KAAGAD na hinanap ng mga mata ni Raffa si Clarabelle nang makapasok siya sa coffee shop nito. Hindi rin naman nagtagal ay nakita niya ang kaibigan na nakatayo sa tabi ng counter. She decided to go to the vacant table and sit there. She just let herself wait for Clarabelle to come to her table.
“Ano’ng masamang hangin ang nagdala sa pinakamaganda kong kaibigan?” nagbibirong bungad ni Clarabelle nang makalapit sa kanya.
“It’s really easy for you to humiliate and praise me in one sentence, b*tch!” medyo inis niyang sita sa kaibigan saka sumalubong ng yakap dito.
Sa kanilang pitong magkakaibigan ay ito ang pinakamalapit sa kanya. Si Clarabelle kasi ang una niyang naging kaibigan noong nag-aaral pa lamang siya sa college. At kahit langit at lupa ang agwat ng estado nila sa buhay ay hindi iyon naging hadlang para maging kaibigan niya ang babae. Sa pagkakatanda niya ay naging malapit sila ni Clarabelle dahil binayabayaran niya ito noon kapag may ipinapagawa siyang mga school paper dito.
Inilapag ni Clarabelle ang tray na naglalaman ng cupcake at tea sa kanyang table.
“Thank you,” aniya. Amoy pa lang ng cupcakes ay alam na niya agad na masarap ang mga iyon.
“Saan ba’ng punta mo at nakaganyan ka?” She’s looking at her from head to toe.
“Wala. Dito lang. Ayaw mo ba?” patay malisya niyang sagot.
Nahuli pa ni Raffa ang pagngiwi ng labi nito bagay na hindi na lamang niya pinuna. Alam naman kasi niya ang dahilan ng pagkakaganoon ng mukha nito. Kailan man kasi ay hindi gusto ni Clarabelle ang style ng kanyang pananamit. Classy but sexy.
“Hindi ka naman umiinom ng kape ko.” Binuntutan ni Clarabelle ng pagtawa ang sinabi niya at totoo naman ’yon. Masyado niyang mahal ang kutis.
“You brought me cupcakes and tea. Babayaran ko nang doble ’yan,” she said.
“Naku, Raffa. No doubt that you can pay double but it’s on the house. Nakikita mo, their eyes are on you. Malamang bumalik ulit sila rito para abangan kang magpunta ulit ng shop ko. Sa kanila pa lang, kikita na ako.”
Napangisi siya. Ngising nang-aakit. “Dapat pala mas dalasan ko pa ang pagpunta rito.”
“Sure. Pero next time, mas habaan mo pa nang kaunti iyang suot mo kasi pakiramdam ko mabobosohan ka na riyan sa ayos mo.”
Her chin up rose. “Subukan lang nila. Babaon talaga sa ulo nila ang takong ng sapatos ko.”
Natawa ang kaibigan sa naitugon niya.
“Ara…” mayamaya ay untag niya.
“Hmm?”
“Remember the last time I told you what my mom wants me to do?” saad ni Raffa na ang tinutukoy ay nang tawagan niya ito kaninang umaga.
“Uh-huh. ’Yong tungkol sa pagpasok mo sa business industry? Bakit?”
“Kinausap ko na si mama. And for the last time, she would help me.”
“Doña Victorina wants me to go to Quezon Province.”
“Bakit daw?” kunot noo niyang tanong. “Ano raw gagawin mo ro’n?”
“Tutulong daw ako sa pag-aasikaso ng business namin doon. Ayaw ko.”
“Bakit ayaw mo?”
She frowned. “Probinsya kasi ’yon. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang buhay doon.”
Clarabelle shook her head slowly. “Eh, ’di ba nga? Gusto mong patunayan kay Tita Vicky na deserve mo pa ring mabigyan ng chance to prove yourself that you can also build your own empire?”
Wala naman sa loob na napatitig siya sa sariling mga kuko. Nai-imagine agad niyang mapupuno iyon ng lupa at ang worst scenario ay magkaputul-putol iyon. She wanted to faint when she thought about it.
“Tigilan mo na ’yan,” biglang sabi ni Clarabelle na nakatingin din pala sa kanyang mga kuko. “Masisira lang ’yan do’n kapag nakahawak ka na ng pala.”
She glared at this woman. “Pala? Ano’ng gagawin ko sa pala?”
Tumawa naman ito at sa pandinig niya ay insulto iyon. “Malamang, magpapala ka ng ebak ng kabayo ro’n.”
Nang dahil sa sinabi ni Clarabelle sa ay agad na sumama ang kanyang pakiramdam. Mukhang matutuloy na nga ang himatayin siya. Umakma rin siyang tila naduduwal.
“Hoy! Pigilan mo ’yan!” saway naman ng kaibigan sa kanya habang nasa pagitan ng pagtawa. Subalit ang hindi niya inaasahang gagawin ni Clarabelle ay ang takpan ang kanyang bibig at ilong.
Kaagad naman siyang nagpumiglas dahil sa nahirapan siyang huminga. Pagkatapos ay isang nakamamatay na titig ang ipinukol niya kay Clarabelle.
“Goddamnit, Ara! You’re such a gross!”
Napahalakhak itong lalo. “What? I am just saying the possibilities when you get there.”
“I hate you! Lalo mo lang akong tinakot na sundin ang gusto ni mama.” Nanlisik lalo ang kanyang mga mata sa kaibigan. “Ibigay mo na sa iba ’yang cake mo. I’m not gonna eat that. You lost my appetite.”
“Arte mo naman! Masarap pa naman ang pagkakagawa ko d’yan.” Namaywang ito. Nagpipigil pa rin ang matawa.
“Kaya nga ako nagpunta rito ’cause I thought you can help me to consider what my mom wants me to do. Hindi naman pala.”
Clarabelle sighed sharply and gave her a serious look. “Alam mo, Raffa? Wala namang dapat hindi ikonsidera sa gusto ni Tita Vicky. Hindi mo ikamamatay ang pagpunta sa Quezon. In fact, iyang kaartehan mo ang papatay sa ’yo.”
Hindi siya agad nakakibo. “One last question, My Dear Raffa. Maaatim mo bang habang buhay na isipin ng mga taong nakapaligid sa ’yo na isa kang brainless beauty, a useless one, a prodigal daughter, trust-fund—”
Pinandilatan niya ito. “Sh*t, Ara! Ang sakit mo namang magsalita.”
“That’s exactly my point. Matitiis mo ba ’yan kaysa sundin ang gusto ng mama mo?”
Napatingala siya sa kisame ng shop na iyon. “Oh, goddess of beauty! Please, help me!” Lalong siyang naguluhan sa dapat na gawin.
“Gaano ka ba katagal doon?”
“Sabi ni mama, kapag daw nag-harvest na ng mais, puwede na akong bumalik dito sa Manila.”
Nakita niya ang pasimpleng pag-iisip ni Clarabelle. “Mabilis lang ’yon. Makakauwi ka rin agad. Importante, mapatunayan mo kay Tita Vicky na kaya mong magtiyaga.”
WHEN the evening came, Raffa went to Doña Victorina again. Pikit mata niyang sinabi na pumapayag na siya sa kagustuhan nito.
They both agreed to the time of her flight tomorrow and it’s after lunch. Bukas na rin niya aayusin ang mga dadalhin. Madali na lang naman niya maayos lahat dahil nasa iisang lagayan lang ang mga beauty products and make ups niya. Alam na rin niya ang mga dadalhing damit sa ganoong lugar.
But the plan that Raffa and Doña Victorina both agreed did not happen. Pasado alas-siyete nang magising siya sa mga kaluskos sa kanyang walk in closet. She stood up from her bed with a woozy head.
Her jaw dropped when she saw her mother standing beside the cabinet where all her undies were placed. Nakapatong sa ibabaw ng hanggang bewang niyang cabinet ng undies ang isang maleta kung saan inilalagay ng kanyang ina ang mga gamit niya. Nasa kamay nito ang isang pares ng kanyang undies na may tatak na Victoria Secret.
“Ma?” Puno ng pagtataka niya sa ginagawa nito. Her mother glanced at her for a moment and didn’t even bother to react when she suddenly appeared at the door of the walk-in closet. “What are you doing?”
Nilapitan niya ito at tiningnan ang ginagawa ng ina na abala pa rin sa pag-eempaka ng kanyang mga damit sa maleta.
“Ano pa ba? Eh, ’di inaayos ang mga gamit na dadalhin mo.”
Napangiwi siya. Did her mother just roll her eyes at her as if she’s an idiot?
“Yeah, I know. Pero bakit—” halos hindi niya maituloy ang iba pang sasabihin dahil naagaw ang kanyang atensyon ng ginagawa ng ina. “After lunch pa naman ang alis ko. I still have time to pack my things—”
“Eight, Raffa. You only have one hour left before your flight. Kaya kumilos ka na.”
“Wait, what?”
“I booked you early for your ticket and don’t ask more questions. Bilisan mo na at maligo. I’ll go pack all your things. Hihintayin kita sa grand dining room. You should eat first before you leave, ha.”
“But, ma— I thought we talked about it last night that I am going to leave after lunch. So, why the sudden change of mind?”
“Raffaela, you are going to leave my house before eight and that’s it final. No buts and whys.”
Akmang magsasalita pa sana siya nang pigilan siya nito. Mabilis na itinaas ni Doña Victorina ang hintuturo nito sa kanyang mukha upang tumahimik.
“Kung ako sa ’yo, susunod na lamang ako. Don’t make me piss, woman. You know what I can do once I get tired.”
Natigilan siya sa sinabi ng kanyang ina at kapag ganoon ito ay dapat na siyang sumunod. Kaya kahit nagrerebolusyon ang kanyang damdamin dahil sa maagang paghahanda sa pag-aalis ay wala na siyang nagawa kundi ang sundin ang Doña.
‘Always remember to yourself, Raffa. You need help from your mother. Kaya labag man sa loob mong manipulahin ka ng matandang hukluban na ito ay wala kang magagawa!’
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






One Response
Grabe sa matandang hukluban bwahahhaa infernes sa mommy mo raffa nakapa higpit hahaha mukhan mapagttripan ka nanaman niya lalo na sa mga dadalhin mo haha