Baliwag (Kabanata 8)
KASALUKUYANG tinitingnan ni Necisto ang kanyang email. Nakaupo siya sa likurang bahagi ng sasakyan habang nasa kandungan ang kanyang laptop. Isang oras na lang ay flight na niya pabalik sa Maynila. Ginamit niya ang isang linggong bakasyon sa trabaho upang asikasuhin ang pagpapatayo niya ng apartment. Tatlong taon niyang pinag-ipunan ang budget sa pagpapatayo ng […]
Baliwag (Kabanata 7)
TAHIMIK silang naglalakad. Hindi na makilala ni Cris ang daang tinatahak nila dahil na rin sa pag-iba ng paligid. Ang dating puno ng kakahuyan ay naging patag. May mga kabahayan ding makikita sa ‘di kalayuan. Bagama’t nagtataka, nanatili siyang tahimik. “Cris,” bulong ni Esel na siyang kasabay niya lamang sa paglalakad. Nangunguna ang tatlong lalaki […]
Baliwag (Kabanata 6)
“CRIS,” sambit ni Esel na hindi halos gumagalaw ngunit malikot ang kanyang mga matang inililibot sa paligid namin. Nahugot ni Cris ang hininga. Baliwag ang nangyari sa kanila. Nagitla silang dalawa nang biglang may umugong na nakakairitang tunog, malakas ito at nakakabingi sa tainga. Lumingon sila sa kanan at nakita ang isang lalaki, nakatagilid siya […]
Baliwag (Kabanata 5)
NANG marating niya ang bungad ng palasyo ay nakilala niya agad ang taong nakatalikod. “Heneral Adolfo!” Tila nakalimutan ni Cris na pinalilibutan pala siya ng mga kawal, bawal sa kanila ang basta-bastang lumalapit at pumapasok sa tahanan ng hari. Lumingon ang heneral sa gawi niya at nagtataka itong lumapit sa kanya. Hinawi rin nito ang […]
Baliwag (Kabanata 4)
“ANO?!” Nabalisa si Cristina sa lakas ng boses ng mga kasama. Balak siguro ng mga itong gisingin ang ibang tao sa katabing-silid. Kasalukuyan silang nasa bahay-panuluyan ng Meiso. Yari sa kawayan ang silid at komportable ang higaan na nasa papag. Idagdag pa ang malinis na lugar. Nasa kabilang silid nila sina Ame at Ciel. Ang […]
Baliwag (Kabanata 3)
ILANG oras na ang lumipas mula nang sila ay nagsimulang maglakbay. Malalim na ang gabi at kasalukuyan silang nagpapahinga sa gitna ng kagubatan. Silang walo na naman ang naatasang makipagkalakan sa kaharian ng Meiso. Matapos magpahinga at kumain, inayos ng tatlong tagapagsilbi ang mahihigaan ni Cris. Si Ciel at Ame naman ay nakikipag-usap sa dalawang […]
Baliwag (Kabanata 2)
Kung masisira ng isang tao mula sa Palasyo ang pangyayaring iyon, tanging ang taong nabuhay sa gabing iyon lamang ang makakapagpabago sa nakakapanghilakbot na pangyayaring iyon… tanging ang prinsesa lamang.
Baliwag (Kabanata 1)
MARAMING bagay sa mundo ang mahirap ipaliwanag. Tulad ng kung paano nanatiling misteryo ang pamumuhay noong unang panahon. Ang tanging nagbigay-buhay sa nakaraang panahon ay ang mga kuwentong gawa-gawa lang din ng mga tao. “Lola, sabi ni lolo may kingdom daw po sa Pilipinas noon?” Naudlot ang tahimik na pagsusulsi ni Nenita nang may tatlong […]
Baliwag (Teaser) – ON GOING

“Isang Prinsesa mula sa taong 1425 ang maliligaw sa taong 2025.” Si Prinsesa Cristina ang natatanging prinsesa sa Kaharian ng Nervada. Nanaisin niya pa kayang bumalik sa nakaraan kung ninakaw na ng kasalukuyan ang kanyang puso at kalooban?