Beverly Hills, California
AFTER a month of staying in the States, Elysse has become completely accustomed to life there.
Kahit ibang-iba ng lugar na iyon kumpara sa nakasanayan niyang paligid sa Pilipinas ay nagawa pa rin niyang sanayin ang sarili sa bagong kapaligiran. Syempre pa, hindi mawawala ang tulong ni Carson para mas mapadali sa kanya ang makasanayan ang pamumuhay sa bansang iyon.
Bagama’t hindi gaanong napag-uusapan ay nananatili pa ring malapit sila sa isa’t isa. Kasama ang kambal nilang mga anak ay magkakasama silang nakatira sa iisang mansion.
Noong una ay talagang tinutulan niya ang kagustuhan ni Carson na doon sila itira mag-iina ngunit sa bandang huli ay nabalewala rin ang kanyang pagtutol.
Ang dahilan naman ng kanyang labis na pagtutol ay tila sila nakatira sa palasyo sa laki ng lugar na iyon para sa kanilang apat. Sa pagkakaalala pa nga niya ay sinabi ni Carson na nasa sixteen thousand square feet ang lawak ng mansion. It has nine bedrooms including the master’s bedroom, fourteen bathrooms, a chef’s kitchen with marble countertops, and a large eat-in island. Two offices with ensuite bathrooms provide seamless and professional work-from-home spaces.
Marami pang parte ang bahay na iyon na hindi niya akalaing makikita niya gaya ng gym, entertainment room na kasya isang dosenang tao, sauna, fire place at kung anu-ano pa. Mayroon ding malawak na parking area ang bahay na iyon sa likod at sa tantiya niya ay sampung kotse ang kayang ipasok doon. Sa harap ng bahay ay ang malawak ding swimming pool.
May dalawang palapag lamang ang mansion na iyon ngunit sadyang napakalawak naman. White at beige lamang ang naghahalong kulay sa bahay na iyon at lahat ng furnitures and interior design ay nakapamoderno. Tanging sa magazine nga lamang niya nakikita ang ganoon kagandang bahay. Bawat sulok ay may upuang puwedeng mapagpahingahan, labas man o loob ng bahay. Maganda rin ang pagkaka-landscape ng mga halaman at puno sa labas ng bahay.
Sabi ni Carson ay isa ang mansion na iyon sa dahilan nito kung bakit madalas magpapabalik-balik sa bansa nang mga panahong maayos pa nagsasama ang kanyang kapatid at si Carson. Habang inaasikaso ay tinututukan din nito ang pagpapagawa ng dream house ng kanyang ate.
Bahagya naman siyang nakaramdam ng nalungkot nang maisip na sana’y nakita pa iyon ng kanyang kapatid kung hindi lamang ito naloko ni Jarren at sirain ang magandang pagsasama ng dalawa.
Iyon ang dahilan kung bakit naman nagbago ang desisyon niyang huwag sumang-ayon na tirahan iyon. Isa pa’y saan pa nga ba sila titira mag-iina? Kundi kay Carson lang din naman.
Ang totoo nga niyan ay naghihintay na lamang din siya na ungkating muli ni Carson ang estado ng relasyon nila. Pero habang tumatagal ay nagtataka na siya sa pananahimik ni Carson tungkol doon.
Hindi na rin sila nagtatabi sa kama mula nang mamatay si Elizabeth. Noong una naman ay inisip niyang baka binibigyan lamang siya nito ng panahon upang magluksa sapagkat hindi rin naman siya halos pinabayaan ng lalaki. Hindi siya iniwan ni Carson nang mga panahong nagluluksa siya at malungkot. Palagi rin niyang nararamdaman ang mga kilos nitong nagpapakita ng pagmamahal sa kanya. Ngunit walang salita ang mga iyon. Tanging pagpaparamdam lamang.
Hanggang sa dumaan na nga ang sobra isang taon ay wala pa rin siyang naririnig mula kay Carson at medyo nababahala na siya roon. Hindi kaya nagbago na ang isip ni Carson sa kanya?
Samantala, nang magpunta sila sa bahay na iyon ay may tatlong kasambahay at isang driver nang kinuha si Carson. Bukod pa iyon sa dalawang yaya na kasama nila.
Hindi naman tuloy maiwasan ni Elysse ang makaramdam ng lungkot nang maalala si Manang Zenny. Hindi na nila kasi nakasama ito dahil ayon sa matanda ay nais na lamang nitong maiwan sa Pilipinas sapagkat may edad na rin ito at wala sa ibang bansa ang buhay nito.
Upang makabawi siya sa lahat ng naitulong ng matanda sa kanya ay isinalin niya sa pangalan nito ang kanyang bahay sa Pilipinas. Binigyan din ito ni Carson ng perang panimula ng negosyo. Sinagot din nila ang pag-aaral ng iba pang mga pamangkin nito na magkokolehiyo.
Bago umalis ay nagkaiyakan pa sila dahil sobra nilang ma-mimiss ang isa’t isa. Hindi rin mawala sa kanyang isipan ang pagbabalak na bisitahin din ito kung may pagkakataon.
“No wonder I can’t stay focused on work. Malungkot na naman pala.”
Mula sa malayong pag-iisip ay napabaling siya kay Carson na ngayon ay naglalakad na patungo sa kanyang direksyon. Naabutan siya nito sa breakfast area sa labas ng bahay. Pinili niyang maupo roon upang lumanghap ng sariwang hangin. Isa pa’y nasa ilalim iyon ng punong mayabong kaya gustung-gusto niya roon. May net lamang na nagsisilbing bubong sa kinaroroonan niya upang huwag direktang magbagsakan ang mga dahon sa mesa roon.
“Ikaw pala. Bakit ang aga mo ngayon?” Sa pagkakaalam niya ay alas tres pa lamang ng hapon. Iyon din ang oras na natutulog sina Andrea at Andrew kasama ang mga yaya nila.
“Maniwala ka man o hindi, naiisip kita. You’ve been quiet since we came here in California. I’m worried about your health,” nag-aalalang sabi nito kasunod ng pag-upo sa upuang katapat niya. “And I’ve been calling you but you didn’t pick up my calls.”
Nakasuot pa ito ng puting long sleeve na itinupi lamang hanggang siko at itim na slacks. Halatang dumiretso agad ito sa kinaroroonan niya.
“Ayos lang ako, Carson.” Upang mapanatag ang lalaki’y sinamahan niya ng pagngiti ang sinabi.
Naisip niya na ang inaalala nito ay ang pagkakaroon niya noon ng post partum depression na matagal na rin namang gumaling.
“At sorry din kung hindi ko nagawang sagutin ang tawag mo. Hindi ko na kasi nadala ang cellphone ko rito. Sana pala tumawag ka na lang sa landline. Siguradong may makakarinig sa tawag mo sa loob kung sakali.”
Ngunit dumako ang mga mata nito sa hawak niyang papel na huli na para kanyang itago. “You’re reading her letter again.”
“Nami-miss ko lang si ate. I can’t help, Carson. You know? This is my way to ease that feeling. Saka, miss ko na rin si Manang Zenny. Alam mo ’yon? We’ve been a family for many years. Halos siya na ang tumayong ina at lola sa amin ni Andres.” Bumungtong hininga siya. “Nami-miss ko na rin ang panganay ko.”
“I know… I’m sorry,” nakakaunawang saad naman nito saka lumapit sa kanya.
Ikinulong siya ni Carson sa mga maiinit nitong bisig dahilan upang siya ay mapapikit. Halos magtagal sila sa ganoong sitwasyon at hindi niya naiwasang isiping doon na sisimulang ungkatin ni Carson ang tungkol sa kanilang relasyon. And if it happens, she’s ready. Her answer is ready in her mind. She’s been memorizing it since the day her heartbeat for Carson came back.
But to her disappointment, Carson remained silent on what she was waiting for.
“Let’s have dinner outside,” biglang sabi nito na ikinaangat ng kanyang ulo.
“Okay. Sasabihin ko sina Tina at Aida na ayusan ang mga bata bago mag-seven,” tukoy niya sa mga yaya ng kambal.
Umiling si Carson. “No, Ely. Just the two of us. Hindi naman siguro masama kung tayong dalawa lang muna.”
Natahimik siya saka napabitiw mula sa pagkakayakap dito. Napatitig siya sa mga mata ni Carson at pinilit na basahin ang emosyong naroon ngunit wala siyang nakuhang sagot.
“S-sige,” pagpayag niya. Iyon naman kasi ang unang beses na lalabas sila ni Carson nang sila lang.
At wala pa man ay hindi na niya napigilang umasa na baka sa magaganap nilang date ni Carson ay doon na nila pag-usapang muli ang tungkol sa kanilang relasyon. Matamis siyang napangiti kay Carson habang sinasalubong ang nakakatunaw na mga titig ni Carson sa kanya.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






One Response
Haha wag kang umasa ely baka sabihin lang niyan may bago na siya bwahaha pero uhaw ako sa mga gagawin ni Richard nakakasabik salamat ms thale sa update 😘