A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Sometimes Heart Goes Wrong (Finale)

DALI-DALING binuksan ni yaya Sally ang kuwarto ni Rexcelle. Mula sa biyahe pauwi ay nakatulog na ito kaya buhat-buhat si Julan. Maingat itong inihiga sa kama. “Napagod ang baby,” sabi nito na nakangiting tumingin kay Jercelle habang nakatayo sa likuran nito. “Mabuti at hindi siya nagising. Deretso na ang tulog niya hanggang bukas.” “Thanks, Julan,” […]

Sometimes Heart Goes Wrong (Chapter 15)

TUMANGO si aling Belen. “Kaya napaka-suwerte ni Jercelle. Napaka-bait kaya ng Kuya Julan mo.” “Suwerte din naman po ako kay Jercelle, Mommy,” tugon ni Julan. “She’s a good catch.” “Kaya nga sana ay sagutin ka na niya, Kuya,” sabi ni Julian. “Para on na kayo. Para official na kayong mag-jowa.” “Jowa talaga?” aniyang napakamot sa […]

Sometimes Heart Goes Wrong (Chapter 14)

“HINDI ka na ba magtatagal, Brick?” Nakangiti man siyang tinanong ni Salve ay kitang-kita niya ang lungkot sa mukha nito. “Kailangan mo na bang umalis agad?” Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan pero agad siyang nagpaalam. “Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita.” Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. […]

Sometimes Heart Goes Wrong (Chapter 13)

MALUWANG ang ngiting tumingin si Julan kay Jercelle. Namula naman ang mukha nito. Tumungo. Saka pinagsabihan ang anak. “Hindi puwedeng dumito sa bahay natin ang Tito Julan mo, Rexcelle.” “E, si Tito Bricko po, Mommy?” Lalong namula ang mukha ni Jercelle dahil sa tanong na iyon ni Rexcelle. Nahihiya itong tumingin sa kanya na kumibut-kibot […]

Sometimes Heart Goes Wrong (Chapter 12)

“SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle,” sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. “Okay na ako do’n.” Tumayo ang binata at sinalubong siya. Kinuha ang mga dala niya na ngiting-ngiti. “Ano bang sa terrace ka matutulog, Julan? Dito ka sa sala.” “Pero…” “Matagal na tayong […]

Sometimes Heart Goes Wrong (Chapter 11)

“JULAN, ayusin mo na ang dadalhin mong gamit para makaalis na kayo,” sabi pa ng Ama ni Julan. “Baka naghihintay na ang anak si Jercelle.” “Maiwan na muna kita dito, Jercelle,” anang binata. “Relax.” “Sige, Julan,” aniya. “Take your time.” “Pa’no?” sabi ni mang Jerry nang maiwan silang tatlo. “Babalik na ako sa panonood ng […]

Sometimes Heart Goes Wrong (Chapter 10)

MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko kinabukasan para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas nang lumabas siya. “Hi,” ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. “Good morning.” Umiwas siya nang tinangka nitong humalik sa […]

Sometimes Heart Goes Wrong (Chapter 9)

NAGPUPUYOS sa galit si Salve nang umalis sa bahay niya si Bricko. Hindi niya kayang tanggapin ang pamamaalam nito. Hindi siya papayag na putulin na lang nito ng ganoon lang ang kanilang samahan. Kaya gagawa siya ng paraan para bumalik ito. “Si Jercelle,” nakangiti niyang sabi. “Tanging siya lang ang paraan para bumalik sa akin […]

Sometimes Heart Goes Wrong (Chapter 8)

“AALIS ka, anak?” tanong ng Ina ni Julan nang masalubong siya paglabas ng kuwarto. “Saan ka pupunta?” “Mommy, I’m sorry. Decided na po ako na ligawan si Jercelle. Pupuntahan ko po siya ngayon.” “Anak, alam kong pakikialam at panghihimasok sa buhay mo ang ginagawa ko pero sana’y maunawaan mo ako. Bilang ina ay wala akong […]

Sometimes Heart Goes Wrong (Chapter 7)

AGAD na kumulo ang dugo ni Salve nang makita niyang bumaba sa taxi ni Bricko si Jercelle matapos ihimpil sa tapat ng gate ng bahay nito. Nagtiim ang mga bagang niya nang alalayan pa ito ng lalaki. “Shit! Hindi puwede ito…” Nangilid ang luha niya nang buhatin ni Bricko si Rexcelle, na kinuha mula sa […]