Sinabi ni Clarabelle sa kanyang sarili na hindi siya magmamadaling makahanap ng pag-ibig. She’ll just let the love find her. At kapag natagpuan na niya iyon ay hindi na niya pakakawalan pa ito.
Kaya naman nang makilala niya si Bodhi ay literal niya itong sinunggaban at hindi nagdalawang-isip na bigyan ang binata ng isang makapigil-hiningang halik. She literally felt love-at-first-sight on him since day one.
But Bodhi didn’t like her. Natatakot daw ito sa kanya sa kadahilanang hindi niya alam. Pero hindi iyon naging sagabal sa kanya upang patunayang sobrang inlove siya kay Bodhi. Literal siyang umakyat ng ligaw sa pamamahay nito.
Ngunit, nabawasan ang kanyang pinanghahawakang lakas ng loob nang makilala niya ang fianceè ng binata. Para silang langis at tubig kung ipagkokompara. Sa lahat ng aspeto ay mas nakaaangat sa kanya si Grasia.
Aabot kaya siya sa puntong maging isang kontrabida para lang makuha si Bodhi? O mas tamang tumigil na lamang siya dahil lantaran na rin namang inamin ng binata na hinding-hindi siya nito magugustuhan, maghubad pa siya sa harapan nito.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






4 Responses
Sana mabasa ko ito…Sana maganda Ang story nito
Thank you po
Sana mabasa ko ito
Wehhhh gawin nga maghubad ka sa harap niya hahaha pag di ka tinuklaw edi hindi hahahaha sabik na ko mabasa ka hahahaha