“SI ENGINEER,” bulong ni Pam sa akin nang mamataan si Eng. Contreras na parating sa counter.
“One cappuccino, please.”
Ngumiti si Engineer Contreras ng napakagandang ngiti na parating nagpapahinto sa mundo ni Maya. Isang napakagandang ngiti na lalong nagpataranta sa kanya at mabuti na lang ay naroon si Pam para ito na ang kumuha sa order nito.
“One cappuccino coming up, sir,” sagot ni Pam. Namula ang mukha ni Maya pagkatapos no’n. Hinila niya Pam palayo sa counter, palayo kay Engr. Contreras.
“Ilang daang taon mo na nga bang pinagpapantasya ‘yang si Engineer?”
Natawa si Maya sa tanong ng kaibigan. Simula kasi nang magtrabaho sila sa coffee shop na iyon anim na taon na ang nakararaan ay ganoon na ang epekto ni Engr. Contreras sa kanya. Sa tuwing nakikita niya ito ay literal na nawawala siya sa sarili. Kahit araw-araw niya itong nakikita kapag nagde-deliver siya ng kape sa opisina nito tuwing umaga, kahit isang simpleng ‘hi’ o ‘hello’ ay hindi niya masabi.
“Hanggang kailan ka nga ba maglalaway diyan kay Engineer?”
Nagkibit-balikat lang siya habang nakatingin pa rin sa binata. Nakuha na ni Benjamin ang order nito at naupo sa mesa na malapit sa kanila. May kausap ito sa cellphone nito, na hindi na bago sa kanila.
“Hindi ka man lang ba gagawa ng paraan?”
“Sa tingin ko naman hindi ako papansinin niyan.”
“Bakit naman hindi?”
“Siya lang naman ang may-ari ng buong building na ito, at isang hamak na staff lang ako sa coffee shop. Totoo’ng buhay ito Pamela, hindi telenobela.”
At ayaw man niyang isipin, alam naman niya na walang kahihinatnan ang pagtingin niyang iyon kay Contreras. Okay na siya na makita ito araw-araw at madalhan ng kape. Dahil kahit saa’ng anggulo niya tingnan, imposible na magkaroon ng pagtingin ang isang tulad nito sa isang tulad niya. Kumbaga sa Math, cannot be. Dahil ngayon pa lang, puro kahihiyan na ang napapala niya rito.
Katulad na lamang noong isang raw, nadatnan niya ito na abala sa pakikipagtalo sa kausap nito sa telepono. Naka-light blue itong long sleeves at puti’ng necktie. Nakatayo ito, hawak sa isang kamay ang handset ng telepono habang nagta-type sa laptop ang kabila. Inilapag niya ang espresso at chocolate cake sa ibabaw ng mesa habang tuloy lamang si Engr. Contreras sa pakikipagdiskusyon sa kausap tungkol sa kung ano ay hindi niya maintindihan. Maganda ang malalim nitong boses and she had the chance to stare at his perfect profile. He has the most captivating smile, a drop dead gorgeous body every girl would die for and enticing eyes that always leave her breathless.
Ilang minuto pa ang itinagal ng pakikipag-usap nito sa telepono at ilang minuto rin na nanatili si Maya sa harap nito, nakatayo, nakatitig. Kahit ano’ng gawin niyang pigil sa kanyang sarili na hindi niya ito titigan ay hindi niya magawa.
“What are you doing here?” bigla nitong tanong nang mapansing hindi pa rin ako umaalis sa pagkakatayo roon.
“Uh…”
“Uh?” Tanong ni Benjamin na hinintay ang susunod niyang sasabihin. Tumayo ito at may kinuhang folder sa cabinet. Mabilis din itong naupo at tumingin kay Maya. “What are you staring at?” kunut-noo nitong tanong nang mapansing nakatingin pa rin siya rito at hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan.
Hindi na namalayan ni Maya na matagal na pala siyang nakatayo roon na parang tanga. Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng opisina ng binata. Mula sa 49th floor ng The Forum ay nakapikit lamang siya sa loob ng elevator. Because if there’s one thing that she hated the most, iyon ay ang pagsakay sa elevator. Pero kahit ano’ng hilo ang abutin niya sa araw-araw, ayos lang. Para kay Benjamin, kahit ilang palapag, kahit hanggang langit, susuungin niya madalhan lang niya ito ng kape tuwing umaga. Kahit pa madalas siya nitong supladuhan at simangutan, ayos lang sa kanya. Kahit pa nga minsan ay nagmumukha na siyang tanga sa harap nito, ayos lang. Para kay Engr. Benjamin Contreras III, ayos lang.
~~
HINDI napigilan ni Pam ang tawa nang maikuwento ni Maya rito ang nangyari kanina sa opisina ni Engr. Congreras. Sumunod siya kay Pam papasok sa apartment niya, 45 minutes away from the coffee shop. Noon pa niya niyayaya ang kaibigan na doon na rin tumuloy tutal madalas rin naman itong matulog doon pero hindi pa raw ito handang maging housemate niya dahil sigurado raw na hindi sila magkakasundo sa mga gawaing-bahay. Inilapag niya ang take-out nilang fast food sa dinner table at sabay na silang nagsimulang kumain.
“Ngayon naman siguro, napansin ka na niya.”
Tumango si Maya. “First time in 48 years na kinausap niya ako, Pam at tapos gano’n pa ang nangyari?”
Muli, tumawa ng malakas si Pam. “You made an impression, iyon ang mahalaga.”
“A very bad impression nga lang.”
“Ano ba talaga kasi ang balak mo doon kay Benjamin?”
“Wala.”
“Ano ‘yon, forever mo na lang siyang dadalhan ng kape at tititigan hanggang sa matunaw? Hindi ka man lang ba magpapakilala para naman malaman niya kung gaano mo siya sinasamba?”
“Ha, ha, ha. Pam, nakakatawa.”
“Oh bakit, hindi ba totoo? Kulang na lang, alayan mo siya ng Sampaguita at dasalan.”
“OA naman!”
“Eh ano ba naman kasi ang gusto mong mangyari? Habang-buhay ka na lang ganyan na tinatanaw siya na parang tanga?”
“Pamela, humahanga lang ako sa tao at wala akong anupamang balak na magpapansin. At isa pa, alam nating lahat kung gaano ka-babaero ‘yung Contreras na ‘yon, hindi ba? Naku, sasakit lang ang ulo ko.”
Common knowledge sa buong building ang pagiging babaero ni Engr. Contreras. Sa tingin naman ni Maya, may karapatan naman itong maging babaero. Benjamin is gorgeous. Really gorgeous. And rich. Filthy rich, actually.
“Kung tinatapos mo ba naman ‘yang course mo, eh di sana, doon ka na nagtatrabaho sa Contreras-Contreras, at ka-trabaho mo na sana ‘yong si Engineer, nang hindi ka na ganyan na hanggang tingin na lang.”
Malakas na tawa ang itinugon ni Maya. “At pagkatapos, ano? Maging isa sa mga girlfriends niya? Huwag na lang!”
“Bakit nga ba ayaw mo pang tapusin ‘yung Interior Design course mo?”
Nagkibit-balikat si Maya dahil kahit sa sarili niya ay hindi niya alam kung bakit. “Change topic, please.”
“Fine,” iiling-iling na tugon ng kaibigan. “Oh well, nakita ko si Emman noong isang araw. Miss ka na raw niya.”
Si Emman. Kaklase nila ito ni Pam noong high school. Close friends sila pero nag-migrate ang pamilya nito sa Canada noong college kaya hindi na sila nagkita uli, hanggang nitong taon nang magdesisyon ito na bumalik sa Pilipinas para magtrabaho bilang nurse sa isang private hospital.
“Nanliligaw na ba?”
“Ano?” natatawa niyang tanong.
“Maya, obvious naman na matagal ka nang gusto ‘nung tao.”
“Pam, magkakaibigan tayo, ano ka ba?”
“Sa tingin mo, bakit bumalik ‘yon at dito pinili na magtrabaho? Mas hamak namang malaki ang sweldo niya doon sa Canada kaysa dito sa Pilipinas. Mas gusto niya rito dahil narito ka,” sagot ni Pam sa sariling tanong. “Ayaw mo ba sa kanya?”
“Magkaibigan lang kasi talaga kami. Masyado mo lang binibigyan ng kulay ang mga bagay-bagay.”
“’Yan nga ba talaga ang dahilan?” kunut-noo nitong tanong. “Baka naman si Benjamin ang dahilan kaya hanggang ngayon, hindi ka pa nagbo-boyfriend.”
Matamis na ngiti ang itinugon ni Maya, at alam ni Pam ang ibig sabihin noon. Tumayo ito at nagtuluy-tuloy sa lababo.
“Oy, sinasabi ko sa iyo Maya, kung naghihintay ka ng isang tulad ni Benjamin na darating sa buhay mo, kalimutan mo na. Suntok ‘yon sa buwan, tatanda ka nang nag-iisa, sinasabi ko sa’yo.”
Alam naman ‘yon ni Maya. Suntok talaga iyon sa buwan at hindi naman siya umaasa kahit na katiting na tingin man lamang mula kay Benjamin. Oo nga’t sobra niya itong hinahangaan pero hindi ibig sabihin ay in love na siya rito. Ang totoo, hindi niya gusto ang mga mayayamang babaero at si Engr. Contreras ay isa lang naman sa magagaling at mayayamang babaero na kakilala niya.
“Oh baka naman dahil pa rin iyan kay Noel?” Pagkatapos maghugas ng pinggan ay muling lumapit sa kanya si Pam doon sa mesa.
“Sino?” Muntik nang mahulog ni Maya ang hawak na baso nang sabihin iyon ni Pam.
“Si Noel.”
“At bakit naman nasama ‘yon sa usapan?” taka niyang tanong.
“Maya, kahit hindi mo sabihin, alam ko na minsan, iniisip mo pa rin si Noel at iniisip mo pa rin kung magkikita uli kayo ni Noel.”
“Pam naman, panahon pa ng Kastila ‘yon, ano ka ba naman?” Tumayo siya at nagpunta sa sala. Alam ni Pam ang lahat ng tungkol sa yugtong iyon ng kanyang buhay at saksi ito sa saya at lungkot ng nakaraan niya, maging ang mga kabaliwan niya dahil doon.
“Sus, kahit ba panahon pa ng mga dinosaurs ‘yun, eh.”
“Evangelista, umamin ka nga, hanggang ngayon ba, si Noel pa rin ang nandiyan sa lintik na puso mo?”
Pinagtawanan lang iyon ni Maya at tumalikod kay Pam. “Puwede ba, nakabaon na sa limot ‘yon.”
“Good. Dahil ako na mismo ang mag-uuntog ng ulo mo sa pader kapag sinabi mo sa akin na hindi mo pa rin iyon nakakalimutan.”
Sobrang kabaliwan na nga siguro kung hindi pa rin nakakalimutan ni Maya ang tungkol kay Noel hanggang ngayon. Maraming taon na niya itong pilit kinalimutan pero ang totoo, alam niyang lolokohin lang niya ang kanyang sarili kung sasabihin niya na tuluyan na nga niya itong nakalimutan.
~~
“MARE, gutom lang iyan,” sabi ni Pam sa kanya matapos niyang sabihin na nakita niya si Contreras na nakatingin sa direksiyon nila. Magsisimula pa lamang ang shift nila nang araw na iyon, katatapos lamang um-order ni Benjamin ng parati nitong ino-order, at kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo sa hindi kalayuan.
“Ito naman, hayaan mo na ako, ito na nga lang ang kaligayahan ko sa buhay, eh.”
“Baka lang kasi nagtataka na ‘yung tao kung bakit ka tingin nang tingin. Hindi naman siguro ‘yan manhid para hindi mapansin ‘yang kakatitig mo. Baka mamaya, ipahuli ka niyan sa pulis, sige ka.”
“Tumitingin lang naman, masama ba siyang tingnan?” sabi ni Maya. “Hay, sana ako na lang ‘yung cellphone niya para lagi niya akong kausap…” sabi pa niya na tila ba nangangarap habang nakapalumbaba na nakatingin kay Benjamin. “…sana ako na lang ‘yung diyaryo para lagi niya akong tinitingnan…sana ako na lang ‘yung tasa para lagi niya akong kini-kiss…”
“Hay naku, Maya. Sana tigil-tigilan mo na ‘yang mga kalokohan mo para makapag-trabaho na tayo nang maayos.”
Sinundan ni Maya ang kaibigan hanggang doon sa labas ng coffee shop para magpunas at maglinis ng mga mesa roon. “Siya nga pala, tinawagan ko na si Ate Josie para sa reservation sa lodge.”
Nakasanayan na nilang dalawa ni Pam na umakyat ng Baguio isang beses isang taon. Minsan, isang linggo sila roon, minsan, tatlong araw. Basta hindi nila pinalalampas ang isang taon nang hindi nila nabubulabog ang mga paru-paro sa Butterfly Farm sa Camp John Hay.
“Uy ha, hindi pa ako sigurado. Baka kasi dumating si Henry.”
Ah, si Henry, the love of Pam’s life. Account executive ito na nakadestino sa Boston. Suwerte na ‘yong dalawang beses sa isang taon na makapagbakasyon si Henry sa Pilipinas kaya naman wala nang counter-argument si Maya kapag si Henry na ang usapan dahil alam niya kung gaano iyon ka-importante kay Pam. Hindi rin alam ni Maya pero kahit pa mali, wala siyang magawa kundi suportahan si Pam sa sitwasyon nito. Alam kasi niya kung gaano nito kamahal si Henry, kahit pa nga may iba na itong pamilya sa Boston.
Kaya nga ba takot siyang magmahal. Dahil alam niya sa sarili niya na pareho lang sila ni Pam pagdating sa ganoong bagay. Pareho silang tanga at walang pakialam kapag nagmahal. Pero kung mayroon mang isang lalaki na muling magpapatibok sa puso ni Maya, si Engr. Benjamin Contreras III ‘yon at wala nang iba. Pero alam rin naman niya na abot hanggang langit na pangarap lang iyon at wala iyo’ng patutunguhan.
~~
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






3 Responses
Antanga lang tragis kung aq kay Maya pinaltukan q ngalangala ni Pam hahaha okay lang maging tanga sa taong walang sabit jusme hahaha
Gravity sa tanga Hahaha
Trulalala haha tibay amf