiwan ko kayo ni Rachel dito. Ilang taon ko rin kayong nakasama at parang mga kapatid na rin ang turing ko sa inyo”.
“Aysus! Ito naman. Kung makadrama ka naman eh parang hindi na tayo magkikita? Tsaka hello?! Anong silbi ng social media kung di natin gagamitin as a form of communication?! Huwag mo sabihing por que uuwi ka ng Maria Aurora eh hindi ka na gagamit ng cellphone?” si Tina sabay tawa.
Natawa naman ako sa sinabi ni Tina. Napapailing na lang ako pero alam kong may point siya sa sinabi niya. Minsan nga lang talaga ay inaatake ito ng kabaliwan kaya ganito sumagot.
“Pero, teka nga! Umamin ka nga sakin. Paano kung makita mo siya do’n? Anong gagawin mo?” tanong ni Tina sa akin.
Tinitigan ko ang kaibigan na parang kinakabisado ang features ng mukha nito. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang napuri ang kagandahan ni Tina. Madalas ay napagkakamalan itong model dahil sa built ng katawan nito. Matangkad ito at kumikinang ang pagkamorena. Nakuha rin ni Tina ang features ng mukha niya sa kanyang tatay na Lebanese. Kahit noong nag-aaral pa lang daw ito ay may mga nag-ooffer na sa kanyang mag-audition sa mga modeling agency pero ayaw ng dalaga dahil biro niya ay baka malugi lang daw ang i-e-endorse niyang product.
“Hello?! May kausap pa ba ako o lumipad na naman sa outer space ang isip mo?” ang maingay na boses ni Tina ang nagpabalik sa akin mula sa pag-iisip.
“Huh? Ano nga ba sinasabi mo?” tanong ko sa kausap.
“Excuse me. Nakakaistorbo ba ko sa chismisan niyong dalawa? Baka kulang pa ang isang oras na break niyo? Gusto niyo pa bang mag-extend?” masungit na saad sa amin ng assistant manager naming na si Lara.
“Sorry, Ma’am Lara. May tinatanong lang ako kay Dahra” sabi ni Tina sabay irap at nagmamadaling bumalik sa kanyang table. Pigil ang tawa kong humarap sa assistant manager namin na masama ang mga tinging ipinupukol sa kaibigang umalis.
“Anyway, nabanggit pala sa’kin ni Maam Pau na approve na ang resignation mo effective until Friday kaya bilin niyang tapusin mo daw ‘yong mga naiwan sa’yong reports at ipasa mo kay Rachel ‘yong mga bago,” wika ni Lara.
Tumango naman ako sa mga sinabi nito at nag-umpisa nang gawin ang aking mga trabaho. Umalis din naman agad si Ma’am Lara pagkatapos sabihin ang mga bilin.
Habang ginagawa ko ang mga report ay hindi ko maiwasang maisip ang nalalapit na pag-uwi sa Maria Aurora. Idagdag pa ang naiwang tanong sa akin ni Tina. Ano nga ba ang gagawin ko kung sakaling makita ko siya? Ilang taon na ang lumipas at aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili kong may mga pagkakataong sumasagi pa rin sa isip ko ang taong ‘yon. Gusto ko mang kalimutan ito ay hindi ko magawa dahil sa isang taong nagdudugtong sa aming dalawa. Si Callie, ang kanyang best friend at pinsan naman ng taong ‘yon. Paano ko nga naman makakalimutan ang isang tao kung kada makakausap ko si Callie ay lagi nitong binabanggit ang taong ‘yon kahit hindi ko naman itinatanong. “Ano nga ba ang gagawin mo, Dahra?” Paulit-ulit kong tanong sa aking sarili. Ipinilig ko ang ulo dahil sa mga naiiip. “Anong anong gagawin? Natural iiwas ka o kung hindi mo man maiiwasan ang mga pagkakataon, atleast be civil! Huwag ka nang umasa na may magbabago. Ikakasal na ‘yung tao,” saway ko sa sarili.
Napa-face palm ako sa mga naiisip. Akala ko si Rachel lang ang nasisiraan, mauuna pa ata ako. Pinipilit kong burahin ang mga naiisip ko at magconcentrate na lang sa trabaho nang biglang tumunog ang aking cellphone. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Mama Cres ito.
“Hello, Ma?” sagot ko sa tawag nito.
“Hello, anak! Kamusta?” masiglang tanong niya sa’kin.
“I’m okay. I was about to call you. I want to tell you something,” Sabi ko.
“Ano ‘yun, anak? May boyfriend ka na?” kahit nasa malayo ay naiimagine ko na ang itsura ni Mama ngayon. Napaiiling ako sa tanong niya. Madalas niyang itanong ‘yan tuwing tumatawag ako.
“Wala po akong boyfriend, Ma” nailing kong sagot sa kanya at parang naramdaman kong bumuntong hininga siya.
“Mabuti naman akala ko’y sinagot mo na ‘yung manliligaw mo diyan,” saad nito at parang nakahinga pa nang maluwag sa sagot ko. “Anyway, I called you because I have good news for you. Na-i-transfer na sa pangalan mo ‘yung titulo ng lupang nabili ni Ate Celeste noong nabubuhay pa siya kaya ituloy mo na talaga ang plano mong business. Kailan ba ang uwi mo at nang maipasundo na kita kay Delio?.” Masayang pagbabalita niya sa’kin.
“By Sunday po siguro, Ma. Approved na ang resignation ko effectively on Friday kaya may time pa ko sa Saturday para mag-ayos ng ibang mga gamit,” saad ko. Nakakaayos naman na talaga ang aking mga gamit na iuuwi sa Aurora gusto ko lang talaga makasama pa sila Tina ng isa pang araw kaya sa Sunday na lang ako magpapasundo.
“Ganon ba? Oh sige, ibabalita ko ‘yan kay Mama para makapaghanda kami sa Linggo. Tamang-tama at andito rin ngayon sa Quirino si Macey. Matutuwa ‘yon kapag nalaman na uuwi ka rin,” puno ng kagalakan ang boses ni Mama Cres hanggang sa nagpaalam na siya sa tawag at may bisita daw siyang dumating.
“Baka ikaw ang may boyfriend diyan Ma ha?” balik pagbibiro ko sa kanya.
“Hay, naku kang bata ka. Oh Sige na. Mag-iingat ka diyan. Love you!” si Mama Cres.
“I love you too,” at namatay ang tawag.
Pagkatapos ng tawag ni Mama Cres ay ipinagpatuloy ko na ang trabaho. Kailangan kong matapos ang mga ito para hindi naman nakakahiya kay Tina na ipasa sa kanya yung mga bago.
Ilang araw na lang at babalik na ako sa aking pamilya at mga naiwang kaibigan. Mga taong nagmamahal sa’kin. Mommy, I hope you’re proud of me. Tinutupad ko ang pangako ko sa’yo. Kahit pa nasasaktan ako, pinipilit kong maging matatag. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin pag-uwi pero isa lang ang sigurado ako. Iiwas ajo sa abot nang makakaya ko. Ako ang gagawa nang paraan para hindi magtagpo ang aming landas kahit pa napakaliit ng chance na hindi kami magtagpo. I know better. And I know the right thing to do even if it breaks me. Handa na akong harapin ang nag-iisang taong may-ari ng puso ko. Ang taong alam kong kahit kailan ay hindi magiging akin.
Next to: Stolen Love (Chapter 1)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





