KINABUKASAN ay maaga ngang gumising at naghanda si Raffa para sa araw na iyon. Kagabi bago matulog ay naghanap siya ng damit na susuotin kinabukasan.
Ngunit wala siyang nakitang matinong damit doon dahil panay pambahay at mga sexy na damit niya ang isinaksak ng ina sa maletang pinaglagyan nito ng mga gamit niya. She decided to go to her parent’s old closet. Sa tingin niya ay may makikita siyang mga damit ng ina na maari niyang masuot sa bukid.
Sa pangangalkal niya ay hindi naman siya nabigo. She found her mother’s old homburg hat and brown leather buckle boots. Para naman sa kanyang damit ay nakahanap siya ng isang creamy white polo na long sleeve. Nakakita rin siya ng isang grayish pants na sumakto rin sa hubog ng kanyang bewang at mga hita. Kung sa bagay ay hindi naman kasi sila nagkakalayo ng ina pagdating sa pangangatawan. Kapwa sila may balingkinitan na pangangatawan.
Isinuot niya ang lahat ng kanyang nakita sa wardrobe ni Doña Victorina at ang outcome ay nagmukha siyang sinaunang magsasaka. Kahit ganoon ay okay na rin sa kanya iyon dahil ang importante lang naman sa kanya ay ang hindi mapaso sa init ng araw.
Hindi rin kinalimutan ni Raffa ang magpahid ng lotion na poprotekta sa kanyang balat na masunog. Ang suot naman niyang long sleeve ay kanya munang itinupi hanggang siko. Ibababa na lang niya iyon mamaya kapag tumirik na ang araw.
Humarap siya sa malaking salamin at napakagat sa ibabang bahagi ng labi.
‘There is something missing…’ aniya nang maobserbahan ang sarili.
Nagliwanag ang kanyang isipan nang mapagtanto ang nawawala. Muli niyang binalikan ang drawer ng doña saka naghalungkat. At nang makita ang one inch size na black leather belt.
“There!” she said.
At dahil basa pa ang kanyang buhok at wala nang oras para i-blower ay hinayaan na lamang niya ang buhok na nakalugay.
Kinuha na lamang din niya ang malapad na panyo na nakita sa isa sa mga drawer ng kanyang ina at tinupi iyon upang gawing head band sa ulo. Isa pang ikinatuwa ni Raffa sa mga damit ng kanyang ay hindi amoy cabinet ang mga iyon. Halatang alaga ang mga gamit doon ng kanyang ina kahit wala ito roon.
Nang matapos sa pag-aayos ay lumabas na si Raffa. Naabutan niyang naghahain na si Nanang Milgaring sa mesa. Hinanap ng kanyang mga mata ang kadalasang kinakain sa almusal at nagtataka siyang tumingin dito. Tanging fried rice, dried fish na kung tama siya sa pagkakaalala sa tawag niyon sa tagalog ay tuyo, fried eggs, steamed eggplant and okra, chopped fresh tomatoes and onions, at longganisa. Tinitigan niya ang longganisa dahil nagmamantika pa iyon.
“Nanang, do we no longer have cereal?” she asked while settling herself in her seat.
“Pasensya ka na, señorita. Nakalimutan kong bumili sa bayan nang nagtungo ako roon no’ng Lunes.”
Nang sandaling iyon ay narinig niya ang mga yabag na si Candy ang may gawa. Nakauniporme na ito at handa nang pumasok. Gaya niya ay umupo ito sa upuang katabi niya.
Masaya siyang binati nito ng good morning saka ibinaling ang tingin sa hapag.
“Wow! Ang sarap naman po ng almusal natin. May nilagang talong at okra!” Her eyes were sparkling.
Napatitig siya rito. Pinigil niya ang magkomento. Masarap ba ang okra at talong nang walang ibang pampalasa? Para yata sa kanya ay may mga sakit lang ang kakain ng ganoon.
“Eh, pancakes at bacon po, nanang? Wala na rin po ba?” she asked again.
Nanang Milgaring was about to answer when Ramiro entered. “Pasensya na, señorita. Pero kung ano lang ang nasa hapag ay iyon lamang ang maari mong kainin. Nasisiguro ko namang masarap at masustansyang lahat ang pagkaing nakikita mo ngayon.”
Pakiramdam ni Raffa ay agad na nagbago ang timpla ng mood niya nang makita ang mukha ni Ramiro na seryoso sabayan pa ng malamig nitong tinig.
Umalis naman si Nanang Milgaring na may kukunin pang pagkain sa kusina upang ihain. Sa pagkakataong iyon ay umasa siyang toast bread ang ihahain ng matanda para sa kanya since wala ang mga nauna niyang hinanap.
“Alam ni Nanang Milagring na hindi ako kumakain ng rice sa umaga,” she seriously snapped out at him.
Samantalang si Candy naman ay tahimik nang sumasandok ng sariling pagkain. Pagkatapos ng makakuha ng fried rice ay dumampot naman ito ng okra at talong.
Halos mahulog naman siya sa kinauupuan nang makita ang dala-dala ng matanda. It was a leafy vegetable also cooked as steam like eggplant and okra. On the other hand, Nanang Milagring’s hand was a bowl that she had no idea what it was.
Again, her gaze involuntarily landed on Ramiro. Nasa mukha nito ang katuwaan nang makitang dismayado siya nang sobra sa inihain sa hapag nang umagang iyon. And that makes her blood start to boil.
Hindi niya pinansin ang nakakainis na reaksyon ni Ramiro at sa halip ay usisa ni Raffa na ang tinutukoy ay ang nilalaman ng mangkok na dala nito. “Nanang, what’s that?”
Nang ilapag ng matanda iyon sa mesa ay nakita niya ang kulay grayish na sarsa. Nakikita rin niya ang maliliit na isdang nakahalo roon. Kaagad siya napahawak sa sariling ilong nang bigla na lamang niyang malanghap ang malangsang amoy niyon. Babaliktad pa yata ang kanyang sikmura dahil doon.
“Bagoong isda iyan, señorita. Mahilig ang doña sa bagoong isda na may kalamansi lalo na kung may nilagang okra, talong at talbos ng kamote,” nakangiting salaysay nito.
She contorted on what Nanang Milagring said. Kahit pa may pinigang kalamansi ang bagoong ay nangingibabaw pa rin para sa kanya ang malansang amoy nito.
Bahagya siyang namangha sa narinig. Kaya pala puro steam ang gulay sa kanyang harapan ay dahil ang bagoong ang magsisilbing pampalasa ng mga ito.
Napangiwi siya. She couldn’t imagine how it would taste. Malangsa at mabaho na hindi niya mawari kung ano ang eksaktong salita na akma para doon.
“Eh, nanang… “Why does it smell like that? Hilaw ba talaga dapat kainin ’yan?”
“Wala naman ’yang pinagkaiba sa sashimi at ceviche na kinakain ng mga kagaya mo, señorita. Kaya tikman mo rin,” sabad muli ni Ramiro.
Her right eyebrow went up. “Ayoko nga. Kahit naman hilaw ang sashimi at ceviche, wala naman silang malansang amoy,” mataray niyang tugon dito at muli niyang binalingan si Nanang Milagring. “Nanang, kahit toasted bread na lang po sana ang mayroon ka d’yan—”
“Señorita, ang mga pagkaing hinahanap mo ay hindi magtatagal sa bituka mo,” muling singit ni Ramiro.
Sa muling pagsabad ni Ramiro sa kanya ay mas lalong tumaas ang pagkulo ng kanyang dugo. Hindi ba nito kayang manahimik muna at huwag kontrahin ang gusto niya?
“Oo nga, ate. Minsan din akong kumain ng tinapay at gatas bago pumasok sa school pero nagutom agad ako,” sabad naman ni Candy.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Candy at itinuon ang buong atensyon kay Ramiro.
“Pati pa ba naman sa pagkaing gusto kong kainin, pagbabawalan mo ako? Baka nakakalimutan mo—”
“Oo, señorita. Hindi ko nakakalimutang ikaw ang amo rito at ako ang tauhan mo pero hindi ikaw ang nagpapasweldo sa akin dito.”
Natameme siya roon. Saan kaya nakakakuha ang lalaking ito ng tibay at tapang para sabihan siya ng ganoon? Eh, ano kung hindi siya ang nagpapasahod dito?
Kaya dahil sa mataas ang pride ni Raffa at sabayan pang wala siyang maibalik na sagot kay Ramiro ay napatayo siya mula sa kanyang kinauupuan. “I’d rather choose to starve than eat that disgusting raw fish.”
Ramdam niya ang pag-aalala sa mukha ni Nanang Milagring maging si Candy ay natulala na rin sa kanyang inasal. Ngunit magkagayunpama’y hindi naalis ang kanyang masamang titig kay Ramiro na ngayon ay naaaliw sa nangyayari.
“Pasensya na, señorita.” Si Nanang Milagring. “Hayaan mo’t mamaya ay magtutungo ako ng bayan upang bilhin ang mga pagkaing gusto mo para bukas sa almusal.”
“Nanang, may naisip ako.” Tuwid pa ring sabi ni Ramiro habang nakatingin pa rin sa kanya. “Bakit kaya hindi na lang mismo si Señorita Raffa ang mamili sa bayan ng kanyang mga kakainin sa araw-araw at ang siya na ring magluluto ng kanyang pagkain? Nang sa gayun ay maranasan naman niya ang asikasuhin ang kakainin sa araw-araw.”
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabing iyon ni Ramiro. “What did you say? Ako? Papupuntahin mo ng bayan at paglulutuin? Are you nuts, moron? Kaya nga may mga tauhan ang farm na ’to, ’di ba? Like you, that’s why you’re still here. To obey what I want you to do is the same as Nanang Milagring. Right, nanang?”
“Siya nga, hijo. Trabaho ko naman iyon kaya marapat lang na gawin ko,” may pag-aalalang saad naman ng matanda.
Mas lalong sumulak ang dugo niya sa sinabi ng binata. ‘Ako? Magluluto?’
“Kakausapin ko si Doña Victorina mamaya, nanang,” muling saad ni Ramiro saka sinimulang higupin kapeng itinimpla ng matanda kanina para dito. “Sigurado akong hindi tututol ang doña sa naisip ko para sa kanyang unica hija. Alam naman natin pare-pareho kung bakit nandito si Señorita Raffa, nanang.”
Mas lalong siyang nanlisik sa binata. Sumusobra talaga ito. Isa ring nakakapagpairita sa kanya ay ang pagiging kampante nito sa sitwasyon nila ngayon.
“Fine! But bare this to your fcking mind, you ugly fatty son of btch! Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapapasunod mo ako. Idiot!”
Pagkasabi niyon ay padabog siyang lumabas ng bahay. Sa inis niya ay nakarating sa likod ng bahay. Humantong siya sa kuwadra ng kabayong nakita niyang sinasakyan ni Ramiro kahapon.
Raffa just realized now that it’s actually better to look at this horse up close. Napakakintab ng balat nito na kasing itim ng dilim sa gabi. Kagaya niya ay nakatitig din ito sa kanya na para bang nais siyang kausapin. Sa sandaling iyon ay nagbalik sa kanyang alaala ang mga panahong sumasakay pa siya sa kabayo sa tuwing magbabakasyon silang buong mag-anak sa kanilang farm. And that was long ago. She couldn’t barely know if she still knew how to ride on a horse. Nang mga sandali ring iyon bahagyang nabawasan ang inis na kanyang nararamdaman.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





2 Responses
Hahaha parusa yan sayo bebegurl bawal maarte pag sa farm nagwowork lalo nakakapagod ang trabaho na yun natakam nga q sa lahat ng pagkain na nakahain sa hapag niyo jusko maya maghanap aq niyan yan ulamin q bwahahaha
Ako rin te, eh. Malangsa raw🤣 grabe sa kaartehan si raffa🤣