“Ginger!” sigaw ni Tummy. Napakaingay talaga nito.
“Ano ‘yon?”
“Ikaw ha, may hindi ka sinasabi sa ‘kin. Anong nangyari ‘nung Friday? Bakit magka-posas kayo ni Uly?”
Binayaran niya muna ang kinuha niyang spaghetti bago naghanap ng mauupuan. Nasa canteen kasi siya nang makita ni Tummy.
“Wala.” Isinubo niya ang spaghetti. Tinatamad siyang magkwento lalo na kapag hindi naman maganda ang nangyari sa kanya.
“Anong wala? Pwede ba ‘yon? Bakit nga? ‘To naman ang kj. ” Sumimangot ito. Napakwento na rin tuloy siya. Pati ‘yung eksena sa c.r. sinabi niya.
“Oh my God! Nakita mo ba?”
“Ang alin?”
“‘Yung ano! “
Na-gets niya ang ibig sabihin nito. “Luka-luka! Anong nakita? Siyempre hindi! Nakapikit ako saka tumalikod agad ako.”
“Ah mahina ka pala, eh.”
“Magtigil ka nga. Kung anu-ano ang naiisip mo. Hindi ako gano’n. Saka hello? Ni wala nga akong kainte-interes sa isang ‘yon.” Iniikot niya ang spaghetti sa tinidor.
“Kung ayaw mo sa kanya, eh ‘di sakin na lang siya. Ang ganda mo ‘teh, ha?”
Umirap siya rito.
“Eh ano ‘yung GM mo kahapon? Parang kilig na kilig ka pa.” Ikinuwento niya rito ang happenings kahapon. Fresh na fresh pa rin naman sa utak niya ang lahat. “Sana kinuha mo na lang din ‘yung bote ng Gatorade. May laway ni Papa Uly at ni Papa Victor.” Pumikit ito. “Heaven.”
Sira ulo talaga nito ni bakla. Mamaya pagkamalan pa siyang magbabasura nung dalawa. “Hindi lang ‘yon,” Sinenyasan niya itong lumapit sa kanya. Idinikit niya ang bibig sa tenga nito para bumulong. “Ibinigay pa sakin ni V ‘yung lollipop niya!”
Sukat sa sinabi niya ay nanlaki ang mga mata nito. “Ano?! Ibinigay ni V ang lollipop niya sa ‘yo?!”
“Syet naman bakla hinaan mo naman ‘yung boses mo!” Pabulong pero matigas niyang sabi rito. Luminga-linga pa siya para i-check kung may nakarinig dito.
Napainom muna ito bago muling nagsalita. “Paano nangyari ‘yon? ‘Andon si Uly ‘di ba? Saka anong lasa ng lollipop niya?”
“Hindi ko pa nga kinakain. Iniwan ko sa bahay.” Kung posible lang talagang i-preserve ‘yon ng matagal gagawin niya.
“Paano mo naiwan sa bahay? Si Victor nasa bahay niyo?”
“Baliw ka ba? Ano ba ‘yang sinasabi mo? Wala ‘no. Nakabalot ‘yung lollipop saka medyo malaki kaya itinago ko muna. Hindi naman siguro ‘yon lalanggamin.” Tiningnan niya ito ng masama. “Hoy, kung anu-ano na naman ang iniisip mo. Ano na naman ‘yon? Ikaw talaga…napaka-dirty-minded mo.”
“Mapanghusga ka naman masyado, sis. Dirty-minded agad? ‘Di ba pwedeng na-excite lang?”
“Mukha mo.”
“Speaking…” Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito. Si Victor iyon na may subu-subong maliit na lollipop. Himala yata na hindi nito kasama si Ulysses.
May lumapit ditong mga babae. Inabala niya ang sarili sa pag-ubos sa spaghetti.
“Hi Ginger!” Pag-angat niya ng ulo ay nakita niya si V na nasa tapat na nila. Wala na ang mga babae. As usual, ngiting-ngiti ito. Lumobo ang kanang pisngi nito dahil sa lollipop na subo. Napaka-childish kung titingnan pero the lollipop makes him a lot cuter. Hindi niya alam kung si Victor ang nagdala sa lollipop o ang lollipop ang nagdala kay Victor. The lollipop and Victor compliment each other.
“Wow close.” Mahinang komento ni Tummy na siya lang ang nakarinig.
“H-Hi.” Gumanti rin siya ng ngiti.
Tinanggal nito ang lollipop sa bibig bago nito dinilaan ang sariling labi. Kulay pula ang lollipop kaya pulang-pula na rin ang labi nito.
Lucky lollipop.
“Sige una na ‘ko ha? May bibilhin kasi ako.” She nodded. Nakatulala pa rin siya sa lalaki kung hindi lang siya siniko ni Tummy.
“Baka matunaw.”
Bumalik na sila sa classroom nila. Mabilis lang ang oras. Nakakatatlong subject na yata sila pero hindi pa rin niya nakikitang dumaraan ang barkada nina Victor. Panay ang tingin niya sa bintana.
“Tummy.” Tawag niya sa kaibigan habang may kausap pa na co-teacher ang teacher nila.
“Bakit?”
“Hindi pa sila nadaan.”
“Baka busy.”
Busy? Saan naman? Saka kelan pa sila naging busy? Daig pa nga yata nila ang Principal kung makapag-ronda sa buong school eh.
“Nagkita naman kayo kanina ‘di ba?”
“Oo.”
“Tama na’yon. Binigyan ka na nga ng lollipop e.”
Pagsapit ng uwian, dumiretso na siya agad sa parking lot. Hila-hila niya ang bisikleta nang matigilan siya. She saw Ulysses standing beside his shining red car. Naka-cross arms pa ito.
Saglit pa siyang natulala rito. Dinaig pa nito si Marlon Stockinger sa vision niya. Para itong modelo na nagmamay-ari ng sandamakmak na kotse at na-feature sa mga magazines.
Umiling-iling siya. Earth to Ginger! Ano ba ‘ng nangyayari sa kanya?
Tinapik nito ang kotse. “Sakay na.”
She frowned. Anong ‘sakay na’? Saka bakit ito nandito? Absent ‘to ‘di ba? Hindi niya ito nakita kanina tapos heto ito ngayon sa harap niya at pinasasakay siya sa sasakyan nito? Ano namang trip nito?
“Oh ano Luya? Ano pang tinatanga-tanga mo? “
Nilagpasan lang niya ito. Sira-ulo.
Saka lang siya sumakay sa bisikleta nang makalabas na siya ng school.
Nasa kalagitnaan siya ng pagpepedal nang biglang may bumusina sa likuran niya. Lumingon siya at nakita niya ang sasakyan ni Ulysses.
Sinusundan ba siya nito?
Nagpatuloy siya. Maya-maya’y binusinahan ulit siya ng lalaki. Binagalan niya ang pagpapatakbo sa bisikleta. Balak niyang paunahin na ito. Masyado itong naghahari-harian sa kalsada at busina pa ng busina sa kanya.
Hinintay niya itong lumagpas pero hindi iyon nangyari. Parang bumagal nga rin ang takbo ng kotse nito. Sa inis ay tumabi siya sa gilid para huminto. Huminto rin ito.
Kinatok niya ang salamin ng bintana ng kotse, bumaba iyon at nakita niya ang nakangising pagmumukha ni Ulysses. Mukhang nage-enjoy itong inisin siya.
Pinameywangan niya ito. “Ano ba ‘ng problema mo, ha?”
“Ako? Ba’t naman ako magkakaproblema? Gwapo ako, mayaman at habulin ng babae kaya wala na akong mahihiling pa.”
Napairap siya. Nakakairita talaga ang mga lalaking kalahi ni Narcisso.
“Wala akong pake! Bakit mo ako sinusundan?”
Napatawa ito. “Wow, bakit naman kita susundan?”
“Ewan ko sa ‘yo! Kanina ka pa. Kung hindi mo ako sinusundan, bakit ka nandito?”
Naging seryoso ang mukha nito. “First of all, dito ang daan pauwi samin. Pangalawa, this road is not yours. Galing sa tax ng mga mamamayan ang pinampagawa ng daan na’to kaya pwedeng dumaan dito ang kahit na sino.”
Hindi agad siya nakapagsalita.
“Uy… nag-expect ka yata Luya?” tukso nito.
What the hell?
Naiiling na tumalikod na lang siya. Hindi dapat siya nag-aaksaya ng oras kausapin ang mga taong walang kwentang kausap. Kasura.
Again, she rode the bike. Naramdaman niya ulit ang pagsunod ng kotse ni Ulysses. Sakto lang ang pagpapatakbo nito kaya nagkakasabay silang dalawa. Awtomatikong nagbukas ang bubong ng kotse nito na ikinamangha niya. Ngunit saglit lang iyon dahil tumambad sa kanya ang nakangising pagmumukha nito.
Ang yabang-yabang. Feeling yata niya siya lang ang nagmamay-ari ng ganong sasakyan. If I know pera naman ng magulang niya ang ginamit na pambili ng convertible niya. Saka na siya magmayabang kapag nagkatrabaho na siya at hindi na pabigat.
“Why? Wanna ride to my car instead?”
“No thanks.” Sarcastic niyang sagot. Hindi niya alam kung bakit nagmamabagal pa ito kung pwede naman nitong patakbuhin na ng mabilis ang kotse.
This guy is really getting on her nerves. Hindi niya gets ang mga trip nito sa buhay.
“Luya yahooo!” Inililipad ng hangin ang buhok nito. “Mas masarap talagang sumakay sa kotse ko kaysa riyan sa pipitsugin mong bisikleta.” Pagkasabi niyon ay nauna na ito sa kanya.
Hindi niya matanggap ang insulto nito kaya binilisan niya ang pagpapatakbo. Balak niyang unahan ito. Hindi naman siya nabigo dahil naabutan niya ito at nalagpasan.
“Hah! Pipitsugin pala, huh?”
Binilisan niya pang lalo ang pagpapatakbo para hindi siya nito maabutan. Sa sobrang bilis niyon ay hindi na siya naka-preno nang biglang may jeep na sumulpot sa harapan niya…
“Sinabi ko naman sa ‘yo na huwag ka ng magbisikleta, anak. Tingnan mo tuloy ang nangyari ngayon.”
Tiningnan ni Ginger ang repleksyon niya sa life-sized mirror nila. May gasgas siya sa noo, dalawang siko at tuhod niya. Medyo malaki ang sugat sa siko at tuhod niya. Buti sana kung iyon lang. Ngayon ay kinakailangan niya pang gumamit ng saklay dahil napuruhan ang kaliwa niyang binti matapos niyang tumilapon kahapon. Hindi naman kinailangang sementuhan iyon at iyon ang ipinagpapasalamat niya. Walang bone fracture kaya hindi na siya kinailangang lagyan ng cast.
Paika-ika siyang naglakad patungo sa mesa at umupo.
“Mabuti kamo at iyan lang ang napala mo. Papaano kung naputulan ka ng paa?”
“‘Pa huwag ka ngang o.a. Hindi naman grabe ‘to saka mas okay kapag naka-bike ako. Mas makakatipid.” Sinabi niya lang iyon para hindi na ito mag-alala pa sa kanya. Isa pa, walang makakapigil sa kanya sa pagbibisikleta.
Hindi na ito sumagot. Tumahol ang mga aso nila kaya lumabas muna ito.
Inis na tinusok niya ang baboy sa pinggan niya. “Kasalanan ‘tong lahat ng Pegasus na ‘yon.” Balak yata siya nitong patayin. Hah! Makakaganti rin siya rito.
“Anak may bisita ka.”
Bisita? Imposibleng si Tummy iyon dahil may pasok sa school. Sino–
“A-Anong ginagawa mo rito?” Gulat na napatayo siya nang makita niya si Ulysses kasama ng papa niya. Napahawak siya sa sandalan ng upuan upang makakuha ng balanse. Muntik pa niyang makalimutan na pilay ang isa niyang paa.
Ang tanong, anong ginagawa ng naka-uniform na si Ulysses Araneta sa bahay nila? Saka bakit pinapasok agad ito ng papa niya?
“Anong ginagawa mo rito?” Naniningkit ang mga matang tanong niya.
“Anak, schoolmate mo raw siya kaya pinatuloy ko na. Saka sumama siya sa pagdala sa ‘yo sa ospital. Salamat nga pala.” Binalingan nito ang lalaki na busy sa pag-a-analyze sa bahay nila. “Hijo kumain ka na ba? Nakain ka naman siguro ng adobong baboy?”
“Vegetarian ‘yan ‘pa. Hindi siya nakain ng baboy.” Umupo na siya ulit. Mukhang walang alam ang papa niya. Sino nga naman ba ang aamin sa sariling kasalanan? Hindi na lang siya magsusumbong para sa ikatatahimik ng lahat.
“Hindi po ‘yun totoo. At nakain ako ng baboy.”
Sinungaling! Nakain daw e palagi nga siya nitong inaasar kapag baboy ang ulam niya sa school. Mas lalo siyang nainis dahil umupo ito sa hapag at ipinaghain pa ng papa niya.
“Huwag kang mahiya. Feel at home.”
Wow. Papa niya ba talaga ang nagsabi niyon? Nasan na ang pagiging strikto nito? Umiinit pa naman ang ulo nito kapag nakikita nitong may kasama siyang lalaki. Si Tummy nga na bestfriend niya since elementary ay hinabol pa nito ng taga noong unang beses na nagpunta sa bahay nila. Tapos pagdating sa damuhong si Ulysses may pa-feel at home-feel at home pa? Anong nangyari?
Kung alam mo lang ‘pa. Ito ang dahilan kung bakit pilay siya ngayon. Ano kaya ang ipinakain nito sa Papa ko?
Lihim niyang tinapunan ng masamang tingin ang binata.
“Oh anak, bakit ka ganyang makatingin? May masakit ba sa ‘yo?”
“Wala po.” Itinuloy niya ang pagkain.
Matapos ang tanghalian ay dumiretso ang Papa niya at si Ulysses sa salas nila. Umupo rin siya sa tapat ng mga ito. Gusto na niya sanang pauwiin ang lalaki kung hindi lang dahil sa papa niya. Pihadong papagalitan siya nito at papangaralan na hindi siya nito pinalaking bastos.
“Ito si Ginger ‘nung baby pa siya.” Itinuro nito ang picture niya sa hawak na photo album. “Ang cute niya, ‘di ba?”
Hindi sumagot si Ulysses. Huwag na huwag itong magkakamali. Subukan lang nitong sumagot ng hindi maganda.
“Ito naman ang mama niya.”
Inabala niya ang sarili sa pagbubuklat ng magazine habang nanlalaki ang kanyang tenga sa pakikinig sa mga ibinibida ng Papa niya sa lalaki.
“Five na siya rito. Medyo uhugin pa pero kita mo na maganda na ang anak ko.”
Ibinaba niya ang hawak. “‘Pa, ano bang sinasabi mo sa kanya?”
Tumawa ito. “Ito talagang anak ko. Hijo, huwag mong pansinin si Ginger. Ganyan talaga ‘yan. Nagka-bulutong pa ‘yan nu’ng grade four pa siya. Mabuti nga’t nawala ang mga peklat. Kita mo naman, ang ganda na ng anak ko.” Pagmamalaki nito.
Hindi niya inasahan nang mag-angat ng ulo si Ulysses at diretso siyang tiningnan. Nagkatinginan sila ng ilang segundo. Bigla siyang nailang kaya dinilaan na lang niya ito. Buti na lang at ibinalik na nito ang tingin sa photo album. Siya naman ay nagkunwaring nagbabasa at binalewala ang nangyari.
[“Mang Andoy! May bibili raw ng baboy!”] Nagsitahulan muli ang mga aso nila sa sigaw na iyon ng isa nilang kapit-bahay.
“Wala ka bang balak umuwi?” Tanong niya kay Ulysses pagkaalis ng papa niya.
He stretched his legs and laid on the sofa. Prenteng-prente ito at ipinatong pa ang dalawang braso sa arm rest. “Ayoko pa. Ang sarap kasing umupo rito sa sofa niyo.”
Hindi niya alam kung nang-iinsulto ba ito o ano dahil lumang-luma na ang sofa nila at halos lumabas na ang spring sa ilalim.
” E ‘di bitbitin mo pauwi. Saka mas maraming sofa sa bahay niyo bakit hindi mo upuan lahat?”
“Bakit ba ang taray mo?”
“Bakit ang kapal ng mukha mo? Alam ba ni papa na ikaw ang may kagagawan ng aksidente ko?”
Imbes na sagutin siya ay tumayo ito at iginala ang paningin sa mga nagsabit na naka-kuwadradong picture nila sa dingding. Nandoon din ang mga larawan ng magulang niya at ang diploma niya nu’ng grumaduate siya ng Kinder at Gradeschool.
Inabot niya ang saklay at tumayo rin. Nilapitan niya ito.
“So, Andres Jacinto pala ang pangalan ng papa mo? Then ikaw Gabriella? I guess your mother must be Melchora, right?” Nilingon siya nito.
“Mali. Josefa.” Nag-iwas siya ng tingin dito. Mang-aasar na naman ‘yan.
Kitang-kita niya ang pagpipigil nitong tumawa. “Ano ‘yon? Pamilya kayo ng mga bayani?”
“Alam mo, ang kapal din talaga ng apog mo, e ‘no? Matapos ka naming pakainin lalait-laitin mo kami ngayon?” Hiyang-hiya naman ‘yung baboy na pinakain ni papa sa iyo.
Ibinalik nito ang tingin sa mga larawan. “No I’m not. What I wanna say is, I find it weird and… unique,” depensa nito bago siya nilingon nang nakangiti.
Mabilis niyang tinanggal ang mga mata rito.
Whoa! Ano bang nangyayari sakin? Tinapik-tapik niya ang dibdib niya. Parang ngiti lang tapos nagkakaganito na siya. Ganito rin naman siya makareact kay V. Walang bago.
Hinamig niya ang sarili. Normal lang naman siguro iyon. Saka gwapo naman talaga ito at matagal na niyang naamin sa sarili ang katotohanang iyon. At…at…mabango.
Palagi rin naman itong nakangiti. But this time, it was a different smile. Iyong ngiting walang halong kayabangan at pang-iinsulto.
“Where’s your mother?” Tanong nito. Nakatingin ito ngayon sa picture ng mama niya.
“Patay na siya. Nine years na,” mahina niyang sagot.
Ilang sandali itong hindi nakaimik bago muling nagsalita. “Sorry to hear that.”
“Ayos lang.” Masaya na rin naman siya ngayon kahit silang dalawa na lang ng papa niya. Siguro dati sensitibo pa rin siya kapag pinag-uusapan ang mama niya. Pero matagal na ‘yon. Naka-move on na siya.
Hindi na ito nagsalita pa. Naging pagkakataon iyon para mapagmasdan niya ulit ito. Parehong gwapo si Ulysses at Victor pero magkaibang-magkaiba sila. Kung si Victor ay ‘yung tipong gwapo na parang puro kalokohan ang nasa utak, si Ulysses naman ‘yung tipo na mukhang suplado. Mukhang seryoso at snob kapag hindi nagsasalita pero ang lakas namang mambuska. Hindi mo talaga mahuhusgahan ang isang tao base sa hitsura niya hangga’t hindi mo nakikilala.
Hanggang balikat lang siya nito kaya kailangan niya pang tumingala upang makita ang mukha nito. Ano kayang iniisip nito at titig na titig sa mga picture?
“Bakit ka nga pala nagpunta rito? “She broke the silence. Masyado itong tahimik at hindi talaga siya sanay.
“I…ahm…I…” Parang nag-aapuhap pa ito ng sasabihin. “Gusto ko lang i-check kung buhay ka pa haha!” Humalakhak ito. Tiningnan niya ito ng masama. Huwaw ha. Mukhang masayang-masaya pa siya sa nangyari sakin, ah? E kung umbagin ko kaya ‘to?
Tumigil lang ito sa pagtawa nang mapansin nito ang pagsama ng mukha niya.
Gusto niya itong awayin pero wala siya sa mood. “Kung wala ka ng sasabihin pwede ka ng umuwi. Magpapahinga na ‘ko.” Nag-umpisa na siyang humakbang patungo sa kwarto niya.
Ulysses is impossible. Tuwang-tuwa pa talaga ito sa sinapit niya. Anong klaseng tao ito?
“I’m sorry.”
Natigilan siya sa paghakbang at humarap ulit rito. Tama ba ang narinig niya?
“I…I’m really sorry.” Hinawakan nito ang sariling batok. Hindi niya alam kung nahihiya ba ito o ano. “Does it still hurt?” Tiningnan nito ang binti niya.
Nagulat siya sa biglaang pagiging seryoso nito. Kung hindi lang siya assumera ay iisipin niyang concern ang nababasa niya sa mukha ng lalaki. Pero asa pa siya. Imposibleng concerned ito. Imposible talaga.
“Hindi, ayos lang. Malayo naman ‘to sa bituka.” Matabang niyang sabi. Sorry. Madaling bitiwan ang salitang ‘yon. Saka para saan pa ang pagso-sorry nito? The damage has been done. “Sa dami ng atraso mo sakin kulang pa ‘yang sorry mo.”
Ang labo talaga ng ibang tao. Gagawa ng kalokohan tapos magso-sorry. Sabi nga ni Jun Pyo,; kung ang lahat nadadaan sa sorry, para saan pa ang batas? Hindi lahat ng bagay kayang tapatan ng isang sorry lang. Kung namatay ba ako kaya bang pagaanin ang loob ng papa ko ng sorry niya?
“Umali–aw!” Napahiyaw siya sa sakit nang madulas ang saklay niya paghakbang niya na naging dahilan para matumba siya. The next thing she knew, karga-karga na siya ni Ulysses.
“Ano ba? Ibaba mo ‘ko! Ibaba mo ‘ko!”
“Where is your room?” Anito na hindi pinansin ang pagwawala niya. Buhat-buhat siya nito ala bridal style.
Pinaghahampas niya ang mukha nito. “Ibaba mo sabi ako, eh!” Iniwasan lang nito ang hampas niya at nagpatuloy sa paghahanap ng kwarto niya. Medyo malaki ang bahay nila pero nahanap din nito kaagad ang kwarto niya.
Inilapag siya nito sa kama niya pagkapasok. Napapangiwi pa rin siya sa sakit na nararamdaman. Sa sobrang sakit ay napapamura siya sa isipan niya. Napapikit na lang siya dahil naiiyak na siya sa sakit.
She saw Uly’s face when she opened her eyes. Nakaluhod ito sa harap niya at sinisipat ang binti niya. Napasinghap siya nang hawakan nito iyon.
“Ano ba? Masakit nga eh, tatapos hahawakan mo?” Pinahid niya ang luha sa pisngi niya. Matagal na noong huli siyang umiyak. Hindi niya alam na ito lang pala ang magpapaiyak ulit sa kanya.
“Sssh. Huwag ka ngang maingay.” Pinisil-pisil nito nang marahan ang binti niyang may benda. Hindi naman iyon masakit, parang nakabawas pa nga. Infact, she feel better now.
Napatitig tuloy siya rito. Seryosong-seryoso ito sa pag-massage sa binti niya. Wala silang aircon at hindi niya pa nabuksan ang electric fan kaya pinagpapawisan na ito. Pero normal ba iyong sobrang bango pa rin nito kahit pawisan na? Kung hindi lang talaga siya asar dito ay baka kanina niya pa ito pinaulanan ng mga papuri.
“Feel na feel mo ‘ng maging si Lolo Apyong, ah?”
“Sino ‘yon?” tanong nito ng hindi man lang siya tinitingnan.
“‘Yung albularyo sa kabilang kanto.”
“Hindi ko siya kilala.” Tumigil na ito sa ginagawa. “Ang taba naman ng binti mo, Luya.”
Sinipa niya ito sa mukha gamit ang kanan niyang paa. Naka-pedal shorts naman siya kaya ayos lang. Ang hindi ayos ay ang sabihan siya nitong mataba ang binti niya kahit totoo naman. Isa sa insecurities niya ang pagkakaroon ng matabang binti tapos ipo-point out pa nito. Nakakabastos.
“Umalis ka na nga!” Nangagalaiti niyang bulyaw rito.
Tumawa ito. “What? Totoo naman, ah? Siguro lahat ng kinakain mo napupunta sa mga binti mo. Tsk, tsk.” Umiling-iling ito. “You know, very particular kaming mga lalaki sa legs ng mga babae. Bukod sa mukha, legs ang sunod naming nakikita. I’m sorry to say this but I think hindi ka papasa sa taste ko. “
Dinampot niya ang unan niya at hinampas niya iyon dito. “Ang yabang mo talaga umuwi ka na nga!”
Tawa lang ito ng tawa. Natigil lang nang may nadampot ito sa sahig. “Si Victor ‘to ah?”
Nanlaki ang mga mata niya dahil hawak-hawak na nito ang picture ni V.
“Akin na ‘yan!” Hinablot niya rito iyon at itinago sa likuran niya. E ano kung nakita nito? Alam na naman nito na may crush siya kay V. Hindi na dapat siya mahiya.
“Where did you get that?” Amused nitong tanong.
Natural pina-print ko.
“Siguro may balak kang ipakulam ang pinsan ko ‘no?”
“Ano? Siyempre hindi!” Baka ikaw pwede pa.
“If you only told me di sana binigyan kita ng mas malaki pa riyan. Picture ko nga lang.” He grinned.
” ‘Wag na ‘oy. Wala kaming daga rito.”
Tumayo ito, inilibot ang tingin sa kwarto niya. Napatitig ito saglit sa study table niya bago humakbang patungo sa bintana. Di-slide ang salamin na iyon at kayang-kaya ng sinuman ang makalabas patungong bubong.
Binuksan nito ang bintana bago umupo sa pasimano. Nakalabas ang dalawang paa nito.
Hindi naman niya pinangatawanan ang pagiging feel-at-home ‘no?
Tumayo na rin siya para lumapit dito. “Hoy!”
Tiningnan lang siya nito bago ulit tumingin sa mga bubong ng kapit-bahay nila. E wala naman kasi itong makikitang view roon dahil halos puro kabahayan na.
“Why did you walk? You should just stay in your bed.”
“Hindi na masakit. Konti na lang.”
“Matatagalan daw ba bago gumaling ang paa mo?”
“I don’t know. Maybe a week? Two? “
“Sorry. Sorry talaga.” Tumungo ito. “I shouldn’t provoked you. You could have died. Shit. I’m such a bastard.”
“Ngayon mo lang ba na-realize?”
Tinitigan siya nito. “You really hate me that much, huh?”
“Tingin mo?”
“Do you really like my cousin?” Biglang tanong nito. “Tss. Why am I asking? You wouldn’t keep a picture of him if you don’t.” Tumawa ito.
“Oo. Crush ko siya. Masama ba ‘yon? “
“You think he would like you?” Patanong ba iyon o patanong with matching mockery?
“Crush lang naman. Hindi porke’t may gusto ka sa isang tao kailangan magustuhan ka rin niya pabalik. Hindi ‘yun gano’n.” So what kung unreciprocated siya? Nagustuhan lang naman niya si V. Kahit kailan hindi niya naisip na pu-pwede rin itong magkagusto sa kanya. Yes she do things just to make him notice her. Pero hanggang doon lang iyon. She won’t cross the boundary. Hindi pa naman siya gano’ng kadesperada. Basta ang alam niya, sumasaya siya kapag napapansin siya nito. Satisfied na siya roon.
“Huwag na siya.”
She wanted to laugh. Sino ba ito sa akala niya? Close ba sila?
“Alam kong ayaw mo ‘ko sa pinsan mo. Oo na. Hindi kami bagay. Bukod sa nasa lower section ako hindi pa ako maganda. Oo na. Ako na ang panget-“
“Bakit? Kailan ko ba sinabi sa ‘yo na hindi ka maganda? Tss.”
Hindi agad nag-sink in sa kanya ang sinabi nito. Parang inis na inis pa ito nang lumingon sa kanya. Inirapan pa siya! At bakit ito maiinis?
“Hindi mo nga sinasabi pero ipinaparamdam mo naman. You know, actions speaks louder than words.” Inirapan niya rin ito. Palagi nga siya nitong inaasar. Sinasabi pa nito na hindi sila bagay ni V. So what does it mean? He’s thinking that she’s not enough for his cousin.
“Actions speaks louder than words? Really? It doesn’t matter. Kung manhid ang isang tao, i-express mo man ang nararamdaman mo sa kanya mapasalita o gawa, wala pa ring kwenta.”
Next to: Stuck With U (Chapter 6)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
San na po kasunod
Kelegmatz!