A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND
The Ambiguous Doctor

The Ambiguous Doctor (Chapter 4.2)

Tinutok ko na lang ang aking pokus sa paglalaro ng games sa cellphone ko. Wala pang oras na naglalaro ako ay nabaling ang aking paningin sa naglapag ng Pocari sa akin table. Agad kong tinignan kung sino ‘yon at nagulat nang malaman kong si Doc Emman pala ‘yon.

“Drink some Pocari and stay hydrated.” Aniya pagkatapos ay pumasok na sa pinaka-loob ng kanyang clinic.

Kagat-labi akong napangiti at pinakatitigan ng matagal ang Pocari na binigay sa akin ni Doc Emman. Agad kong pinicturan ng binigay sa akin na inumin ni Doc Emman at miny-day ‘yon sa aking instagram.

(Thank you, Doc!)

After posting it on my My day I suddenly remembered the money that I borrowed from Doc Emman. Dali dali akong kumatok sa kaniyang pintuan at binuksan ‘yon ng binigyan niya ako ng permisong pumasok sa loob.

“Doc, ‘yong hiniram ko po na pera sa mall no’ng nakara-“

Hindi ko na natapos pa ang dapat kong sasabihin nang biglang putulin ni Doc Emman ang sinasabi ko. “I’m not yet asking you to pay me.” Masungit na aniya.

Kanina lang binigyan niya ako ng Pocari tapos ngayon sinusungitan niya ako?! Madalas talaga ay hindi ko mahuli ang mood ni Doc Emman. Minsan mabait, madalas masungit. Paano ko siya mapapakitunguhan ng maayos gayong siya mismo ang gumagawa ng paraan para magkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan?

“Sa susunod na lang po siguro. Salamat, Doc.” I uttered then left him.

Inis akong umupo at pinakatitigan ang Pocari na binigay niya. Hindi ko alam kung iinumin ko ba ang binigay niyang ito o itatapon ko na lang sa basurahan. Naguguluhan ako sa pinapakitang ugali ni Doc Emman. Mabait, masungit, mapagbigay, maalalahanin, tapos ‘di kalaunan ay mag-susungit ulit.

Nang matapos ang shift ko ay agad akong nag-ayos ng table ko pagkatapos ay kumatok sa sliding door ng clinic ni Doc at binuksan ‘yon.

Abala siya sa kaniyang laptop nang pumasok ako. Siguro may mga importante siyang ginagawa kaya nakatuon ang pokus niya ro’n.

“Doc, mauuna na po ako. Salamat po!” I said rhen went outside his clinic.

Hindi ko na siya inantay pa na magslita dahi hanggang ngayon ay naguguluhan at hindi ko pa rin mahuli ang mood o ugali niya.

Pagkarating ko sa bahay ay agad sana akong sasalubungin ni Cyrille subalit hindi ko muna siya pinalapit sa akin dahil kailangan ko munang mag-linis ng katawan bago ako lumapit sa kaniya. Hindi ako nakapag-linis ng katawan kanina bago ako umalis dahil sinakop ni Doc Emman ang isip ko.

Umakyat muna ako sa kwarto ko at ginawa ang mga dapat kong gawin bago ako bumaba at hinalikan sa noo ang aking kapatid.

“Ate! Napakaganda ng napili mong susuotin ko!” Tuwang-tuwa na wika ni Cyrille.

“Mabuti at nagustuhan mo,” nakangiting sagot ko pagkatapos ay inilibot ang aking mg mata sa paligid.

“Si Manang Puring?” Takang tanong ko.

“Nasa kusina, Ate. Nagpe-prepara sila ng iba pa nating mga kasambahay para sa dinner natin.” Ani Cyrille.

Well, since wala naman sina Mommy at Daddy ay hinahayaan kong kumain ang mga kasambahay dito sa hapag. Sina Mommy lang naman ang maselan. Kung ako ang tatanungin ay mas gugustuhin kong makasabay ang mga kasambahay kaysa makita ko silang nakain sa kitchen.

Hindi ko kasi maatim na makita silang kumakain doon habang kami ay maayos ang lugar na kinakainan. Tao kami katulad nila kaya hangga’t maaari ay gusto kong i-trato sila gaya ng pag-trato nila sa aming pamilya.

Nang matapos kaming kumain ay agad kaming nagpasalamat sa mga kasmbahay maging kay Manang Puring. Nagpaalam naman na ako sa kanila at nagdesisyong umakyat sa second floor. Nagpaalam muna kami ni Cyrille sa isa’t-isa bago pumasok sa sarili naming mga kwarto.

Chincek ko ang phone ko subalit walang nag-notif bagay na ikinakataka ko. Ngunit nang i-check ko ang WiFi ko ay hindi pala iyon naka-connect sa WiFi namin kaya walang nagno-notif sa akin. Pagkabukas na pagkabukas ko ay nagsilabasan ang notifications ko ngunit mas tumuon ang paningin ko sa nagreply sa My Day ko. Walang iba kun’di si Doc Emman.

(I was about to give you something but you suddenly left. Are you still not feeling well?)


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Ambiguous Doctor (Chapter 4.2)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.