A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND
The Ambiguous Doctor

The Ambiguous Doctor (Chapter 5.1)

KAGAT LABI akong nagreply sa kaniya at humingi ng tawad. Ngunit kakaantay ko sa reply niya ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Kinaumagahan ay masaya akong gumising. Muli kong chineck ang cellphone ko ngunit wala pa ring reply si Doc Emman. Hindi na ako nag-expect pa at nagdesisyong magsipilyo. Walang clinic si Doc Emman t’wing linggo kaya kahit papaano ay may day off ako.

Pagkatapos kong magsipilyo ay nagdesisyon akong bumaba muna sa kusina dahil paniguradong kasama ni Cyrille si Manang Puring.

“Oh, Ate? Kumain ka na,” nakangiting ani Cyrille habang hawak hawak ang isang mangkok na naglalaman ng ulam.

Sunod na lumabas si Manang Puring na dala dala ang malaking bowl na kung saan ay kanin ang nakalagay. “Sakto ang pag-gising mo, Celine. Halina’t tayo’y kumain na,” ani Manang Puring.

Sabay sabay kaming nagsalo-salo lahat sa hapag at masayang kumain. Kung tutuusin ay mas naging magulang pa namin ang mga kasambahay kumpara sa mga magulang namin. Noon, sila Mommy at Daddy ang buong akala kong makakasama namin ni Cyrille hanggang pag-laki ngunit nagkamali ako. T’wing kaarawan namin ay sina Manang Puring at iba pang kasambahay ang kasama namin na mag-celebrate; maging sa pasko at bagong taon din.

Sa kabila no’n ay hindi naman ako nagkaroon ng galit sa mga magulang ko. Kung pag-uusapan ang tampo ay maaaring ayon nga ang nararamdaman ko para sa kanila.

“Kumusta, Ate?”

Natinag ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang biglang magsalita si Cyrille. Agad naman akong napatingin sa kaniya at umusbong ang kahihiyan sa aking dibdib dahil halos lahat sila ay nakatingin na pala sa akin.

“Uhmm, okay naman. Hindi gaanong nakakapagod compare sa dati kong trabaho.” Nakangiting wika ko.

Well, alam nila Manang Puring at ng iba pa naming kasambahay na tumigil ako sa pag-na-nars. Mabuti nga at hindi sila nagsusumbong kila Mommy and Daddy, maging si Cyrille rin.

“Ikaw?” Balik na tanong ko kay Cyrille.

“Naku, Celine! Alam mo ga iyang kapatid mo? Ay siya! Mayroon nang napupusuan!” Sumbong ni Manang Puring dahilan para kagat labing tumingin si Cyrille sa amin.

Hindi naman ako against sa pagkakaroon ng crush ni Cyrille dahil dalaga na siya at alam kong alam niya na ang tama at mali. Ang pinapangamba ko lang ay ang pagkakaroon niya ng nobyo. Natatakot ako dahil maaaring bumalik siya sa dati kapag nasaktan siya. Although may tiwala naman ako na hindi niya ibibigay ang puso niya 100 percent sa magiging nobyo niya.

“Okay lang magka-crush, Cyrille. Pero ang paalala ko lang ay huwag ibibigay ang hundred percent sa magiging jowa mo para hindi ka mawalan ng pagmamahal sa sarili mo sa huli.” I uttered.

“Oo naman, Ate!” Nakangiting aniya.

Minsan pa kaming nagkwentuhan lahat pagkatapos ay niligpit ko na ang ibang dapat ligpitin nang matapos kaming kumain. Si Cyrille naman ay umakyat na sa itaas upang gumawa ng homeworks niya para bukas.

“Aba’y ako na ga ang gagawa niyan, ineng,” nakangiting ani Manang Puring.

Wala akong maipupula kay Manang Puring. Maliban sa pagiging loyal niya sa aming pamilya ay talagang maaasahan siya sa lahat ng bagay. Minsan nga ayaw ko na siyang pauwiin sa probinsya niya dahil wala siyang makakasama. Ayon nga lang ay ayaw ni Manang Puring na iwan ang probinsya na kung saan ay kinagisnan niya na. Bagay dahilan para maintindihan ko siya.

“Naku! Tutulungan ko na lang po kayo, Manang.” Pamimilit ko.

“Kami na ang bahala rito, Ma’am!” Nakangiting turan ng isa sa mga kasambahay.

Hindi na ako nagpumilit pa at agad na nagpaalam sa kanila dahil may kailangan din akong gawin bago pumunta sa party ni Leo. Nagdesisyon akong mag general cleaning muna ng bahay at inayos ang mga bagay na kailangan ko. ‘Yong mga bagay naman na hindi ko na kailangan ay itinapon ko na.

Lumipas ang oras bago ako nagdesisyong maligo at mag-ayos ng aking sarili para sa party ni Leo. I bought a sling backless draped split thigh satin dress and wore an open toe high heels. Ang buhok ko naman ay naka up-do dahilan para makita ang makinis at maputi kong likuran. I put some light make up on my face and after that, I decided to go to Cyrille’s room to check her.

Kumatok muna ako ng dalawang beses bago nagdesisyong buksan ang pinto. Nang bumukas ito ay agad iniluwa ng pintuan si Cyrille na kasalukuyang nakasuot ng magandang dress. I didn’t choose a revealing dress for her because for me, she’s too young to wear a revealing dress.

“Napakaganda mo, Ate!” Nakangiting wika niya habang nakatingin sa akin.

Nabalik ako sa wisyo nang sabihin ni Cyrille ang salitang ‘yon dahilan para ngitian ko siya at nilapitan. I fixed her hair and we complimented each other.

“Let’s go?” Tanong ko nang matapos kaming mag-usap.

Agad namang tumango si Cyrille dahilan para ngitian at alalayan ko siyang bumaba sa hagdan. Nang makita kami ng aming mga kasambahay ay hindi nila napigilang i-compliment kami dahil sa aming mga suot at itsura.

“Mauuna na kami, Manang!” Wika ko nang makapasok kami sa loob nang sasakyan makaraan ang ilang minuto.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Ambiguous Doctor (Chapter 5.1)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.