HABANG abala si Elysse sa pagdidilig ng halaman ay hindi mawala sa isipan ng dalaga ang naganap na sagutan sa pagitan nila ni Carson kagabi. Isang malaking rebelasyon kasi ang nalaman niya mula sa lalaki bagay na napakahirap para sa kanya na paniwalaan.
Muling naalala ni Elysse ang eksena sa dashcam ni Mojo. Naalala niyang may hawak na tila isang papel si Carson. Marahil ay iyon ang matibay na ibedensya ng lalaki upang paratangan nito ang asawa ng pangangaliwa.
Pero ang ganoong problema ay hindi naman na bago sa kahit na sinong mag-asawa. Hindi naman ang ate lang niya ang kauna-unahang babaeng nangaliwa sa mundo. Bakit kailangan pang umabot sa pagpapakamatay ang kapatid? At base na rin sa sinabi ni Carson sa kanya kagabi ay umaasa pa rin itong susuyuin ng asawa pagkatapos ng nagawang kalasanan. Subalit, hindi na nga nangyari iyon sapagkat mas pinili na lamang ni Elizabeth ang mawala. Kung ganoon, maaaring may iba pang dahilan ang nakatatandang kapatid sa ginawa nito.
Elysse breathes out a frustrating sigh. Hindi talaga matatahimik ang isip niya hangga’t hindi nagiging malinaw sa kanya ang dahilan ng pagpapakamatay ni Elizabeth. For her, the fight between her sister and Carson is not enough to be the main reason why Elizabeth has to commit suicide. Hindi makatwiran iyon.
Until she suddenly remembered Elizabeth’s phone. Noong araw na mawala si Elizabeth ay hindi nito dala ang cellphone kaya hindi rin niya na-contact ang kapatid.
Nakita naman niya ang bagay na iyon noong isang araw sa silid ni Carson. Her instincts say she has to take it. Pero balak din niyang isauli. She got the idea that maybe she would get an answer on her sister’s phone.
Mabilis niyang pinihit ang gripo saka iniwan ang ginagawa. Nanginginig ang mga kamay ni Elysse habang hinahalungkat niya ang drawer sa kuwarto upang hanapin ang cellphone ni Elizabeth.
And when she checked the call log of it, there was only one unknown number. Ang sunod naman niyang tiningnan ay ang mga text messages. Mula sa unknown number ay nagbigay lamang ito ng mensaheng nagsasaad ng isang address. Mabilis niyang kinuha ang papel at ballpen upang ilista ang nasabing address. Kailangan niyang alamin kung sino ang nagpadala niyon. Malakas ang kutob niya na may kinalaman ang numerong iyon sa nangyari.
“Andres, halika. May pupuntahan tayo,” aya niya sa anak na abalang naglalaro.
Habang nagmamanehoʼy hindi siya mapakali. Sanaʼy may makuha siyang impormasyon sa gagawin.
Pagkatapos ng mahigit dalawang oras na paghahanap nila ng address na iyon ay restaurant pala ang kinahantungan nila. Binasa niya ang date na nakalagay sa papel na pinagkopyahan ng text message. Ipinadala iyon bago ang araw na mamatay si Elizabeth.
Isinama niya ang anak sa loob ng restaurant at um-order ng makakain. Pinakain niya muna si Andres kasabay na rin ang pag-iisip kung ano ang susunod niyang gagawing hakbang ngayong natagpuan na nila ang lugar.
“Anak, kainin mo lang ang pagkain mo. May gagawin lang si mommy.”
“Yes, mommy.”
Mabilis niyang pinag-aralan ang lugar. Hindi naman iyon mamahaling restaurant. Tila pa nga iyon isang karenderya dahil sa sobrang pagkasimple ng lugar. May mangilan-magilang kumakain nang mga oras na iyon. Ang mga katabing establisyemento ng restaurant ay hardware. Sa kabila naman ang tindahan ng ibaʼt ibang klase ng mga pesticides. Katapat naman ng restaurant ay mga bahay na. Labas na rin ng Maynila ang lugar na iyon.
Ilang minuto bago natapos ang kanyang anak sa pagkain at pagpapahingaʼy, lumapit sila sa cashier. Napansin niya kanina ang nag-iisang CCTv sa lugar habang sinasabi ang order. Sa tingin pa niya ay sapat naman ang puwesto ng CCTv upang makita lahat ang kaganapan sa loob ng restaurant.
“Excuse me, miss,” pukaw niya sa isang babae na nakabantay doon. “Puwede bang mapanood ko ang kuha ng CCTv niyo noong nakaraang tatlong linggo?” magalang niyang tanong.
“Bakit po? Hindi ko po alam sa amo ko kung puwede po,” alanganing sagot ng babaeng cashier.
“Importante kasi, miss, eh. Kailangan ko lang malaman kung sino ang kasama ng kapatid ko bago siya mawala.”
Nakita niya ang bahagyang gulat sa mukha ng babae. “S-sandali lang po. Tatawag lang ako sa amo ko.” Kinuha nito ang cellphone at may hinanap na contact saka may tinawagan.
“Ate, may babae po rito. Gusto raw pong mapanood ang mga kuha ng CCTv noong nakaraang tatlong linggo.” Huminto ito na tila may pinapakinggan. “P-para daw malaman niya kung sino ang huling kasama ng kapatid niya bago mawala.”
Muli itong natahimik at pagkaraaʼy ibinaba na ang cellphone. “Hintayin niyo na lang ang amo ko. Papunta na raw siya.”
Tumango siya rito at ngumiti. “Salamat.”
NABIGO si Elysse na malaman kung sino ang nakipagkita sa ate niya sa address na kanilang pinuntahan ni Andres. Hindi kasi niya nakita kung sino ang katagpo ng kapatid nang araw na iyon dahil wala namang lumapit dito. Mahigit kalahating minuto itong nakaupo lang at umalis din pagkaraan.
Ngayon, hindi na niya alam kung saan pa magpapatuloy. Wala na siyang mahanap pa na ibang clue bukod doon sa text message na naglalaman ng address.
“Mommy, Andres is sleepy,” ungot ng anak niya sa kanya.
Niyakap niya si Andres at kinantahan ng kantang gustung-gusto nitong pampatulog.
Pinatakan niya ng ilang beses ng magaang halik ang noo ng bata. Naisip bigla ni Elysse na ito na lamang ang mayroon siya upang magpatuloy sa buhay.
Ilang minuto na ang lumipas nang sa tingin niyaʼy mahimbing at malalim na ang tulog ng anak. Napagdesisyunan na niyang lumabas na muna ng kuwarto upang sumagap ng sariwang hangin sa garden. May mesa roon at dalawang upuang rattan. Pinili niyang maupo at tingalain ang madilim na kalangitan.
“Ate, kumusta ka riyan? Masaya ka ba dʼyan?”
Napabuntong hininga siya nang tanging katahimikan lamang ng paligid ang kanyang naririnig.
‘Ate, ano ba talagang nangyari sa ʼyo? Bakit mo piniling isuko ang buhay nang gano’n lang?’
Nahinto siya sa pag-iisip nang hindi sinasadyang may masagi ang paa niya sa ilalim ng mesa. Umatras siya ng kaunti at yumuko upang ayusin ang natumbang basurahan.
She took it to stand and in an instant, her eyes caught one thing. It looks like a black-and-white picture. She pick it up and to her shock, it was a picture of an ultrasound and it was named by her sister.
Sari-saring emosyon ang umalpas sa dibdib ni Elysse. Her sister was pregnant and yet she died. Parang balong umagos bigla ang mga luha ni Elysse.
Mas lalong tumindi ang pagnanasa niyang malaman ang dahilan ng pagpapakamatay nito.
Mabilis niyang itinupi ang papel at isinilid sa loob ng kanyang suot na roba saka nagtungo sa sariling silid nila ng anak.
Saka niya naalala si Veronica— ang matagal nang kaibigan ng kapatid. Bakit nga ba hindi niya agad naisip tawagan ito noon pa?
Dalawang ring muna ang kanyang narinig bago nito sinagot iyon. “Hello, Elysse?”
“V-Veronica,” nilingon muna niya si Andres na mahimbing na natutulog saka humakbang siya palayo rito upang hindi niya magambala ang tulog nito. “May itatanong lang sana ako. M-may alam ka ba kung bakit nagpakamatay si ate?” walang gatol niyang tanong.
“W-wala, Elysse. Nabigla na lang din ako sa balita.”
Ngunit sa tono nitoʼy, hindi siya naniniwala.
“Please. Kung may nalalaman ka, tell me,” pakiusap niya.
“Ely, nagsasabi ako ng totoo. Wala talaga akong alam sa desisiyon ng ate mo. Kung alam ko, sasabihin ko naman sa iyo. Pero wala—” ”
“Buntis si ate.”
“Ano?” Halatang nagulat ito sa sinabi niya. Gaya niyaʼy wala rin itong alam.
“I saw her ultrasound result. Nakalagay doon ang pangalan niya kaya nasisiguro kong kanya ʼyong ultrasound result. How come na naisip niyang magpakamatay, gayong magkakaanak na pala sila ni Kuya Carson?”
Natahimik ito sa kabilang linya saka bumuga ng hangin. “May sasabihin ako sa ’yo, Elysse pero sana… huwag sana pagmulan ng problema ito.” Nangako naman siya ngunit hindi naman siya sigurado. “The truth is, Beth told me once that she was frustrated about her mother-in-law.”
“Si Tita Celestine?” Naguluhan siya bigla.
“Yeah. Naikuwento sa akin ni Beth na pinipilit siya ng biyenan niyang pirmahan ang divorce paper at hiwalayan na si Carson. But she didnʼt mention her baby to me.”
Napapikit siya dahil sa kabang lumukob sa kanya ngayon. Ano itong nalaman niya? Hindi si Carson ang dahilan ng pagpapakamatay ng kapatid. May iba pang rason kung bakit at iyon ang dapat niyang malaman.
She remembered Elizabeth told her that she canʼt live without Carson in her life and that was five years ago when she found out that she was pregnant with somebody else.
“Pero bakit daw? Bakit siya pinapipirma ng divorce paper? Alam ba ni Carson ʼyon?”
Parang nais umalpas ng galit sa kanyang dibdib dahil wala siyang alam na ganoʼn na pala ang nangyayari sa pagitan ng kanyang ate at ng biyenan nito.
“H-hindi ko alam, Elysse. Nang tanungin ko kung bakit gusto ni Tita Celestine na pumirma siya sa divorce paper, bigla na lamang siyang nagpaalam na may gagawin pa. Tingin ko, kahit sa akin ay may itinatago rin si Beth.”
Napahawak siya sa kanyang sentido. Nakapanlulumong mag-isa lamang hinarap ng nakatatandang kapatid ang problema at wala man lang siyang kaalam-alam. Sumasakit na rin ang kanyang ulo sa sanga-sangang katanungan sa kanyang isipan.
Kaya bukas na bukas din ay sasadyain niya ang ginang. Kailangan niyang malaman ang totoong dahilan at nagawang ipilit ang paghiwalayina ang ate niya at si Carson.
Magdamag siyang hindi pinatulog ng mga iniisip. Laman ng kanyang isipan kung alam ba ni Carson na nagdadalang tao na ang asawa nito. Pinag-isipan din niyang maigi kung tama bang ipaalam pa niya sa lalaki iyon. Ngunit kung kanya namang gagawin iyon ay lalo lamang niyang dadagdagan ang guilt na nararamdaman nito. Kakayanin din ba ng loob niyang makitang naghihirap ito?
TININGALA ni Elysse ang gusali na pagmamay-ari ng pamilya Guillermo— Guillermo Enterprises. Mayroon itong limangpu’t limang palapag at batid niyang nasa pinakamataas ang opisina ngayon ni Celestine dahil ito muna ang pansamantalang namamahala roon. Sapagkat, mas pinili pa rin ni Carson ang mamukmok kaysa ang pamahalaan na ang kanilang negosyo.
Kaagad siyang nagtungo roon pagkatapos niyang maihatid sa school ang anak. Mabuti na lamang ay mamayang hapon pa niya susunduin si Andres. Siya naman ay dalawang araw na lang ay tapos na ang leave niya sa trabaho.
Binati siya ng guwardiya nang makapasok at ginatihan naman niya ng ngiti. Lumapit agad siya sa desk ng receiveng area at tinanong ang magandang babaeng nakaupo roon.
“Good morning, miss. Is Mrs. Guillermo at her office right now?” nakangiting tanong niya.
“Yes, maʼam. May I know their name?”
“Elysse Dela Serna. I have an appointment with Tita Celestine,” pagsisinungaling niya. “Kapatid ako ng late wife ng CEO.” Lihim siyang umasa na makilala siya ng babae.
Kaagad namang remehistro sa mukha nito ang recognition. “Wait lang po, maʼam. Tatawag lang po ako sa secretary niya para ipaalam na nandito kayo.”
Maagap niyang piniglan ito. “No need. Pupuntahan ko na lang siya. Thank you.”
“Okay, maʼam,” magalang naman na sagot ng babae sa kanya.
Tinalikuran niya ito saka tinungo ang elevator na maghahatid sa kanya sa palapag kung saan naroon ang opisina ng kanyang sadya.
Naglalakad na siya sa mismong pasilyo ng floor ng CEO nang makita niya sa hindi kalayuan na may lalaking basta na lang pumasok sa opisna. Alam niyang iyon ang kuwarto ng CEO dahil nag-iisa lang iyon sa buong palapag at minsan nang nakuwento ni Elizabeth sa kanya na ganoon ang style ng building na iyon.
Nang matapat sa pintoʼy binalak sana niyang maghintay na lang muna sa labas. Hihintayin na muna niyang makalabas ang lalaki bago pumasok. Ngunit hindi sinasadyang nahagip ng kanyang mga mata ang nagaganap sa loob. Ang pinto kasi ay bahagyang nakabukas kaya naman ay nakikita niya ang nangyayari.
Pigil ang hininga niya sa nakikitang ginagawa ng dalawa. Hindi niya akalain na may ganito karuming sekreto ang ina ni Carson. Pero may bagay pa siyang narinig na halos panawan siya ng ulirat.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






3 Responses
Ano kayang ganap Yan hahaha
Ooohhh ano nakita / narinig mo hahaha bukod sa pulot pukyutan hahaha
Bakit may pulut pukyutan🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣