A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND
The Ambiguous Doctor

The Ambiguous Doctor (Chapter 7)

ANONG ORAS na subalit hindi pa rin ako makatulog dahil sa pag-amin ni Demion sa akin few hours ago.

Hindi ako makapaniwala! Gusto nga ba talaga ako ni Demion?!

I gently ruffled my hair then bit my lower lip. Hindi sa gusto ko rin siya pero, kaibigan siya ng taong mahal ko. Hindi lang basta kaibigan, kung tutuusin ay parang tunay pa nga silang magkapatid eh.

“You kept on moving, Celine. Magpatulog ka naman!” halatang naiinis na ani Lyka dahilan para humingi ako ng paumanhin.

Kanina pa kasi ako pabali-baliktad ng higa kaya siguro siya nagising. Nagdesisyon na lang ako na ibaling ang aking paningin sa kisame pagkatapos ay nagbilang na lang ng mga tupa hanggang sa tuluyan akong makatulog.

Kinaumagahan ay nagising ako nang yugyugin ako ni Stephanie. Papikit pikit akong sumilip habang nag-uunat pagkatapos ay nagsalita. “Anong oras na ba?” Inaantok pa’ng tanong ko.

“Madam, alas tres na po ng umaga. Alaahanin mo po, mayroon pa tayong aayusing mga kagamitan para sa medical mission mamaya.” Ani Stephanie dahilan para mapabalikwas ako ng bangon.

Halos lahat sila ay nakabihis na samantalang ako ay hindi pa nakakaligo’t nakakabihis. I immediately went to the comfort room and waited for a minute dahil may naliligo pa.

Pagkatapos ng isa sa mga assistant ng Doktor maligo ay sumunod ako. Agad kong hinanap ang button ng heater subalit gano’n na lang ang pagtampal ko sa aking noo nang maalala kong nasa probinsya pala kami dahilan para magtiis ako sa malamig na tubig.

Dali dali akong nagbuhos at tumili dahil sa lamig nang tuluyang dumampi ang tubig sa aking katawan.

Nang matapos ako ay agad akong nagbihis at naglagay ng powder at kaunting lip tint. Hindi naman ako sanay na naglalagay ng kolorete sa mukha kapag walang okasyon.

“Double time, Celine!” Aligagang turan ni Stephanie.

Nang matapos akong mag-ayos ay agad akong nagpabango pagkatapos ay sumunod sa kanila palabas ng kwarto namin.

“Anong oras ka ba nakatulog kagabi at late ka na nagising?” Tanong ni Stephanie.

Kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga gagamitin namin para mamaya. Inaayos ko ang mga first aid kit habang ang iba naman ay may kaniya kaniyang ginagawa na inuutos ng mga Doktor.

Abala ako sa pag-lalagay sa first aid kit ng mga kailangan sa loob no’n nang biglang lumakas ang bulungan ng lahat nang biglang dumating ang mga Doktor. Malakas ang hangin at unti-unti kong inangat ang aking ulo dahilan para magtama ang paningin namin ni Doc Emman.

Bumilis ang tibok ng puso ko na tila ba may mga kabayomg nagtatakbuhan sa loob at panandaliang natigil sa aking ginagawa. Natigil lang ako sa panonood ng kilos niya nang bigla akong yugyugin ni Lyka dahilan para bumalik ako sa reyalidad.

“Ayos ka lang?” Takang tanong nito na siyang ikina-lingon ko sa kaniya.

Bumuka nang panandalian ang aking labi at akmang magsasalita na sana subalit muli ko itong isinara dahil nawalan ako bigla nang sasabihin.

“A-ayos lang ako.” Utal na turan ko at muling ibinaling ang aking atensyon sa kit na inaayos ko.

Kibit balikat namang tinuloy ni Lyka ang ginagawa niya dahilan para hindi na niya ako muling kinamusta.

Nang matapos kami sa aming mga ginagawa ay agad kaming pumunta sa purok sampaguita upang masimulan na ang medical mission. May mga kasama kaming mga sundalo upang masiguro ang safety ng bawat isa.

Nadestino ako na i-check ang BMI ng mga tao at bigyan sila ng vitamins at tig-isang grocery bags pati bigas. Hindi naman mahirap ang trabaho ko unlike sa iba kong mga kasama na talagang aligaga bawat kilos dahil sa rami ng mga tao.

Natigil ako sa aking ginagawa nang biglang tumunog ang speaker at nag-announce si Stephanie.

“Pasensya na po sa ibang nag-aantay. Kailangan na po kumain ng mga Doktor at ibang mga staff. Babalik po kami mamayang 1:30 upang i-check kayo. Maraming salamat sa pang-unawa.”

Dinig ko ang bulungan ng mga tao. Mabuti na lang at walang nagreklamo at inintindi nila ang sitwasyon ng mga Doktor at ibang mga staff ng Ospital. May iba kasi na walang kunsiderasyon, kumbaga sarili lang nila ang iniisip nila.

Sabay kaming umupo ni Lyka sa loob ng tent at hindi napigilang huwag humugot ng isang malalim na hininga. Nakakapagod naman talaga. Kung napagod ako ay paniguradong mas napagod sila dahil palakad lakad sila.

“Nakakapagod!” Bulong na reklamo ni Lyka. “Pero masaya!” Dugtong niya.

Nakakapagod naman talaga pero on the other hand, napaka fulfilling. Fulfilling bilang aspirant Doctor. Maliban sa nakakatulong kami ay nagkaroon din kami ng oportunidad upang magbigay serbisyo sa mga taong nangangailangan-of course with the guidance of a license doctors and nurses.

Abala kami sa pag-uusap nina Lyka at Stephanie nang biglang may tumikhim sa aming likuran dahilan para makita namin si Demion.

Hindi magkaugaga si Stephanie nang makita niya ang amo niya at wala sa sariling tumayo upang bigyan ito ng upuan. Since ako ng nasa dulo ay nilagay niya ang silya sa aking tabi at maingat na inalalayan si Demion Sanchez.

“Thank you, Stephanie. But please stop being intimidated whenever I’m around.” Ani Demion.

Kita ko ang gulat sa mga mata ni Stephanie nang tawagin siya ni Demion sa kaniyang pangalan. Madalas kasi sa mga Doktor ay apelyido ang tawag sa aming mga secretaries nila. Well, mas maganda nga naman pakinggan dahil tunog propesyonal kapag gano’n.

“What are you doing here, Dem-I mean… Doc Demion?” Halos mautal na tanong ko.

Mas maganda na rin kasi siguro na hindi malaman ng kahit na sino ang tungkol sa pag-amin sa akin ni Demion. Kung maaari ay mas magandang maging professional kami lalo na’t oras ng trabaho.

“Mind if I join you, ladies?” Tanong niya sa amin subalit ang paningin ay nakapukol sa akin.

Dinig ko ang hiyawan ng ibang mga Doktor sa inakto ni Demion. Wala sa sarili akong napatingin sa gawi ni Doc Emman subalit ayon at abala siya sa pag-kain. Halatang walang pakialam sa paligid. May kung anong kirot akong naramdaman sa inakto niyang ‘yon. Kung sa bagay, ano nga ba ako sa kaniya? Ang kapal talaga nang mukha ko para paniwalain ang sarili ko na magbabago ang paningin niya sa ‘kin. Magbabago matapos ang nangyari sa pagitan naming dalawa.

“No! Please join us, Doc.” Nakangiting turan ni Lyka na halatang pinipigilan ang kilig.

Abala kaming apat sa pagku-kwentuhan nang biglang magsalita si Doc Emman sa aming likuran. Dinig ko ang sipol at hagikhikan ng mga kasama nilang Doktor. Agad hinanap ng aking paningin si Doc Kristine subalit kahit anong hanap ng mga mata ko sa kaniya ay hindi ko makita.

“Ms. Navarro, I’d like to talk to you outside,” aniya na siyang ikina-kunot ng aking noo, maging si Demion.

Subalit kung si Demion ay gano’n ang pag-kunot ng noo ay siya namang pang-aasar sa akin ng dalawa kong kaibigan. Iiling-iling akong ngumuso at inirapan silang dalawa pagkatapos ay lumabas ng tent.

Saktong pagkabukas ko ng nagsisilbing harang sa tent ay siyang pagtama ng aking mukha sa dibdib ng kung sino. Ngunit, nang i-angat ko ang ulo ko ay gano’n na lang ang gulat ko nang makita ko si Doc Emman! Nagtama nang panandalian ang aming mga mata subalit agad niyang inalis ang paningin niya sa ‘kin.

“S-sorry, D-doc Emman!” Halos nakapikit na paumanhin ko.

I heard him heaved a deep breath that made me slowly open my eyes, “Forgiven,” aniya.

Pinalobo ko ang aking bibig at takang tumingin sa kaniya bago ako nagsalita, “A-ano ho pala ang kailangan mo?” I asked while gently rubbing my nape.

Hindi agad siya nakapagsalita. Marahil ay nag-iisip ng sasabihin. Akmang magsasalita na sana ako subalit bigla niyang ibinuka ang kaniyang bibig dahilan para magsalita.

“Clean my car,” aniya.

Tumaas ang aking kanang kilay. Kung tutuusin ay hindi na ‘yon parte ng aking trabaho. Maliban do’n, may trabaho pa akong kailangang gawin mamaya.

“May gagawin pa ho kasi ako mamaya sa medical mission, Doc Emman.” Halos pabulong na turan ko pagkatapos ay naglakad paalis sa kaniya.

Buong akala ko ay hindi niya ako pipigilan. Ganu’n na lang ang gulat ko nang hawakan niya ako sa aking palapulsuan at niyakap ako nang mahigpit.

“I’m very territorial, Ms. Navarro. You’re mine, only mine.”

Oras ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa isip kong ang sinabi ni Doc Emman kani-kanina lang. Nanaginip lang ba ako kanina? Sobrang bilis nang tibok ng puso ko na animo’y may mga kabayong nagkakarerahan sa loob.

Natigil ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang biglang dumating sina Stephanie at Lyka. Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng tent. Alas-onse na ng gabi subalit abala pa rin ang iba naming mga kasamahan sa pag-aayos ng ibang mga kagamitan.

“Girl, chika mo naman kung anong napag-usapan niyo ni Doc Emman.” Ani Steph

“Oo nga, chika mo naman! Unfair kapag hindi namin nalaman,” nakangusong dagdag ni Lyka.

Bahagya akong napa-ngiti at humugot ng isang malalim na hininga bago nagsalita. “M-may pinaayos lang sa sched niya.” Pagsisinungaling ko habang hindi sila tinitignan sa kanilang mga mata.

Well, hindi naman sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan pero mas mabuti nang ako at si Doc Emman lang ang nakakaalam tungkol sa sinabi niya kanina lang. Mahirap umasa, marahil ay may nakapagpa-trigger lang sa kaniya kaya niya nasabi ang mga salitang ‘yon.

“Hmmm, is that so? Anyway, do you guys have any plans for tomorrow?” Pag-iiba ni Lyka nang usapan.

Agad namang nagsalita si Stephanie dahilan para mag-usap silang dalawa. Ako naman ay inabala ang aking sarili sa cellphone at naglaro na lang ng iba’t ibang games na dinownload ko.

Madaling araw na nang matapos kaming lahat sa kanina’y ginagawa namin. Nakakapagod, oo, pero tanggal lahat ng iyon lalo na t’wing nakikita namin ang mga ngiti sa labi ng mga tao. Tulog na halos lahat samantalang ako ay kasalukuyang nakatingin sa kawalan.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko agad napansin ang tawag ni Doc Emman. Pangatlong ring na no’ng makita at marinig ko ang tawag niya sa aking cellphone.

“H-hello, Doc?” Aligagang turan ko.

“I’m outside your room. Don’t keep me waiting,” aniya.

Agad akong napabalikwas ng bangon nang malaman kong nasa labas siya ng tinutuluyan naming mga assistant. Ni hindi ko nga napansin kung may muta ba ako o dumi sa mukha.

Nang makarating ako sa harap ng pintuan ay agad akong huminga nang malalim bago ‘yon binuksan.

“It’s been 20 seconds since I called you. Hmm, not bad. Follow me.” He uttered while his fingers are busy playing on his chin.

Agad siyang tumalikod at mabilis na naglakad palayo habang ako naman ay nagmadali ring sumunod sa kaniya.

Maski ako ay hindi alam kung ano ba ang plano ng lalaking ‘to. Sa kabilang banda ay hindi ko alam kung bakit may sumibol na saya sa aking dibdib iniisip ko pa lang na makakasama ko siya.

“Saan ho ang punta natin, Doc?” Tanong ko.

Ngunit imbis na sumagot siya ay pinagpatuloy niya ang kaniyang mabilis na paglalakad. Hindi na lang ulit ako nagsalita at sumunod sa kaniya. Nang mapagtanto kong sa paradahan ng kotse ang punta namin ay agad na umangat ang aking kanang kilay.

“Teka nga, Doc! Saan ho ba talaga ang punta natin?” Naiiritang tanong ko.

Hindi siya umimik agad at tinignan muna ako nang matagal bago muling nagsalita, “Hop in.” Aniya.

Instead of talking, I just remained quiet and freely followed his instructions. Wala namang mangyayari kung makikipag-usap o ‘di kaya’y makikipag-sagutan ako sa kaniya.

Nang makasakay kami sa sasakyan ay agad niya itong pinaandar. Hindi ako nagsalita at itinuon na lang ang pansin sa daan. Naiinis ako, ganito naman siya eh. Ginagawang aso ang mga tao sa paligid niya na kailangan laging sumusunod sa kaniya. Kung tutuusin dapat ay sanay na ako. Subalit bakit may kirot sa puso ko t’wing tina-trato niya ako ng ganito?

Natigil ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang bigla siyang magsalita. “We’re going to Amanpulo.”

Agad na nanlaki ang aking mga mata nang sabihin niya kung saan ang punta namin. Kahit sino naman talaga ay magugulat. Napakalayo ng Amanpulo sa Nueva Ecija!

“A-ano?!” Gulat na sigaw ko.

“Do I really need to repeat what I’ve said, woman?!” Iritadong tanong niya.

“Napakalayo no’n dito, Doc!” Iritado ko ri’ng sigaw pabalik sa kaniya.

Buong akala ko ay magsasalita siya subalit gano’n na lang ang iritang mas lumukob sa aking katawan nang manatili siyang tahimik. Walang ni isang salitang lumabas sa kaniyang bibig at mas itinuon ang atensyon sa daan.

Hindi na lang rin ako nagsalita. Ilang segundo ang lumipas ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako nang maramdaman kong may yumugyog sa ‘kin dahilan para imulat ko ang aking mga mata. “We are at the airport. Go fix yourself.” Aniya.

Hindi rin ako umimik sa kaniya. Nagtataka man kung kanino niya iiwanan ang kotse niya ay hindi na ako nag-abalang magtanong pa. Sobrang naiinis ako. Wala akong kahit anong gamit na dala dahil naiwan ko sa Nueva Ecija lahat nang ‘yon.

“Paano ko maaayos ang sarili ko kung wala naman akong kahit anong dala na gamit? Shunga lang?” Iritadong bulong ko sa hangin.

“What are you mumbling?” Aniya.

“Wala!” Inis na sigaw ko sa kaniya.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Ambiguous Doctor (Chapter 7)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.