The Second Mrs. Guillermo (Chapter 14)

PAGKATAPOS ng matagal at mapusok na halik na pinagsaluhan nila ni Carlo ay inilayo na rin ni Celestine ang sarili mula rito.

Maarteng hinampas ni Celestine ang dibdib ng binata. “Hindi mo dapat ginagawa iyon,” tukoy niya sa biglang paghalik nito sa kanya sa sariling opisina.

“Bakit? Tayong dalawa lang naman ang nandito, ah. Malabong may makaalam nito. Isa pa ay nag-iisa lang ang opisinang ito at malayo sa mga tauhan. Anoʼng inaalala mo?” Muli nitong pinatakan ng halik ang kanyang labi na ikinahagikgik niya. “Napakaganda talaga ng Celestine ko.”

“Hmp! Bola na naman, Carlo,” natatawang turan niya rito.

Lumayo na siya rito upang maawat na ito sa kahahalik sa kanya saka bumalik sa sariling upuan. Nagsasawa na siya sa mga ganoong gawain nila, sa totoo lang.

Si Carlo Domingo ang kanyang lover sa loob ng pitong taon. Ito na rin ng kanyang assistant sa trabaho. Si Carlo rin ang kumikilos kapag may transaction siya sa ilegal niyang negosyo. He also does the dirty work for her.

She’s already forty-five years old while Carlo was still in the early age of thirties. Nakilala niya ang lalaki sa isang casino noon at mula noo’y hindi na siya nilubayan nito. He even suits her by giving her some not-so-fancy flowers. Though he learned about her dirty business, Carlo even insisted that he could be her mid-man. He could do all the work for her just to make her safe. Sabi pa ng lalaki’y kaya rin nitong pumatay para sa kanya.

Ang totoo’y hindi mayamang lalaki si Carson. Sadyang malakas lang ang loob nitong gumawa ng mga ilegal para lang magkapera. At aware si Celestine na isang bagay iyon kung bakit gustung-gusto siya ng binata sa kabila ng malaking agwat ng edad nila sa isa’t isa.

Sa loob naman ng pitong taong iyon ay napatunayan naman ni Carlo ang sarili sa kanya. Kaya lamang ay may pagkakataong nagsasawa na siyang pagbigyan ito sa kama. But she couldn’t also afford to lose Carlo. Kailangan pa rin niya ito kung minsan.

Sumunod na sa kanya si Carlo saka umupo rin sa isa sa mga upuang malapit sa mesa niya.

“Ano naʼng plano mo ngayong nadespatsa mo na ang manugang mo?”

Napangiti siya nang maalala ang pagpapakamatay ni Elizabeth. “Tama lang ang ginawa niya. Tamang siya na ang tumapos sa buhay niya dahil kahit hindi niya gawin iyon, ako pa rin ang papatay sa kanya kapag hindi niya ginawa ang gusto kong mangyari.” Nagsindi siya ng sigarilyo bago muling nagsalita. “Ngayon, dapat na lamang natin asikasuhin ang mga dapat i-deliver sa mga kostumer natin.”

“Speaking of that matter, naka-schedule nang bumiyahe patungong Singapore ang mga inutos mo sa ʼkin.”

“Good. Siguradong matutuwa na naman si Mr. Chan sa mga ipapadala natin sa kanya.”

“Kumusta na nga pala ang anak mo?”

Biglang umasim ang mukha niya nang maalala ang anak. “Hanggang ngayon, nagluluksa pa rin siya sa basura niyang asawa. Napilitan tuloy akong papuntahin si Elysse sa bahay kasama ang anak niya.”

“Elysse? ʼYong bunsong kapatid ni Elizabeth?”

“Exactly. Alam kong hindi ang tipo ni Carson ang magsasayang ng buhay para sa isang taong minsan na siyang tinraydor but Iʼm still worried. Hindi siya kumakain. Maski ang mag-ahit ng bigote ay hindi na niya nagagawa. Nagmumukha nga siyang ermitanyo sa lungga niya. He even fired his maids. Nag-aalala akong walang titingin sa kanya.”

“Kaya si Elysse ang pinapunta mo, ganoʼn ba?” nanunubok nitong tanong.

“Oo. Why? Is thereʼs something wrong?”

“Did ever cross in your beautiful mind that there a possibility that maybe they would fall in love with each other?

Tinitigan niya ang mukha ng lalaki saka humithit sa sigarilyo at bago siya sumagot ay marahan niyang ibinuga sa ere ang usok.

“Bago mo itanong ʼyan ay sumagi na rin sa isip ko ʼyan at tama ka nga, may posibilidad subalit maliit lamang ang chance. But if that happened, I already made a plan for her. Ngayon, nasa kamay na lamang ng babaeng iyon ang desisyon kung nanaisin din ba niyang sumunod sa yapak ni Elizabeth.”

Carlo laughed with astonishment on his face. “Bilib na talaga ako sa ʼyo, mahal ko.”

Sa itinuran ni Carlo ay hindi na rin niya napigilan ang mapangiti nang may bahid ng kasamaan.

 

HALOS maubos ang hangin sa dibdib ni Elysse habang pilit niyang inihahakbang ang mga paa paalis ng gusaling iyon at kasabay niyon ay nagsisibagsakan din ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Paano nangyaring ang isang tulad ng ina ni Carson na mahinhin, edukada at kinabibiliban ng lahat ay magpaplano ng hindi maganda sa kanyang kapatid?

Narinig niya mula sa bibig nito ang lahat ng sagot sa mga katanungan niya.

Napahawak siya sa pader ng elavator dahil pakiramdam niyaʼy hihimatayin na lamang siya bigla.

“Miss, ayos ka lang?” tanong ng isang babaeng empleyado nang mapansin ang namumutla niyang anyo.

Tumango siya saka binalewala ang presensya nito. Muling umukilkil sa isipan niya ang narinig kay Celestine.

“Ano na’ng plano mo ngayong nadespatsa mo na ang manugang mo?” narinig niyang tanong ng lalaki kay Celestine.

“Tama ang ginawa niya. Tamang siya na ang tumapos sa buhay niya dahil kahit hindi niya gawin iyon, ako pa rin ang papatay sa kanya kapag hindi niya ginawa ang gusto kong mangyari.” Nahimigan niyang masaya si Celestine nang sabihin iyon kaya talagang halos bumagsak siya sa sahig nang marinig iyon.

Nang sa wakas ay nagawa na niyang makasakay sa kotse ay doon lamang niya pinakawalana ng nararamdamang sakit.

“Napakasama mo Celestine! Anoʼng kasalanan ni ate para gawin mo sa kanya ito?” lumuluha niyang sabi kahit na nga ba walang nakakarinig sa kanya. “A-ate… Patawarin mo ako h-hindi man lang kita nadamayan sa problema mo.”

Hinayaan niya ang sariling humagulgol sa loob ng kotse. Hindi siya maaaring magmaneho nang ganoon ang kanyang kalagayan.

Mayamaya paʼy naalala niya si Andres kaya naisip niyang tawagan si Manang Zenny.

“H-hello, manang?”

“Oh, Elysse. Napatawag ka? Kumusta na kayo ni Andres dʼyan?” narinig niyang sabi nito sa kabilang linya.

“Manang nasaan po kayo?” sa halip na tanong niya.

“Narito lang sa bahay. Bakit? May problema ba, anak?”

“Pʼwede po bang kayo na muna ang magsundo kay Andres sa school?” Sa lagay kasi niya ngayon ay hindi siya maaaring makita ng anak na namamaga ang mga mata. Siguradong magtataka ito.

“Pasensya na, manang kung kailangan niyo nang bumalik. Ideresto niyo na lamang sa bahay si Andres,” bilin niya. “Kukunin ko pa po mga gamit namin sa bahay ni Carson.”

“Wala naman akong ginagawa dito sa bahay. Sige. Mag-aasikaso na ako para sunduin si Andres. Mag-iingat ka sa daan.” Pagkasabi niyon ay nagpaalam na siya sa matanda.

Itiningala niya ang ulo sa kisame ng kotse saka humugot ng hangin. Naalala niya ang masayang mukha ng kapatid bago ito mamatay. Pero sa isang iglap naglaho iyon. Ang ina ni Carson ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Elizabeth. Iniisip din niya kung bakit pinaghihiwalay ni Celestine ang mag-asawa.

Hindi namamalayan ni Elysse na unti-unting nababalot ng galit ang puso niya. Hindi niya puwedeng palagpasin ang ginawa nito sa kapatid niya. Kung ganoon, kukunin din niya ang iniingatan nitong anak. Ipapaalam ni Elysse sa mundo kung gaano kasama ang budhing mayroon si Celestine.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Second Mrs. Guillermo (Chapter 14)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

3 Responses

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.