A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND
_IMG_000000_000000

Taken na si James (A Short Story)

“James pare, bukas na lang.”

Nakita ko siyang nakipag-high five sa mga kaklase niyang lalaki bago naglakad palabas sa malaking gate ng eskwelahan namin. Kagaya ko ay naglalakad lang din siya pauwi dahil magkapit-bahay lang kami. Hindi lang magkapit-bahay. As in magkatapat ang mga bahay namin. We are living on the same village. Only, mas malaki ang bahay nila.

James Ivan Lanchea.

Magkababata kami ni James. Palagi kaming magkaklase simula pa noong nasa kindergarten kami. Kapag muse ako, hindi pwedeng hindi siya ang escort ko.

Pero ang sabi nga nila, change is the constant thing in this world. Bigla na lang isang araw, parang nag-iba na. Pumupunta pa rin naman siya sa bahay dahil close ang mga pamilya namin pero hindi na kami gaanong nag-uusap. Biglang nagkaroon ng barrier.
Napabuntung-hininga ako habang pinagmamasdan ang likod niya. Hawak-hawak niya ang isang strap ng bag niya na nakasukbit sa likod. Ang tangkad-tangkad niya pa. No wonder sikat siya sa school namin. Until now suki pa rin siya tuwing intramurals. At ako, ako ‘yung na-left behind. Mas marami naman kasing magagandang babae ang nag-aaral sa school. Iyong tipong hindi tinutubuan ng pimples tuwing monthly period. Hindi tulad ko na paisa-isang tinutubuan kada buwan. Kaya siguro hindi na rin niya ako pansin.

“James!”

Napatingin ako sa babaeng tumawag sa kanya sa kung saan.

Huminto si James. Nagulat ako nang tumakbo papalapit sa kanya si Elizabeth, magandang taga- Junior high na may dalang payong at sinabayan siya sa paglalakad.

So totoo ang balita?

Ayaw ko sanang maniwala dahil wala namang sinasabi si Tita Janice, mama ni James, na may pinopormahan siyang babae pero ang hirap kapag mismong mata ko na ngayon ang nakakakita.

Biglang kumulog ng malakas. Narinig ko ang pagtili ni Elizabeth sabay yakap sa braso ni James.

Para-paraan..

Hindi ka mamamatay sa kulog. Baka sa sabunot ko pa.

I know wala akong karapatang magalit pero ito ‘yung nararamdaman ko. Bitter na kung bitter. Ako dapat ‘yan eh. Ako dapat ‘yung kasabay niya. Kami ‘yan dati. Kami.

Unti-unting bumuhos ang malalaking patak ng ulan. Dahil wala akong dalang payong ay sumilong muna ako sa tindahan na nakita ko.
Silang dalawa naman ay nagpatuloy sa paglalakad.

Alangan namang sumunod ako. Masyado na akong masokista ‘pag gano’n.

“Sabi ko naman sa ‘yo huwag kakalimutang magdala ng payong. Magbihis ka na at baka sipunin ka pa!” Sermon sakin ni mama pagkarating ko sa bahay.

“Opo, ‘ma.” Walang gana akong umakyat sa kwarto. Kinuha ko ang tuwalya at kinuskos ang buhok ko. Ngayon ko naramdaman ang lamig.

Humarap ako sa salamin ng tukador at halos mapamura ako nang may tumamang bola sa ulo ko.

“Patrick naman eh!” Sigaw ko sa nakababatang kapatid ko na lalaki. Siya lang naman ang palaging may hawak ng bola ng basketball dito.

“Oops! Sorry, ate.” Nakangisi niyang sabi sabay pasok sa kwarto ko para kuhanin ‘yung bola.

Bahagya kong inililis ang kurtina upang silipin ang katapat naming bahay. Magkatapat din kasi kami ng kwarto. Gawain ko ito dati kaya alam ko kung may tao sa kwarto niya o wala. Gaya ngayon, patay pa rin ang ilaw. Usually nakikita ko lang siya na naggi-gitara o nagco-computer.

“Wala pa siya?” Tanong ko sa sarili ko.
Bakit kaya wala pa siya? Dapat nandito na siya ‘di ba?

“Ate, may bisita palang chiks si kuya James. Schoolmate niyo yata.”

Kaya pala. Kaya pala hindi siya nagpunta ngayong araw sa bahay. Tuwing huwebes kasi ay niyayaya niyang maglaro ang kapatid ko. Kung hindi man ng basketball ay inaaya niya ito sa kanila para maglaro ng PS4.

“Oks ka lang ba, ate?”

“Ha?” Buhat sa hawak-hawak naming itim na garbage bag ay napatingin ako sa kanya. Nasa labas kami ngayon para magtapon ng basura. Katatapos lang naming kumain. Saktong pasakay si Elizabeth at James sa kotse nang lumabas kami. Kanina pa rin huminto ang ulan.

“Ugh!” Napabangon ako sa inis. Hindi ako makatulog. Mula sa kurtina ay sinilip ko muli mula sa bintana ng kwarto ko ang kwarto ni James na hanggang ngayon ay wala pa ring ilaw.  Mukhang wala pa ring tao. O baka tulog na?

Miles naman! Tama na nga!

“Iba na ‘yon, ha. Parang sa lahat ng babaeng na-link sa kanya ngayon lang siya may dinala sa bahay.” Komento ni Liezl na isa sa kaibigan at kaklase ko matapos  kong i-kwento ang nangyari kahapon. Tama naman siya. Wala akong nabalitaang naging girlfriend ni James mula ‘nung mga bata pa kami. Iyon siguro ang dahilan kung bakit medyo umasa ako. Anong medyo? Dinaig ko pa nga ang siopao sa pagiging asado ko.

“Tsk. Hina mo kasi friend.” Palatak ni Mikaila. Magkatapat na nga kayo ng bahay. Close pa mga family niyo. Ni number wala ka? Di mo pa friend sa fb! Ano ‘yon?”

Awkward na nga kapag pupunta siya sa bahay tuwing aayain niyang maglaro ng basketball ang kapatid ko. Tapos hihingin ko pa ang number niya? Nakakahiya! Aaminin kong na-tempt na rin ako dahil may number niya si Patrick. Pero hindi ko kaya.

“Kung hindi mo kaya e ‘di ayan. Magtiis ka sa nakikita mo.” Tukoy ni Liezl kay Elizabeth na bubuntut-buntot na naman kay James ‘nung uwian. Palinga-linga naman si James na parang may hinahanap sa paligid.

“Tama na. Huwag na natin silang sundan,” pakiusap ko. Iniwan ko na sila sa pinagkukublihan naming halaman.

In the first place hindi ko dapat nararamdaman ‘to, eh. Ang o.a. ko masyado hindi naman naging kami. Kung malalaman siguro ‘to ng ibang tao baka  pagtawanan lang nila ako.

“Teka, Miles, hintayin mo kami!”

Lumipas ang ilang araw at pakiramdam ko ay mas lalong tumitindi ang lungkot na nararamdaman ko. Lalo na ‘nong kumalat ang balita na in a relationship na siya dahil sa facebook post niya. Napaka-insensitive naman niya! Sa birthday ko pa talaga!

“Basta umuwi ka agad!”

“Opo, ‘ma.” Ibinaba ko na ang cellphone at itinago sa bag. Paulit-ulit ito sa pagpapaalala na umuwi ng maaga dahil kakain kami sa labas. Mas pinili ko na iyon kesa ipaghanda ako ng bongga dahil eighteenth birthday ko. Wala rin naman si papa dahil ofw siya sa Dubai.

Ipinasok ko ang isang kamay ko sa bulsa para i-check ang pitaka dahil balak kong sumakay ng tricycle. Madilim kasi at mukhang uulan. Isang papel ang nakuha ko mula sa bulsa.

“Happy birthday ate! Regalo ko sayo, oh.”

Kunot-noo kong tiningnan ang sobre na inilapag ni Patrick sa mesa.

“Patrick patay ka talaga sakin kapag ipis ‘yan. Isusumbong kita kay mama! Baka gumapang pa ‘yan sa pagkain!”

“Anong ipis? Buksan mo muna kasi ate.”

Tiningnan ko siya ng masama. Wala talaga akong tiwala sa kapatid ko na ‘to. Proven and tested na sa mga playful tricks nito dati.

Dinampot ko ang sobre bago dahan-dahang binuksan. Isang maliit na papel ang laman niyon. Sa halip na message ay mobile number ang nakasulat ‘don.

“Ano ‘to?”

“Number ni kuya James para hindi ka na malungkot, ate. ‘Di ba matagal mo na siyang crush? “

“A-anong crush?!”

Bumulanghit ito ng tawa.

Halos mabato ko siya ng tinidor sa asar.

Nilamukos ko ang papel at itinapon sa basurahan. Noon unti-unting pumatak ang ulan.
“Ang malas naman!” Hindi na naman kasi ako nakapagdala ng payong.

Mapapagalitan na naman ako ni mama.

Kukunin ko na sana ang cellphone ko para itext si mama nang may biglang tumabi sakin.

James…

Tulad ko ay halos mabasa na rin siya.

Bigla niya akong nilingon na halos ikatigil ng mundo ko. Ilang beses akong napakurap.

“E sino?”

Napatitig siya sa sahig bago ako tiningnan. “Ikaw.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “A-ako?”

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hinila niya ako patakbo sa isang waiting shed.

” ‘Wag ka magpapaligaw sa ibang boys, ha? Paglaki natin liligawan kita. Okay ba ‘yon? I should be your first boyfriend and not anyone else.”

Gulat akong napatingin sa kanya.

“Pumapayag ka na ba?”

“O-oo.”

Nagliwanag ang mukha niya. “Promise?”

“Promise.”

Nag-blink ako for the nth time. Parang kahapon lang nangyari ang lahat ng ‘yon.

Naging okay pa rin naman kami after niyang sabihin na gusto niya ako. Nagbakasyon sila noong summer sa mga Lola niya sa Nagcarlan. Na-extend pa iyon at umabot na sa punto na ‘don na rin siya nag-aral ng isang school year.
Hinintay ko siya pero bigla na lang siyang hindi namansin pagbalik niya. At doon na nagsimula. And now. Hindi na ako pwedeng umasa. Taken na si James. Kahit kailan hinding-hindi na magiging kami.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

Papaano ba dapat makipag-usap sa taong dati mong close at matagal na hindi nakausap?

Tumingala siya bago ako nilingon ng nakangiti. “Happy Birthday.”

Mapait akong ngumiti. Tanda niya pa rin pala ang birthday ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko.

“Naiyak ka ba?” Punung-puno ng pag-alala ang boses niya.

Sunud-sunod akong umiling bago tumungo.

“I’m sorry.”

Bakit siya nagso-sorry? Sorry kasi nakalimutan niya na ‘ko? Sorry kasi may girlfriend na siya at hindi ako ‘yon? Sorry kasi nalaman ko kagabi na in a relationship na siya? At sa mismong birthday ko pa?

“Okay lang, ano ka ba? Congrats nga pala sa inyo ni Elizabeth.” Pilit akong ngumiti kahit feeling ko mukha na akong tanga sa sobrang luwang ng ngiti ko.

Kumunot ang noo niya. “No. Hindi kami. Kahit kailan hindi magiging kami.”

“Pero in a relationship ka na raw sa facebook, ‘di ba? May iba ka pa bang niligawan bukod kay Elizabeth?”

“I didn’t court her. At oo, meron.”

So all this while, may iba pala siya talagang gusto. Katulad ko, umasa rin pala si Elizabeth.

“Hindi mo lang ba tatanungin kung sino? “

Itinulak ko siya sa dibdib. “Pwede ba James, tama na? Ayoko nang makarinig ng kahit ano tungkol sa ‘yo. Gusto mong malaman kung bakit?” Huminto ako saglit para makahinga. Siya naman ay mukhang nagulat sa sudden outburst ko. “Kasi nasasaktan ako. Alam ko wala akong karapatan kasi hindi naman tayo. Pero kasi…pinanghawakan ko ‘yung sinabi mo sakin dati, eh. Na ako ang liligawan mo paglaki natin. Na ako ang gusto mo. Ang tanga-tanga ko kasi. Umasa ako masyado. Hindi ko na inisip na mga bata pa tayo ‘non. Na marami ka pang makikilalang iba bukod sa akin. Dapat noon pa lang kinalimutan na kita. Pero hindi ko magawa. Lagi kitang nakikita. Kaya kahit hindi na tayo nagpapansinan, hindi ko pa rin mapigilan na gustuhin ka. Ang shungak ko ‘no? “

Nakatitig lang siya sakin.

“Please. Pwede bang kalimutan na lang natin ‘to? Magmu-move on na ‘ko. Sorry sa drama ko. Sige.”

Tumalikod na ako at dahan-dahang naglakad palayo. Balewala na kung mabasa ako ng ulan. Gusto kong magsisi sa ginawa kong pag-amin pero sa tingin ko makakatulong ‘yon para matahimik ako. Masakit na nauwi kami sa ganito pero hindi ko naman siguro ikamamatay ‘to.

“In a relationship nga ako pero in a relationship ako sa ‘yo!” Napahinto ako sa paglakad nang marinig ko ang sigaw niya.

Hinarap ko siya. “Ano ba ang sinasabi mo? Papaano magiging ako ‘yon eh, ni  hindi nga tayo nag-uusap?”

” Tanda mo pa ba ‘yung sinabi ko noon na liligawan kita kapag malaki na tayo? Eighteen ka na ngayon ‘di ba? Legal na tayo. Don’t tell me hindi pa sapat ang nine years para hindi maging tayo. I’ve been waiting for so long now.

We were in our first year in high school when I asked your father if I could marry you someday. He said I should wait when the right time comes. Kahit gawin kitang girlfriend hindi rin pwede. Kaya pinigilan ko ang sarili ko.”

“K-Kaya hindi mo ako kinakausap?”

“No. Hindi kita pinansin noon dahil nainis ako sa ‘yo. I saw you talking with some other boys outside your house and I got jealous. May crush ‘yon sa ‘yo, eh! I’m sorry kung mababaw. But it doesn’t mean I will gonna break the promise. I am keeping it until this day.”

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa lahat ng mga narinig ko.

”I’m sorry. Didn’t you notice? Madalas ako sa bahay niyo. Front ko lang na inaaya kong magbasketball ang kapatid mo. He’s cool pero gusto ko lang talagang makasilay sa’yo. Gusto kong malaman kung may ibang pumoporma sa ‘yo para mabalaan ko. I wanted to know everything about you. Is your favorite color still the same? Everytime na tatangkain kitang kausapin, hindi ko magawa. Natatakot ako na hindi ko matupad amg pangako ko sa parents mo na hihintayin muna kitang mag-eighteen bago tayo maging pwede. Palagi tayong nagkakasabay papasok at pag-uwi. Sinasadya ko ‘yon. My father told me I can used the car but I refused dahil bukod sa malapit lang ang school, makakasabay pa kita palagi. They even want me to enrol in an exclusive school sa Manila. Lahat ‘yon inayawan ko. Dahil ‘yon sa ‘yo. Ayokong magkalayo tayo. Hindi na kita mababantayan. Palagi kong iniisip na paano kung pagbalik ko may boyfriend ka na? Hindi pwede. Now tell me kung naniniwala ka na ba sakin. I want to know. So bad.”

Ngayon ay hingal na hingal na ito sa haba ng sinabi. Panay ang tulo ng tubig mula sa buhok nito patungo sa basang-basang mukha.

“S-Si Elizabeth. Papaano siya-“

“She’s nice pero hindi ko siya gusto. Kailangan bang ulit-ulitin ko pa sa ‘yo, ha? Ikaw ang gusto ko. Ayoko sa iba. Maniwala ka na naman, oh.” Hinila niya ako papalapit sa kanya. Hinubad niya ang suot na polo bago ipinatong sa balikat ko. ” Aren’t you cold? Isuot mo ‘to. Makikita na ng lahat na kulay black ‘yang baby bra mo.”

“Ano ka? Baliw!”

“Tss. Ang hilig-hilig mo pang magpaulan.”

“Bakit? Ikaw rin naman, ah? Kasama mo pa si Elizabeth palagi. Dinala mo pa siya sa bahay ninyo.”

“Wala na kasing masakyan ‘nung time na ‘yon kaya sinuggest ko sa kanya na umuwi muna ako para kumuha ng sasakyan. Nakakaawa naman kasi siya kung papabayaan ko lang sa daan, ‘di ba?”

Inirapan ko siya.

“Tayo na ba? Selos na selos ka na kasi, eh.”

“Hindi ah!”

Iniwan ko siya. This is crazy. Parang hindi totoo ang lahat ng ito.

“Miles!”

Hindi ko siya pinansin.

“Don’t tell me basted ako? Nakapag-post na ako sa fb! Kulang na lang talaga ang pangalan mo kasi hindi tayo friends! Pero nag-friend request na ako sa ‘yo!”

Patuloy ko lang siyang dineadma.

“Miles! I love you! Matagal na! “

Sukat sa sinabi niyang iyon ay napangiti ako.

”Pansinin mo naman ako oh, please?”

Naiiyak na naman na nilingon ko siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinasabi niya ngayon sa akin ang lahat ng ‘to. Pagkatapos ng lahat ng lungkot.

Hinintay ko siyang makalapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko bago niya ako niyakap.

Taken na nga si James. Taken by me.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Taken na si James (A Short Story)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

10 Responses

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.