PAGKALABAS namin ng simbahan ay agad kong hinila si Shamae papasok sa kaniyang sasakyan. Nawala ako bigla sa mood para makihalubilo sa maraming tao. Kung hindi lang dahil kay Doc Salvie ay hindi ako pupunta sa ball na kung saan ay pakulo ng bride.
Nang makarating na kami sa lugar kung saan gaganapin ang ball ay agad kaming binigyan masquerade mask sa entrance. Agad naman naming sinuot ‘yon ni Shamae at pumasok na sa loob.
Everyone looked stunning. Lahat sila ay may suot na masquerade mask at hindi ko makilala kung sino-sino sila dahil sa kanilang mga suot.
“Let’s go! Inom na inom na ako!” Tumatawang wika ni Shamae pagkatapos ay agad na pumunta sa bartender at nag request ng gusto niyang inumin.
Agad naman akong sumunod sa kaniya subalit sa sobrang daming tao ay naharangan si Shamae at hindi ko na siya nakita pa. I cursed mentally and decided to look for her.
Nakarating na ako sa iba’t ibang sulok ng reception subalit hindi ko pa rin siya makita. Kahit mayroon siyang masquerade mask ay malalaman kong siya ‘yon sa pamamagitan ng kaniyang suot.
Pumunta na rin ako sa comfort room subalit wala pa rin suya ro’n. “Nasaan ka na ba, Shamae!!” Punong puno ng frustration na bulong ko.
“Alone?”
Natigil ako sa pag-silip sa hallway nang makarinig ako ng pamilyar boses dahilan para mapalingon ako.
Agad na kumunot ang aking noo nang makita ko si Emman na prenteng nakatayo habang naka krus ang kaniyang dalawang braso.
“None of your business,” umiirap na wika ko pagkatapos ay binunggo pa siya gamit ang aking balikat. Ngunit imbis na siya ang mapaatras at kabaliktaran ang nangyari. Ako pa ang muntik na matumba, mabuti na lang at nasalo niya ako’t agad na nahawakan sa aking balakang.
“W-what the hell are you doing?! Get your hands off me!” Sigaw ko at agad na umalis mula sa pagkakahawak niya.
Gosh!! I can’t believe this!! Bakit ang bilis nang tibok ng puso ko? I felt butterflies in my stomach and couldn’t speak properly.
“Wow! Thank you, hah?” Nang-iinis pang turan niya.
“You’re welcome!!” Sarkastikong sigaw ko pabalik pagkatapos ay umalis na sa kaniyang harapan.
Kahit kailan panira ng araw! Hindi ko alam pero may kung ano akong nararamdaman t’wing nakikita ko si Emman. Hindi ko mawari kung disgusto, galit, panira, at marami pang negatibong bagay na maihahalintulad ko sa kaniya.
Unti-unti nang nagsisi-uwian ang mga tao subalit hindi ko pa rin nakikita si Shamae. Wala akong dalang sasakyan at maliban do’n ay nag-aalala ako sa kaniya.
Sa sobrang prustrasyon na aking nararamdaman ay agad akong pumunta sa mga guwardiya at pinakita sa kanila ang litrato ni Shamae, nagbabasakaling nakita nila, subalit ni isa sa kanila ay hindi napansin.
Alas diyes na at sobrang kaunti na lang ang mga tao. Mangiyak-ngiyak akong lumapit sa bartender at walang hiya hiyang nagtanong.
“Excuse me, have you seen this woman?” I asked.
He immediately shook his head that made me burst out in crying even more. Gosh! Malamang hindi niya makikilala si Shamae dahil nakasuot siya ng masquerade mask kanina noong um-order siya, Celine!
My anxiety is attacking me right now. I feel so worried, drain, anxious, and scared. Anxiety has been attacking me the day that I woke up from coma. Maski sarili ko ay hindi alam kung bakit tila may kulang sa puso ko na hindi ko mawari kung ano. Maliban do’n ay mdalas kung kabahan ako dahil naninibago ako sa ganitong pangyayari.
“Hey, are you okay?” Nanginginig man subalit humugot ako ng lakas para lumingon sa lalaking nagtanong sa akin. It was Emman.
He’s looking at me with his worried eyes the moment he saw me shaking and crying. He immediately hugged me, reason why I bursted out in crying even more. Humagul-gol ako without minding other people that are looking at me.
I don’t know why I felt at ease the moment that Emman hugged me tight. I felt safe, comfortable, and secured.
“Shush! Tell me, what’s wrong?” Nag-aalalang tanong niyang muli nang bitawan niya ako mula sa pagkakayakap.
“I-I can’t find my b-best friend,” humihikbing sumbong ko na animo’y isa akong batang naagawan ng lollipop.
“Shamae Brandon?” Tanong niyang muli.
Agad na nakaramdam ako ng pag-asa nang banggitin niya ang pangalan ni Shamae na siyang naging dahilan ng mabilisang pagtingin ko sa kaniyang mga mata.
“Y-yes!! S-shamae Brandon. Have you seen her?” I uttered once again.
“Too bad, Leo took her out. She was so drunk and couldn’t walk properly that’s why her other friends called Shamae’s brother.” Kibit balikat na aniya.
Agad akong nanlumo. Hindi ko alam kung anong sasakyan ko pauwi. Maliban do’n, walang taxi na nadaan sa lugar na ito.
“Oh, g-gano’n ba? Sige salamat.” Nanlulumonh wika ko.
Hindi ko na pinanguna pa ang galit na mayroon ako kay Emman. Siguro nga kailangan ko nang magpatawad. Mahirap pero kailangan dahil mahirap mabuhay nang may galit sa puso.
I was about to walk away but Emman suddenly held my wrist that made me turned to his face. I was shocked and couldn’t breathe properly because of the closeness of our body. I even smelled his breath. Amoy alak ang kaniyang hininga.
“I’ll drive you home,” aniya.
Agad akong umiling sa suhestiyon niya. “N-no, thank you!” Pilit na nakangiting wika ko.
“It’s dangerous outside. Aside from that, there’s no taxi passing by in this place. Ikaw din,” he uttered.
Pumikit ako at humugot ng isang malalim na hininga pagkatapos ay humarap sa kaniya. “Fine! But, I’ll pay you. I don’t accept no for an answer,” I said that made him smile.
“All right! Shall we go now?” He spoke.
I nodded at him three times. Pagkatapos no’n ay agad niya akong inalalayan subalit kahit anong pilit kong ilayo ang aking kamay mula sa kaniya ay pinilit niya itong kinukuha upang alalayan ako. In the end, I just let him support me all the way to his car.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa kaniyang sasakyan ay agad akong nagsuot ng seatbelt pagkatapos ay sinabi sa kaniya ang address ko.
“No need, I know where to drop you.” Nakangiting wika niya.
Nang makarating kami sa guard house ng subdivision ay agad na pinabukas ng gwardya ang bintana ng sasakyan ni Emman.
“Sorry, sir. Banned po kayo rito,” ani gwardya.
Agad akong sumilip na siyang naging dahilan ng pag-igtad ng gwardya dahilan para humingi ng pasensya. “Naku, Ma’am! Pasensya na ho, hindi ko ho alam na nariyan ka sa loob.” Anito.
Pinapasok naman kami agad ng gwardya nang kausapin ko ito. Why is he banned in our subdivision? Was it because of the bad things he did to me? Gosh! I’m confused!
Nang makarating kami sa tapat ng mansyon na tinitirahan namin ay agad akong nagpaalam sa kaniya. Well, I owe him my peace of mind for tonight.
“Gusto mo mag-tsaa muna sa loob?” I asked him when I was about to go outside his car.
Panandalian siyang nag-isip pagkatapos ay umiling dahilan para kumunot ang aking noo. “Your family might get mad at me when they see me,” nakangiting aniya.
Nakangiti man subalit bakas sa kaniyang mga mata ang lungkot. Lungkot sa hindi ko malamang dahilan. I just smiled at him before I replied.
“Hmm, sure ka na ayaw mo talaga?” Paniniguro ko sa kaniya.
“Yeah, kuntento na akong nakasama kita kahit saglit,” aniya.
Kumunot ang aking noo at tila may mga kabayong nagtakbuhan sa aking dibdib dahilan para muntik pa akong mawalan ng hininga.
“O-okay!” Tanging nasabi ko at agad na bumaba ng kotse.
Hindi ko na siya inantay pa na pagbuksan ako ng pinto ng kotse. Para ko na nga siyang ginawang driver tapos aantayin ko pa siya g pagsilbihan ako. Nakakahiya namna ‘yon.
Nang makababa ako ay akmang papasok na sana ako sa gate subalit bigla niynag binuksan ang bintana at nagsalita na siyang ikinagulat ko.
“Ikaw pa rin pala talaga ang Celine na minahal ko. Good night, baby doll.” Aniya at hindi na ako inantay pa na magsalita dahil bigla niyang pinaandar ang kaniyang kotse.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





