DAHIL patingin-tingin kay Shantel si Carmina at alam niyang nakikinig sa usapan nila ni Shara ay lumabas na siya sa opisina. Gusto kasi niyang ibalita sa kapatid ang tungkol sa hindi niya inaasahang pagtatagpo nilang muli ni Rafael.
“Sha, share ko lang,” ngiting-ngiti niyang sabi ng nasa may swimming poll na siya. “Alam ko na mai-excite ka.”
“Ano ‘yon, ate?” tanong ng kapatid niya sa kabilang linya. “Be sure na matutuwa talaga ako sa news mo.”
“Tanda mo ba, sis, iyong nabanggit ko sa ‘yong guy na Rafael ang name?”
“Hmmm,” ani Shara na tumango pa. “I remember. Why?”
Pigil ang pangingilig na ikinuwento niya ang magandang nangyari sa pagitan nila ni Rafael. Sinabi rin niya ang sariling opinyon kaugnay dito. Tumili naman sa sobrang katuwaan ang kapatid niya.
“That’s it, sis. He is your destiny. ”
Higit pa siya’ng natuwa sa sinabi ni Shara. At least, she was not the only one who conclude like this. Meaning, it’s true that I am Rafael’s destiny.
“Biruin mo, ate… pinagtagpo kayong muli ng Rafael na ‘yan. Kung hindi talaga kayo ang laan sa isa’t-isa ay hindi nangyari pa ang bagay na ‘yan.”
“Kaya pala iba talaga ang feelings ko towards him. Sa kanya ko agad naramdaman ang kakaibang tibok ng puso. Iyong tipo’ng may spark agad sa una ko palang pagtitig sa mga mata niya.”
“Natutuwa talaga ako, ate,” sabi pa ni Shara. “Hindi nasayang ang pagsasakripisyo mo. Kahit lumayo ka at iniwan ang masaganang buhay ay natagpuan mo naman ang lalaking nakalaan para sa ‘yo. At least, kung ang Rafael na ‘yan ang destiny ay magiging ganap ka’ng masaya sa pagmamahal mo.”
She sighed. “I just wish Rafael and I would be in a better situation. Sana’y walang maging problema… o hadlang.”
“Sa tono ng salita mo ay parang may problema, sis.”
“Oo, Sha,” tugon niyang tumango kahit hindi ito kaharap. “Malaki ang problema ko dito sa resort…”
Ikinuwento niya kay Shara ang kinakaharap na problema. Nagalit ito sa magpinsang Melgar at Carmina.
“Nakakagigil, ha,” angil nito. “Wala silang karapatang manduhan ka, ate. Labas na sila sa personal mo’ng buhay.”
“Pero dito ako nakatira. Isa pa, ang laki ng utang na loob ko kay Melgar.”
“But they still don’t have the right to stop you from what you want to do. Empleyado ka diyan sa resort at sumusuweldo pero pinaghihirapan mo ‘yon.”
“Hindi nila ako maunawaan, Sha. Daig ko pa ang tumutulay dito sa alambre.”
“Kung nariyan lang ako,” sabi ng kanyang kapatid. “Hindi puwede sa akin ang asta ng Carmina na ‘yan. She have no right na diktahan ka. Hindi porke pinsan siya ang owner ng resort ay dapat ka niyang ipagduldulan sa boss mo.”
“Nag-aalala nga ako ngayon, Sha. Baka sabihin niya kay Melgar na si Rafael ang kausap ko sa cellphone niya. Haiz! Tiyak na magri-report na naman siya. Umaasa na ako na maya-maya lang ay darating na rito sa resort si Melgar.”
“Isa pa ang Melgar na ‘yan. Wala na ba’ng ibang babae na puwede niyang ligawan? Iyong babae na may gusto talaga sa kanya para hindi niya ipagduldulan ang sarili niya sa ‘yo.”
“Kaya nga parang dadaan kami ni Rafael sa matinding pagsubok. O kung hindi siya magiging seryoso sa akin ay mauuwi sa wala ang hinahangad ko’ng pag-ibig.”
“Naku, ate,” said Shara while scratching her head. “Don’t think of problems right away. Just think positive.”
“I will, Sha,” tugon niya. “By the way, huwag mo ako’ng alalahanin dito. Basta si papa at mama ang alagaan mo. Huwag mo silang pababayaan.”
“O, naman, ate. Ipanatag mo rin ang loob mo diyan dahil ako ang bahala sa kanila. Enjoy your life there, sis. I’m sure, you’ll suffer with Jerson when you get married.”
Dahil sa sinabi ni Shara ay mas gugustuhin niya’ng manatili muna sa bayang kinaroroonan niya. Para kasi iyong babala at hindi niya nanaising tuluyang magdusa.
HALOS pagkababa pala’ng ng cellphone ni Shara mula sa pakikipag-usap kay Shantel ay nakarinig na siya ng tila nagmamadaling mga katok sa pintuan ng kuwarto niya.
“Magmadali ba?” sabi niya sa sarili na kunot-noo. Lumapit agad siya sa pintuan. “Sana naman ay good news ang dala ng kumakatok.”
Pagkabukas na pagkabukas niya ng dahon ng pinto ay agad na nagsalita ang isa sa kanilang mga kasambahay. Wari’y takot ito na sapo ang dibdib.
“Senyorita, nasa ibaba po si Sir Jerson. Nakakatakot po.”
“Ano? Bakit?”
“Para po’ng lasing, eh. Saka ang lakas ng boses.”
Napabuntonghininga siya. Napailing. Balak na naman ba nito’ng manggulo? Naisip niya na mabuti na lang at wala ang papa at mama niya.
“Sige, aling Siony, bababa na ako.”
“Bilisan mo po, senyorita,” bilin nito bago umalis.
Napailing siya. Gusto na niya’ng magalit kay Jerson dahil sa inaasal nito. Pero nananaig sa isip niya ang bilin ng kanyang papa, na hangga’t kaya ay pagpasensiyahan nila dahil hindi biro ang pinagdaraanan nito.
Sang-ayon siya sa ama tungkol sa bagay na iyon. Hindi naman kasi mangyayari sa boyfriend ng Ate Shantel niya ang ganito kung hindi nito iniwan. At malaki ang bahagi niya kung bakit nagdaranas ito ng ganito.
“So, behave ka, myself,” bulong niya sa sarili habang bumababa sa hagdanan. “Huwag ka’ng magpapakagalit maging barumbado man si Jerson.”
God, magawa ko nga po sana. Maging mahinahon po sana ako!
“Nasaan si Tito Noli at Tita Sylvia?” malakas ang boses na tanong ni Jerson ng makita siyang papalapit. “Gusto ko silang makausap!”
“Jerson, I’m sorry. wala rito ang papa at mama. May business meeting silang pinuntahan. Take a sit. You want some snack or–”
“Si Shantel ang gusto ko, Shara,” putol nito sa sasabihin niya. “Siya ang ilabas ninyo dahil kailangan ko siya.”
“Bakit ba ayaw mo’ng maniwala na hindi talaga namin alam kung saan pumunta si ate? Galing na rito ang papa mo at naunawaan niya ang totoong nangyari. Sana naman ay maunawaan mo rin.”
“Hindi ako tulad ni papa na madali ninyong naloko,” sabi ni Jerson na pagak na tumatawa. Umiling-iling pa. “Alam ko na itinatago lang ninyo si Shantel. Ilabas ninyo siya!”
“Maniwala ka, Jerson. Hindi namin itinatago si ate. Bakit namin gagawin ‘yon? Talagang umalis lang siya na hindi nagpaalam. Hindi namin gusto iyon.”
Umupo sa sofa si Jerson at ipinatong sa mga tuhod ang braso saka sinalo ang sariling ulo. “Bakit ginawa ni Shantel ang bagay na iyon? Ano ang kasalanan ko sa kanya para saktan niya ako ng ganito?”
Totoo’ng nakadama siya ng awa dito. Parang gusto niyang lapitan ito at hagurin ang likod para kahit papaano ay mahimasmasan. Pero hindi niya ginawa iyon dahil baka magbunga lang ng hindi maganda.
“Jerson, ayusin mo ang sarili mo,” lakas-loob niyang sabi dito. “Hindi lang si ate ang buhay mo. Marami ka pa’ng bagay na dapat gawin kaya huwag mo’ng sayangin sa wala ang pagkakataon. Just move-on.”
“Mahaharap ako sa malaking kahihiyan kapag hindi natuloy ang kasal namin ni Shantel. Ano ang mukha’ng ihaharap ko sa kakilala ko?”
“Pero mas mapupulaan ka kung makikita ka nilang ganyan. Ang haba-haba na ang balbas at bigote mo. Hindi na ikaw ang dating kagalang-galang na Jerson Avestruz, na tinitingala ng marami. Gusto mo ba’ng tuluyang masira ang pagkatao mo ng dahil lang kay ate?”
Tila natauhan si Jerson sa sinabi niya. Napatingin ito sa kawalan na nangingilid ang mga luha. Naisip siguro nito na tama ang sinabi niya kaya nagbigay ng linaw dito.
Maya-maya ay tumayo ito at tahimik na humakbang palabas ng bahay nila. Nakahinga siya ng maluwag. Nagpasalamat siya at umalis na ito. Gayunpaman ay dumalangin siya na sana nga ay naliwanagan ang isip nito.
“WHERE are you now, Melgar?” tanong ni Carmina kay Melgar ng tumawag ito sa cellphone. “Puwede ba’ng pumarito ka sa resort ngayon?”
“Bakit, ate? May problema ba?”
“Wala naman. Pero importanteng makausap mo si Shantel.”
“Ano’ng problema sa kanya, ate? Narito ako ngayon sa supermarket at namimili ng mga kailangan sa bahay.”
“Basta pumarito ka. Kahit after nang pamimili mo.”
“May ginawa ba’ng hindi maganda si Shantel? O nariyan ang Rafael na ‘yon?”
Sinabi nito sa kanya na humiram si Shantel ng cellphone at malakas ang kutob nito na tumawag kay Rafael. Nagbigay rin ito ng ideya na balak papuntahin sa resort niya ang lalaking iyon.
“Hindi puwede ‘yon, ate,” sabi niya na nagngalit ang mga bagang. Hindi pa man ay nanggagalaiti na siya. “Hindi ko sasantuhin ang lalaking iyon.”
“Kaya nga pumarito ka na,” saad pa ni Carmina sa cellphone. “Mas mabuting abutan mo ang Rafael na iyon kung pupuntahan si Shantel dito sa resort.”
“Okay, Ate Carmi. I will go there as soon as possible. Thanks sa concern.”
Nang wala na ito sa kabilang linya ay pinindot niya ang end ng call. Pagkalagay niya sa bulsa ng pantalon niya ang gadget ay dali-dali na niyang itinulak ang push cart papunta sa counter. Suwerteng walang pila kaya mabilis niyang nabayaran agad ang pinamili.
“Papunta na ako diyan sa resort, Shantel,” bulong niya nang binitbit na ang dalawang malalaking plastic bag at lumabas sa counter. “Huwag ko lang makikita ang Rafael na ‘yon at baka manghiram siya sa aso ng mukha.”
Sa pagmamadali niya ay hindi napansin ang kasalubong na lalaki. Kaya nabunggo niya ito at kanyang ikinagalit.
“Bulag ka ba?” mataas ang tono na sabi niya. “Hindi mo ako nakita?”
“Pare, ikaw nga ang bumangga sa akin,” mahinahong sabi ng lalaki. “Sa pagmamadali mo ay ako yata ang hindi mo nakita.”
“Ako ang may kasalanan?” sabi niya na pagak na tumawa. “Ako ang sinisisi mo?”
“Okay,” sabi nitong patuloy na nagpakahinahon. “Sorry na, pare. Ako na ang humihingi ng sorry.”
“Mabuti at inamin mong kasalanan mo. Kaya sa susunod ay umayos ka. Tumingin ka’ng mabuti sa dinaraanan mo.”
Walang ngiti na tumango ito. Galit niya itong tinitingan bago iniwan.
“HINDI ako nagbibiro, Shantel,” sabi pa ni Melgar kay Shantel. “Huwag na huwag mo’ng papupuntahin pa ang Rafael na ‘yon dito sa resort ko.”
“Ako ba ang tinutukoy mo?”
Mabilis niyang iniangat ang mukha ng marinig ang pamilyar na boses-lalaki. Napa-awang ang mga labi niya at nanlaki ang mga mata. “Rafael..?”
Agad na lumingon si Melgar. Nagulat ito. “Ikaw?”
Napakunot-noo siya nang marinig ang sinabi ni Melgar. Nagkita na ba silang dalawa?
“Hindi ba’t ikaw iyong nakabangga ko sa supermarket?” tanong pa ng boss niya.
“Ako nga,” tugon ni Rafael. “At hindi ko inaasahang makikita kita rito.”
Lumapit siya kay Rafael. Natataranta niyang inilayo ito mula kay Melgar. “Umalis ka na muna, Rafael.”
“May gusto lang akong ibigay sa ‘yo, Shantel,” sabi nitong iniumang ang dalang plastic bag na hindi niya alam kung ano ang laman. “Tanggapin mo sana ito.”
“Nag-abala ka pa,” aniyang tinanggap iyon. “Sige na. Umalis ka na muna. Thank you so much dito sa dala mo.”
“Bakit ba minamadali mo akong umalis? Dahil ba sa lalaking ‘yan? Sino ba siya?”
Nilingon niya si Melgar. Muntik na siyang mapasigaw ng makitang papalapit na ito sa kanila. Halata niyang galit ito at mukhang magwawala.
“Siya ang boss ko, Rafael. Siya si Melgar. My gosh! Galit siya kaya umalis ka na bago pa magkagulo.”
“Hindi ako aalis, Shantel. Haharapin ko ang lalaking ‘yan.”
“Diyos ko, naman,” bulalas niyang lalong nakadama ng takot sa posibleng mangyari. “Rafael, umiwas ka na muna. Tingin ko ay may nangyari ng hindi maganda sa inyo kanina.”
“Oo, Shantel. At napatunayan ko’ng may problema sa utak ‘yang boss mo.”
“Hoy!” sigaw ni Melgar na dinuro si Rafael habang papalapit ito. “Umalis ka rito kung ayaw mo’ng masaktan!”
Napatili siya. Gusto na niyang umiyak dahil sa nerbiyos. Hindi niya gustong tuluyang magkagulo ang mga ito. “Rafael, please! Umalis ka na.”
“Narinig ko ang sinasabi niya sa ‘yo kanina, Shantel. Hindi ko iyon nagustuhan kaya gusto ko’ng magkalinawan kami.”
“Pero magkakagulo nga, Rafael. Baka kung saan pa ito umabot.” Nasapo niya ang sariling noo. “Umiwas ka na lang. Please.”
Hinawakan siya sa braso ni Rafael. Napatingin siya rito na nakikiusap ang mga mata. Nakita naman nito iyon at naunawaan ang ikinilos niya.
“Promise, Shantel,” mahinahong sabi ni Rafael. “Hindi ako makikipag-away sa boss mo. Magpapakahinahon ako para sa ‘yo.”
“Please lang, Rafael,” may pakiusap niyang sabi. “Thank you.”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





