KUMILOS si Elysse para isalang sa laptop ang microchip.
Nang tuluyang mabuksan ang nilalaman ng chip, hindi na napigilan ng dalaga ang maluha nang marinig ang masaya at masiglang boses ng kapatid. Hindi niya nakikita kung ano ang nagaganap dahil nakatutok ang camera sa labas ng kotse. Tanging ang tinig lamang nito na kausap siya sa cellphone ang kanyang naririnig.
Nang wala na siyang marinig o makita tungkol sa kapatid ay pinindot na niya ang fast forward. Ilang sandaling ganoʼn nang isang bagay ang umagaw ng kanyang atensyon. Si Carson at ang kanyang Ate Elizabeth. Nasa labas ang mga ito na nakatayo sa tapat ng bump car ng kotse ng kapatid.
Pinahinto niya ang fast forward at muling ibinalik ang video kung saan niya nakitang nagsimulang nakatayo ang dalawa saka muling pinindot ang play button.
Pinagmasdan niyang maigi kung ano ang nagaganap. May hawak na mga papel si Carson. Sa una, mukhang nag-uusap lamang ang mga ito at hindi rin niya marinig nang malinaw kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa dahil nakabukas ang stereo ng kotse. Ilang sandali siyang nakatitig sa screen nang mapansing hindi na lamang basta nag-uusap ang mag-asawa. Mukhang nagtatalo na ang mga ito base na rin sa mga hand gesture ng dalawa. Ano kaya ang pinagtatalunan ng kanyang ate at ni Carson?
Ngunit hindi niya inaasahan ang mga sumunod na makikita. Bigla na lamang hinaklit ni Carson ang braso ng kanyang kapatid at nakita ni Elysse na halos mamilipit din ang nakatatandang kapatid sa sakit. Kalauna’y, malakas na initsa ni Carson si Elizabeth sa sahig. Nasaklot niya ang dibdib kasabay ang pagtakip ng kamay sa bibig. Hindi niya alam na pinagbubuhatan pala talaga ni Carson ng kamay ang kanyang ate.
Tiningnan niya ang nakalagay na date sa video at nalaman niyang naganap iyon isang linggo bago ang araw na nagpakamatay si Elizabeth. Subalit hindi ito ang kotseng gamit ni Elizabeth sa burol kaya hindi na rin nakita ng mga pulisya ang dashcam ng kotseng iyon.
Ngayon, hindi na niya ma-control sa pagbagsak ang kanyang mga luha. Naging masagana pa lalo iyon nang mapagtanto niya ang isang bagay. Nagpakamatay ang kanyang nag-iisang kapatid dahil kay Carson. Kasalanan ni Carson ang lahat!
Pinili na lamang ni Elizabeth na ilihim ang lahat sa kanya dahil sa labis na pagmamahal sa asawa nito. Kung sana lang ay mas pinilit pa niya ang kapatid na umamin at magsabi ng totoo sa sitwasyong mayroon ito sa sariling asawa.
Bakit nga ba hindi siya nagduda una pa lang sa relasyon ng dalawa? Bakit nga ba hindi man lang niya naisip na baka maaring naging dahilan ng pagkamatay ni Elizabeth ay mismong ang sarili nitong asawa?
Pero ang kabilang bahagi na rin ng kanyang isip ang nangangatwiran. Hindi naman puwedeng kay Carson lamang niya isisi ang nangyari. Kung iyon lamang ang pag-aaway ng dalawa ang tanging dahilan ni Elizabeth ay hindi pa rin sapat iyon para magpakamatay. Napayuko siya sa mesa saka mahinang lumuha. Litung-lito na siya. On the other hand, she feels guilty. Hindi mawala sa kanyang isipan na may pagpapabaya rin siyang ginawa.
“Mom?”
She immediately wiped all her tears when she heard her son’s voice. But it’s too late. Kahit punasan niya ang mga luha ay halata pa rin sa kanyang mukha na umiyak siya.
Tumayo siya upang lapitan ito sa kama. “Are you crying, mom?”
Pilit siyang ngumiti. “Sorry if mom disturbed you. Come on, let’s sleep again.”
Niyakap niya ang anak na muli ring nakatulog. Habang siya naman ay ganoon din. Nakatulog siyang punung-puno ng katanungan sa isipan.
ISANG araw pagkatapos niyang mapanood ang nilalaman ng microchip sa dash cam ng kapatid ay nananatili pa ring tahimik si Elysse. Makailang beses niyang ginustong tanungin si Carson ngunit sa tuwinaʼy nauunahan siya ng takot na malaman ang totoo. Paano kung tama nga ang hinala niya na ito ang dahilan? Handa ba siya na marinig ang totoo?
Dala ang tray na may lamang pagkain ay pinuntahan niya si Carson sa silid nito. Hindi na kasing gulo noong una ang silid ngunit madalas ay alak pa rin ang hawak ng lalaki.
“Alak na naman ang kaulayaw mo,” puna niya kay Carson.
Inilapag niya ang dalang pagkain sa ibabaw ng maliit na mesa na katapat ng bintana.
“Pampaantok lang.”
Umupo siya sa gilid ng kama nito habang si Carson naman ay nakasalampak sa sahig at nakasandal ang likod sa frame ng kama.
Tumikhim siya upang bigyan ng lakas ng loob ang sarili sa nais itanong. “Puwede— pʼwde ba akong magtanong?”
Hindi sumagot ang lalaki kaya inisip niyang pumayag itong magtanong siya.
“Carson, b-bakit kayo nag-away ni ate isang linggo bago siya mawala?” paglalakas loob na tanong niya rito.
“Bakit mo naitanong ʼyan?” His voice suddenly turned frigid.
“N-napanood ko ang nilalaman ng dashcam ng kotse ni ate. I saw you and ate were arguing about something. You even pushed her.” Bahagyang tumigas ang tinig niya nang maalala ang pananakit nito kay Elizabeth.
Carson rose from the floor and to her surprise he grabbed her arm and pull her to stand. “Get out,” malumanay ngunit mariin nitong saad.
“T-teka— Carson!” Hinatak siya nito hanggang sa pinto. “May kinalaman ka ba sa pagpapakamatay ni ate?” This time she didnʼt keeps her voice from shaking.
“Sino ka sa akala mo para pag-isipan ako ng ganyan? Ito ang tatandaan mo, nagsisisi akong pinakasalan ko si Elizabeth. Mali na hinayaan kong makapasok si Elizabeth sa buhay ko. So, if youʼll excuse me,” akmang isasara na nito ang pinto nang kanyang iharang ang katawan. Muling bumaling ito sa kanya. “Umalis na kayo ng anak mo rito sa pamamahay ko. I donʼt need you here.” Madilim ang anyo nito nang sabihin iyon.
Muli itong umupo sa kama kaya naman ay bumalik siya sa loob. Nag-iwan lamang siya ng dalawang dipang pagitan.
Nagulat naman siya sa sinabi nito. Nagsisisi si Carson sa pagpapakasal sa kapatid niya? Subalit bakit hanggang ngayon ay matindi pa rin ang pagluluksa nito?
At base na rin sa ugat nito sa leeg ay halatang nagtitimpi lamang ito ng galit. Well, it’s the same as her. Nagpupuyos din siya sa galit. It seems that he has something about it.
“Kahit nagsisisi ka pa sa pagpapakasal kay ate, wala ka pa ring karapatan na saktan siya!” mariin niyang angil.
His brows knitted. “Mukhang hindi mo alam ang lahat ng nangyari. But still, you have the guts to accuse me, huh.” She saw his jaw clenched.
“Alam kong may itinatago ka sa ʼkin. Kaya sabihin mo na!”
“Umalis ka na,” puno ng pagbabanta sa tinig nito na bahagya naman niyang ikinabahala.
Hindi siya nakapagsalita agad dahil nakaramdam siya ng takot sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Mula nang nakilala niya si Carson ay ngayon lamang niya nakita ang ganoong side nito.
“Pack all your things and get back to your house. Ayaw kong may ibang tao rito sa bahay ko.”
Siya, aalis? Hindi! Hindi siya puwedeng umalis doon hanggat hindi niya nalalaman ang totoong dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang kapatid.
“Hindi kami aalis dito. Hangga’t hindi ka nagsasabi ng totoo.” Matiim niyang tinitigan ito.
Lalong naging matalim ang mga mata nito. “You wanna know the truth? Okay— yes, we fought.” Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama saka lumapit sa kanya na ikinabahala naman niya kaya napaatras siya. “Because your sister cheated on me!” he shouted at her while pointing at her na para bang siya si Elizabeth.
Dumadagundong ang boses nito sa loob ng silid na iyon na sana ay hanggang doon lamang dahil ayaw niyang mag-alala ang kanyang anak.
Para namang hindi matanggap ni Elysse ang rebelasyong iyon mula kay Carson.
‘It can’t be,’ tanggi ng isip ni Elysse kasabay ng marahang pag-iling.
Imposible ang sinasabi ni Carson. Her sister loves him so much. Handang bitiwan ng kanyang kapatid ang lahat ng mayroon ito huwag lamang mawala ang pinakamamahal na lalaki at minsan na niyang napatunayan iyon.
Carson smiled sarcastically. “What? Hindi ka ba makapaniwala? Yes, Elysse. You heard it right. Your sister is f*cking cheating on me while I’m outside of the country, while I’m busy doing my work business. Can you imagine that, Elysse? I had no damn f*cking idea that I was being cheated on by your sister. So, tell me, do I have the right to be this mad?”
Elysse’s tears run down her cheek. She can feel Carson’s hatred. Naitakip niya ang dalawang palad sa bibig upang takpan habang umiiyak.
“And you know what I really hate at this moment?” This time, Carson’s voice became low. “She just left without fixing this mess. Hinayaan niya akong magalit. She let me suffer on this burden. Kahit siya pa ang nagkamali sa amin, may guilt pa rin akong nararamdaman sa pagkamatay niya. And this is so unfair!”
Marahan siyang humakbang palapit kay Carson na ngayon ay nakaupo na sa kanto ng kama. He looked so messy and she feels guilty. Hindi niya akalain ang sakit na pinapasan nito. Gusto niyang saktan ang sarili.
Niyakap niya si Carson. “I’m sorry. I— I don’t know. I’m so sorry.”
He didn’t answer instead, she let him cry on her shoulder at mas lalo pa niyang niyakap ito. Gusto niyang hatian ito sa sakit na nararanasan but how could she do that?
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Yung wala pa din silang alam na buntiz si elizabeth bago magpakamatay pero sure ako buhay yan at hawak yan ni jaren hahaha
Hahahahhahahahaa dahil sinabi mo yan, hindi mangyayari yan hahaha