“RICHARD, pasok ka,” saad ni Elysse sa kaibigan at executive assistant ni Carson. May hawak itong isang puting portfolio.
Nang makaupo si Richard sa sala ay agad niya itong binigyan ng maiinom.
Ang alam niya ay matalik na kaibigan ito ni Carson. Kung kailan iyon nagsimula ay hindi niya alam. Ito rin ang tumawag kanina sa cellphone ni Carson na siya ang nakasagot.
“Kumusta si Carson? Tumatawag ako sa kanya para kumustahin pero hindi siya sumasagot.”
Bago si Elysse magsalita ay napasulyap muna siya sa pinto ng silid ni Carson. “Ganoon pa rin siya. Hindi lumalabas ng kuwarto at nagluluksa pa rin. Halos ayaw ding kumain. Panay ang paglalasing.”
Nakita niya ang pag-iling ng lalaki. Maging ito man ay sobrang nag-aalala sa kaibigan.
“Can I see him?”
Mabilis siyang tumango. “Oo naman.”
Makalipas ang isang oras ay nagbalik na si Richard. Bumuntong hininga ito. “Tama ka nga. Naabutan ko siyang naglalasing na naman.”
Hindi na siya kumibo.
“He loves Elizabeth that much. Hindi ko inaasahang mararanasan nang maaga ni Carson ito. Ang maging isang biyudo.”
Mapait siyang ngumiti bilang tugon. “Kahit sino naman, Richard.”
“Sabi ko nga sa kanya, huwag na siyang mag-isip ng tungkol sa kompanya. Tita Celestine will take care of it. Isa pa ay naroon din ako para umalalay.”
She smiled a bit. “Thank you, Richard.”
Natahimik ito sandali saka muling nagsalita subalit may pagkaalangan. “Elysse, napapaisip ako. Why Beth suddenly did it?” Napahinto bigla ang kausap nang makita ang pagseryoso ng kanyang mukha. “Sorry for asking, Elysse. Hindi ko intensyong ungkatin pa.”
“No. Tama ka nga. Kahit ako, malaking palaisipan din sa ’kin ’yong nangyari kay ate.”
“Hindi kaya— alam mo na. May sabi-sabing maaring may naging pagtatalo ang mag-asawa na puwedeng maging sanhi ng ginawa ni Beth pero—” ito rin ang mahinang natawa sa naisip. “Imposible. Anyway, kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Ayaw kong lumabas na isinisisi sa kaibyko ang nangyari.”
Hindi siya agad nakakibo at nahulog sa pag-iisip sa mga sinabi ng lalaki sa kanya. Posible nga kaya ang sinabi nito?
Ang kanilang usapan ay hindi naman gaanong nagtagal. Mayamaya rin ay nagpaalam na ito sa kanya at may mga aasikasuhin pa raw sa trabaho.
Mula sa paghatid kay Richard sa labas ay saktong nakarinig si Elysse ng nabasag na bagay mula sa silid ni Carson. Awtomatikong napatakbo agad siya sa silid nito upang alamin ang nangyari.
Nang pumasok siya sa silid ng lalaki’y hindi niya matagpuan ito. Nagdesisyon siyang tumuloy sa walk in closet. Doon niya nakita si Carson na duguan ang kamay at susuray-suray na naglakad patungo sa pinto kung saan siya nakatayo.
“Oh, My God!” aniya nang makita ang umaagos na dugo mula sa palad nito. Kaagad pa niyang dinaluhan si Carson.
“Ano bang nangyari? Ano’ng ginawa mo? You’re bleeding,” kaagad siyang humanap ng telang ipangtatapal sa sugat nito subalit mabilis ding iniwas ni Carson ang kamay saka siya nilagpasan nito.
Mula sa mga nagkalat na mga bote ng alak ay naghanap ito ng maiinom. Mabilis naman niyang inagaw iyon kay Carson nang sundan ito.
“Ano ba, Carson?! May sugat ka na kailangang gamutin.” Hinuli niya ang kamay ng lalaki saka pilit na pinaampat ang pagdudugo.
But Carson is such stubborn. He pulled again his hand from her. “Iwan mo na ako.”
Tumayo siya saka lumabas ng silid nito. Kinuha niya ang mga medical kit na kakailanganin. Sa pagbalik niya ay ganoon pa rin ang posisyon ni Carson. Ang alak na inagaw niya kanina ay nasa tabi na ulit nito. Nakita pa niya ang ginawang pagtungga ng lalaki sa bote na para bang hindi na alak kundi, parang tubig na lamang.
Akmang kukunin na niya ang kamay nitong may sugat nang muli itong nagmatigas. Doon na siya napuno.
“Puwede ba?! Huwag nang matigas ang ulo mo?” halos pasigaw niyang saad kay Carson. “Gagamutin ko lang ang sugat mo saka pababayaan na ulit kita d’yan.”
Hindi na niya napigilan ang mainis. Sobra na siyang nag-alala para kay Carson. Kung wala siya ay baka mamatay na ito sa sobrang lungkot.
Walang naging reaksyon si Carson sa kanyang sinabi bagkus ay nagpaubaya na lamang ito sa kanyang ginagawa.
Nang matapos ay hindi inaasahan ni Elysse na makakatulog na pala si Carson sa ganoong posisyon. Muli ay inipon niya ang lakas upang mailipat ito sa kama. Muli rin niya itong nilinisan saka pinalitan ng damit.
Naisip niya ang sitwasyon nito. Sobrang awang-awa na siya para sa lalaki. Hindi na halos nasasayaran ng pagkain ang tiyan nito dahil panay na lamang alak ang inaatupag. Nag-aalala siyang baka mauwi ito sa pagkakasakit kung hindi niya pipigilan.
Humugot siya ng isang napakalaking buntong hininga. Hindi niya nais sumuko sa sitwasyon ngayon ng lalaki. Higit kanino man ay siya lamang ang inaasahan nito sa ngayon.
Muli ay tinapunan niya ng tingin si Carson. Mahimbing na ang tulog nito. Tumayo na siya upang iligpit naman ang mga nagkalat na salamin nang basagin iyon ni Carson.
But Carson suddenly held her right hand. Kaagad siyang napatingin doon saka tiningnan ang lalaki. Nakapikit pa rin ito at mukhang nananaginip. Mainit ang palad nito bagay na nagbigay kilabot sa pakiramdam ni Elysse.
“Beth…” daing ni Carson habang ang mga mata’y nananatiling nakapikit pa rin.
Doon napagtanto ni Elysse kung sino ang nasa panaginip ng lalaki. Kinuha niya ang kamay nito saka inilagay sa dibdib. Inayos pa niya ang pagkakakumot ng katawan nito bago lisanin.
Habang naglilinis ng mga nabasag na salamin sa walk in closet ay abala naman ang isipan ni Elysse sa tanong ni Richard kanina. At kahit siya ay wala talagang makapang sagot sa tanong na iyon.
Isa pang inaalala ng dalaga ay kung paano niya mapapapayag na kumain si Carson. Mayamaya pa ay bigla na lamang siya nakaisip ng isang ideya. Subalit sa gagawin niya ay siguradong hindi matutuwa ang lalaki sa kanya.
Bitbit ang trash bag na naglalaman ng mga basag na salamin ay saglit muna niyang tinapunan ng tingin si Carson na mahimbing na natutulog. Umusal siya ng paghingi ng tawad sa kanyang gagawin bago ito tuluyang iwan sa silid.
Pagkatapos maitapon ang mga bubog ay kaagad siyang nagtungo sa storage room ng mga alak ni Carson. She turns the lights on at agad na bumugad sa kanya ang maraming koleksyong alak ng lalaki. She saw different types of wine and liquor inside that room.
Pinagmasdan niya ang mga iyon at pinag-isipang mabuti kung paano niya sisimulan ang pinaplano. But before she could start, she utter again her sorry for Carson.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Haha go ely tago mo mga yan hahaha para magwala si Carson hahaha
Naku elysse wag mo itapon yan haha itago mo nalang para masaya mahal mga yan mga mayayaman pa naman di mumurahin ang alak kundi mapapamura ka sa presyo hahaha pero mashalap😋🍴💓