ANG pagbuntong hininga at pagpalatak ni Nanang Milagring ang sumunod na narinig ni Ramiro pagkatapos matunghayan ang padabog na paglabas ni Raffa ng dining area.
Kapwa niya tiningnan sina Candy at Nanang Milagring na may pareho ring pag-aalala sa mga mukha.
“Sige na. Kumain ka na. Huwag mong intindihin ’yon,” puna naman niya kay Candy na sandaling tila naging atubili kung susundin ba siya o hindi. Ngunit ang una, ang ginawa nito.
Samantalang siya ay muling hinarap ang sariling kape. Masaya at kampante siyang itinuloy ang pagkakape nang mga sandaling iyon. Sobra siyang natutuwa sa tuwing nakikitang nananalo siya sa bawat mga argumento nila ng dalaga.
“Nakita mo na ang ginawa mo, Ramiro?” untag ni Nanang Milagring sa kanya na marahil ay hindi na talaga nakatiis.
“Ang alin po?” patay malisya naman niyang tanong habang sumasandok na rin ng sinangag para sa sariling plato. Si Candy rin ay napasulyap sa kanyang gawi nang muling magsalita ang matanda.
Napailing si Nanang Milgaring. “At talagang nagpapatay malisya ka pa talagang bata ka, ha. Ewan ko ba naman din kasi kung bakit pumayag ako sa kagustuhan mong huwag paglutuan ang señorita ng mga pagkaing nakagawian niya nang kainin sa umaga kahit na nga ba ang totoo’y marami siyang mapagpipilian dito na klase ng mga almusal na nais niya. Nakita mo nga’t basta na lamang umalis nang hindi man lang nasasayaran ng pagkain ang bituka. Naku, siguradong gugutumin agad ’yon mamaya.”
Ngumiti siya rito. “Mas mainam nga ho iyon. Nang maranasan niya ang magtrabaho sa bukid nang gutom. Isa pa ho, marami siyang pagkain puwedeng kainin. Siya lang itong masyadong maarte.”
“Pero, kahit na. Eh, paano kung sumakit ang tiyan niya sa gutom?”
“Kasalanan na niya iyon, nang. May mga pagkain naman dito pero siya itong nagpapakita ng sobrang kagaspangan ng pag-uugali. Hindi ko gusto ang mga inaasta niya mula nang dumating dito ’yan.”
“Hijo… baka nakakalimutan mong si Señorita Raffa pa rin ang pinag-uusapan natin dito.” Nang sulyapan niya ang matanda’y puno ito ng pag-aalala.
“Tama po kayo. Si Señorita Raffa pa rin ang pinag-uusapan natin pero ipapaalala ko lang din ho, nanang. Si Doña Victorina rin mismo ang nagbigay sa ’kin ng pahintulot para disiplinahin ang anak niya. Masyado nang mataas ang ere ng babaeng ’yon. Saka isa pa, hindi ko gusto ang tingin niya sa atin.” Nag-igting ang kanyang mga panga sa pagkakaalala sa bagay na iyon.
“Oh, bakit? Hindi nga ba tayo mga tauhan lamang dito sa Hacienda Margarita?” Mahinang tumikhim si Nanang Milgaring nang mapansin ang bahagyang pagdidilim ng kanyang anyo. “Ramiro… mabait namang bata iyang si Señorita Raffa. Sadya lamang na prangka siyang magsalita at kung minsan ay hindi niya nasasabi nang maayos ang saloobin. Hiling ko lang sana mas habaan mo pa sana ang iyong pasensya sa kanya. Pasasaan ba’t makukuha rin ni Senorita Raffa ang buhay dito sa hacienda.”
Hindi siya agad nakatugon dahil may naisip siya. “Nanang, pakibalutan niyo po ng kanin si señorita. Dadalhin ko na lamang sa bukid ang pagkain niya kung sakaling gutumin siya roon.”
Sa kanyang sinabi ay agad na napangiti si Nanang Milgaring maging si Candy na mataman lamang na nakikinig.
Habang si Ramiro naman ay hindi na makapaghintay na mangyari ang kanyang pinaplano para kay Raffa. Sa isipan pa lang ay nahihinuha na niya ang magiging reaksyon ng dalaga sa kanyang binabalak.
“HALF Friesian-half Akhal-Teke— siya si Luna.” Baritonong boses ni Ramiro mula sa kanyang likuran ang nagpabalik na kanyang isipan sa realidad. Pakiramdam ni Raffa ay may kung ano’ng bagay ang bumundol sa kanyang dibdib.
But she just ignores that feeling. She faced the man to insult him. “So, an expensive breed, huh? How come that you’ve just afford such a horse like that?”
His face darkened. Kahit paano’y natuwa siya sa reaksyon ni Ramiro. “Sigurado ka bang hindi ka na muna kakain man lang, señorita?” sa halip na tanong nito.
‘He suddenly changed the topic! Malamang, hindi niya nagustuhan ang pambabara ko!’ her brat evil mind cheered.
She smiled at him as if insulting. “Hindi na. Mukha kasing kaya ko nang magtrabaho nang hindi nag-aalmusal.” ‘Makita ko lang na makabawi ako sa panggigipit mo sa ’kin, okay na ako.’
“Pero kung makaramdam ka ng gutom, may pagkain akong ipinabalot kay Nanang Milagring,” pagkasabi niyon ay iniangat nito ang isang lunch bag.
Napaismid siya. “At anong pagkain naman ’yan? Masasayang lang ’yan. I won’t eat that.” Sigurado naman kasi siyang hindi ang inaasahan niyang pagkain ang nilalaman ng lunch bag na hawak nito.
Naging pormal ang mukha ni Ramiro. “Huwag kang mag-alala, señorita. Wala sa nakahaing pagkain kanina ang pagkaing ipinabalot ko.”
Ngumisi siya nang nakakainsulto. “Sige. Kakainin ko ’yan kung matinong pagkain ’yan. Pero kapag hindi, itatapon ko lang ’yan sa harapan mo.”
Pagkasabi niyon ay nauna na siyang humakbang patungo sa nakaparada nitong wrangler. But when she turned her head in Ramiro’s direction, he was now standing on Luna’s stable.
Kasalukuyan na nitong inilalabas ng kuwadra si Luna. At mayamaya pa’y tumapat sa kanyang harapan sina Ramiro at Luna.
“Don’t tell me that we’re gonna ride on her?” she asked. Raffa couldn’t hide her worried reaction.
“Tama ka nga, señorita. Kay Luna tayo sasakay patungo sa bukid.”
“Huh? Eh, bakit hindi na lang sa sasakyan mo?”
“Si Luna talaga ang kasa-kasama kong nagpupunta ng bukid, señorita. Mas praktikal din kung siya ang sasakyan natin.”
Hindi agad nakasagot si Raffa. She was worried if she still knew how to ride a horse. Napakatagal na nang panahong huli siyang nakasakay sa kabayo.
Mayamaya pa’y kumilos na si Ramiro upang kunin sa kung saan ang isang tungtungang gawa sa kahoy saka nito iyon inilagay sa pagitan nila ni Luna.
“Sumakay ka na, señorita.” Inilahad nito ang palad sa kanya upang alalayan siya na kanya namang tinggap ngunit mabilis ding binawi ang palad mula rito.
Raffa and Ramiro’s gazes automatically met. What did she just feel when Ramiro held her hand? It was just a second but she immediately felt the spark when their skin touched, and that was quite new and surprising for her.
Marami siyang nakasalamuhang lalaki sa buong buhay niya pero kailanman ay hindi niya naramdaman iyon sa mga lalaking iyon maliban kay Ramiro.
‘Is that normal? Wait—’ Napalunok siya. ‘Does he have superpowers?’ Namutla yata siya sa naisip.
“May problema ba, kamahalan?” tanong ni Ramiro na tila may naglalarong inis sa mga nito.
Her lips twitched. “Kamahalan talaga?” Umirap siya rito na nakatitig pa rin sa kanya. “Nuffy,” bulong pa niya bago sinubukang sumakay mag-isa sa kabayo.
But she didn’t expect that Luna would move away from her so she almost fell to the ground. Mabilis naman ang kanyang naging reflexes upang huwag tuluyang matumba and she felt humiliated.
“Mukhang ayaw sa inyo ni Luna, señorita.” May bahid ng pang-iinsulto ang tinig ni Ramiro kahit seryoso naman ito.
Napasimangot siya. “No. See? I told you. Riding on a horse is not a good idea.”
Nagsalubong ang kilay ni Ramiro. “Hindi ka gusto ni Luna dahil ipinapakita mong ayaw mo rin sa kanya, señorita. Maano bang kahit minsan babaan mo ’yang pride mo?”
Her mouth slightly gaped at what Ramiro said then her eyes went back to Luna. Nakatitig din ito sa kanya at sa imagination niya ay parang iniirap-irapan din siya ng mahaderang kabayo.
“I better go walk than ride her. Baka tumilapon pa ako dahil sa kanya,” aniya saka umirap. Matigas na kung matigas pero mahal niya ang sariling pride.
But before Raffa knew it, she was lifting now with Ramiro’s two big hands. Para lamang siyang isang papel dito dahil sa walang kahirap-hirap na pag-angat sa kanya mula sa lupa. At bago pa man niya magawang makapag-react ay nakaupo na siya sa ibabaw ni Luna. Napatingin na lamang siya kay Ramiro habang hinahaplos nito ang mukha ng kabayo saka tila may ibinubulong na kung ano.
Abala siya sa pag-unawa kung ano ang maaring ibinulong ni Ramiro kay Luna nang maramdaman na lamang din niya ang pagsakay ng binata kay Luna sa kanyang gilid. Nang dahil doon ay napatuwid at tumigas ang kanyang likod sa takot na baka muli niyang maramdaman ang kuryenteng kanina lamang ay nagbigay ng kaba sa kanyang dibdib.
Pero hindi naging sapat iyon dahil ang mainit na hininga naman ni Ramiro ang sumunod na naramdaman ni Raffa sa kanyang pisngi. She could smell his mixed coffee and mint breath which gave her a tingling sensation in her core.
Nagbalik tuloy sa kanyang isipan ang imahe ni Ramiro na naka-topless lamang. Ang imaheng iyon ay nagtuluy-tuloy sa kanyang isipan hanggang sa mapadako siya sa maninipis ng balahibong nasa ilalim ng puson ng binata.
Lihim siyang napabuntong hininga sa naisip. ‘Ano kaya ang hitsura ng nasa dulo no’n?’
Ngunit siya na rin mismo ang natawa sa naisip. Bakit pa ba niya itinatanong sa sarili ang dulo sa bahagharing iyon? Eh, sigurado naman din siyang kapareho lamang iyon ng mga nakikita niya sa modelling industry niya. Oo nga’t nakakakita siya ng mga lalaking may kagaya ng nasa puson ni Ramiro pero wala ring dating sa kanya. Maging ang mga sandatang halos hindi na maitago ng brief na suot ng mga ito ay wala ring kadating-dating para sa kanya. She is sure that what Ramiro has is just like what she sees in the men she meets at work.
“Handa ka na ba, señorita?”
Raffa’s thoughts were abruptly interrupted when Ramiro whispered in her ear, causing a strange shiver to run through her. Lahat yata ng buhok niya sa buong katawan ay sumaludo sa kilabot. Sinadya ba talaga nitong bumulong doon?
Tutugon na sana siya nang bigla na lamang nitong pinatakbo nang mabilis si Luna bagay na hindi naman niya agad na napaghandaan.
“Kumapit ka, señorita!” sabi ni Ramiro na bale wala ang panginginig niya.
Nanlaki ang kanyang mga mata saka napakapit sa leeg nito. “Oh, sh*t! Bagalan mo lang!”
But Ramiro had just laughed at her. Namutla rin siya sa bilis ng kanilang pagtakbo kaya naman panay na lamang mura ang lumabas sa kanyang bibig.
“Humanda ka talaga sa ’kin kapag nakababa na ako rito, Ramiro. I will make your life like a living hell! I swear!”
Pero naging bingi si Ramiro sa kanyang pagwawala at mas binilisan pa pagpapatakbo sa kay Luna.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





One Response
Jusko anlakas Ng trip ni Ram sa baby girl ko bwahahaha